Mga Pahayag Sa Pagbibigay NG Mga Patunay
Mga Pahayag Sa Pagbibigay NG Mga Patunay
Mga Pahayag Sa Pagbibigay NG Mga Patunay
May mga pahyag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito
upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga
tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo pang
makapagpapatunay sa katotohanan ng inillahad.
May dokumentaryong ebidensya – ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaring nakasulat, larawan, o
video.
Kapani-paniwala - ipinapakita ng salitang ito na ang mga ebidensya, patunay, at kalakip na ebidensiya ay
kapanipaniwala at maaaring makapagpatunay.
Taglay ang matibay na kongklusyon – isang katunayang pinalalakas ng ebidensya, pruweba, o impormasyon na
totoo ang pinatutunayan.
Nagpapahiwatig – hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensya subalit sa pamamagitan ng
pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.
Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.
Nagpapatunay/katunayan 0- salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag.