Etchehan
Etchehan
Etchehan
Ikaapat na Markahan
Markahang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapakatao VIII
Asignatura
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at piliin ang titik na
pinaka-angkop na sagot. Isulat ang tamang sagot sa bawat bilang.
1. Ito ay may kaugnayan sa pagiging ganap na lalaki o babae ng isang tao.
A. Moral na Integridad C. Prostitusyon
B. Pang-aabusong Seksuwal D. Seksuwalidad
2. Ito ang pagtatalik ng isang lalaki at babae bago pa ikasal. Karaniwang nangyayari ito sa mga magkasintahan at sa
mga kabataan dahil sa kanilang kapusukan.
A. Adultery C. Premarital Sex
B. Cyber sex D. Prostitution
3. Ang seksuwalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao- lalaki o babae- na ninanais mong
maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakayahan lamang. Ano ang tumutugma sa mensahe ng pahayag?
A. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
B. Ang seksuwalidad ay daan upang maging ganap na tao.
C. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad.
D. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera baling araw.
4. Ito ay isang paraan na ginagamit ng mga pedophiles upang makakuha ng kanilang mga bibiktimahin.
A. Internet C. Mall
B. Lansangan D. School
5. Ito ay isa rin sa mga epekto ng pre- marital sex lalo na sa mga kalalakihan. Nahihirapan na silang tukuyin kung sila
nga ay tunay na nagmamahal o mayroon lamang pagnanasa sa babaeng kanilang karelasyon.
A. Galit C. Pagkalito
B. Konsensiya D. Pagnanasa
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng teenage pregnancy?
A. Aborsyon C. Kamatayan
B. Depresyon D. Lahat ng nabanggit
7. Maaaring sa kahihiyan at pangamba sa mabigat na responsibilidad na kaakibat ng maagang pagbubuntis,
nakagagawa ang maraming kabataang babae ng isang kalunos- lunos na krimen. Ano ito?
A. Paglalayas C. Pagpapakasal
B. Pagpapakamatay D. Pagpapalaglag o aborsyon
8. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?
A. Ang paggamit nito ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad.
B. Nagdadala ito ng kasiyahan sa tao.
C. Nagdadala ito sa tao na maging isang pakay o kasangkapan.
D. Nakapapapahayag ito ng pagnanasa.
9. Ano ang pahayag na nagpapakita ng responsableng pananaw sa pakikipag- ugnayan sa katapat na kasarian?
A. Ang aking katawan ay pwedeng magsilbing laruan para sa iba.
B. Igagalang ko ang pagkababae niya dahil ang aking ina ay isang babae.
C. Hihilingin ko sa aking nobya na gumawa ng mga bagay na ikahihiya kong malaman ng aking ina.
D. Ang pagkabirhen ay isang hindi kanais- nais na katangian at halaga.
10. Alin sa mga sumusunod ay tumutukoy sa tamang paggamit ng seksuwalidad?
A. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin,nagbunga ang isang gabing pagkalimot sa sarili ni Ella at ng
kanyang boyfriend na si Brando.
TCSNHS-CUR-FR-023-1
B. Maganda ang hubog ng katawan ni Anne kaya nagpasiya siyang magpaguhit ng nakahubad.
C. Niyaya ni Robert ang matagal na niyang kasintahang si Elsa na magpakasal sapagkat gusto na nilang
magtatag ng pamilya.
D. Si Adora ay araw- araw hinihipuan ng kanyang amain sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.
11. Anong paalala ang ipinapakita kung kailangan mo pa ang gabay at patnubay ng iyong mga magulang sa
panonood ng sine at telebisyon?
A. BEWARE! C. PG13
B. Ingat! D. Wait!
12. Ano ang pahayag na makasisira sa seksuwalidad ng isang lalaki o babae?
A. Pagiging kusinero ng lalaki
B. Pakikipagniig sa kasintahan
C. Pagpasok sa military ng isang babae para maging sundalo
D. Pagtatrabaho sa parlor ng isang lalaki bilang tagapag- ayos ng buhok ng mga babae.
13. Dinalaw ni Edward si Elsie, na mag-isa lamang sa kanilang tahanan.Sila ay masayang nagkwentuhan ngunit
habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang pinag-uusapan. Naging agresibo si Edward at sinimulang
halikan si Elsie.Kung ikaw si Elsie, ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin si Edward nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama.
B. Kakausapin si Edward at sasabihing panagutan kung anuman ang mangyari sa kanila.
C. Magagalit kay Edwardat ito ay paaalisin sa bahay.
D. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Edward.
14. Ito ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka sa isang tao o pangkat na saktan ang katawan o
isipan ng isa o higit pang biktima sa paaralan.
A. Bullying C. Harrassment
B. Child abuse D. Pedophilia
15. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang taong nambubulas maliban sa:
A. Hindi napaalalahanan ng magulang tungkol sa mga hindi tamang ginagawa
B. May labis na pagnanais na mangibabaw upang kontrolin ang ibang tao
C. May napakababang tiwala sa sarili
D. Nakakaramdam ng kasiyahan sa pananakit ng iba
16. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng pagiging biktima ng pambubulas maliban sa:
A. pagdanas ng matinding pagkabalisa C. pagkakaroon ng kakaunting kaibigan
B .pagiging marahas at palaaway D. pagkakaroon ng matinding sakit
17. Ano ang pangunahing pagkakatulad ng kahihinatnan ng pag- anib sa isang gang o fraternity?
A. Pagkakaroon ng sariling teritoryo.
B. Pagkahinto sa pag-aaral o kaya ay pagkatanggal sa paaralan.
C. Paglalayong mapalago ang aspetong intelektwal, pisikal o sosyal ng mga kasapi.
D. Kapasidad na makagawa ng masama at makapagdulot sa kanila ng kapahamakan.
18. Ang mga sumusunod ay ang pangkalahatang katotohanan tungkol sa pambubulas maliban sa:
A. Hindi nakatatanggap taong sangkot sa pambubulas ng tunay na paggalang mula sa kapwa
B. May masamang epekto ito hindi lamang sa taong binubulas kundi pati rin sa taong nambubulas
C. Normal lamang na yugto ito ng pagdadalaga o pagbibinata
D.Nagbubunga ito ng di kanais-nais na asal sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
19. Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili sapagkat ____.
A. Nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay
B. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay habang nag-aaral
C .nakatutulong ito sa paghanap ng paraan kung paano mapansin at mahalin ng iba
D .nakatutulong ito sa pag-unawa sa mga gumagawa ng karahasan sa paaralan
20. Ang sumusunod ay kailangan sa pagmamahal sa kapwa maliban sa:
A. Pagbibigay sa kanya sa lahat ng nais niya sa buhay
B. Paggalang sa kanyang dignidad bilang tao
C. Pagmamahal sa kanya na may kaakibat na katarungan
D. Pagtanggap sa kanya sa anumang estado niya sa buhay
21. Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Karin E.Tusinki, ang pangunahing dahilan ng pambubulas ng isang tao ay
maaaring mag-ugat sa ____.
A. Pamamaraan ng pakikipag-ugnayan niya sa kaibigan
B. Pamamaraan ng pagpapalaki ng kanyang magulang
C. Pagtingin sa pisikal na anyo ng kanyang kapwa
D. Paraan ng pagsukat sa edad at kakayahan ng tao
22. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa pambubulas?
A. Hindi iintindihiin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan.
B. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa paaralan
C. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase
D. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan
23. Ito ang pinakambisang paraan upang mabawasan ang agresyon sa pagkilos at pakikitungo sa kapwa mag-aaral
tungo sa pagsugpo ng pambubulas sa loob ng paaralan.
A. Pagbabago ng sistema ng edukasyon
B. Paghubog ng mas mataas na pamantayang sosyal
C. Pakikilahok sa programang pangkabuhayan
D. Pagpapalakas ng ugnayan sa pamilya at kasanayang sosyal / akademiko ng kabataan
24. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng paggalang sa sarili maliban sa:
A. Pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay
B. Paggawa ng mga bagay para mapansin at makuha ang atensyon ng iba
C. Pagkakaroon ng positibong pagtingin sa sariling kakayahan
D. Pag-unawa sa kalagayan ng kapwa
25. Maiiwasan at masusupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng
A. Pag-aaral nang mabuti
B. Paggalang sa awtoridad ng paaralan
C. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay
D. Pagsunod sa payo ng mga magulang
26. Ito ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang karahasan sa paaralan.
A. Upang makatuon sa pag-aaral ang mag-aaral
B. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aaral
C. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
D. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan
27. Ito ang salitang nagmula sa kanluraning bansa noong 1960’s na nangangahulugan ng pagkakaiba sa pagitan ng
mga nakababata at nakatatandang henerasyon lalo na sa pagitan ng mga anak at mga magulang.
A. Generation gap C. Generation y
B. Generation x D. Technological Gap
28. Ito ang pagkakaiba ng mayroong computer at high tech na mga gamit at ang mga wala nito.
A. Generation gap C. Generation y
B. Generation x D. Technological Gap
29. Ito ang agwat sa pagitan ng mga sagana sa impormasyon dahil sa pagkakaroon o kawalan ng access sa
teknolohiya.
A. Generation gap C. Generation y
B. Generation x D. Technological gap
30. Ito ang mga taong ipinanganak bago pa man naging laganap ang paggamit ng digital technology.
A. Digital age C. Digital natives
B. Digital immigrants D. Digital time
31. Si Maria ay pinanganak noong taong 1979. Sa anong henerasyon siya kabilang?
A. Generation gap C. Generation y
B. Generation x D. Generation z
32. Sila ang mga auditory at visual learners na ipinanganak noong 1946-64
A.Baby Boomer C. Baby Immigrant
B.Boomerang D. Martial Law Baby
33. Ito ang karapatan na nakabatay sa mga pamantayang etikal sa halip na sa saligang batas.
A. Batas militar C. Karapatang legal
B. Batas moral D. Karapatang moral
34. Ito ang karapatang nagagarantiyahan ang saligang batas.
A. Batas militar C. Karapatang legal
B. Batas moral D. Karapatang moral
35. Ano ang implikasyon kung online ang pagbabayad sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente at tubig?
A. Hindi nito maapektuhan ang mga informal settlers dahil wala silang access sa mga pangunahing
serbisyong ito
B. Magiging madali na ang pagbabayad ng mga pangunahing serbisyo.
C. Pipila rin sa mga internet café ang mga Pilipinong nais magbayad ng mga pangunahing serbisyo.
D. Uunlad ang negosyong internet cafe.
36. Nalalabag ng agwat teknolohikal ang batas moral dahil sa:
A. Nagiging dahilan ito upang manatiling mahirap ang mahihirap
B. Nakahahadlang ito sa pakikinabang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao sa pag-aangat ng
kaniyang kalagayan sa buhay
C. Natatapakan ang mga karapatan ng tao sa pamamagitan ng paglilimita sa kanilang maaaring gawin
D. Pinayayaman nito ang iilan tulad ng mga nagmamay-ari ng mga internet café at mga may pagawaan
ng makabagong teknolohiya at mga nagbebenta nito
37. Online ang pagpapasa ng mga aplikasyon para sa mga mahahalagang dokumentong personal tulad ng birth
certificate. Paano ito nakatutulong sa tao?
A. Hindi kailangang pumila ng mahaba at maghintay ng matagal sa pagkuha ng mahalagang
dokumento
B. Hindi na dapat obligahin ang isang mahirap na tao na kumuha ng mga dokumentong ito
C. Mahihirapang kumuha ng mga mahahalagang personal na dokumento ang taong walang access sa
IT.
D. Magiging mas mabilis ang pagkuha ng mga personal na mahahalagang dokumento
38. Online ang pag-eenrol sa mga pangunahing pamantasan sa Pilipinas, ano ang nararapat na gawin?
A. Ang mga may access lamang ang makapag-aaral sa mahuhusay na pamantasan sa pilipinas.
B. Isang paraan ng pagsasala ng mga mag-aaral ang online na pag-eenrol sa mga pangunahing
pamantasan sa pilipinas
C. Nararapat na maging bahagi ng kurikulum sa sekundarya ang paggamit ng computer
D. Obligasyon ng pamahalaan na bigyan ng computer ang lahat ng pamilya sa bansa.
39. Ibigay kung anong epekto ang nasasalamin sa kwentong nasa ibaba.
Si Leonil, 20 anyos ay drop-out sa high school noong siya ay nag-aaral. Naghihintay lang
siya ng padalang pera ng kaniyang ina na nasa Italy. Ginagastos niya ang perang padala
sa sugal, alak at babae. Naging pabaya siya sa pag-aaral at sa buhay niya. Sa
kasalukuyan ay inaayos niya ang kaniyang buhay at nag-aaral sa isa sa unibersidad sa
Batangas. Subalit, nasayan na niya ang napakaraming lumipas na taon at perang
nilustay, nasayang sa kabila ng pagsasakripisyo ng kaniyang mga magulang. Hango sa
totong buhay, (The Plight of Children of OFW’s, Gina Melgar at Rene Borromeo, 2008).
A. Ang nagbabagong konsepto ukol sa tradisyunal na pamilya sa transnasyunal na pamilya.
B. Maaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa at panghihina ng katatagan ng pamilya.
C. Mabagal na pag-unlad sa pangkaisipan at panlipunan na aspekto ng mga anak.
D. Pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay.
40. Ano ang negatibong epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino para sa iyo?
A. Ang pagbabago ng tradisyunal na pamilya sa transnasyunal na pamilya
B. Ang pagkakaroon ng hindi pakakaunawaan ng magkakapatid
C. Ang pagtangkilik sa mga gawang dayuhan
D. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
41. Alin ang positibong epekto ang naidudulot ng migrasyon sa pamilya?
A. Ang makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar
B. Ang pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon
C. Ang pagkakaroon ng mga imported na kagamitan
D. Nakatutugon sa mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod
ang mas maginhawang pamumuhay ng pamilya
42. Ang mga sumusunod ay ang mga sanhi ng migrasyon maliban sa:
A. Edukasyon, mataas na sahod, makabili ng bahay at lupa, pambayad utang
B. Mataas na sahod, edukasyon, makapagpundar ng ari-arian, makapamasyal
C. Makabili ng bahay at lupa, pambayad ng utang, mataas na sahod
D. Pangkapital sa negosyo, makapagpundar ng ari-arian, edukasyon
43. Ano ang pinakapangunahing dahilan ng mga Overseas Contract Workers sa migrasyon.
A. Edukasyon ng mga anak C. Pambayad utang
B. Makabili ng bahay at lupa D. Pangkapital sa negosyo
44. Ayon sa Soroptimist International, ito ang pagkakasunod-sunod ng mga dahilan ng migrasyon.
A. Edukasyon ng mga anak, mataas na sahod, makabili ng bahay at lupa, pambayad ng mga utang
B. Makabili ng bahay at lupa, mataas na sahod, edukasyon ng mga anak, pambayad ng mga utang
C. Mataas na sahod, edukasyon ng mga anak, makabili ng bahay at lupa, pambayad ng mga utang
D. Pambayad ng mga utang, makabili ng bahay at lupa, mataas na sahod, edukasyon ng mga anak
45-47: Pumili ng hakbang upang maging handa sa epekto ng migrasyon na angkop sa bawat talata sa baba.
A. Ang pagkakaroon ng regular na pang-ispiritwal na counseling sa mag-asawa.
B. Ang pagpapaunlad at pagpapatatag sa kultura ng pamilyang pilipino.
C. Mapanatili ang matatag na pagmamahalan, pagtitiwala at paggalang sa bawat miyembro ng
pamilya.
D. Pagpapanatili at pagpapatatag ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya.
45. Bata pa lang si Lea ay naisipan na ng kaniyang magulang na magtrabaho at manirahan sa ibang bansa. Maraming
natutunang banyagang kaugalian ngunit naituro pa rin ng kaniyang magulang ang mga kaugaliang Pilipino at ito
ay kaniya pa ring ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay.
46. Ang mga magulang ni Kardo ay kailangang mangibang bansa upang magkaroon siya ng magandang kinabukasan.
Mga malalapit na kamag-anak ang siyang nag-aruga sa kanya. May internet connection si Kardo sa bahay kaya
madalas niyang nakakausap ang kaniyang mga magulang at lagi siyang napapaalalahanan sa mga maari at mga di
dapat gawin.
47. Pinapawi ng mga larawan sa pitaka o sa ibabaw ng kaniyang mesa ang pangungulila. May mga pagsasakripisyong
kailangang gawin na magbubunga ng pisikal na pagkakalayo ngunit hindi nito mapaglalayo ang kanilang diwa na
nakatatak ang pangakong magsasama at magmamahalan habang buhay.
48. Paano magiging handa ang anak at mga magulang upang mapagtagumpayan ang negatibong epekto ng
pangingibang bansa?
A. Bukas na komunikasyon ng pamilya
B. Pagkain sa labas upang magkasama-sama ang pamilya
C. Pagpapadala ng sweldo buwan-buwan
D. Pagpapatatag ng pamamahalan ng mag-asawa
49. Si Carlo ay pinag-aaral ng magulang niya sa mamahaling paaralan na parehong nasa ibang bansa. Ngunit
nagkaroon siya ng tatlong bagsak na asignatura kaya kailangan niyang ulitin ang Baitang 8. Ano kaya ang
maaaring gawin ni Carlo upang masabi niya sa kaniyang magulang ang kaniyang problema sa paaralan?
A. Itatago niya sa kaniyang sarili ang naging problema at uulitin na lamang ang baitang 8.
B. Hihingi ng tulong sa mga kaibigan para malutas ang problema.
C. Sasabihin niya na may mga nag “bad influence” sa kaniya kaya siya bumagsak sa mga baitang 8.
D. Sasabihin niya ang buong katotohanan na hindi talaga siya nag-aral kaya siya bumagsak sa
baitang8.
50. Paano mo masusuklian ang mga sakripisyo ng iyong magulang na nangingibang bansa?
A. Pag-aaral ng mabuti
B. Paglustay ng perang pinapadala
C. Pagrerebelde
D. Pag-uwi agad ng bahay pagkagaling sa paaralan
51. Anong bansa ang may populasyong halos 80 milyon ay mayroong 14 milyon hanggang 16 milyong gumagamit ng
mobile phone na nagpapadala ng 150 milyon hanggang 200 milyon text messages sa isang araw?
A. Tsina B. America C. Pilipinas D. Japan
52. Sila ang mga itinuturing na tactile learners.
A. Baby Boomers B. Net generation C. Silent Generation D. Generation Y
53. Ito ang tawag sa mga henerasyong ipinanganak at lumaking walang makabagong teknolohiya. Sila ay nabuhay sa
panahon ng tinatawag na Depression sa Estados Unidos at tinawag din silang Builders and War babies.
A. Baby Boomers B. Net generation C. Silent Generation D. Generation Y
54. Ito ay isang espesyal na karapatang moral. Binibigyang proteksiyon nito ang mga kundisyon na kinakailangan
upang maisulong ang karapatang moral.
A. Batas militar B. Subsidiary Moral Right C. Batas moral D. Karapatang legal
55. Ito ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal. Ano ito?
A. True Love B. Puppy Love C. Eternal Love D. Infatuation
56. Ito ay isang awtomatikong kilos o reflex mode na nangangailangan ng kamalayan, ano ito?
A. Sex drive B. Infatuation C. Kalinisang puri D. Birtud
57. “ Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad
niya ay may kakayahang magmahal,” sino ang nagwika nito?
A. Aristotle B. Papa Juan Paulo II C. Karin Tusinski D. Andrew Greeley
58. Anong uri ng pambubulas ang may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao?
A. Pisikal na Pambubulas C. Emosyonal na Pambubulas
B. Pasalitang Pambubulas D. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
59. Anong uri ng pambubulas ang ginagamitan ng pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira sa kaniyang
mga pag-aari?
A. Pisikal na Pambubulas C. Emosyonal na Pambubulas
B. Pasalitang Pambubulas D. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
60. Ang mga sumusunod ay sanhi kung bakit nabubulas ang isang tao MALIBAN sa isa, ano ito?
A. Oryentasyong Seksuwal C. kulang sa pagmamahal
B. Madaling mapikon D. Kaibahang Pisikal