Esp 8 Exam

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa EsP G8

Yr: 2018-2019

Pangalan: __________________________________ Petsa: ____________ Iskor: ____________


Antas at Pangkat: ____________________________ Lagda ng Magulang: ____________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa bawat patlang bago ang bilang.

_______1. Kinakausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sap ag-ibig mo. Masyado ka
raw mailap sa kaniya. Sa pag-aalala mong iwan ka niya, tinanong mo siya kung ano ang kailangan upang
mapatunayan mong talagang mahal mo siya. Tinitigan ka niya at tinanong, “Kung talagang mahal mo
ako, hand aka bang ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa? Bilang isang
mapanagutang lalaki o babae, ano ang gagawin mo?
A. makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi ka pa handa sa nais niya.
B. isusumbong siya sa mga magulang niya upang hindi siya mapariwara
C. kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa para sa ganitong uri ng ugnayan
D. magtatanong o kukunsulta sa guidance counselor o sa guro dahil ikaw ay nalilito
______2. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang best
friend, pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase na kaniyang naiibigan.
Pumayag ka ngunit habang sila’y unti unti nang nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam
ng pagseselos. Ano ang iyong gagawin?
A. hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit
B. kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman
C. kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin
D.sasangguni sa guro o guidance counselor
______3. Niyayaya ka ng iyong kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos
lahat ng malapit mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hind imaging
mangmang tungkol sa sex. Ano ang gagawin mo?
A. isusumbong ang iyong mga kaklase s inyong guro o sa kaniyang mga magulang
B. hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila
C. kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi makabubuti sa
kanila
D. natural lamang sa mga kabataan ang mga mag-eksperimento, kaya’t sasama ka sa kanila
_____4. Ang seksuwalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao-lalaki o babae- na
ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
A. ang seksuwalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao
B. ang seksuwalidad ay daan upang maging ganap na tao
C. maari mong piliin ang iyong seksuwalidad
D. mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera balang araw.
_____5. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng seksuwalidad at pagkatao upang maging
ganap ang pagkababae o pagkalalaki.
A. hindi moral ang taong hindi buo ang seksuwalidad at pagkatao
B. ang lalaki ay dapat na lalaki sa seksuwalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae
C. maaring hindi matugma ang seksuwalidad at pagkatao ng tao
D. mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang seksuwalidad
______6. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa
pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang magmahal- at maghatid ng
pagmamahal sa mundo-ang likas na nagpapadakila sa tao.”
A. ang tao ay nilikhang seksuwal kaya siya ay kabahagi ng DIyos sa Kaniyang pagiging Manlilikha
B. higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kaniyang pagiging Manlilikha
C. ang tao ay likas na dakila dahil siya’y nilikhang kawangis ng Diyos
D._ Mas marami ang mga anak mas dakila ang isang tao
_____7. Isa itong pangmatagalang epekto ng pagpapalaglag, isa itong karamdaman sa isip na
maihahalintulad sa depresyon.
A. post abortion syndrome C. post-partum depression
B. pre abortion syndrome D. pre-partum depression
______8. Alin sa mga sumusunod ang nagiging dahilan ng depresyon o labis na kalungkutan at
pakiramdam na marumi sila at nagamit ayon sa sikolohistang si Joan Kinlan.
A. pre-marital sex C post-partum depression
B. pre abortion syndrome D. pre-partum depression
______9. Ang mga sumusunod ay komplikasyon ng _________________; pagkasugat ng matris,
pagkabaog, pagkakaroon ng kanser sa matris, at sa iba’y kamatayan.
A. pakikipagtalik C. pakikipagsiping
B. pagpapalaglag D. pagpapatuli
______10. Ito ay tumutukoy sa maagang pagdadalang tao ng isang babae.
A. teenage crush C. teenage consultation
B. teenage love D. teenage pregnancy
______11. Ito ay tumutukoy sa mahahalay na paglalarawan na layunin pukawin ang sekswal na
pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
A. pornograpiya C. aborsyon
B. pagdadalang tao D. pakikipagtalik
______12. Ayon kay Iyoob (2008), ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay may kaugnay sa
pakikibahagi o paggawa ng abnormal na gawain seksuwal, lalung lalo na ang ________.
A. pagpapalaglag C. pagpatay
B. paginom D. panghahalay
______13. Ang mga _______________ lalaki o babae na nasa wastong edad na nagnanasa at
bumibiktima sa mga bata at paslit.
A. pediatrician C. promoter
B. pedophiles D. sex trafficker
______14. Ang unang katangian na nagpabukod-tangi sa ito nang ikaw ay ipanganak-o noong una kang
Makita ng iyong mga magulang ay tinatawag na ____________.
A. x-ray C. ultra sound imaging
B. laboratory D. endoscopy
______15. Ang ____________ ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganay na babae o lalaki.
A. sekswalidad C. katangian
B. kaibahan D. edad
______16. _____________ ay ang pamumuhay ng walang asawa.
A. celibacy C. independence
B. privacy D. isolation
______17. Ito ang patuloy na dikta ng sariling kalikasan (instinct), ______________ o katutubong
simbuyong sekswal.
A. safe drive C. pag ibig
B. pagkabuyo D. sex drive
______18. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:
A. pambubulas C. pandaraya
B. fraternity D. gang
______19. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
A. pagkaranas ng karahasan sa tahanan C. pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
B. paghahanap ng mapagkatuwaan D. pagkakaroon ng mababang marka sa klase
______20. Alin sa sumusunod ang masamang epekto ng pambubulas sa kaklase?
A. nahihirapan sa pag-aaral C. napipilitang gumanti
B. hinahanap ang sarili D. kinamumuhian ang sarili
______21. Ano ang nararapat na tugon ng mga kinauukulan sa pambubulas?
A. hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan
B. pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase
C. suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan
D. humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa paaralan
______22. Bakit may mga mag-aaral na sumasali sa fraternity at gang?
A. wala silang mapaglaanan ng kanilang oras
B. may kikilalasa kanila bilang kapatid
C. kulang sila sa atensiyon mula sa kanilang mga magulang
D. marami ang lalaban para sa kanila kung masangkot sila sa gulo
______23. Maiiwasan at masusupil ng mga magaaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng?
A. pagsunod sa payo ng mga magulang
B. paggalang sa awtoridad ng paaralan
C. pag-aaral ng mabuti
D. pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay
______24. Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili sapagkat?
A. nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay
B. nakatutulong ito sap ag-unawa sa mga gumagawa ng karahasan sa paaralan
C. nakatutulong ito sa paghanap ng paraan paano mapansin at mahalin ng iba
D. nakatutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay habang nag-aaral
______25. Ang sumusunod ay kailangan sa pagmamahal sa kapwa maliban sa?
A. pagtanggap sa kaniya anuman ang estado niya sa buhay
B. pagbibigay sa kaniya sa lahat ng nais niya sa buhay
C. paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao
D. pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na katarungan
______26. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan
sa paaralan?
A. upang makatuon sap ag-aaral
B. upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
C. upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aral
D. upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan
______27. Ito ay sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang
katawan o sisipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.
A. pangaasar C. pamumula
B. pambubulas D. pananakit
______28. Alin sa mga sumusunod ang uri ng pambubulas na gumagamit ng masasamang salita o sulat
laban sa isang tao. Kasama rito ang panlalait, pang-aasar, paninigaw.
A. sosyal C. pasalita
B. pisikal D. pambubulas
______29. Alin sa mga sumusunod ang uri ng pambubulas na layunin nito ay ang sirain ang reputasyon
at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
A. sosyal C. pasalita
B. pisikal D. pambubulas
______30. Alin sa mga sumusunod ang uri ng pambubulas na gumagamit ng pisikal na pananakit sa isang
indibidwal o pangkat at paninira ng kavnvivyangv vvmvvga pvag-aari.
A. sosyal C. pasalita
B. pisikal D. pambubulas
______31. Alin sa mga sumusunod ang mga paraan ng pasalitang pambubulas?
A. pagkalat ng tsismis C. pangungurot
B. pangungutya D. pananampal
______32. Alin sa mga sumusunod ang mga paraan ng sosyal na pambubulas?
A. panlalait C. pangungurot
B. pangungutya D. wala sa nabanggit
______33. Alin sa mga sumusunod ang mga paraan ng pisikal na pambubulas?
A. pagkalat ng tsismis C. pangungurot
B. c-d D. pananampal
______34. Ang pag-alis ng upuan habang paupo ang kamag aral ay isang uri ng anong pambubulas?
A. sosyal C. pasalita
B. pisikal D. pambubulas
______35. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan kung bakit binubulas ang isang tao.
A. kakaibang estilo o pananamit C. madaling mapikon
B. kaibahang pisikal D. walang nagmamahal
______36. Online ang pag-eenrol sa mga pangunahing pamansatasan sa Pilipinas.
A. nararapat na maging bahagi ng kurikulum sa sekundarya ang paggamit ng computer
B. ang mga may access lamang ang makapag-aral sa mahuhusay na pamantasan sa Pilipinas
C. isang paraan ng pagsasala ng mga mag-aaral ang online nap ag-eenrol sa mga pangunahing
pamantasan sa Pilipinas
D. obligasyon ng pamahalaan na bigyan ng computer ang lahat ng pamilya sa bansa
______37. Online ang pagpapasa ng mga aplikasyon para sa mga mahahalagang dokumentong personal
tulad ng birth certificate.
A. magiging mas mabilis ang pagkuha ng mga personal na mahahalagang dokumento
B. hindi kailangang pumila ng mahaba at maghintay ng matagal sa pagkuha ng mahalagang dokumento
C. mahihirapang kumuha ng mga mahahalagang personal na dokumento ang taong walang access IT
D. Hindi na dapat obligahin ang isang mahirap na tao na kumuha ng mga dokumentong ito
______38. Online ang pagbabayad sa mga pangunahing serbisyo tulad ng koryento at tubig?
A. hindi nito maapektuhan ang mga informal settlers dahil wala silang access sa mga pangunahing
serbisyong ito
B. magiging madali na ang pagbabayad ng mga pangunahing serbisyo
C. uunlad ang negosyong internet café
D. pipila rin sa mga internet café ang mga Pilipinong nais magbayad ng mga pangunahing serbisyo
______39. Online ang pagkuha ng mga mahahalagang pagsusulit tulad ng Professional Board
Examination
A. mga mayayaman na lamang ang makakukuha ng mga mahahalagang pagsusulit
B. uunlad ang negosyong internet café
C. hindi nito maapektuhan ang mga karaniwang mamamayan ng high school lang ang natapos
D. hindi lahat ng mamamayan ay makukuha ng mga mahahalagang pagsusulit
______40. Batay sa mga nagging sagot mo sa bilang 36-39, nalalabag ng agwat teknolohikal ang batas
moral dahil sa:
A. nagiging dahilan ito upang manatiling mahirap ang mahihirap
B. nakahahadlang ito sa pakikinabang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao sap ag-aangat ng
kaniyang kalagayan sa buhay
C. natatapakan ang mga karapatan ng tao sa pamamagitan ng paglilimita sa kanilang maaaring gawin
D. pinayayaman nito ang iilan tulad ng mga nagmamay-ari ng mga internet café at mga may pagawaan
ng makabagong teknolohiya at mga nagbebenta nito

Panuto: Isulat ang NAMBUBULAS sa patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay ng katangian ng isang
nambubulas at, BINUBULAS naman kung ang katangian ay nagpapakita ng binubulas.
________________41. Mas malamang na napalaki ng isang pamilyang napabayaan ng gawin ang lahat
ng kaniyang gusting gawin at hindi napaaalalahanan lalo na sa mga hindi tamang nagagawa.
________________42. Hindi naramdaman sa kaniyang pamilya ang pagmamahal
________________43. Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya
________________44. Ginagamitan ng pananakit bilang pagdisiplina
________________45. Nakita ang pagiging marahas ng magulang na magdudulot ng pagkakaroon ng
damdamin ng poot sa kapwa at malaon ay makaramdam ng kasiyahan sa pananakit sa iba.
________________46.Ang mga halimbawa nito ay ang maaaring pakakaroon ng kapansanan sa
katawan, masyadong mataba o payat, mahina o astigin, masyadong matangkad o bansot, at iba pa.
________________47. Halimbawa, kung ikaw ay babae, maaaring magiging target ka nila kung
masyadong maiksi o bulgar ka sa iyong pananamit.
________________48. Kung nakikitaan ka nila ng pagiging mahina bilang isang lalaki o di kaya sa
pagiging astigin mo bilang isang babae.
________________49. Kung makikitang kagyat ang galit na ipakikita kapag tinutukso o kinukutya.
________________50. Kawalan ng seguridad sa sarili ay isang palatandaan ng kahinaan
________________51. Kawalan ng tiwala ay isang napakagandang indikasyon na magiging madalii para
sa isang mambubulas na maipakita ang kaniyang nakahihigit na kapangyarihan.
________________52. Tahimik at lumalayo sa nakararami ( quiet and withdrawn)
________________53. Wala kang kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa kanila

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at ipaliwnag.

54-56.
Paano nakaapekto ang teknolohiya sa agwat sa mga henerasyon sa pakikipag-ugnayan mo sa iyong mga
magulang, guro, at iba pang nakatatanda? Ipaliwanag.
57-60.
Paano nakaapekto ang mabilis nap ag-unlad sa teknolohiya, particular na ang tinatawag na IT sa mga
mahihirap na Pilipino? Ipaliwanag.

You might also like