Script Filipino
Script Filipino
Script Filipino
Apat na sisidlan
Sing-sing, hikaw, hiyas, wallet, lalagyan ng posporo, relo, kwintas, mga bato.
Locket
Tables
Kama
Liham
2 Rebolber
Karton
Characters:
Simoun -Xander
Kabesang Tales - Paul
Hermana Penchang- Deanna
Kapitan Basilio-Jowan
Kapitana Tika-Jeddah
Sinang-Nicole
Ketongin-Luc
Maria Clara-Lian
Friend One - Josephine
Friend 2-Sophia
Tatlong patay Josephine, Lian,Jowan
Tulisan -Jowan
Sound Effects:
Putok ng baril
Makalumang kanta (Instrumental)
Simoun: Sapat na ba ang aking rebolber upang proteksyonan ang aking sarili pati na
rin ang aking mga alahas?
Kabesang Tales: Sapat na iyang rebolber mo. Malayo ang kayang abutin nito.
Hermana Penchang: Nais ko sanang makita ang iyong mga binebentang singsing
para maibigay sa birhen ng Antipolo.
*Simoun inaayos ang mga alahas sa mesa, sila Sinang, nagtitingin-tingin. Dinampot
ni Sinang yung asul na hikaw*
Sinang: Napakaganda ng hikaw na ito. Bagay na bagay sa akin. Magkano ho ang isang
ito?
Hermana Penchang: Abay oo nga! Nais ko pa naman sanang ialay iyan sa Birhen
upang matupad ang aking mithiin na maisama ang aking pangalan sa himala,
mapunta sa langit, at manatili sa ala-ala ng mga tao.
Simoun: Alam niyo bang pag itong mga hiyas na ito ay may kakayahang mapaligaya
ang pitong dalaga sa pitong araw ng pagdalo sa pagtitipon? Itoy may ibat ibang
hugis at mahahalagang hiyas ang mga nakapaloob dito katulad na lamang ng rubi,
brilyante, sapiro, Esmeralda at perlas.
Kapitana Tika: Huwag ka ngang maingay jan! Baka mamayay taasan niyan ang
presyo ng mga alahas na kanyang ipinagbibili.
*ipinakita ni Simoun and sisidlan na mayroong mga batong magagara*
Sinang: Hesusmaryosep!
Simoun: Ito namang mga itim na brilyanteng ito ay napakahirap tapyasin dahil sa
katigasan nito. Mayroon din akong brilyanteng kulay berde dito na
mapagkakamalang Esmeralda. Tinawaran ito ni Quiroga ng anim na libong piso
upang ibigay sa ginang na may malakas na kapit sa pamahalaan. May mga batong
maliliit pa sa berde ngunit hindi ko maipagbili ng kukulangin sa tatlmupung libong
piso.
----CLOSE LIGHTS----
Simoun: Siya nga pala . Akoy nagpapalit at bumibili rin ng mga matatandang alahas.
Sinang: Kabesang Tales.. Naaalala niyo pa po ba ang locket ni Huli? Maari niyo pong
ipagbili iyon.
Kabesang Tales: Tama , ang locket ! Sa katotohan ay nasa akin ang locket na iyon.
Sinang : Opo Senor . Kung aking matatandaan , Pista noon ng San Diego ng kami ay pumunta
sa bayan .
---Flashback ---
Close lights. Spotlight kina Maria Clara
*Nakaupo yung ketongin yung ketongin sa tabi. Sila maria clara at kanyang mga
kaibigan ay nagtatawanan*
Friend 2: Oo nga.
Maria Clara: Wala na akong ibang maibibigay sayo kundi ang locket na ito. Sanay
ingatan mo.
*lalakad palayo*
Friend 1: Bakit mo ginawa iyon ? Hindi bat Importante iyon sayo ? Ang locket na
iyon ay bigay pa ng iyong ama !*sabi kay Maria Clara *
Simoun: Maaari kong bilhin ang locket na iyan sa halagang limangdaang piso.
Hermana Penchang: Ay nako! Mahalaga kay Huli ang locket na iyon sapagkat mas
pinili pa nitong magpaalila sa akin kaysa ipagbili ang locket na ibinigay ng
kasintahan nito.
Kabesang Tales: Pupuntahan ko muna ang aking anak upang ipagbigay alam sa
kanya. Babalik ako bago lumutang ang dilim.
----CLOSE LIGHTS----
(Acting lang)
*Kabesang Tales lalabas mula sa bahay dala ang rebolber . Handan a siyang sumali
sa mga rebelde*
*Tulisan papasok susunduin si Kabesang Tales*
Exit
---Close Lights---
--Open Lights and Curtain--
*Kama. Liham sa taas kasama ang locket*
Simou: Sa wakas ay natagpuan ko rin ang aking tauhan, may pagkamainuhin nga
lamang ngunit may isang salita.
---CLOSE LIGHTS----
---Open Lights (red)---
Sound effects