Interpretasyon NG Kahulugan NG Walang Sugat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1 Lagonera

Buo sa simula; buo muna at saka masusugatan.

Umalingawngaw sa akin itong paglalarawan ni Edgar Samar na

makikita sa kanyang Tesis1 sapagkat tunay nga na ang lahat ng sugat ay

minsan, buo. Nahihiwagaan lamang ako na nagsimula ang sarsuwelang

Walang Sugat ni Severino Reyes nang maligaya at mapayapa (batang Julia

at Tenyong), nang buo, ngunit bakit wala pa ring sugat gayong ito ay

kuwento ng rebolusyon, ng sakripisyo?

Bago ito ay sumasalamin sa rebolusyon, ang Walang Sugat ay

kuwento ng pag-iibigan nina Tenyong at Julia. Simula pa lang, pilit nang

ikinakalas ang pag-ibig ng dalawa, sa di-pagsang-ayon ni Aling Juana at sa

presensya ng maimpluwensyang si Miguel. Sa pagsapit ng rebolusyon,

tuluyang napaghiwalay ang magkasintahan. Ngunit sa pagtatapos, mismong

ang rebolusyon ang naging instrumento upang maipakasal sila. Ayon pa kay

Samar, masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan, ang pagsusugat na

iyon ay intensyon ng mismong may-katawan. Samakatuwid, balewala ang

sakripisyo, ang mga sugat sa giyera, kung sa huli, ito ang magbabalik sa

dalawa. Hindi nasugatan ang pag-iibigan ng dalawa.

Bukod riyon, ang sarsuwela ay higit na isang pagsasalamin sa mga

karanasan ng Filipinas sa kolonisasyon ng mga Kastila. Ang kuwento ay

natakda sa huling dekada ng ika-19 siglo, sa isang maliit na bayan. Ang

panahong ito ang pagtatapos ng paghahari ng mga Kastila. Samakatuwid,

ang lahat ng mga sugat mula sa paghihirap at sakripisyo ay nagtapos sa

pagtatagumpay ng mga Filipino sa rebolusyon. Wala na ang mga sugat na


2 Lagonera

dulot ng mga Kastila nang mamatay si Kapitan Inggo dahil sa pagpapahirap

ng mga kura paroko, nang ikulong ang mga kalalakihan dahil sa

pagrerebelde, nang ibuwis ang mga buhay ng mga Katipunero. Mahalaga

na itakda ito sa isang maliit na bayan sapagkat kumakatawan ito sa

nararamdaman ng bawat bayang may kontribusyon sa pagpapalaya mula sa

mga Kastila, sa pagpapakita sa sugat na hindi na kailangang danasin ng

bawat Filipino sapagkat nagtapos na ang paghihirap sa loob mga Kastila.

Ayon pa nga sa isang salawikain, kailangang masaktan upang muling

maging buo. Muli, masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan, ang

pagsusugat na iyon ay intensyon ng mismong may-katawan. Bapakaraming

pagsasakripisyo at sugat na pinagdaanan, ngunit kailangan ito upang sa

huli, maging buo muli.

Ngunit bakit, matapos ang giyera, walang mga sugat si Tenyong?

Mahiwaga (ideyal?) Sa aking tingin, itong literal na kawalan ng sugat ang

makapagbibigay-sagot sa isa pang palaisipan ng Walang Sugat.Sapagkat

ang dula ay puno ng sugat, pagpaslang, sakripisyo, samakatuwid sa tingin

ko ay nangangailangang isaalang-alang ang isa pang kasaysayan.

Sa kontekstong maimpluwensya ang Kristiyanismo (panahon ng

Kastila), ang sugat ay nagpapaalala sa mga sugat ng paghahandog ni Kristo.

Ito ay simbolo ng pag-ibig, at sa kuwento, pag-ibig sa bayan. Hindi natin

maitatanggi na may pag-ibig sa bayan, na may sugat, ang mga tauhan tulad

nina Tenyong, ang tatay nito, si Julia, mga bilanggo, at ang mga

Katipunerong nag-alay ng buhay sa giyera. Ngunit kung tatandaan, ang


3 Lagonera

dulang ito ay unang inilabas nuong 1902, ang pagtatapos ng rebolusyon

laban sa Amerika, at muling pagkatalo at pagkasakop ng mga Filipino. Kung

ang isang tao ay manunuod ng dula tungkol sa pagsasakripisyo sa

rebolusyon, sa isang panahon na may bagong mananakop, ano ang

mararamdaman nito?

Sa kabila ng mga sakripisyo, balewala ang mga sugat, ang mga

pagsasakripisyo, sapagkat sa huli, sa mga Amerikano rin naman sila

mapupunta. Wala ring nangyari. Samakatuwid, ang dula ay nagpapaalala sa

manunuod sa mga nabalewalang sugat nuong panahon ng mga Kastila

bagaman nagsakripisyo ang mga Filipino nang lubos.

Ayon kay Samar, ang mga sugat ay paggising, paghiwa sa sarili ang

pagsisikap ng ilan na maging gising at malay sa paligid. Kailangan na

magising upang maipakita ang pag-ibig sa bayan. Ang sarsuwela, bagaman

nga nakatutuwa, ay isang dulang may nakaungkit na mensahe sa anumang

panahon. Ang naglalakad ng matulin, Kung matinik ay matulin. Taglay raw

natin ang sugat ng paglimot, laging nagmamadali papalayo. Mabilis nating

nalilimutan ang mga sakripisyo ng nakaraan, ang mga nag-alay ng buhay.

Ang sarsuwela ay nagpapaalala sa isang mensahe sa tulad ng nangyari sa

panahon ng Kastila, sa tulad ng nabalewalang sugat sa pagsakop ng mga

Amerikano, ang paggising tungo sa tunay na kasarinlan. Samakatuwid,

mahalagang magtapos ang Walang Sugat sa sigaw ng walang sugat bilang

hamon sa manunuod na alalahanin ang pag-aalay para sa bayan nuong

rebolusyon mula sa mga Kastila.


4 Lagonera

Buo sa simula; buo muna at saka masusugatan.

Tunay, nagsimula ang Walang Sugat nang maligaya at payapa, nang

buo. Hindi maitatanggi sa sarsuwela, may mga sugat, may pag-ibig sa

bayan, may paggising. Ngunit sa pagsusugat na ito naganap ang

pagihihilom. Ang mga sugat na ito ang naging daan upang magkabalikan

sina Julia at Tenyong. Ang mga sugat ring ito ay mahalaga upang makamit

ang kasarinlang mula sa mga Kastila at tuluyang maitanggal ang mga sugat

na ito mula sa lipunan. Minsan, ang pagsusugat din ay nababalewala.

Pumapasok ang Walang Sugat sa tila walang naibungang rebolusyon,

sasakupin din naman ng mga Amerikano, muli rin namang mabubulag na

mga Filipino. Masusugatan, ngunit lilipas ay makalilimutan ang dahilan sa

mga sugat na ito. Ipinapaalala tayo ng mga pangyayari sa rebolusyon,

upang magising muli, sa panibagong hamon ng mga Amerikano, at ng

pakikibaka sa kasalukuyan tungo sa tunay na kasarinlan, na sa pagkamit

lamang ng tunay na kasarinlan maipapakita ang tunay na sugat, sugat na

may bunga, sugat na naaalala, sugat na nararamdaman.

1
Tayong Lumalakad Nang Matulin: Talambuhay at Kalipunan ng Tula, Edgar

Samar, 2004, Pagtahak sa Talinghaga ng Sugat, pp. 104 - 132.

You might also like