14 Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pebrero 29, 2016

Grade 10

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan X


Ekonomiks

I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nasusuri ang dahilan at epekto ng Impormal na Sektor sa ekonomiya ng bansa.
B. Aktibong nakalalahok sa mga gawain at presentasyong may kaugnayan sa aralin.
C. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Impormal na Sektor sa pag-unlad ng bansa.

II. Nilalaman
A. Paksa: Impormal na Sektor (Paunlarin)
B. Sanggunian: LM Ekonomiks
nina Bernard R. Balitao, et. al
pp. 432 444
C. Kagamitan: aklat, LCD Projector, laptop

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na gawain
Pagdarasal at pagbati
Pagpuna sa kaayusan ng kapaligiran
Pagtala ng liban

B. Paglinang sa Aralin
1. Pagganyak
Panuto: Magbibigay ng senaryo ang guro kung saan bibigyan ito ng reaksyon ng mga mag-
aaral.
Senaryo:
Ipinagbabawal ang pagtitinda sa mga bangketa. Kung ikaw ay isang pulis at may
nakita kang isang matandang nagtitinda sa bangketa, ano ang iyong gagawin?

Mga katanungan:
Batay sa senaryo, ano ang iyong magiging desisyon? Bakit?
Bakit naglipana ang naturang senaryo sa mga kalye o bangketa?

2. Mga Gawain Batay sa Modyul:


Gawain 4: PROJECT R.A.I.D. (READ, ANALYZE, INTERPRET AND DRAW)
Gawain 5: WORDS / CONCEPT OF WISDOM! SABI NILA! ISULAT MO!
Gawain 6: TEKSTO SURI

3. Talakayan
1. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit pumapasok ang isang tao sa
loob ng Impormal na Sektor? Bakit?
2. Paano naiiba ang Impormal na Sektor sa ibang sector ng ekonomiya?
3. Paano mo nakikita ang Impormal na Sektor batay sa iyong pananaw?
4. May epekto ba ang Impormal na Sektor sa ekonomiya ng bansa? Patunayan.

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga
Panuto: Tatawag ang guro ng piling mag-aaral upang sagutin ang katanungan.

Masama o mabuti ba ang epekto ng Impormal na Sektor sa ating bansa? Bakit?

IV. Takdang-aralin
Basahin at unawain ang pahina 445 para sa pagnilayan.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Kyna Rae C. Sta. Ana Gng. Ana Leah L. Wenceslao


Nagsasanay na Guro Cooperating Teacher

You might also like