DLP - 11 - Homogenous at Heterogenous
DLP - 11 - Homogenous at Heterogenous
DLP - 11 - Homogenous at Heterogenous
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
C. Kasanayan:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT – Ia – 85)
Sanggunian: Taylan, D., Petras, J., & Geronimo, J. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. REX Book Store.
Espina, B., Borja, F., Cabiles, NV., Cepeda, E., Denusta, J., Espedion, R., Magtulis, E., Pama, H., &
Quidato, JG. (2012) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. WVSU Publishing House & Bookstore
Dayag, A., del Rosario, M.G. (). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Phoenix Publishing House.
Laptop
Projector
Batayang Aklat
Mga kauganay na babasahin
Power Point Presentation
IV. Pamamaraan
A. Pagganyak
SALITUMBASAN:
-Pagbibigay ng iba’t ibang salita na may parehong kahulugan.
-Pagbibigay ng iba’t ibang kahulugan sa isang salita
Tanong-Sagot:
Ano ang inyong natuklasan kaugnay ng panimulang gawain?
B. Pagtalakay sa Aralin
Mga Tanong:
1. Ano ang homogenous na wika?
2. Ano ang heterogenous na wika?
3. Ano ang pagkakaiba ng homogenous sa heterogenous na wika?
4. Paano makakatulong ang homogenous at heterogenous sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan?
5. Bakit mayroong homogenous at heterogenous na wika at ano ang kahalagahan nito
sa buhay, tao at lipunan?
C. Paglalahat
Panuto: Gamit ang heterogenous at homogenous na wika, gagawa ang mga mag-aaral
ng iba’t ibang uri ng pagtatalakay tungkol dito.
Pangkat I- Role Play
Pangkat I- Talk Show
Pangkat I- Jingle (2 saknong)
Pangkat I- Talumpati (2 talata)
Batayan sa Pagmamarka:
a. Kaangkupan sa paksa 40%
b. Wastong gamit ng mga salita 30%
c. Pagkamalikhain 20%
d. Orihinalidad 10%
Kabuuan 100%
D. Paglalapat
Pagsulat ng dalawang talata ukol sa karanasan sa Senior High School (SHS) gamit ang
wikang homogenous at heterogenous.
E. Pagtataya
_______________ 1. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing walang
buhay na wika ang ganito sapagkat kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang
pagsasalita ng lahat ng gumgamit ng isang wika.
______________ 6. Ito ay barayti ng wika kung saan lumulutang ang personal na katangian at
kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
______________ 7. Ito ay ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular
na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
______________ 8. Ang wika ay nakabatay ang pagkakaiba- iba sa katayuan o antas panlipunan
o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
______________ 9. Ito ang tawag sa wika ng mga bakla o beki na nagsimula bilang sikretong wika
subalit kalauna’y ginagamit na rin ng nakararami.
______________ 10. Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang
pangkat-etniko.
V. Takdang Aralin
Inihanda ni:
TESSAHNIE S. SERDEÑA