Gabaysapagtuturo - Gamit NG Wika Sa Lipunan
Gabaysapagtuturo - Gamit NG Wika Sa Lipunan
Gabaysapagtuturo - Gamit NG Wika Sa Lipunan
:
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
NILALAMAN: (Paksang Aralin) GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdaanan ng Wikang Pambansa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: 1. Natutukoy ang ibat ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng panonood ng palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-
Id-87)
2. Naipapaliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa (F11PS-Id-87)
DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO: 1.1 Natukoy ang ibat ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula
1.2 Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa
1.3 Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng ibat ibang gamit ng wika sa lipunan
INILAANG ORAS: 60 minuto
BALANGKAS
1. PANIMULA : Isang araw, isang salita (5 minuto)
2. PAGGANYAK : Pagbasa ng mga pahayag (10 minuto)
3. INSTRUKSYON : Pagpapakilala ng 6 na gamit ng wika (25 minuto)
4. PAGSASANAY : Panunuod ng mga piling palitan sa isang pelikula (10 minuto)
5. PAGPAPAYAMAN : Pagkilatis sa gamit ng wika sa A) Social Media B) Balitang Pantelebisyon (sa labas ng klase)
6. PAGTATAYA : Pagbibigay ng sariling halimbawa ng ibat ibang gamit ng wika sa lipunan (10 minuto)
5. Ipaliwanag kung ano ang gamit ng wika sa bawat pahayag na Mga Teminolohiya
ginagamit sa pagganyak.
a. Unang Pahayag Uuuy pare! Long-time-no-see. Maligayang Sa puntong ito, malaki ang posibilidad na hindi maisasagot ng mga mag-aaral ang teknik na terminolohiya.
kaarawan!