Lesson Plan .EPP5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
District of Rodriguez II
SAN ISIDRO LABRADOR ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa EPP V


Unang Markan
Pangalan: Nancy P. Mante Petsa: July 16, 2019

I. Layunin:
 Makapagkukumpuni ng sira/punit ng damit sa pamamagitan ng pananahi sa kamay tulad ng
tuwid, pahilis at tatlong sulok na punit

Pagpapahalaga: Matiyaga at Masinop sa Paggawa

II. Paksang Aralin:


Pagkukumpuni ng sira/punit na damit - Pagsusulsi

Sanggunian : Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pp. 125-126


Kagamitan : larawan ng maayos na pagsusulsi; mga kagamitan sa pananahi
(sewing kit), retaso o tela
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-ano ang iba’t-ibang paraan ng pangangalaga sa kasuotan?
2. Pagganyak
Pagsasadula
May nakaupong batang babae. Nagbabasa siya ng aklat. Bigla siyang tatayo at nasabit
sa pako ang kanyang damit. Nagkaroon ng punit ang kanyang palda. Ano kaya ang gagawin
niya?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ang pagsusulsi ay isang paraan ng pagkukumpuni ng mga punit na kasuotan. Ginagawa
ito bago labhan ang damit. Tahing patustos ang ginagamit sa pagsusulsi sa kamay. Maaring
magsulsi rin sa makina o sewing machine.
Ipaliwanag ang pagsusulsi ng tuwid, pahilis at tatlong sulok na punit sa pamamagitan ng
larawan.
2. Pagsusuri/Pagtalakay
Mga Tuntunin o Hakbang sa Pagsusulsi
a. Gumamit ng manipis na karayom na may mahabang mata at matulis sa dulo.
b. Gumamit ng sinulid na kasing-uri at kakulay ng damit na susulsihan.
c. Hawakan ang damit sa karayagan o sa harapan nito
d. Magsimulang manahi sa kanan patungong kaliwa. Gawing pantay-pantay ang laki ng
bawat tahing patustos.
e. Iwasang maging pantay-pantay ang haba ng bawat linya ng tahi. Gawing salit-salitan ang
haba ng tahi pagdating sa dulo upang maiwasan ang panibagong punit s dakong
panagsulsihan.
f. Gawing lapat at katamtaman ang higpit ng mga tahi. Kukulubot ang tahi kung sobrang
higpit.
g. Plantsahin ang sinulsihan na punit upang maging malinis at lapat.

3. Paglalahat
Paano nating maisasagawa nang maayos at wasto ang pagkukmpuni ng punit na damit?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat.
Pangkatang Gawain
Pagsulsihin ang mga bata ng tuwid at pahilis na punit.

Mga Pamantayan 15 10 5

1. Malinis at maayos ang sinulsihang punit

2. Lapat at higpit ng tahi

3.Pagtutulungan (Teamwork)

IV. Pagtataya:
Sagutan. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang kaisipan at MALI kung hindi wasto. Gawin sa
kalahating pirasong papel.

1. Gumamit ng kahit anong uri ng kulay ng sinulid sa pagkukumpuni ng damit.


2. Labhan muna ang damit na may punit o tastas.
3. Ang pagsusulsi ay isang paraan ng pagkukumpuni ng mga punit na kasuotan.
4. Plantsahin ang sinulsihan na punit upang maging malinis at lapat.
5. Gumamit ng makapal na karayom sa pagsusulsi.

V. Takdang-Aralin:
Magsulsi ng tatlong sulok na punit sa kapirasong tela.

You might also like