Ang Matanda at Ang Dagat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panuto: Basahin at unawain ang buod ng nobela

“Ang Matanda at ang Dagat”


Mula sa orihinal na “The Old Man and The Sea” ni Ernest Hemingway

Si Santiago ay pumalaot ng walumpu’t apat na araw nang walang nahahalinang


isda sa laot. Ito ay itinuturing na “salao,” ang pinakamasamang kaanyuan ng
kamalasan. Napakamalas niya na ang kaniyang batang aprendis (tao na nagtratrabaho
nang walang bayad upang matuto lámang sa gawaing pinag-aaralan niya) na si Manolin
ay pinagbawalan ng mga magulang nito na pumalaot kasama niya. Sa halip, sinabihan
si Manolin na sumama na lamang sa mga magagaling na mangingisda. Binibisita ng
batang lalaki si Santiago sa kaniyang kubo bawat gabi, hila ang bingwit, pinaghahanda
niya si Santiago ng pagkain, nakikipag-usap siya tungkol sa American baseball at ang
paboritong manlalaro ng matanda na si Joe DiMaggio. Sumunod na araw, sinabihan ni
Santiago si Manolin na siya ay maglalayag nang malayo patungong Gulf Stream,
Hilaga ng Cuba sa kipot ng Florida para mangisda, kumpiyansa siya na ang kaniyang
kamalasan ay malapit nang matapos.
Sa ika-85 na araw ng kaniyang nakapanlulumong pangingisda, naglayag si
Santiago gamit ang kaniyang bangka patungo sa Gulf Stream, inilagay ang kaniyang
mga linya at, sa tanghali, ay may nakuha ang kaniyang pain na isang malaking isda at
nasisiguro niyang ito ay isang marlin. Hindi magawang mahila ang malaking marlin, sa
halip ay si Santiago ang nahila nito. Dalawang araw at gabi ang lumipas habang hawak
ang linya. Kahit nasugatan sa pakikibaka at sakit, ipinahayag ni Santiago ang
mahabaging pagpapahalaga ni Santiago sa kaniyang mga kaaway, madalas niya itong
tinutukoy bilang isang kapatid. Napagtanto din niya na walang sinoman ang karapat-
dapat na kumain sa marlin, dahil sa matatag na karangalan nito.
Sa ikatlong araw, nagsimula nang mag-ikot ang isda sa bangka. Kahit pagod at
halos nahihibang na si Santiago, ginamit pa rin niya ang lahat ng kaniyang natitirang
lakas para hilahin ang isda papunta sa gilid nito para saksakin gamit ang salapang.
Itinali ni Santiago ang marlin sa gilid ng kaniyang bangka para lumayag pauwi habang
iniisip ang mataas na presyo na hatid ng isda sa kaniya sa palengke at kung gaano
karaming mga tao ang kaniyang mapapakain.
Sa kaniyang paglalayag pauwi, naakit ang mga dentuso sa dugo ng marlin.
Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at sinagpang nito ang huli ng matanda. Pinatay
ni Santiago ang isang malaking Mako shark gamit ang kaniyang salapang, ngunit
naiwala niya ang kaniyang salapang. Gumawa siya ng bagong salapang sa
pamamagitan ng pagtali ng kaniyang kutsilyo sa dulo ng sagwan para salagin ang
susunod na grupo ng pating; limang pating ang napatay at maraming iba ang
napalayas. Ngunit patuloy pa ring dumadating ang mga pating. Patalon-talon ang mga
isdang-lawin sa magkabilang gilid ng kaniyang prowa. Pagtakipsilim, halos naubos na
ng mga pating ang buong katawan ng marlin, naiwan ang kalansay ng isda na halos
binubuo ng gulugod, buntot at ulo nito.
Sa wakas nakaabot siya sa baybayin bago ang liwayway sa susunod na araw,
pinagsikapan ni Santiago na makabalik sa kaniyang kubo, habang pasan ang mabigat
na poste ng layag sa kaniyang balikat. Pagdating sa kaniyang kubo, natumba siya sa
kaniyang kama at nakatulog ng mahimbing. Sumunod na araw, isang grupo ng
mangingisda ang nagtipon sa paligid ng bangka kung saan nakatali ang kalansay ng
isang malaking isda. Sinukat ito ng isa sa mga mangingisda at nadiskubre nilang ito
pala ay may taas na labingwalong talampakan mula ilong hanggang buntot. Ang mga
turista sa kalapit na cafe ay inakalang ito ay isang pating. Nag-alala si Manolin sa
matanda, habang naiiyak na makitang siya pala ay ligtas na natutulog. Dinalhan siya ng
batang lalaki ng dyaryo at kape. Nang magising ang matanda, nag-usap at ipinangako
nila sa isa't isa na magkasama silang mangingisdang muli. Sa muling pagtulog niya,
napanaginipan ni Santiago ang kaniyang kabataan—mga leon sa isang dalampasigan
sa Africa.

Sanggunian:
Ambat, V. et al. (2015). Panitikang Pandaigdig: Patnubay ng Guro. Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon.

You might also like