Tula
Tula
Tula
TITSER
TITSER
ni Liwayway A. Arceo
Pamagat: Titser
Awtor: Liwayway A. Arceo
Uri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950's
Wika: Pilipino
Taon ng Paglalathala: 1995
Tagapaglimbag: Ateneo de Manila University Press
Protagonista: Amelita Martinez at Mauro
Lugar: Isang pamayanan sa kanayunan ng Pilipinas
Punto de bista: Ikatlong Persona
Tema: Pakikialam ng ina sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa
kabila ng kahirapan.
BUOD:
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang
dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis
si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi
siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa
ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang
buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon
at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano
laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit
wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito
ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang
anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital.
Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang
sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay
ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay
nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang
pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa
ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng
masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang
pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito.
Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata.
Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa
kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si
Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata,
ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo
na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit
wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang
gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda
sa kanyang pagkakamali.
MGA TAUHAN:
Si Amelita ay isang dalagang 'public school' titser, bunso sa lima na anak ni Aling Rosa. Umiibig kay Mauro.
Nagpamalas ng kakaibang katapangan sa pagpapahayag ng ibang desisyon sa kabila ng ibang plano nanais
ng ina para sa kanya. Ang protagonista sa kuwento.
Si Mang Ambo ang asawa ni Aling Rosa. Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa sa
kanyang ina.
Si Osmundo ay isang makisig na binata, nagmula sa isang mayaman at respitadong pamilya. Umiibig sya
kay Amelita ngunit ayaw sa kanya ni Amelita dahil siya ay arogante at maka-mundo.
Si Mauro naman ay isa din 'public school' titser hindi man siya mayaman pero minamahal parin siya ni
Amelita. Mabait, at may galang sa lahat ng tao. Siya ang inspirasyon ni Amelita noong naging guro niya ito
para pasukin ang mundo ng pagtuturo. Si Mauro ay isang mabait na asawa at matulungin sa kapwa. Mas
priyoridad niya ang kanyang pamilya kaysa ibang bagay. Protagonista sa kwento.
Aling Idad –
Ang ina ni Mauro na bukas loob na tinanggap si Amelita at itinuring para ring isang tunay na anak.
Rosalida (Lida) –
Ang matalino at mapagmahal na anak nina Mauro at Amelita.Pinagmulan ng pangalan niya ang kanyang
dalawang lola na sina Ida atRosa habang ang “L” naman ay hinuha kay Amelita.
SULIRANIN:
Tutol ang ina ni Amelita na si Aling Rosa sa pag kuha ni Amelita ng kursong edukasyon at ayaw rin ni Aling
Rosa kay Mauro dahil si Mauro ay isa lang daw na tagapagturo sa paaralan na kakaramput lang ang
isinisweldo at nais rin ipakasal ni Aling Rosa ang kanyang anak na si Amelita kay Osmundo.
REAKSYON:
Malinaw na ipinakita ng nobela ang agam-agam na kinakaharap ng bawat guro. Ano ang dapat piliin, ang
makapaglingkod sa pamayanan kapalit ng isang mahirap na pamumuhay, o ang makatikim ng karangyaan
kapalit ng pagtalikod sa propesyong nais na tahakin? Ang karakter ni Aling Rosa ang nagsilbing tagapag-
tibay sa agam-agam na ito. Siya ang nagpamukha kay Amelita at Mauro ng magiging kapalit ng pagiging
ideal na mag-asawa: ang paghihikahos sa aspetong pinansyal, ang pagiging "Sampu, sampera."
Ang nobela ni Arceo, bagama't halos animnapung taon na ang nakaraan mula sa pagkakalathala nito, ay
maliwanag pa ring sumasalamin sa kalagayan ng mga titser sa kasalukuyang panahon. Sila ang nagsisilbing
tagapaghubog ng kaisipan ng susunod na henerasyon, ngunit sila'y binibigyan lamang na maliit na
pahalaga. Isang patunay nito ang laganap pa ring paggigiit ng mga guro para sa mas mataas na sahod, na
kung pagbigyan man ng pansin ng gobyerno'y di pa rin sapat para sa trabahong kanilang ginagawa.
Marahil luma na sa atin ang kasabihang, "kung ayaw mong maghirap, huwag kang magtitser." At ang
kalumaan nito siguro ang naging dahilan kung bakit tinatanggap na lamang natin itong isang masakit na
katotohanan na walang solusyon. "Ang pagtuturo'y isang bokasyon, hindi propesyon," wika nga. Ang
kaisipang ito na rin marahil ang dahilan kung bakit pinipili ng ibang mga guro sa kasalukuyan ang
magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan: una'y nagagawa nila ang gusto nilang gawin, at
ikalawa'y nagagawa nila ito ng may natatanggap na pagpapahalaga at pribilehiyo. Sa lipunang ito,marahil
kailangan na nating buwagin ang kaisipang kailangang magsakripisyo ng mga guro. Marahil kailangan na
nating bigyan ng mataas na pagtingin at kabayaran ang pagsisilbing ginagawa ng mga titser ng lipunan.
Sila ang tagapaghulma ng mga susunod na "tituladong" mamamayang tinitingala ni Aling Rosa. Sila ang
gagawa ng mga bagong "Dr.", "Atty.", "Engr.", "PhD" at iba pa.
Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng
lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin
at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang
sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang
kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.
Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay
dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa
katotohanan o realidad.