Pambansang Kita

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

PAMBANSANG KITA

CZARINA KRYSTAL T. RIVADULLA


SUBJECT TEACHER
PAANO MO
MASASABI NA
MAYAMAN ANG
ISANG TAO?
PAANO MO
MASASABI NA ANG
ISANG BANSA AY
MAYAMAN?
ITO AY KAPAG MATAAS ANG …

GNI AT GDP

NASUSUKAT ANG PAMBANSANG EKONOMIYA


SA PAMAMAGITAN NG GNI AT GDP
PAMBANSANG KITA
• ITO AY TUMUTUKOY SA
KABUUANG KITANG PINANSYAL
NG LAHAT NG SEKTOR NG
NASASAKUPAN NG ISANG BANSA O
ESTADO
• NATUTUKOY KUNG ANG
EKONOMIYA NG ISANG BANSA AY
MAUNLAD O HINDI
KAHALAGAHAN NG
PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
Ayon kay Campbell R. McConnel at Stanley Brue sa kanilang
Economics Principles, Problems, and Policies (1999), ang
kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita ay ang mga
sumusunod:
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay
nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng
produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na
taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o
kababa ang produksyon ng bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng
ilang taon, masusubaybayan natin ang direksyon
na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman
kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa
kabuuang produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa
pambansang kita ang magiging gabay ng mga
nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga
patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa
pamumuhay ng mga mamamayan at
makapagpapataas sa economic performance ng
bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa
pagsukat ng pambansang kita, hakahaka lamang
ang magiging basehan na walang matibay na
batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-
paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income
Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng
ekonomiya.
DALAWANG
PANUKAT NG
PAMBANSANG KITA
1. GROSS NATIONAL PRODUCT
Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag na
Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang
pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
➢ Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang mga
sumusunod:
1. INTERMEDIATE GOODS o halaga ng hilaw na sangkap sa
proseso ng produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa
pagbibilang. Gayundin ang mga hindi pampamilihang gawain,
kung wala namang kinikitang salapi ang nagsasagawa nito
katulad ng pagtatanim ng gulay sa bakuran.
2. UNDERGROUND ECONOMY. Ang mga produktong nabuo
mula sa impormal na sektor o underground economy ay hindi
rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil ito
ay hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan
ng datos ng kanilang gawain
3. SECOND HAND GOODS. Ang produktong segunda mano
ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income
dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa
lamang.
2. GROSS DOMESTIC PRODUCT
Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat
sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob
ng isang takdang panahon sa loob ng isang
bansa.
➢ Lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit
upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito
ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na
matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.
➢ Kabilang dito ang produksyon ng mga dayuhan
na nasa loob ng pambansang ekonomiya.
Gross National Income at Gross Domestic
Product

• Ang tala sa mga sinusukat na pambansang kita


ay National Income Accounts.
• Ang pamamaraan ng pagsukat ng
pambansang kita, tinatawag itong National
Income Accounting
• . Parehong sinusukat sa loob ng isang takdang
panahon, maaring quarterly o taunan.
Tatlong pamamaraan ng
National Income
Accounting
1. Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
2. Paraan Batay sa Pinagmulang
Industriya (Industrial Origin/ Value
Added Approach)
3. Paraan Batay sa Kita (Income
Approach)
1. Paraan batay sa Paggasta (Expenditure
Approach)
Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor:
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na
sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang
sumusunod:
a.Gastusing Personal (C) – nakapaloob dito ang mga
gastos ng mamamayan tulad ng pagkain, damit,
paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa.
Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang
mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa
opisina, hilaw na materyales para sa produksyon, sahod ng
mga manggagawa at iba pa
c. Gastusin ng Pamahalaan (G) – Kasama rito ang mga
gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga
proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito.
d. Gastusin ng Panlabas na sektor (X-M) – makukuha ito
kung ibabawas ang niluluwas o export sa inaangkat o
import.
e. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang
kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman
kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga
transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o
impormasyon.
f. Net Factor Income From Abroad (NFIFA) – tinatawag
ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas
ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa
gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.
C 130 MILYON
130+ 30 +24 + ( 25-10)+3
I 30 MILYON
184 + (15) + 3
G 24 MILYON
184+15 + 3
X 25 MILYON
= 202
M 10 MILYON
SD 3 MILYON
GNI= GDP + NFIFA
NFIFA 60 M
GNI= 202 + 60 MILYON
GNI= 262 M
2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya
(Industrial Origin/ Value Added Approach)
• Sa paraang ito, kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng
bawat industriya sa ating bansa. Ang anumang
kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at
serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa
halaga ng produkto at kapag pinagsama-samang lahat
ang halaga ng mga produkto, makukuha ang kabuuang
produksyon sa loob ng bansa o GNI. Ang tinutukoy na
sektor ng ekonomiya ay agrikultura (agriculture), kasama
ang pangingisda at paggugubat, industriya (industriya) at
paglilingkod (service).
3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)
Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap na
kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik. Kapag ang mga
ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang pambansang kita o
national income ng bansa. Ang mga kabilang sa National Income
(NI) ay ang mga sumusunod:
a. Kabayaran o kita ng mga Empleyado at Manggagawa
(KEM) - sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga
bahay-kalakal at pamahalaan.
b. Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian (KEA) –Kabayaran
na tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na sahod o
sweldo. Ito ay kita ng isang entreprenyur bilang salik ng
produksyon. Dito rin nabibilang ang mga dibidendo na
kabayaran sa ari-arian. Ang kita ng entrepreneur sa kanyang
negosyo ay tinatawag na proprietor’s income
c. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK) - Ang kita na
tinanggap ng korporasyon at pondo na inilalaan upang
palawakin ang negosyo.
d. Kita ng Pamahalaan ( KP )- ito ay lahat ng kita na
tinanggap ng pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng
korporasyon na pag-aari ng gobyerno at mga interes sa
pagpapautang ng pamahalaan.
e. Capital Consumption Allowances ( CCA ) – tinatawag
na depresyong pondo na inilalaan para sa pagbili ng
bagong makina o gusali kung ang mga ito ay unti-unting
nasisira at naluluma.
f. Indirect Business Tax ( IBT)- Di tuwirang buwis na
ipinapataw sa mga produkto o serbisyo na nilikha matapos
ibawas ang anumang subsidy na ibinibigay ng pamahalaan
CURRENT/NOMINAL
AT REAL/CONSTANT PRICES
• Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan ng market value o
halaga ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan.Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa
pagsukat ng GNI. Ipinapahayag ang GNI sa dalawang paraan,
ito ay ang mga sumusunod:
1. Current o Nominal GNI- ito ay Gross National Income sa
kasalukuyang presyo - kumakatawan sa kabuuang halaga
ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob
ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
2. Real GNI o GNI at constant prices- kumakatawan sa
kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong
ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa
nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng
batayang taon o base year.
GROWTH RATE
• Malalaman naman kung may natamong pag-
unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng
Growth Rate.
• Ano ba ng Growth Rate? Ang Growth rate ay
ang sumusukat kung ilang bahagdan ang
naging pag-angat ng ekonomiya kompara
sa nagdaang taon. Gamit ang pormula sa
upang masukat ang growth rate ng Gross
National Income.
2023

2024
2018

2019

2020

2021
2022

2023

You might also like