Awiting Bayan
Awiting Bayan
Awiting Bayan
AWITING BAYAN
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!
Dalagang Pilipina
Ang dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang
ganda
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundoy dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap
Batis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Ganyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na
pagsinta
(Maging sa ugali, maging kumilos,
mayumi,
mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob.)
Sa Libis ng
Nayon
Kahit na gabing madilim sa libis ng
nayon
Taginting nitong kudyapi ay
isang himatong
Maligaya ang panahon sa lahat ng
naroroon
Bawat pusoy tumutugon sa
nilalayon.
Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging
amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan.
Kung ang hanap mo ay ligaya sa
buhay
Sa libis ng nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong
kalooban,
Kayamanan at dangal ng kabukiran.
Alembong
Alembong, alembong
Ang ibig sabihin
Pumasok sa puso ang isang paggiliw
Alembong, alembong
Ay isang damdamin
Na kahit kanino ay dumarating
Pag-ibig ang tanging hanap ng lahat
Ligaya na 'wag na sanang magwakas
Alembong ay napapansin sa sulyap
Sa kilos man lamang nagtatapat
Alembong, alembong
Ang ibig sabihin
Halina, halina at ako ay ibigin
Alembong, alembong
Ika'y mahal sa akin
Kaya't mahal sa akin
Kaya't ang alembong
Ay naglalambing.