Alamat NG Bulkang Taal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Alamat ng Bulkang Taal

Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang
pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang
tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.

Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa
lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at
mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang
kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.

Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang


nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang
kutis ay sariwa at humahalimuyak.

Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka
pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa, tinatanuran
siya ng kanyang alipin at mga abay.

Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal


sa kanyang ama na si Haring Balinda:

"Ama kong Datu, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa.
Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa."

"Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?"

"Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka," sagot
ni Prinsesa Taal, na animo'y nahihintakutan.

"Ano! Dapat ay nagging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin
ng iyong ina n gaming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na
iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina."
"Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyan. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang
singsing na iyan gaya ng pagmamahal ko sa aking ina," sagot ni Prinsesa Taal na lumuluha.

Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama.

"Anak, tumayo ka at huwak ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita sa
narinig k mula sa iyo. Alam mo ban a ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa aki8n ng iyong ina
bago siya namatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko saiyo tanda ng kanyang
pagmamahalat pag-alala sa iyo!"

"Tumahan na anak at ang pagkagalit ko'y kinalimutan ko na," paamong wika ng Datu.

Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyaksa sandaling iyon.

"Huwag ka ng mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisisrin ang


nahulog mong singsing. Maibabalik rin ang singsing at maisusuot sa daliri mo," paliwanag ng
Datu.

"Salamat ng marami po, Ama ko," ako po'y nagagalak sa pang-unawa ninyo."

Ilang sandali pa ang lumipas. " Anak, hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang
edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang
na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na,"
pakiusap ng Datu.

"Siya pong mangyayari Ama ko," Sagot ng Prinsesa.

Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saanmang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon.
Ipinaalam sa madla na kung sino ang makakakuha sa singsing ang nahulog sa sa Lawa ng
Bunbon ay siyang mapapangasawa ng ng mayuming prinsesa.Ang balitang ito ay agad kumalat
saanmang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba't ibang
lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu myla sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang
angkan ni Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan
at dumating si Dau Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman
ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa.

Marami ang araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang
naramdaman.

Di kalaunan may isang Datu, ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalangin tulungan
siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng laslaki
at nagmula siya sa Nasugbo.

Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa
paglangoy.

Habang sa pagsisisd ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang
tiyan.Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginwa
niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan
doon ang nawawalang sinsing ng Prinsesa. "Isang himala ito!' laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito
kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?."

Kaya't ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari.Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay
Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay.Mayroon sayawan at kantahan.Lahat maligaya sa
nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-aswa ay nasaksihan ng boung balangay ang
magagandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling
ng asawa.

Subali't ang pagsasama ay hindi lagi masaya. Madalas ay may problema ring dumadating
na siyang nagiging balakid sa pagsasama.

Isang gabi, Maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon
ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.

Mayroon isang matandang nuno pala an gang nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon.


Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo masayang pagsasama ni
Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay ay naiinggit sa sarap ng buhay sa
palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa.

Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si
Datu Mulawin, siya naming kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang.

Nang Makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit
niyang inabot. Sa kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at limubog. Bilis naman tinalon ni
Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa
kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.

Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa tagaroon. Marami ang
nagtangkang sisisrin ang dalawa upang Makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat.

Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay
Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging
maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.

Pinoy Edition © 2020 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bulkang-taal/

You might also like