AP 3rd Grading Grade 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF TAGUM CITY

ARALING PANLIPUNAN - 6
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y 2015 -2016

Pangalan: :___________________________________________Pangkat/Baitang:_______________Iskor:___________

I. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Bilang isang malaya at demokratikong bansa, may kapangyarihan na itong mamahala sa


nasasakupan ng Pilipinas. Ano ang tawag nito?
A. Soberanyang Panloob B. Soberanyang Panlabas
C. Sandatahang Lakas D. Sariling Manunungkulan

2. Ang kapangyarihang maging malaya sa panghihimasok ng mga dayuhan ay tinatawag na


soberanyang _________.
A. Ganap B. Panloob C. Panlabas D. Makasarili

3. Ano ang pakinabang ng mga Pilipino sa lahat na uri o anyong tubig na sakop ng Pilipinas?
A. Yamang-Gubat B. Yamang Mineral C. Yamang-Lupa D. Yamang-Tubig

4. May tungkulin itong ipagtanggol ang ating bansa sa mga labanan o paglusob ng bansa.
A. Philippine Army B. Philippine Navy
C. Philippine Air Force D. Philippine National Police

5. Nangangalaga ito sa himpapawid na sakop ng Pilipinas at tinitiyak nito na walang mga sasakyang
panghimpapawid ng ibang bansa na makakapasok dito na walang pahintulot?
A. Philippine Army B. Philippine Navy
C. Philippine Air Force D. Philippine National Police

6. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang paraan ng pakikipaglaban na ginawa ng mga bayaning
Pilipino?
A. Pag-aalsa B. Pakikipagkasundo C. Pakikipagkapatiran D. Pagsasawalang-kibo

7. Anong panukalang batas ang iniharap ni Henry Allen Cooper na nagtakda ng pangangasiwa ng
pamahalaang sibil sa Pilipinas na tinatawag ding Batas Cooper?
A. Batas Tydings- McDuffie B. Batas ng Pilipinas ng 1902
C. Batas Jones ng 1916 D. Saligang Batas

8. Alin sa mga sumusunod na komisyon ang nilikha upang tulungan ang pamahalaang militar sa
Pilipinas?
A. Komisyong Taft B. Komisyong Bell
C. Komisyong Schurman D. Komisyong Cooper

9. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ni Lapu-Lapu para sa ating bansa?


A. Siya ang nakipagsanduguan sa mga dayuhan.
B. Siya ang gumawa ng paraan upang makipagkasundo sa mga kaaway.
C. Siya ang unang Pilipino na nagtatag ng samahan para labanan ang mga dayuhan.
D. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagtanggol sa bansa laban sa mga mananakop.

10. Ang Pilipinas ay kasapi ng mga samahang pandaigdigan at panrehiyon. Ano ang kahalagahan
ng ganitong pakikipag-ugnayan?
A. Maaaring magtulungan ang mga kasaping bansa sa pagtugon ng kanilang
pangangailangan.
B. Maaaring payagang manirahan nang permanente ang mga Pilipino sa ibang bansa.
C. Posibleng gayahin ng Pilipinas ang uri ng pamahalaan ng mga kasaping bansa.
D. Maaaring magdesisyon ang isang bansa para sa kasaping bansa.

1
11. Alin ang nagsasaad ng kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa bansang Tsino?
A. Mapaunlad ang ekonomiya sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.
B. Maturuan ng bagong estratehiya sa larangan ng negosyo ang Pilipinas.
C. Magkakaroon tayo ng pagpapalitan ng kultura.
D. Mapatutunayan na ang mga Pilipino ay madaling mapagkatiwalaan.

12. Anong bansa ang nagkaroon ng ugnayan sa Pilipinas kung saan pinagtibay ang Reparations
Agreement noong Mayo 9, 1956 na babayaran ng bansang ito ang pinsalang idinulot ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Indonesia B. Malaysia C. Japan D. China

13. Siya ang kauna-unahang Asyano na humawak ng katungkulan bilang pangulo ng General
Assembly ng United Nations?
A. Salvador Laurel B. Arturo Tolentino C. Carlos P. Romulo D. Rafael Salas

14. Nagkaroon siya ng tungkulin sa International Court of Justice ng United Nations. Sino siya?
A. Helena Benitez B. Geronima Pecson C. Felixberto Serrano D. Cesar Bengzon

II. Panuto: Basahing mabuti ang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ng bawat bilang ang titik ng
wastong sagot na nagpapahayag ng angkop na karapatang tinatamasa ng Pilipinas.
A. Karapatang mamamahala sa mamamayan
B. Karapatang makapagsarili
C. Karapatang mag-angkin ng ari-arian
D. Karapatan sa Pantay na Pagkilala
E. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
F. Karapatang Makipag-ugnayan

_____ 15. Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas na sa panahon ng panganib, ang lahat ng mamamayan nito ay
maaaring atasan ng batas na magkaloob ng personal na paglilingkod militar o sibil.

_____ 16. Nagpadala ang ating bansa ng mga kinatawan o ambassador sa iba’t ibang bansa, kapalit nito ay
tumatanggap din tayo ng mga ambassador mula sa ibang bansa na may mabuting hangarin.

_____ 17. Karapatang ng ating bansa na lutasin ang problemang may kinalaman sa pagpapasuko sa mga rebelled
na hindi pinakikialaman ng alinmang bansa.

_____ 18. Ang mga paliparan, daungan ng mga barko, mga daan, lagusan, at piyer ay ilan sa mga pag-aari ng
pamahalaan na inilaan para gamitin ng publiko.

_____ 19. Ang ating bansa ay may mga karapatan at mga tungkulin na binibigay at tinatamasa rin ng mga
malalayang bansa, maliit man o malaki, mahirap o mayaman.

_____ 20. Ang ating bansa ay may karapatang mamamahala sa buong kapuluan, sa mga mamamayan, at sa mga
ari-arian nito.

III. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

21. Sa paanong pamamaraan isinagawa ng mga repormista ang pakikipaglaban sa mga Espanyol?
A. Paggamit ng mga armas.
B. Pakikipag-ugnayan sa pamahalaang kolonyal.
C. Pagsasagawa ng tahasang pagsuway sa patakarang Espanyol.
D. Pagsiwalat sa mga kaapihang dinanas sa pamamagitan ng panulat at talumpati.

22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas
sa iba’t ibang bansa?
A. Ang pagpapadala ng manggagawang Pilipino sa ibang bansa upang makapaghanapbuhay.
B. Ang pagkakataong sumali sa mga pandaigdigang kumpetisyon.
C. Ang mapahiram ng puhunan sa pagnenegosyo na walang kaakibat na porsyento.
D. Ang makatulong sa paglutas ng suliranin tungo sa kapayapaan at kaunlaran.

23. Ano ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang maunlad at


papaunlad?
A. Natuto ang Pilipinas ng makabagong kaalaman tungo sa pag-unlad.
B. Naging tanyag ang mga Pilipinong OFW sa ibang bansa.
C. Nasugpo ng Pilipinas ang katiwalian sa pamahalaan.
D. Nabigyang-halaga angf kultura ng ibang bansa.

2
24. Ang Pilipinas ay kasapi ng samahang ASEAN. Ano ang kahalagahan sa pagsapi ng samahang ito?
A. Maipatupad ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa paglinang ng teknolohiya.
B. Nalinang ang pag-aaral sa kultura ng mgta bansang kasapi.
C. Nagkaroon ng palitan ng mga pangunahing kalakal at ispesyalisasyon sa paggawa.
D. Lahat ng nabanggit.

25. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng nagawa ng ASEAN simula nang ito ay
maitatag?
A. Nagtutulungan ang mga bansang magkakasanib sa paglutas ng kanilang mga suliranin.
B. Nagpupulong taun-taon ang mga kalihim o ang mga kinatawan nito.
C. Nagtataguyod ng magkakatulad na uri ng pamahalaan.
D. Nagkaisa laban sa kaaway ng mga bansa.

26. Ano ang maaaring mangyari kung magpapabaya sa kanilang tungkulin ang Philippine Navy?
A. Manganganib na pasukin ng kaaway ang mga baybay-dagat sa bansa.
B. Maaring mapasok ng mga kaaway ang mga sasakyang panghimpapawid.
C. Maaring lusubin ng mga kaaway ang mga sasakyang panghimpapawid.
D. Magiging magulo ang mga pamayanan sa bansa.

27. Ano ang maaring mangyari kapag magiging matapat sa kanilang tungkulin ang lahat na kasapi at
opisyal ng Philippine National Police?
A. Lalong lalaganap ang krimen.
B. Lulubha ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa.
C. Magiging ganap ang kapayapaan ng mga pamayanan sa bansa.
D. Wala nang kalutasan ang mga suliraning pangkapayapaan sa bansa.

28. Isang paraan ito ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa daigdig.


A. Pakikipagdigma
B. Pagsapi sa United Nations
C. Pamamahala sa mga dayuhang bansa
D. Pagpapadala ng tulong sa mayayamang bansa sa daigdig.

29. Bakit mahalaga ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa?


A. Kailangan ito sa pagkakaroon ng kapayapaan sa buong daigdig.
B. Kailangan ito para makautang nang malaking halaga ang bansa sa World Bank.
C. Susi ito sa mga hidwaang pagmumulan ng digmaan.
D. Paraan ito tungo sa ganap na pagsasarili ng ating bansa.

30. Kung may pagpupulong ang mga bansang kasapi sa UN, nagpapadala ang Pilipinas ng
_____________.
A. Mga doktor at nars B. Mga sundalo at gwardya
C. Kinatawan at delegasyon D. Hukbong Sandatahan

31. Itinatadhana ng Saligang Batas na magtalaga ng sandatahang lakas bilang tagapangalaga ng


katahimikan, kaayusan at kalayaan ng bansa. Kung nasa tamang edad ka na, ano ang gagawin
mo?
A. Makipagdigmaan laban sa pamahalaang Pilipino.
B. Makipag-ugnayan sa dayuhang sandatahang lakas.
C. Ipagtanggol ang kalayaan at sumapi sa sandatahang-lakas ng Pilipinas.
D. Sumapi sa sandatahang-lakas ng mga Amerikano.

32. Maaaring ipagbawal ng pamahalaang Pilipino ang pagluluwas ng mga kalakal ng bansa kung
kinakailangan sapagkat may karapatan itong ____________.
A. mamahala sa nasasakupan B. mag-angkin ng mga ari-arian
C. magsasarili D. kilalanin nang pantay

33. Bilang isang bansang malaya at demokratiko, may karapatan ang mga mamamayang pumili ng
mga mamumuno sa bansa. Pagsapit sa tamang edad, ano ang dapat mong gawin para
matamasa ang karapatang ito?
A. Matalinong ihalal ang karapatdapat na mamumuno sa bansa.
B. Piliin ang kandiodatong bumubili ng boto.
C. Magparehisto bilang flying voter.
D. Pumunta sa presinto kung sunduin ng kandidato.

3
34. Isa ka sa napili ng pamahalaang maging iskolar ng Philippine Military Academy. Pangarap mong
maging abogado. Ano ang gagawin mo?
A. Tumigil sa pag-aaral.
B. Tanggihan ang alok ng pamahalaan.
C. Mangibang bansa at doon magpatuloy ng pag-aaral.
D. Tanggapin nang buong loob ang pagiging iskolar ng PMA.

35. Kung may pagpupulong ang mga bansang kasapi sa United Nations, nagpapadala ang Pilipinas
ng kinatawan. Nais mong maging isa sa mga kinatawan ng bansa pagsapit mo sa tamang edad.
Ano ang gagawin mo?
A. Mag-ipon ng dolyar.
B. Magtrabaho bilang domestic helper sa ibang bansa.
C. Tumigil sa pag-aaral para maghanapbuhay.
D. Mag-aral nang husto at magtapos hanggang kolehiyo.

36. Magpapagawa ng kalsada ang pamahalaan sa inyong lugar at madadaraanan nito ang inyong
tirahan. Ano ang gagawin mo?
A. Mag-alsa laban sa pamahalaan.
B. Isakdal sa hukuman ang pamahalaan.
C. Ipabatikos ang pamahalaan sa mga istasyon ng radyo.
D. Ipagkaloob ito sa pamahalaan sa mababang halaga lamang.

37. Humingi ng tulong sa hukbong sandatahan ng Pilipinas ang isa sa mga bansang kasapi ng UN
sanhi ng pambobomba rito ng mga terorista. Kung isa ka nang sundalo, ano ang gagawin mo?
A. Titigil na ako sa pagiging sundalo.
B. Magkunwaring may mabigat na karamdaman.
C. Sumapi sa hukbong sandatahan ng mga terorista.
D. Sasama ako sa mga sundalong ipapadala ng Pilipinas para labanan ang mga terorista.

38. May naganap na digmaan sa pagitan ng isang bansang kasapi sa UN at mga terorista. Maraming
batang tulad mo ang nawalan ng tirahan, pagkain at damit. May mga damit kang hindi mo na
ginagamit. Ano ang gagawin mo?
A. Gawing basahan ang mga ito.
B. Ibigay ito sa mga biktima ng digmaan.
C. Ingatan ang mga damit sapagkat bigay ito ng mga magulang.
D. Itago ang mga ito, lalo na kung maganda pa at walang punit.

39. Isa sa mga layunin ng UN ang mapanatili ang kapayapaang pandaigdig. Paano ka makaaambag
sa pagtataguyod ng layunin na ito ng UN?
A. Maging maunawain at mabait sa kapwa sa lahat ng pagkakataon.
B. Labagin ang mga pagpapayo at pangaral ng mga nakatatanda.
C. Maging mabuting kaibigan, lalo na ng mga dayuhang nagdadala sa bansa ng mga
ipinagbabawal na gamot.
D. Makipagbarkada at sumama sa lahat na gawain nila, masama man o mabuti.

40. Paano nakatulong ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa mga panahon ng
kalamidad?
A. Nagbigay ng libreng pag-aaral para sa mga batang nakaligtas sa kalamidad.
B. Nagbigay ng pondong salapi ang mga dayuhang bansa upang ipagawa muli ang mga
nasirang gusali.
C. Nakikipag-ugnayan nang tuwiran ang mga dayuhan sa mga Pilipinong naging biktima ng
kalamidad.
D. Nagpapadala ang dayuhang bansa ng tulong pinansyal, pagkain, damit, gamot, at iba
pang pangangailangan na kaya nilang ibigay.

4
IV. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasagutan sa Hanay A. Titik lamang ang isulat sa patlang.

HANAY A HANAY B

_____ 41. Sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo A. Andres Bonifacio

_____ 42. Nagtatag ng pahayagang “La Solidaridad” B. Emilio Jacinto

_____ 43. Utak ng Katipunan C. Sergio Osmeña

_____ 44. Nagtatag ng pamahalaan sa Katagalugan D. Cayetano Arellano

_____ 45. Supremo ng Katipunan E. Manuel Luis M. Quezon

_____ 46. Naging pangulo ng pamahalaang Commonwealth F. Claro M. Recto

_____ 47. Kauna-unahang Pilipino na naging punong mahistrado G. Douglas McArthur

_____ 48. Amerikanong Heneral na bumalik sa bansa upang H. Macario Sacay


palayain ang mga Pilipino mula sa mga Hapones
I. Graciano Lopez Jaena
_____ 49. Nahalal na Ispiker ng bansa noong 1916
J. Jose Rizal
_____ 50. Nahalal na pangulo ng kumbensyon para sa
pagbabalangkas ng Saligang Batas ng 1935 K. Marcelo H. Del Pilar

You might also like