Ekon Reviewer 3rd Grading PDF
Ekon Reviewer 3rd Grading PDF
Ekon Reviewer 3rd Grading PDF
Ang makroekonomiks ay larangan ng Ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks ang
malawakang pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product,
implasyon, at antas ng presyo. Ang makroekonomiks ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang
pambansang ekonomiya. Pangunahing layunin ng pag-aaral ng pambansang ekonomiya ang malaman kung may paglago sa ekonomiya
(economic growth) ng bansa.
Pambansang Ekonomiya
Ito ay tumutukoy sa lagay ng ekonomiya ng isang bansa. Ito ang pag-aaral kung natutugunan ba ng mga mamamayan ang kanilang
mga pangangailangan.
Economic Models
Sinisikap ng makroekonomiks na makabuo ng pamamaraan (economic policies) upang mapatatag ang pambansang ekonomiya.
Gumagamit ng modelo (economic model) sa pagsusuri ang makroekonomiks. Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita nang simple
ang realidad. Ipinapaliwanag nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga datos.Ito ay representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito
ang nagbibigay ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks.Ito ang naglalarawan ng interdependence
ng lahat ng sektor ng isang ekonomiya.
MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA
Sambahayan – may-ari ng salik ng produksyon at gumagamit ng kalakal at serbisyo.
Bahay-kalakal – taga-gawa ng kalakal at serbisyo at nagbabayad sa sambahayan (USIT).
Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at nagkakaloob ng serbisyo at produktong pampubliko.
Institusyong pinansyal – tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng pondo.
Panlabas na Sektor (Kalakalang Panlabas) – kalakalang nagaganap sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng importation at
exportation.
Bukas at Saradong Ekonomiya
Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang dalawang perspektiba sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya.
Sarado ang ekonomiya kung ang pambansang ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakalang panlabas.Bukas ang ekonomiya kapag
ang pambansang ekonomiya ay nakikilahok sa kalakalang panlabas.
INFLATION
Ito ang pagkalahatang pagtaas ng presyo ng isang kalakal o serbisyo.
Ito ay may negatibong epekto sa PPP (peso purchasing power ) kakayahan ng piso na bumili ng kalakal.
Mga Uri ng Inflation
Stag inflation – ang mabagal na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Galloping Inflation – ang pabago-bagong pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Hyper inflation – pagkakaroon ng lubhang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Dahilan ng Inflation
Demand Pull. Nagaganap ito kapag nagkakaroon ng paglaki sa pagkonsumo ng isang kalakal ngunit walang katumbas na paglaki sa
produksyon.
Dahilan ng Inflation
Cost Push. Nagaganap ito kapag lumalaki ang gastos sa produksyon ngunit walang paglaki sa kabuuang suplay.
Inflation Rate
Tumutukoy sa antas ng pagbabago sa presyo ng mga bilihin.
Inflation Rate = CPI Current Year - CPI Previous Year x 100
Given: CPI Previous price
CPI 2012: 121 = 140 – 121 x100
CPI 2013: 140 121
= 19 x 100
121
= 15.70
Purchasing Power
Kakayanan ng piso bilang gamit pambili.
Pagdepende sa Importation para Kapag tumaas ang plitan ng piso kontr dolyar tataas ang presyo ng
Sa raw materials imported raw materials, dahil dito tataas ang presyo ng produkto
Pagtaas ng Palitan ng Piso sa Dolyar Sa pagbaba ng dami ng napason na dolyar nababa ng halaga ng piso.
Nag bubunga ito ng pagtaas ng presyo ng bilihin lalot higit ang mga
produktong ginawa gamit ang imported raw materials o makinarya.
Kalagayan ng Pagluluwas (Export) Kapag kulang ang produkto sa bansa dahil sa labis na pagluluwas tataas
ang presyo ng produkto sa bansa.
Monopolyo o Kartel Kinokontrol ang presyo ng mga bilihin upang kumite ng Malaki.
Pambayad Utang o Debt Servicing Sa halip na magamit ang pera sa produksyon ibinabayad ang dolyar sa
utang panlabas ng bansa. Dahil dito nagkukulang dolyar na pambayad sa raw
materials.
Patakarang Piskal (Fiscal Policy)
Ang pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya upang mapatatag ang pambansang ekonomiya. Nakapaloob dito ang:
paghahanda ng badyet, pangungulekta ng buwi at paggamit ng pondo.
Uri ng Patakarang Piskal
Expansionary Fiscal Policy - Layunin nito na mapasigla ang pambansang ekonomiya. Ginagawa ito upang isulong ang ekonomiya, lalo
na sa panahon ng recession. Kabilang dito ang pamumuhunan ng pamahalaan at pagbabawas sa ibinabayad na buwis. Ang ganitong
gawain ay magpapataas sa demand, magpapababa sa presyo ng kalakal at magpapalaki sa output ng ekonomiya.
Contractionary Fiscal Policy - Layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya dahil ang labis na mataas na demand
sa suplay ay magdudulot ng inflation. Kabilang sa mga hakbang nito ang pagbabawas sa gastusin ng pamahalaan, pagsasapribado ng
ilang pagpublikong korporasyon at pagpapataas sa singil na buwis. Ang ganitong gawain ay magpapababa sa demand, magpapataas
sa presyo ng kalakal at pagbabawas sa output ng ekonomiya
Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan
Kita mula sa buwis (81%)
Kitang di-mula sa buwis (19%)
Ano ang buwis (tax)?
Ang salapi na sapilitang kinukuha ng pamahalaan sa mga mamamayan. Ito ay maaaring ipataw ng pamahalaan sa mga ari-arian,
tubo, kalakal o serbisyo. Ang buwis ay sakop ng kapangyarihan ng pamahalaan.
Layunin ng pagbubuwis
• Mapataas ang kita ng pamahalaan.
• Pagpapatatag ng ekonomiya.
• Mapalagaan ang industriyang panloob laban sa mga dayuhang kalakal.
• Gamit para sa tamang distribusyon ng kita.
• Regulasyon para sa tamang pagbili at pagkonsumo ng kalakal.
Uri ng buwis
Tuwiran (direct tax) – buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay kalakal. Hal. withholding tax
Di-tuwiran (indirect tax) – buwis na ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo. Hal. Value-added tax
Mga halimbawa ng buwis:
• Buwis sa kinikita ng mamamayan – Income Tax
• Buwis sa mga may-ari ng sasakyan – Road User’s Tax
• Buwis para sa ari ariang di natitinag – Realty Tax
• Buwis sa mga may-ari ng negosyo – Business Tax
• Buwis sa mga binibiling kalakal – Value Added Tax
• Buwis sa mga libangan tulad ng sinehan, parke, at sugalan – Amusement Tax
• Buwis sa mga kalakal na galing ibang bansa – Import Duties Tax
Sangay ng pamahalaan na kumokolekta ng buwis
Bureau of Internal Revenue (BIR) – nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa loob ng bansa.
Bureau of Customs (BOC) - nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa labas ng bansa.
Pambansang Badyet
Naglalaman ng halaga ng salaping inaasahang matatanggap ng pamahalaan sa isang takdang taon. Isang plano kung paano
tutugunan ng pamahalaan ang mga gastusin nito. Naglalaman ito ng inaasahang kita at ipinakikita rin kung paano gagastusin ang
kitang ito. Sa paghahanda ng badyet, binibigyan ng pansin kung magkano ang gagastusin sa programa ng pamahalaan tulad ng
depensa, edukasyon at kalusugan. Ang kabuuang gastusin ay maaring baguhin upang mapataas o mapababa ang output ng
ekonomiya.