Panitikang Pilipino (Unreal)
Panitikang Pilipino (Unreal)
Panitikang Pilipino (Unreal)
IMAHISMO
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.
Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat
maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang
nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa
mga naapi.
REALISMO
inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda
ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas,
matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito
nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at
ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang
MARKSISMO naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.
ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng
ROMANTISISMO ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo
sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at
guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan,
pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na
kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na
materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw
na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng
kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.
Halimbawa ng Panitikan
1.) Alamat
2.) Bugtong
4.) Epiko
5.) Pasyon
6.) Talumpati
7.) Tula
8.) Tayutay
9.) Parabula
10.) Palaisipan
ALAMAT
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook,at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng
mga mito at kuwentong-bayan.Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng
ingles.
ALAMAT NG IBON
BUGTONG
Ang bugtong, pahulaan o patuturan ayisang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan
na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang
bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning
ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na
pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng
patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Ako'y may tapat na kaibigan, Saan man ako magpunta kasama ko kahit saan.
SAGOT; ANINO
SAWIKAIN
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga
gintong aral.
Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na
nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating makabagong henerasyon.
Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno na may makatang kakayahan o
kaisipan at nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga kabataan upang maiwasto ang
mga pamantayan ng pamumuhay.
Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng mga kabataan ang kabutihang asal,
kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging sa paglilingod sa Diyos na
sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa kaniyang mga nilalang.
PARABULA
Ang Parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na
parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o
nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay
ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
EPIKO
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga
kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking
epiko.
TALUMPATI
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito
ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig. Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap
ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang
ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o
walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sawikang Ingles ang talumpating walang
paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng
mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang
sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang
sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng
balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas
lamang.
TAYUTAY
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o
paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.