Fil

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Script in Filipino

Ally: Magandang umaga sa inyong lahat. Ako ay nasisiyahan na maging tagapamagitan para sa pagpupulong na ito. Ako si Bb.
Allyssa Santos. Nais kong ihatid ang isang napaka-mainit na pagbati sa inyong lahat. Sa pagpupulong na ito ay tatalakayin natin
ang isang akda sa Panitikang Mediterranean na “Ang Kwintas”. Ako ay nagpapasalamat sa paglaan niyo ng oras upang sumali
sa amin ngayon. Inaasahan namin na marami kayong matututunan. Nais kong anyayahan dito sa entablado si Bb. Angel Yumul
upang ilahad sa atin ang buod ng akdang Ang Kwintas.

Angel: Salamat Bb. Santos. Isang gabi, umuwi si G. Loisel na may dalang sobre na nag-aanyaya sa kanila sa isang kasiyahan.
Nagdabog si Mathilde dahil gusto niya na may maganda at bago siyang kasuotan. Pinilit niya ang kanyang asawa na bumili at
napapayag niya ito. Hindi nakuntento si Mathilde sa kanyang mahal na bestida. Kaya siya ay nanghiram ng kwintas sa isang
kaibigan na si Madam Forestier. Pinahiram niya ito at isinuot sa mismong kasiyahan. Nangibabaw si Mathilde sa mismong
kasiyahan dahil sa kanyang kagandahan. Noong nakauwi na si Mathilde, tinignan niya ang sarili sa salamin at kanyang napansin
na nawawala ang kwintas na kanyang hiniram. Hindi nila mahanap ang kuwintas kung kaya’t naghanap sila ng katulad nito.
Nakahanap sila ng katulad ng kuwintas ngunit nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko. Kaya’t nilapitan nila lahat ng
puwedeng lapitan. Noong nabili na nila ang kwintas, dagli-dagli nila itong binigay kay Madam Forestier. Sa pangyayaring iyon,
lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng karalitan. Tumagal ng sampung taon ang pagbabayad ng kanilang
mga utang. Isang araw ng Linggo, si Mathilde ay naglalakad at nakita niya si Madam Forestier, siya parin ay may taglay na
panghalina at si Mathilde ay mukha ng matanda. Binati ito ni Mathilde ngunit hindi siya agad nakilala ni Madam Forestier dahil
malaki na ang ipinagbago nito. Sinabi niya ang nangyari sa kanya pati sa kwintas na naging dahilan ng kanyang kahirapan.
Sinabi ni Madam na isa lamang imitasyon iyon, na iyon ay 500 prangko lamang. Umuwi si Mathilde at sinabi iyon sa asawa.

Ally: Ngayon naman ay ating pakinggan ang bahagi at mga elemento ng akda na ilalahad sa atin nina Bb. Jane Santos at
G. Ralph Pangilinan.

Jane: Salamat Bb. Santos. Ang “Ang Kuwintas” ay tungkol sa pagkawala ng hiniram na pekeng kwintas at pagbili ng
mamahaling kapalit nito. Ang pangunahing punto ng kwento ay “Ang hindi marunong makuntento sa buhay ay hindi talaga
magiging maligayang tunay.” Ang mga tauhan ay sina Mathilde na isang maganda ngunit mahirap na babae, si G. Loisel na
asawa ni Mathilde, at si Madam Forestier na nagpahiram ng kuwintas kay Mathilde.

Ralph: Ang akda ay nagsimula sa pagpapakilala sa tauhang si Mathilde, sa pagdating ni G. Loisel na may dalang sobre na
naglalaman ng paanyaya sa isang kasiyahan mula sa Ministro ng Instruksyon Pampubliko, sa pag-ayaw ni Mathilde na dumalo
dahil siya ay walang damit para sa dadaluhang kasiyahan at sa pag-hiram ni Mathilde sa kaibigan na si Madam Loisel ng
kwintas. Epektibo ang panimula dahil sa umpisa palang ay malalaman at makikilala na ang katangian ng mga tauhan.

Jane: Ang suliranin ay ang pag-uwi ng mag asawa sa kanilang tahanan, at pagkakatuklas sa pagkawala ng kwintas. Sinubukan
nila itong hanapin pero hindi nila nakita ang kuwintas. Makatwiran at makatotohanan ang suliranin dahil mababasa na hindi man
lang nag-ingat si Mathilde sa kwintas at nadala ng galak sa kasiyahang dinaluhan. Naghanap ang mag-asawa ng katulad ng
kwintas na nawala at nanghiram sila ng salapi upang mabigyan ng solusyon ang suliraning kinahaharap. Kapana-panabik ito
dahil pinahayag dito ang kahirapan sa paghahanap ng solusyon ng mag-asawa.

Ralph: Nakaranas sila ng matinding kahirapan dahil sa laki ng kanilang pagkakautang. Ito ay epektibo. Sa wakas ay ang
pagkikita muli nina Mathilde at Madam Forestier matapos ang sampung taon at ang katotohanan na ang hiniram ay isa lamang
pekeng kuwintas. Sa wakas, nag-iwan ng kakintalan ang mensaheng taglay ng akda.

Ally: Salamat Bb. Jane Santos at G. Ralph Pangilinan. Upang ilahad sa atin ang mga tagpuan sa akda, nasisiyahan akong
ipakilala sa inyo si Bb. Micaella Agustin.

Micaella: Salamat Bb. Santos. Ang mga tagpuang nabanggit sa kwento ay ang bahay nina G. at Gng Matilde, ang bahay ni
Madame Forestier, at ang sayawan sa palasyo na dinaluhan ng mag-asawa kung saan lubos na naging maganda at kapansin-
pansin ang kanyang kagandahan dahil sa suot na bestida at kwintas. Ang mga tagpuang ito ay naaangkop sa temang tinalakay
ng akda dahil mas makikilala ang mga tauhan sa mga tagpuan. Mababasa ang kalungkutan at pagkadismaya ni Mathilde sa
kanilang bahay at ang kanyang galak sa kasiyahang dinaluhan.

Ally: Salamat Bb. Micaella Agustin. Ngayon ay inaanyayahan ko sina Bb. Zina Viray at G. Mahlco Maniego para sagutin ang mga
katanungan ukol sa critique ng akdang “Ang Kwintas”.

Zina: Salamat Bb. Santos. Ang Kwintas ay isang tanyag na maikling kwento na malawakang binabasa sa mga silid-aralan sa
buong mundo. Ang kwento ay nailimbag noong Pebrero, 17 1884 sa pahayagan na Le Gaulois. Isinulat ito ni Henry-René-Albert-
Guy de Maupassant o mas kilala sa ngalang Guy de Maupassant na isang Pranses na manunulat. Ipinanganak noong ika-5 ng
Agosto taong 1850, si Maupassant ay galing sa naka-aangat na pamilya, siya ay nag-aral sa isang seminaryo noong siya ay
labintatlong taong gulang at nag-aral ng Law sa Paris bago siya sumabak sa digmaan bilang isang sundalo. Nakapaglimbag ng
mahigit 300 daang mga kuwento at 6 na libro si Maupassant bago siya namatay noong siya ay 43 taong gulang.

Ally: Ano ang kagandahang taglay ng akda?

Mahlco: Ang akda ay nagtataglay ng mga pangyayari at suliranin na sumasalamin sa totoong buhay at mga aral na
kinakailangang isapuso at isabuhay. Ang akdang ito ay may kabuluhan. May aral ito na nag-iiwan ng katanungang
pangrepleksyon o katanungang sumasalamin sa mambabasa na hindi marunong makuntento sa buhay at humahanap ng
kasiyahan sa mga materyal na bagay imbes na sa pamilya at kaibigan. Ito rin ay nagbibigay ng aral kung saan dapat alam natin
ang tama sa mali , ipinahahayag din na sabihin dapat ang katotohanan para hindi magisis sa huli.

Zina: Ang kagandahang taglay nito ay nagpapakita ito ng pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon tayo at masamang epekto
ng pagkahumaling sa mga material na bagay na hindi naman talaga importante sa ating buhay. Ipinapakita nito na mas bigyang
halaga ang mga bagay na meron tayo ngayon katulad ng pamilya, kaibigan at lalong lalo na ang Diyos dahil kapag namatay tayo
ang mga material na bagay na ito ay maiiwan lang sa lupa na hindi madadala sa langit.

Ally: Ano ang epekto ng kalagayan ng manunulat sa kabuoan ng akda?

Mahlco: Naipakita ng manunulat ang pinaka mensahe ng akda. Ang mga akda ni Guy de Maupassant gaya nalang ng “Ang
Kwintas” ay makatotohanan. Maiuugnay ang kanyang mga akda sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao.

Ally: Ano ang mga bahagi sa elementong nagpatibay sa mensahe?

Zina: Una, ang mga tauhan. Nailahad ng mabuti ng manunulat ang mga tauhan. Napakilala sila ng malinaw. Madali silang
maunawaan dahil ang kanilang mga pinagdadaanan ay nangyayari sa totoong buhay. Pinatibay din ito ng banghay dahil maayos
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at malinaw ang daloy ng kwento. At ang mga salitang nagamit ay madaling
maintindihan.

Ally: Panghuli, Ano ang pwede pang pagbutihin sa akda?

Mahlco: Maaari pang pagbutihin o habain ang wakas kung saan matututo na ang mag-asawa at susubukan nilang ayusin at
ibangon ang kanilang buhay mula sa kahirapang kinaharap.

Ally: Maraming salamat sa inyo Bb. Zina Viray at G. Mahlco Maniego para sa inyong pagbabahagi. Para sa ating pagtatapos,
aking tinatawag sina Bb. Iricah Alfaro at G. Joecel Garcia para ibahagi ang kanilang pananaw ukol sa kabuoan ng akda.

Iricah: Salamat Bb. Santos. Kung mamarkahan ko ang akda, bibigyan ko ito ng 10/10 dahil nakita ko ang pagsisikap ng
manunulat sa pagsulat nito. Sa una, ako ay naiinip, ngunit habang nagpapatuloy sa kwento nagustuhan ko ito. Ang “Ang
Kwintas” ay naghahatid ng maraming mga mensahe at mga aral na dapat nating gamitin sa ating pang-araw-araw na buhay.
Ang akda ay nararapat lang na mabasa ng lahat dahil ito ay “must-read” at tiyak na irerekumenda ko ito sa iba. Para sa akin,
napakaganda ng mensahe ng kwento at marami itong gintong aral. Ang kwento ng “Ang Kwintas” ay nagtuturo sa mga
mambabasa kung paano maging panatag at masaya sa simpleng buhay. Mas maganda na umamin sa mga kasalanan na ating
nagawa. Huwag nating isipin ang mga posibleng mangyari. Nasa huli ang pagisisi. Huwag natin itago ang mga maling bagay o
ang ating mga pagkakamali. Dahil iyon ay pagsisinungaling. Magsabi tayo ng totoo para hindi na lumala ang ginawa nating
masama.

Joecel: Ang hamon ng kwento ay dapat maging kuntento tayo sa lahat ng meron tayo. Huwag nating kinaaadikan ang mga
materyal na bagay at mas bigyang halaga ang mga magagandang pangyayari o ang ating kabutihan. Sabi nga nila hindi mo
naman madadala sa langit ang mga material na bagay na mayroon ka kaya kolektahin natin ang mga kabutihan. Ang mga bagay
ay huwag nating tignan na parang wala tayong pakialam. Dapat ituring natin ito na espesyal. Huwag tayong magpabaya sa lahat
ng bagay dahil magsisisi rin tayo pag ito ay nawala o nasira. Kung mayroon tayong pangarap kailangan nating magsikap para
makuha ito. Bilang isang anak, kung anong kayang ibigay ng aking mga magulang sa akin ay buong puso ko itong tatanggapin.
Magpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil binigyan nila ako ng simple at payak na pamumuhay. At panghuli, huwag ng
maghanap ng mas maganda pag mayroon na.

Ally: Maraming Salamat Bb. Iricah Alfaro at G. Joecel Garcia. Salamat sa inyong aktibong pakikilahok sa panayam na ito. Sana
ay marami kayong natutunan at sana ay maisabuhay nating lahat ang mga aral na iniwan sa atin ng akdang ito. Gaya nga ng
sinabi ni Guy de Maupassant, "It is the lives we encounter that make life worth living." Sana sa pagtatagpong ito nagkaroon ng
saysay at halaga ang ating mga buhay. Ang akda ay isang paalala na hindi nasusukat ang kaligayahan at tagumpay sa dami ng
pera at ari-arian kundi sa kasipagan at pagsisikap. Muli, maraming salamat sa inyong lahat.

You might also like