DLL - Demo (Sir Rapada)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Paaralan MAYPANGDAN NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas GRADE 8

Guro BB. DIANA MARIE C. AMOSCO Asignatura ARALING PANLIPUNAN


Petsa/Oras FEBRUARY 20, 2017/ 1:00 – 2:30 Markahan UNANG MARKAHAN

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay

Naipapamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran na nagbibigay daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

B. Pamantayang sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay

Nakakabuo ng panukalang proyekto na nagsususlong sa pangangalaga at preserbasyon sa mga pamana ng mga sinsunang kabihasnan sa Daigdig
para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.
C. Mga Kasanayan saa pagkatuto CODE
6. Niuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig sa pamamagitan ng pangkatang pagkatuto AP8HSK-Ig-6
gamit ang napagkasunduang pamantayan.

II. NILALAMAN A. Tema


Panahon, Pagbabago at Pagpapatuloy

B. Paksa
Ang pagsisimula ng Kabihasnan sa Digdig (Prehistoriko- 1000 BCE).
Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

C. Konsepto
Paleolitiko (Lower Paleolithic, Middle Paleolithic, Upper Paleolithic)
Neolithic (Bagong bato)
Panahong Metal (Pagtuklas, Pagtunaw, at Pagpanday ng Bakal)
Mga sinaunang tao (Australopithecine, Homo habilis, Homo erectus, Homo sapiens)
D. Balangkas

I. Mga sinaunang Tao


A. Tatlong pangkat ng Homo species na nabuahay sa sa daigdig at naging ninuno ng kasalukuyang tao.
1. Apes/Chimpanzee
2. Australopithecine (Lucy)
3. Homo habilis, Homo erectus, Homo sapiens
B. Pasisimula ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
1. Pagkaaran ng paglitaw ng Homo species partikular na ang Homo habilis.
2. Panahong Paleolitiko. Unang gumamit ng apoy at pangangaso.
a.) Lower Paleolithic Period. Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig at hindi pa lumikha ng mga kasangkapan.
b.) Middle Paleolithic Period. Pagpipintanta sa katawan
c.) Upper Paleolitic Period. Unang pamayanan sa anyong campsite at paglitaw ng komplikadong pagpapangkat ng lipunan, paglitaw ng
taong Cro- Magnon.
3. Panahong Nelitiko.
a.) Pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya.
b.) Paggamit sa makinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at
paghahabi.
c.) Naganap ang rebolusyong agrikultural
d.) Catal Huyk – pamayanang matatagpuan sa kapatagan.
e.) Paggawa ng mga alahas, salamin at kutsilyo.
4. Panahong Metal
a.) Panahong Tanso. Pagpapanday ng kagamitan na yari sa tanso.
b.) Panaho ng Bronse.
c.) Panahon ng Bakal. Paggawa ng Persian Silver Cup.

E. Batayang Kaisipan

Kung may isang bagay na napakahirap gawin, ito ay ang magsimula ng isang bagong gawain o tumuklas ng isang bagong kaalaman na
wala pang ibang nakababatid. Iyan ang kahanga-hangang ginawa ng mga sinaung tao buhat sa kalikasan na kanilang nasumpungan, nakaisip at
nakagawa sila ng mga bagay na makatutulong sa kanilang pag-araw-araw na pamumuhay. Ginamit nila ang kanilang lakas at malikhaing pag-iisip
upang makatuklas ng kaalamang mapakikinabangan nila sa pakikibaka upang mabuhay.
III. KAGAMITANG PANTURO
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig, Unang Edisyon 2013, pahina 17 – 25, Rosemarie C. Blando, et. al.
2. Mga Pahina sa Kagamitang Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig, Unang Edisyon 2014, pahina 39 -51, Rosemarie C. Blando, et. al.
Pang-mag-aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk 1. Araling Panlipunan Serye III, Kasaysayan ng Daigddig, Batayang Aklat para sa ikatlong taon. Bagong Edisyon 2012, pahina 32 - 41 , Grace
Estela C. Mateo, Ph.D
2. Kasaysayan at katangian ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan III, pahina 41 – 46, Florencia C. Domingo, Ph.D., et. al.
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Panturo Kahon, Larawan, Facebook-like-Chart, Babasahin o Teksto

IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Magandang umaga mga mag-aaral.
o pagsisimula ng bagong aralin Magandang umaga din po ma’am.

Kumusta ang araw ninyo?


(malayang sagot)
Mga mag-aaral kahit na anu paman ang inyong karanasan
ngayong araw ay nais kong ihanda ninyo ang inyong mga
sarili para bagong aralin sa araw na ito. Maliwanag ba?
Opo.
Mabuti kung ganun, bago tayo magsimula sa ating bagong
aralin ay magbalik tanaw muna tayo sa ating tinalakay
noong nakaraang pagkikita patungkol sa Heograpiyang
Pantao. Mayroon akong crossword puzzle (ipopost sa
pisara) ang gawaing ito ay tatawagin na, “Pagkukulang
niya, Punan mo.” Ihanda ang inyong mga kaalaman
sapagkat tatawag ako ng ilan mula sa inyo upang sagutan
ang puzzle. Makinig ng mabuti sa panuto.

Panuto: Punan ang pagkukulang sa puzzle sa pamamagitan


ng pagtukoy sa mga salitang inilalarawan sa bawat bilang.
Isulat sa puzzle ang sagot. Maliwanag ba?
Opo.
Ngayon ay magsimula na tayo.

1. 2.
Pababa
3. 4.
2. Relihiyong may pinakamaraming tagasunod
4. Pamilya ng wika na may pinakamaraming
taong gumagamit.
5. 6.
5. Salitang-ugat ng Relihiyon
6. Salitang Greek ng mamamayan 7. 8.
8. Pangkat ng tao na may iisang kultura at
pinagmulan
9.
Pahalang
1. Kaluluwa ng kultura
3. Sistema ng mga paniniwala at ritwal 10.

7. Pagkakailanlang biyohikal ng pangkat ng tao Sagot


9. Pamilya ng wikang Filipino
Pahalang
10. Matandang relihiyong umunlad sa India 1. wika
3. relihiyon
7. lahi
9. austronesian
10. hinduism

Pababa
2. kristiyanismo
4. indo-european
5. religare
6. Ethnos
8. Etniko
(Pagkatapos sagutan ang puzzle)

Magaling. Maraming salamat sa mga sumagot. Ngayon ay


suriin natin kung tama ang inyong mga sagot. Basahin ang
mga tanong at ang sagot nito na ibinigay ng inyong kamag-
aral.
(Babasahin ang tanong at sagot)
Tama ba lahat ng sagot?
Opo.
Magaling tama ang inyong sagot, talagang handa na kayo
para sa ating bagong aralin.
B. Pagganyak Ngayon mga mag-aaral, mayroon akong ipapakitang mga larawan.
Nais kong suriin ninyo ang mga larawan at sagutan ang sumusunod
na katanungan:

1. Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pagkakahati-hati ng mga


Rehiyon?

2. Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao?


(Inaasahang sagot)
1. Katulad ng Pilipinas, ang pagiging pulo-pulo ng bansa ay naging isang
dahilan sa pagkakahati-hati ng mga rehiyon nito at pag-usbong ng
kanilang sariling wika, pagkakakilanlan at maging uri ng pamumuhay.

2. Ang Heograpiya ng lugar ang tumutukoy sa uri ng kabuhayan at


pamumuhay ng mga tao sa partikular na lugar, Iniaayon nila ang kanilang
pamumuhay sa kung anon ang ibinibigay ng kapaligiran.
Tama. Magaling, ang mga larawan ay nagpapakita ng kaugnayan ng
heograpiya sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Ang
inyong mga sagot ay may kaugnayan sa ating paksang tatalakayin.
Handa na ba kayong malaman kung ano ito?

(Inaasahang sagot) Opo!


Mabuti kong ganun.
C. Paglalahad Ang pag-aaralan natin para sa araw na ito ay tungkol sa,

“ Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko”

Pakibasa ng sabay-sabay.
(Babasahin ng sabay-sabay)

Maraming salamat. Upang gabayan tayo sa pagtalakay sa paksa


narito ang atig layunin para sa araw na ito:

 Niuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga


sinaunang kabihasnan sa daigdig sa pamamagitan ng
pangkatang pagkatuto gamit ang napagkasunduang
pamantayan.

Basahin ng sabay-sabay.
(Babasahin)
Maraming salamat mga mag-aaral. Bago tayo tumungo para sa mga
gawin sa paksang ito kailangan na malaman muna ninyo ang mga
mahahalagang konsepto na nakapaloob sa paksa. Naghanda ako ng
maikling Powerpoint Presentation para sa inyo. Ano-ano nga ba ang
mga yugto ng pag-unlad sa kultura sa Panahong Prehistoriko?

(Sisimulan ang maikling talakayan)

Wala na bang katanungan?


(Inaasahang sagot) Wala po.

D. Pagtukoy sa Suliranin Kung wala na ay narito sa harap ang isang mahiwagang kahon.
Makikita dito ang iba’t ibang bagay nais kong pumili ang dalawang Natatanging Yaman
mag-aaral na aking tatawagin ng isang bagay mula sa kahon at
ipaliwanag kung bakit ito ang napili. Maliwanag ba?
a poy ba to

Kahoy banga

Buto ng Hayop
Opo.

Ngayon ay tatawag na ako ng dalawang mag-aaral.


(Pipili ng dalawang mag-aaral)
(Malayang sagot)

Maraming salamat. Tama naman lahat ng inyong sagot.

Sa tingin niyo kung ito lamang ang kagamitan ng ating mga ninuno,
paano umunlad ang pamumuhay ng mga tao noong unang panahon?”

E. Pagbuo ng mga Hipoteses Narito sa pisara ang isang talahanayan. Nais kong isulat ng aking
tinawag na dalawang mag-aaral kanina ang kanilang haka patungkol Initial na Ideya Refined na Ideya Final na Ideya
sa tanong at ang ibang hindi natawag ay isulat sa kwaderno ang
sagot. Maliwanag ba?

Opo.

(Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang sagot)

Maraming salamat sa mga sumagot. Sa tingin niyo tama ba ang


inyong mga haka? Malalaman natin yan kapag naisakatuparan na
natin ang mga susunod pang mga gawain. Babalikan natin ang
inyong mga haka mamaya. Ihanda ang inyong mga sarili para sa
ating mga gawain. Handa na ba kayo?
(Inaasahang sagot) Opo.

Kung handa na ay magsimula na tayong tuklasin ang mga Yugto sa


Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko.
F. Pagpaplano ng Aralin Papangkatin ko ang buong klase sa tatlo. Ngayon ay sabay-sabay
ninyong tingnan ang ilalim ng upuan, makikita ang mga kulay na
magsisilbing palatandaan na kayo ay nabibilang sa isang pangkat.
Kapag nalaman niyo na kung ano ang inyong mga kulay, hanapin
ang iba pang kapareho nito. Bago Tumayo makinig muna ng mabuti.
Ang mga kulay dilaw ay pumunta sa harapan, ang mga kulay asul ay
pumunta sa likurang bahagi ng silid-aralan at ang mga kulay pula ay
manatitli sa gitna pagkatapos ay gumawa ng bilog ng walang ingay.
Gawin ito sa loob ng sampung Segundo. Maliwanag ba?
Opo.

(Sa loob ng sampung Segundo gagawin ang sinabi)


Maraming salamat. Maghanda ng Pangalan para sa inyong Pangkat.
Alam naman ninyo kung ano ang facebook diba?
Opo.
Mabuti kung ganun. Ang gawaing ito ay tatawagin na “ipost mo”
Narito sa pisara ang isang facebook-like-chart (ipopost sa pisara)
Ipopost ko ang tanong at kayo naman ay magbibigay ng komento sa
tanong o ang mga sagot nito. Maliwang ba?
Opo.
Bibigyan ko kayo ng mga envelope. Sa loob ng envelope makikita
ang mga babasahin at iba pang bagay na magagamit sa gawain. May
kopya rin ng rubriks sa loob nito. Marapat lamang na gawing gabay
ang rubriks. Sa loob ng sampung minuto dapat matapos niyo na ang
gawain. Pipili lamang ako ng tagapag-ulat sa bawat pangkat.
Pagkatapos ng gawain ay sabay-sabay nating bibigyan ng puntos ang
bawat pangkat gamit ang rubriks na ito (ilalagay sa pisara ang
rubriks).

Rubriks sa Pagmamarka ng “IPOST MO”


Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nilalaman Mahusay na nailahad ang mga 20


pangyayaring naganap noong
sinaunang panahon
Ebidensya Nakapagbigay ng patunay sa pag- 15
unlad ng bawat yugto at naiugnay
ito sa pamamagitan ng pagbibigay
ng kongkretong halimbawa.
Pagpapahalaga Natapos sa takdang oras 5
sa Oras
Kooperasyon Lahat ng miyembro ay tumulong 10
sa pagsasakatuparan ng gawain
kabuuan 50

(Babasahin ang rubriks)


Wala na bang nais idagdag o ibawas sa ribriks?
(Inaasahang sagot) Wala po.

G. Pangongolekta ng Kung wala na ay narito ang panuto:


Impormasyon
Basahin ng sabay-sabay ang panuto.

Panuto: Suriin ang bawat babasahin at gawing gabay ang mga


sumusunod na tanong;
1. Ano ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kulutra ng tao
batay sa kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspekto ng
pamumuhay?
2. Paano nakaapekto ang heograpiya ng lugar sa pag-unlad ng kultura
ng tao?

(Babasahin ng sabay-sabay)
May mga tanong pa ba?

(Inaasahang sagot) Wala po.


Kung wala na ay umpisahan na ang gawain. Marapat lamang na
sundin ang rubriks upang maisakatuparan ng maayos ang gawain

(Uumpisahan ang gawain)

*Texts Attached

Unang Pangkat – Panahong Paleolitiko


Pangalawang Pangkat – Panahong Neolitiko
Pangatlong Pangkat – Panahong Metal
H. Pag-uulat sa klase (Pagkatapos ng sampung minuto)
Tapus na ang inyong sampung minuto. Ipost niyo na ang inyong mga
komento.
(Ipopost ang sagot)

Ngayon ay tatawag ako ng mga tagapag-ulat sa bawat pangkat, pero


bago yan basahin muna natin ang tanong.
(babasahin ang tanong)
1. Ano ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kulutra ng tao
batay sa kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspekto ng pamumuhay?
2. Paano nakaapekto ang heograpiya ng lugar sa pag-unlad ng kultura ng
tao?
Maraming salamat. Simulant na natin ang pag-uulat.
(sisimulan ang pag-uulat ng bawat pangkat)
Maraming salamat sa ating mga tagapag-ulat. Magaling, lahat ng
inyong sagot ay tama. Bigyan natin ng tatlong palakpak ang bawat
pangkat.
(Magbibigay ng tatlong palakpak)
Bago tayo magbigay ng mga puntos sa bawat pangkat ay balikan
natin ang mga tanong at ang inyong mga sagot. Para sa unang tanong
pakibasa.
(Babasahin ang tanong)
1. Ano ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kulutra ng tao
batay sa kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspekto ng pamumuhay?
Maraming salamat. Batay sa inyong mga sagot, mula sa panahong
paleolitiko hanggang panahong metal ano nga ba ang mga katangian
sa bawat yugto ng pag-unlad nito?
(Inaasahang sagot)
Mula sa panahong paleolitiko nagsimula na ang tao na makatuklas ng mga
kagamitang yari sa bato at apoy. Nagkaroon na rin ng mga unang
pamayanang anyong campsite particular noong upper paleolithic period.
Noong huling bahagi sa panahong bato, tinawag itong pagsisimula sa
panahong neolitiko, sa panahong ito mas pinakinis pa ng mga sinaunang
tao ang mga kasangkapang bato, natuto na rin ang mga tao sa paggawa ng
mga palayok at paghahabi. Naging permanente ang paninirahan ng mga
tao sa panahong ito, naganap ang rebolusyong agricultural sapagkat
natustusan na nila ang pngangailangan sa pagkain. Umusbong ang Catal
Huyuk, isang pamayanang sakahan na matatagpuan sa kapatagan.
Kapansin-pansin na rin ang kanilang paniniwala sa paglilibing ng mga
yumao at gumawa na rin sila ng mga alahas at kutsilyo. Sa panahong
metal mas pinaigi nila ang paggamit ng bakal at pagpapanday sa mga ito.
Magaling. Maraming salamat. Mula sa panahong paleolitiko mas
naging maunlad na ang mga kagamitang yari sa bato hanggang sa
panahong neolitiko, at mula sa panahong ito hanggang sa panahong
metal mas naging organisado ang pamumuhay ng mga sinaunang tao.

Para sa pangalawang tanong, pakibasa.


(babasahin ang tanong)

2. Paano nakaapekto ang heograpiya ng lugar sa pag-unlad ng kultura ng


tao?
Batay sa inyong nakalap na impormasyon, ano nga ba ang naging
parte ng heograpiya ng lugar sa pag-unlad ng kultura ng sinaunang
kabihasnan?

(Inaasahang sagot)

Ang topograpiya ng lugar, ang mga halaman, pananim, at mga hayop ay


ang naging pangunahing kasangkapan ng mga sinaunang tao sa pag araw-
araw na pamumuhay at ito’y kanilang hinasa at lubos na nakatulong sa
pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Magaling. Tama ang iyong sagot, ang heograpiya ang nagsilibing


lunduyan sa pag-unlad ng kultura ng sinaunang kabihasnan.

Tunay nga na inyong naintindihan ang bawat detalye ng paksa.

Ngayon ay bigyan natin ng puntos ang bawat pangkat.

(bibigyan ng puntos ang mga pangkat)


I. Pagtaya sa mg a Hipoteses Ngayong mayroon na kayong kaalaman sa paksa, balikan natin ang
inyong mga haka. Suriin natin ito. Batay sa inyong napag-alaman
muli ay sagutin ninyo ang tanong at isulat sa pangalawang hanay ang
sagot (refined na ideya). Tatawagin ko muli ang mga sumagot
kanina.
Isusulat ang sagot sa hanay ng refined na ideya.

(Inaasahang sagot)
Ito ay kanilang hinasa hanggang sa makabuo sila ng mas matibay na
kasangkapan mula rito.
Magaling tama ang inyong sagot. Tama ba ang inyong mga haka?
(Inaasahang sagot) Opo.
Magaling
J. Pabuo ng konklusyon Paano nga uli nakaapekto ang heograpiya sa pag-unlad ng kultura ng
sinaunang kabihasna?

(Inaasahang sagot)
Ito ang nagsilbing pangunahing kagamitan ng sinaunang tao at mula rito
nakagawa sila ng mga kagamitan sa pang-araw-araw na gawain att ito’y
kanilang hinasa hanggang sa sila’y makabuo ng mas matibay na
kagamitan mula rito.
Tama. Pakisulat nga ang sagot sa Pangatlong kolum.

K. Paglalapat Kung talagang naunawaan na ninyo ang ating paksa, kumuha ng


isang buong papel. Ang gawaing ito ay tatagal lamang ng limang
minuto.

Narito ang panuto:


Sa isang buong papel, isulat ang katangiang heograpikal ng lugar
kung saan nabibilang ang isang myembro, pagkatpos ay sagutin ang
sumusunod na tanong:
“Paano mo magagamit ang mga bagay na matatagpuan sa iyong
kapaligiran upang mapaunlad ang sarili at maging ang buong
pamayanan?”

(Sagutin ang tanong sa maikli at makabuluhang sagot)

Maliwanag ba?
(inaasahang sagot) Opo.

Kung ganun ay mag-umpisa na.

L. Pagtataya Panuto:
A. Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang A. Sagot
1. Pamayanang sakahan na matatagpuan sa sakahan. 1. Catal Huyuk
2. Panahon kung saan natuto ang mga sinaunang tao na sa paggamit 2. Panahong Paleolitiko
ng apoy. 3. Panahong Metal
3. Panahon kung saan natuto ang mga sinaunang tao sa pagpapanday 4. Panahong Neolitiko
ng bakal. 5. Rebolusyong agricultural
4. Mas nagging permanente ang paninirahan ng mga tao.
5. Rebolusyong naganap noong panahon ng neolitiko, naganap ito
sapagkat natustusan ng ng mga sinaunang tao ang kanilang
pangangailangan sa pagkain.

B. Ipaliwanag ang ugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng kultura ng B. (Malayang sagot)


sinaunang kabihasnan.

M. Takdang aralin A. Gumawa ng Slogan/ Poster/ Tula/ Sanaysay na magpapakita ng


kahalagahan ng heograpiya sa pag-unlad ng kultura ng sinaung
kabihasnan.

B. Basahin ang paksang “Pag-usbong at pag-unlad ng klasikong


lipunan sa Europa” sa learners’ manual.

VI. PAGNILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan pa ng ibang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na nasolusyonan sa
tulong ng aking pununguro at
superbisor?

G. Anong kagamitan ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

You might also like