Kwentong Pakikipagsapalaran
Kwentong Pakikipagsapalaran
Kwentong Pakikipagsapalaran
Si Intong ay isang anak na may katigasan ang ulo. Pilit siyang itinutuwid ng kanyang
tatay na si Minandro habang na sa murang edad pa lamang ito. Subalit hindi pa rin matitinag ang
kanyang pagiging suwail sa magulang dahil na rin sa impluwensya ng kapaligiran ng kanilang
tinitirhan. Nakatira kasi sila sa isang lugar na kung saan ay nagsisiksikan ang mga bahay na
madalas rin dinadalaw ng baha tuwing umuulan at malimit magkasunog. Doon na isinilang si
Intong ng kanyang nanay na si aling Marta na isang mananahi at ang kanyang tatay naman ay
taga-ayos ng sirang paying at taga-tahe ng mga sirang sapatos. Apat silang magkakapatid,
panganay itong si Intong subalit sa halip na siya ang maging katuwang sa kanyang mga
magulang ay kasalungat ito sa kanilang inaasahan. Talagang hindi maasahan si Intong sa mga
gawaing bahay dahil palagi itong tumatakas at sumama sa barkada. Palagi nalang siyang
pagagalitan ng kanyang tatay at pinagpapalo simula pa ng kanyang kabataan hanggang sa lumaki
na ito.
7
Simula noong makatapos sa sekondarya ay minsan na lamang siyang umuwi sa kanilang
bahay dahil hindi na siya masyadong pinapansin ng kanyang mga magulang. Hanggang sa natuto
ng maghahanapbuhay si Intong para sa kanyang sarili. Nangungupahan siya noon sa isang
eskwater area na malayong-malayo sa kanilang pamamahay. Nagtatrabaho siya noon sa isang
konstraksyon na hindi rin gaanong malayo sa kanyang tinitirhan. Isang araw, may naganap na
suntukan doon malapit sa kanyang tinitirhan at naglalabasan ang mga tao. Mayroon siyang
napansin na isang babaeng karga-karga niya ang kanyang anak na iyak na iyak na mga nasa
isang taon gulang pa lamang ang batang iyon. Napatanong siya siya kay aling Meding na may-ari
ng kanyang inuupahan.
“Sino po ba ang babaeng iyan, aling Meding?”
“Ah! Iyan si Teresa, tatlong araw pa lang siyang nangungupahan dito, halos magkatabi
lang kayo ng tinutulugan.”
Kinagabihan, hindi makatulog si Intong dahil sa iyak na iyak ang bata. Tinatakpan ni
Intong ang kanyang tainga subalit naririnig pa rin niya ang bata na walang tigil sa pag-iyak.
Hindi nakatiis si Intong at sumigaw,
“Hoy! magpatulog naman kayo!”
Subalit wala pa ring tigil sap ag-iyak ang bata hanggang pinuntahan niya ito at kinatok
ang pintuan subalit walang sumasagot sa kanya. Nang itulak niya ang pinto ay hindi pala ito naka
lock at doon sa loob ay nakita niya ang bata na nag-iisa lang pala. Iniwan pala ng kanyang nanay
ang bata kaya pala ito walang tigil sap ag-iyak dahil siguro sa gutom na gutom na ito.
Simula noon ay hindi na bumalik ang ina ng bata at kinupkop na lang ito ni Intong
hanggang sa lumaki ito na siya na ang kinikilalang ama. Pinangalanan niya itong Mary Rose,
minsang si nagtanong si Mary Rose sa kanya,
“Nasaan ba ang aking nanay?” Sinasabi lang ni Intong na
“Namamatay ang nanay mo noong ipinanganak ka,” Sagot ni intong sa kanya at iyon na
rin ang pinaniwalaan ni Mary Rose. Isang araw, binalitaan si Intong ng kanyang mga kaibigan na
natanggap sila sa tarbaho sa Espanya. Lungkot na lungkot si Mary Rose noon dahil sino nalang
ang mag-aalaga sa kanya kinakailangan kasi na mag-abroad si Intong para sa magandang
kinabukasan na maibigay niya kay Mary Rose. Simula kasi ng nakupkop niya si Mary Rose ay
itinuring na niya itong anak at nagiging responsabling magulang na si Intong. Walang magawa si
Intong noon kundi ipagbilin sa kanyang magulang si Mary Rose.
7.1
Hindi naman tumatanggi ang kanyang nanay dahil din sa sabik na sabik din siya sap ag-
uwi ni Intong dahil matagal na itong hindi umuuwi sa kanila. Subalit hindi parin sila nagkabati
ng kanyang tatay hanggang pumunta siya sa ibang bansa. Nasa ikatlong baiting noon si Mary
Rose. Lingid din sa kaalaman ng magulang ni Intong ang totoong pagkatao ni Mary Rose.
Isang hapon sa tapat ng kanilang bahay ay naglalaro si Mary Rose kasama ang mga
kaibigan ay bigla nalang may dumukot kay Mary Rose at ikinarga sa van. Kaagad na tumawag
ang mga magulang ni Intong sa kanya at ibinalita ang nangyari. Dahil sa pag-alala ay umwi si
Intong at nang nandoon na siya sa bahay ay doon na siya nilapitan ng kanyang tatay at
ipinagtapat ang kanyang nararamdaman noong Nawala si Intong sa kanila at sinabi niya na
naiintindihan ko ang iyong nararamdaman bilang am ani Mary Rose.
Paglipas ng tatlong araw ay biglang may tumawag sa cellphone ni Intong. Iyon pala ay si
Mary Rose, dinukot pala siya ng kanyang nanay na noon ay nagkaroon na ng maginhawang
buhay dahil nakapagpagawa na siya ng malaking bahay. Subalit hindi naniniwala si Mary Rose
dahil patay na ang kanyang nanay. Maraming litrato ang ipinakita sa kanya subalit hindi siya
naniniwala dahil maliit pa lamang siya noon at hindi pa niya makikilala ang naa litrato.
Sa kabila ng lahat na nangyari ay nagpasamat din si Intong dahil yon ang daan na muli
silang nagkaayos ng kanyang ama at nabigyan din magandang kinabukasan si Mary Rose. Mula
kasi ng nangungupahan si Teresa ay hindi niya alam kung papaano niya bubuhayin ang kanyang
anak dahil naghihiwalay sila ng kanyang asawang babaero. Nagpasya siya noong iwan si Mary
Rose na ang totong pangalan pala ay Rachel upang magtrabaho sa club na kinalaunan ay
nabigyan ng pagkakataong makapag-abroad sa japan bilang intertainer at doon na guminhawa
ang kanyang buhay.
7.2