Diary Ni Assumera
Diary Ni Assumera
Diary Ni Assumera
by Anjie_lique
Diary ng Assuming
as·sum·ing
əˈso͞
omiNG/
conjunction
conjunction: assuming
1.
used for the purpose of argument to indicate a premise on which a statement can be
based.
adjective
archaic
adjective: assuming
1.
arrogant or presumptuous.
Source: Google
Una
Dear Diary,
Nagkasabay kami sa jeep ng crush ko kanina.
Ikalawa
Dear Diary,
OMG! Pahero kami ng kulay ng suot ni CRUSH! Ito na ba ang tinatawag nilang tadhana?
Sana napansin niya rin.
-- Assunta Meranda
Ikatlo
Dear Diary,
Kanina nakatayo malapit sa'kin si crush tapos biglang naglabas ng cellphone. Akala
ko hihingiin niya na number ko, pero bigla niyang tinago ulit phone niya.
Baka nahihiya lang sa'kin. Hindi naman ako magdadalawang isip ibigay sa kanya
number ko.
Ikaapat
Dear Diary,
Nahuli ako ni crush na tinitingnan siya. 'Di ba hindi niya ako mahuhuli kung wala
rin siyang intensyong tingnan din ako? O my God! This is a sign!
-- Assunta Meranda
Ikalima
Dear Diary,
Kasama ko girl friends ko kanina nang makasalubong namin si crush. BIGLA SIYANG NAG
HI! Ngumiti lang naman ako para hindi niya isiping sobra ang reaction ko sa ginawa
niya. Nung makaalis na siya, biglang sinabi ng isa sa mga kasama ko na pinsan niya
pala siya.
Ay sus, alam kong nag hi lang 'yon para magpapapansin sa 'kin. Kinikilig ako! OMG!
Ikaanim
Dear Diary,
In-accept niya Friend Request ko!! OMG, sa gwapo niya feeling ko hindi basta-basta
tumatanggap 'yon ng friend request. Kahit na may 500 mutual friends kami, hindi pa
rin pwedeng basehan 'yon para iaccept niya ako. Aba! Aba! I can smell something
fishy here. Ha ha.
-- Assunta Meranda
Ikapito
Dear Diary,
Ni-like niya post ko kaninang umaga. Wacky picture ko na may caption na 'Good
Morning Madlang Pepz!' Ibig sabihin, nagustuhan niya 'yong picture ko?! Heaven!
Dear Diary,
Nalulungkot ako. Hindi niya talaga ako pinapansin kung nagkakasabay kami sa isang
activity.
-- Assunta Meranda
Ikasiyam
Dear Diary,
May nabasa ako kanina sa notebook ng BSA friend ko. 'Never Assume unless otherwise
stated' daw. Pero pagdating sa love life hindi naman masama mag assume 'di ba?
Mahirap na baka habang buhay maging torpe si crush at hindi niya talaga masabi sa
'kin.
P.S Nabangga ako ni crush kanina, nag sorry naman siya. Crush talaga, ang daming
pakulo mapansin lang.
-- Assunta Meranda
Ikasampu
Dear Diary
Nag status siya kanina, "The moment I laid eyes on her I knew she was somebody
else, somebody that I could love."
Shiz! Feeling ko talaga alam ko kung sino tinutukoy niya.. Alam na! Malakas ang
kutob ko. Gosh, kinikilig at nanginginig ang kamay ko nung ni-like ko 'yon.
-- Assunta Meranda
Ikalabing-isa
Dear Diary,
Walang masiyadong nangyari ngayong araw na 'to. Hindi ko alam kung bakit ayaw
kaming pagtagpuin ngayon ni tadhana.
-- Assunta Meranda
Ikalabing-dalawa
Dear Diary,
Pinansin niya ako kanina, as in oo yes! First time 'yon. Hanggang ngayon nakangiti
pa rin ako dahil dun. Hindi ko pa makakalimutan ang sinabi niya.
O 'di ba? Nag 'hi' siya! Tsaka sa dami ng pwedeng hiraman, bakit ako pa? Kahit na
ako 'yong estudyante sa harap niya, e pwede naman niyang hiraman ang nasa likod o
kaya 'yong nasa gilid niya 'di ba?
Naibigay ko tuloy agad ballpen ko, malas lang at isa lang pala 'yon. 'Di bale nang
na zero ako sa quiz, at least pinansin niya ako.
-- Assunta Meranda
Ikalabing-tatlo
Dear Diary,
Naiinis ako! Naiinis talaga ako. Ang sarap bangasan ng maingay na babaeng 'yon
kanina sa basketball court. Paano kapag nakaka-shoot si crush, kung maka-tili
wagas. Kulang na lang sumigaw siya ng "Go sexy! Go sexy sexy love!" Assumera siya
masiyado. Anong akala niya? Dahil sa kanya kaya magaling si crush? Assumera!
P.S Malakas ang kutob kong dahil sa 'kin 'yon. Paano nagkasabay kami kanina nung
papunta siyang court tapos nag thank you siya ulit sa ballpen at ang laki pa ng
smile niya. Ang dami niyang alibi, makita lang ako before ng game nila. Alam ko
namang ako ang lucky charm niya e.
-- Assunta Meranda
Ikalabing-apat
Dear Diary,
Kanina sinabihan ako ng mga kaibigan ko na ang sarap ko daw sakalin dahil assuming
daw ako. Sinagot ko lang sila ng "Ano? 'yan ba 'yong nilalanguyan? Assuming Pool?"
Sabay walk out.
Nakakainis sila. Hindi nila ako maintindihan. Mahirap bang intindihin na nasesense
ko lang talaga kung may motibo 'yong tao? Palibhasa wala silang sense of.. basta
sense na kung anong meron ako!
Ikalabing-lima
Dear Diary,
-- Assunta Meranda
Ikalabing-anim
Dear Diary,
Ibang klase talaga siyang dumamoves! Hanggang sa sinehan sinusundan ako. Paano
kanina, nanood kami ng If I stay ng mga kaibigan ko, aba'y akalain mo nakasabay
namin siyang papasok sa loob.
P.S Alam ko naman kung bakit kami nagkasabay papasok. Alam na!
-- Assunta Meranda
Ikalabing-pito
Dear Diary,
Kasunod ko siya sa pila sa canteen kanina. Ang laki ng ngiti ko nang marinig na
'yong paborito kong pagkain ('yong palagi kong binibili doon) ang binili niya. Alam
mo 'yong halos mamatay na ako sa kilig dahil nag-effort talaga siyang bilhan ako?
Napatalikod pa ako sa kanya kasi ngiti talaga ako nang ngiti. Kinalma ko muna
sarili ko bago humarap ulit. Pagtingin ko, isang galit na tindera na lang ang
naghinintay sa 'kin. Bakit pa kasi ako tumalikod? Hindi naman niya alam na nasa
likod na pala niya ako. Baka naghanap na 'yon sa buong campus kanina. Wala pa naman
kaming subject na magkaklase after nung time na 'yon. Naawa tuloy ako.
-- Assunta Meranda
Ikalabing-walo
Dear Diary,
Tinawag niya ako sa pangalan ko kanina. Sabi niya "Psst. Assunta, pakopya naman ng
assignment oh." Sabay upo sa tabi ko.
-- Assunta Meranda
Ikalabing-siyam
Dear Diary,
Ang saya-saya ko ngayong araw na 'to! Alam mo 'yong feeling na maging magkaibigan
na talaga kayo ng taong gusto mo? Ang saya ano?
Kung may makakabasa man nitong sinulat ko (if ever mawala ko 'to, wag naman sana),
dapat hindi kayo malungkot kapag naging kaibigan o kaibigan niyo 'yong gusto niyo!
Dumadamoves lang 'yan! Tulad ni crush, alam ko namang ka-ibigan talaga pakay niya.
Hindi nga lang siya nagmamadali.
-- Assunta Meranda
Ika-dalawampu
Dear Diary,
Hindi kami sinipot ng prof. namin kanina kaya wala kaming ginawa sa room kung hindi
mag daldalan, matulog at kung ano-ano pa.
Matutulog na sana ako nang marinig mula sa likod ko na may kumakanta, nang lingunin
ko, nakita ko siyang nakapikit, sinasabayan ang kanta mula sa ipod niya.
Nahiya pa ang loko. Pwede naman niya akong kantahan diretso, bakit kailangan niya
pang gumawa ng mga segue e obvious na man na.. Nakaka-frustrate rin maghintay sa
isang torpe.
-- Assunta Meranda
----
Hingang malalim. Wow Thank you Lord! HAHAHA Happy 5th day Assunta. Happy 1k
reads.!! Salamat sa mga nagbabasa kahit na ewan ko kung anong klaseng tao 'yang si
AssuMera hahaha. Kahit na kung ano-ano na lang ang laman ng diary ni Assunta,
nandiyan pa rin kayo at nakasuporta sa kanya. THANK YOU GUYS! I LOVE YOU ALL, God
bless!!
Ikadalawampu't isa
Dear Diary,
Ang sarap magising sa umaga na may isang text na naghihintay mula sa kanya.
How do I tell you that I like you? How can I say that you're the only thing on my
mind? We're supposed to be just friends, but for me, there's so much more there. I
just don't know how to tell you.
Good Morning.
#GM
Hindi na man niya kailangan lagyan ng gm sa baba, alam ko namang para sa 'kin lang
talaga 'yon.
Ikadalawampu't dalawa
Dear Diary,
Hanggang sa school, binasa ko nang paulit-ulit ang text niya. May time pang lumapit
siya sa 'kin kaya bigla kong natago ang cellphone ko.
Mahirap na, baka makita niya kung ano ang phonebook name niya sa 'kin.
CARLO <3 <3 pa naman 'yon.
-- Assunta Meranda
Ikadalawampu't tatlo
Dear Diary,
Kompletong-kompleto talaga araw ko. Text niya sa umaga ang bumungad sa 'kin kanina
paggising ko. Ngayon, isang text na naman niya ang mababasa ko before ako matulog.
Isang simpleng good night and God bless. Sana tanggalin niya na sa susunod ang GM.
-- Assunta Meranda
Ikadalawampu't apat
Dear Diary,
Umulan kanina, buti na lang may payong ako. Ibang klase pa umaksyon si tadhana,
nakita ko siyang papatakbo sa 'kin sabay sabing "Pasukob ako."
-- Assunta Meranda
Ikadalawampu't lima
Dear Diary,
Wala akong magawa kanina kaya nang stalk na lang ako sa FB. Siyempre sa fb niya.
Wala akong nakitang ikinasakit ng mata ko (walang picture ng babae na aakalain mong
gf niya). Pinagpantasyahan ko na lang ang mga picture niyang kitang-kita kung gaano
katangos ang kanyang ilong at kapungay ang kanyang mga mata.
Ang gwapo niya talaga! Sana 'yon din ang maisip niya kapag facebook ko naman ang
binisita niya Na ang ganda ko kaya bagay na bagay kami.
-- Assunta Meranda
Ikadalawampu't anim
Dear Diary,
Hindi ito tungkol kay Carlo. May asungot lang talaga sa buhay ko na ayaw akong
patahimikin. Palagi na lang akong kinukulit. Ano bang trip niya sa buhay?
-- Assunta Meranda
Ikadalawampu't pito
Dear Diary,
Nilibre niya kami ng Hawaiian Pizza kanina. Alam na alam niya talaga paborito ko.
Tuwang-tuwa rin si Dhea (isa sa mga friend namin) bumulong pa siya sa 'kin ng "Pati
paborito ko alam niya." May kurot pang kasama.
Assuming si ate.
-- Assunta Meranda
Ikadalawampu't walo
Dear Diary,
Ang tagal niya kung magreply. Ganoon ba talaga ka pinag-iisipan ang dapat ireply sa
'kin?
-- Assunta Meranda
Ikadalawampu't siyam
Dear Diary,
Humingi siya ng number ni Dhea sa 'kin kasi may kailangan daw siya. Nahihiya raw
siya kaya hindi niya mahingi ng personal kay Dhea.
Ano kaya kailangan niya? Hindi kaya magpapatulong siya kay Dhea para sa 'kin?
-- Assunta Meranda
Ikatatlumpu
Dear Diary,
Nagkwentuhan kaming dalawa kanina. Oo kaming dalawa lang. Tinanong niya ako kumusta
love life ko, kung may crush ba daw ako. Ako naman itong si gawa-gawa lang ng
storya. Alangan naman umamin agad ako 'di ba? Siyempre siya dapat una.
Siya naman pinagkwento ko. Sabi niya may nagugustuhan na raw siya. At hindi nga raw
magtatagal e aamin na siya.
-- Assunta Meranda
Ikatatlumpu't isa
Dear Diary,
May gustong manligaw sa 'kin pero hindi ako pumayag. Iniisip ko pa lang 'yon,
feeling ko pinagtataksilan ko na si Carlo.
-- Assunta Meranda
Ikatatlumpu't dalawa
Dear Diary,
-- Assunta Meranda
Ikatatlumpu't tatlo
Dear Diary,
Dalawang araw nga lang kaming hindi nagkita e namimiss ko na siya. Buti na lang
Monday na bukas.
PS. Kapag ni-like niya 'yong bagong dp ko ngayon, gusto niya talaga ako.
-- Assunta Meranda
Ikatatlumpu't apat
Dear Diary,
Malalim na ang gabi, hindi niya pa rin nilalike ang dp ko. Online naman siya. Ah
siguro nahihiya lang siya, tsaka ayaw niyang i-like kasi mapapaghalataan siya.
Carlo talaga.
Good night Diary. Excited na ako bukas kasi magkikita na naman kami.
-- Assunta Meranda
Ikatatlumpu't lima
Dear Diary,
Grabe 'yong kanina! Nakita ko si Carlo na may dala ng isang bouquet ng bulaklak.
Papunta siya sa direksyon ko. Na-estatwa talaga ako sa kinatatayuan ko,
pinagpapawisan 'yong kamay ko tapos ang lakas pa ng kabog ng puso ko.
Habang papalapit siya e, tingin sa kanan at kaliwa lang ang peg ko. Alangan namang
magpahalata ako 'di ba? Kaya ayun hinintay ko lang siya nang hinintay hanggang
sa...
--
a/n : May biglang ginawa si Assunta, to be continued daw itong entry niyang 'to
mamaya.
Ikatatlumpu't anim
Dear Diary,
Grabe 'yong kanina! Nakita ko si Carlo na may dala ng isang bouquet ng bulaklak.
Papunta siya sa direksyon ko. Na-estatwa talaga ako sa kinatatayuan ko,
pinagpapawisan 'yong kamay ko tapos ang lakas pa ng kabog ng puso ko.
Habang papalapit siya e, tingin sa kanan at kaliwa lang ang peg ko. Alangan namang
magpahalata ako 'di ba? Kaya ayun hinintay ko lang siya nang hinintay hanggang sa
narinig ko 'yong sigaw ng nanay ko.
Ang tagal niya na pala akong ginigising kasi tulog mantika raw ako. Na-late tuloy
ako sa first subject ko. Eh nanay naman kasi, sayang din 'yong panaginip ko. Sa
sobrang excited kong makita siya, hanggang sa panaginip talaga e sinusundan niya
ako.
-- Assunta Meranda
Ikatatlumpu't pito
Dear Diary,
Anaknipikachu naman oh. Nung pauwi na'ko sa bahay, halos lahat ng nakasalubong ko e
couples. Lambingan here, lambingan there ang peg nila! Kailangan talaga sa kalsada
magyakapan? Akbayan? At lampungan?
Hindi naman sa bitter ako, nababadtrip lang talaga ako. Naalala ko na naman ang
katorpehan ng crush ko. Kung umaksyon na sana siya edi kasali na kami sa mga couple
na 'yon! Kainis talaga.
-- Assunta Meranda
Ikatatlumpu't walo
Dear Diary,
Gising pa ako ngayon kasi hinihintay ko ang update ni Ate Pilosopotasya sa 23:11.
'Yong tanong ni Rico ang agad na nabasa ko.
Naisip ko, halos pareho kami ng katanungan. Ang sarap itanong kay Carlo, "Hindi pa
ba tayo tapos sa torpezoning stage?"
Hanggang kailan ba ako maghihintay? O may hinihintay nga ba ako? (Sana naman meron
talaga)
-- Assunta Meranda
Ikatatlumpu't siyam
Basang-basa siya ng pawis kanina dahil nagpractice sila ng Basketball. Naisip kong
abutan siya ng dala kong face towel.
Nakakakilig dahil hindi siya nag-alinlangang abutin 'yon tapos ipinunas sa mukha
niya. Nung sinabi niyang siya na ang maglalaba, umayaw agad ako. Remembrance rin
'yon kaya hindi ko lalabhan!
-- Assunta Meranda
Ikaapatnapu
Dear Diary,
Nagkakwentuhan na naman kanina. Sabi niya bukas na raw siya magtatapat sa taong
mahal niya. Biglang ang bilis ng tibok ng puso ko nang mga oras na 'yon. Kaya lang
nung pumasok si Dhea, bigla siyang ngumiti nang napakalapad.
Ano ba ang ibig sabihin ng ngiting 'yon? Hindi ko alam kung ano ang hindi
nagpapatulog sa'kin ngayon. Ang fact ba na magtatapat na siya kaya excited na ako o
nangangamba akong baka nahulog na siya kay Dhea sa mga panahong nagtutulungan sila?
-- Assunta Meranda
Ikaapatnapu't isa
Dear Diary,
Maraming nangyari ngayong araw na 'to. Marami rin akong maikikwento. Maraming
rebelasyong naganap. Kaya lang medyo busy pa ako ngayon kaya mamamaya na lang ako
magsusulat.
P.S Nasagot nga pala katanungan ko kagabi. Hindi nga siya nahuhulog kay Dhea. Tama
ang hinala kong nagpapatulong lang siya!
-- Assunta Meranda
Ikaapatnapu't dalawa
Dear Diary,
Nagtapat na nga si Carlo kanina. Todo effort pa siya. May balloons, flowers,
tarpaulin at pinakanta niya pa ang ilan sa mga kaklase namin na para talagang
nanghaharana. Ginawa niya 'yon sa quadrangle ng school kaya ang raming taong
nakasaksi.
Bago dumating sa time na 'yon, nasa loob pa ako ng room namin nakatunganga lang,
hindi kasi pumasok 'yong prof. namin. Actually kabadong-kabado na ako nung time na
'yon, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang gagawin ni Carlo.
Nung time na 'yon, naisip kong "Gosh! Ito na 'ata ang sinasabi nilang katuparan ng
mga pangarap." Hinila kami ni Dhea hanggang sa nasa quadrangle na rin kami. Narinig
ko naman siyang sumigaw ng "Takpan niyo siya! Takpan niyo siya!" Kunwari namang
hindi ko alam kung sino ang SIYA na tinutukoy nila, tumalikod pa ako. Napaharap
lang ako nang higitin ako ni Dhea at sabihang "Hoy Assunta, tulungan mo kami,
takpan mo rin si Angel!" Si Angel. Isa sa mga kaibigan ko, pero mas close talaga
sila ni Dhea.
Parang nabingi ako sa oras na 'yon. Parang biglang umikot 'yong mundo at biglang
sumikip 'yong dibdib ko. Sa sinabi niyang 'yon e na-explain na niya ang lahat. Para
pa akong baliw kanina dahil sinagot ko siya ng "Ha? Eh teka lang na-iihi na ako."
Sabay takbo at pumasok sa pinakamalapit na CR. Kung paano ko nalaman 'yong ginawa
ni Carlo? Ikinwento na lang nila sa'kin.
-- Assunta Meranda
Ikaapatnapu't tatlo
Dear Diary,
Naiinis ako kay Carlo! Kasalanan niya kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon!
Bakit kasi siya nagbibigay ng motibo? Hindi sana ako umasa, hindi sana ako
nasaktan.
P.S Hindi ko na maalala kung paano ako nagka-crush sa kanya. Ang pangit niya kaya!
Bagay nga sila ni Angel.
Ikaapatnapu't apat
Dear Diary,
Ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang mga kantang
* Torn
* Jar of Hearts
-- Assunta Meranda
Ikaapatnapu't lima
Dear Diary,
Gusto kong kumain, pero wala akong gana. Ewan ko! Wala na akong ibang ginawa kundi
ang mahiga, makinig ng sad na mga kanta, manood ng dramang pelikula at basahin nang
paulit-ulit ang 25 messages (10 GM, 15 konting convo) niya sa inbox ko.
Naisipan ko ring basahin muli ang mga nakasulat dito. Klaro naman talaga ang motibo
niya ah! Bakit ganoon ang nangyari? Hindi ako nag-aassume ng walang basehan!
-- Assunta Meranda
Ikaapatnapu't anim
Dear Diary,
Wala nang mas sasaklap pa kung makikita mo siyang may kasamang iba. Ang sakit-sakit
ng puso ko!!
Ano bang dapat kong gawin? Paano ba mag-move on? Nadelete ko na ang mga text niya.
Nalabhan ko na ang face towel na ginamit niya. Dinelete ko na rin 'yong mga candid
picture at pati 'yong ninakaw ko sa fb niya na mga picture niya. Dinelete ko na rin
'yong number niya (sana magka-amnesia na lang ako, memoryado ko pa rin e.) Hindi na
rin kami friends sa fb, at mas lalong hindi ko na siya pinapansin kahit na
manghiram pa siya ng ballpen.
Pero bakit ganun? Crush ko pa rin siya. Mahal ko na ba siya kaya ako nagkakaganito?
Possible ba 'yon?
Ang dami kong katanungan. Wala namang makakasagot.
Ikaapatnapu't pito
Dear Diary,
Namumugto ang mga mata ko kanina nung lumabas ako ng kwarto. Tinanong ako ni Mama
bakit daw ako umiiyak. Sabi ko nanood ako ng Miracle in Cell No. 7. Tumango lang
siya at pinabayaan ako.
After ng isang oras, lumabas na naman ako para uminom ng tubig. Nagtaka na naman si
Mama bakit ganoon na naman mata ko. Sabi ko Miracle in Cell No. 7 Part 2. Bago ako
pumasok ulit sa kwarto, sinabihan niya ako ng "Anak, 'wag mo nang panoorin kung may
part 3 pa 'yan.Papaiyakin ka lang niyan sigurado."
Buti nandiyan nanay ko, at least napatawa ako kahit isang beses lang ngayong araw
na 'to.
-- Assunta Meranda
Ikaapatnapu't walo
Dear Diary,
Bakit kaya hindi niya ako gusto? Pangit ba ako? 'Pag nakaharap na ako sa salamin,
mas maganda naman ako kay Angel a!
-- Assunta Meranda
Ikaapatnapu't siyam
Dear Diary,
May program sa school kanina, Facets of Love ang tawag. Nagpresent ang Theatre
guild ng school, Disney Princesses ang peg.
Nakaka-BV ang bawat ending, puro na lang kissing scene ng prinsesa at prinsipe.
Tapos may "and they live happily ever after" pa!
Whatever!
-- Assunta Meranda
Ikalimampu
Dear Diary,
Nagpagupit na pala ako ng buhok. Hanggang balikat ko na lang ang noo'y mataas kong
buhok. Sayang din 'yon, mga 8 inches na lang abot na sana beywang ko nun. May bangs
na din ako, kung alam ko lang na mas babagay sa 'kin ang may bangs edi sana ginawa
ko na noon.
Mas naging mapili na rin ako sa mga ginagamit ko like kung anong facial wash dapat,
deodorant, tamang damit at marami pang iba. At kailan pa ako naging maarte? Buti na
lang hindi nagtaka si mama, natawa pa nung sabi kong gusto ko ng make over. Sabi pa
niya "Ay naku anak sabi ko na nga ba, late bloomer ka lang!"
P.S Natulala siya kanina nung nakita ako. Ano? Nganga ka ngayon!
-- Assunta Meranda
Ikalimampu't isa
Dear Diary,
Pinansin niya ako kanina, "Assunta, ikaw ba 'yan? Ang ganda-ganda mo na" pa nga ang
sinabi niya. Nginitian ko lang siya sabay takbo nang mabilis..
-- Assunta Meranda
Ikalimampu't dalawa
Dear Diary,
Naaalala mo pa ba 'yong asungot na sinasabi ko? Ayun, asungot pa rin. Ang kulit
lang e, medyo papansin, ayaw akong lubayan kanina.
Nagseselos ba siya?
-- Assunta Meranda
Ikalimampu't tatlo
Dear Diary,
Ikalimampu't apat
Dear Diary,
Nakakapagtaka lang ang gm niya. Masiyadong tipid e. Natanggal na nga 'yong salitang
gm. Pero mukha rin namang gm 'yon. Ay ewan basta ang nakasulat lang e "Regrets"
period.
-- Assunta Meranda
Ikalimampu't lima
Dear Diary,
Ang liit nga lang talaga ng mundo. Nagkita kami sa simbahan kanina. Pareho pa kami
ng kulay ng suot. Naka-tadhana talaga kami hindi ba?
Binati niya pa ako, kaya lang biglang may sumulpot na impakta sa likod niya. Paano
kaya 'yon nakapasok sa simbahan?!
-- Assunta Meranda
Ikalimampu't anim
Dear Diary,
-- Assunta Meranda
Ikalimampu't pito
Dear Diary,
Hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang tumingin sa iba. Kumikirot ang puso ko sa
tuwing iisipin ko 'yon. Pero ano bang gagawin ko? Taken na siya! Ayoko namang
maging 'The other woman.'
-- Assunta Meranda
Ikalimampu't walo
Dear Diary,
Nagfi-facebook ako ngayon. Bumungad ba naman agad sa akin ang mukha nilang dalawa!
Hindi ko pala na-unfriend si Angel.
Ano ba 'to! Sabi ko nga magmomove-on na ako!! Pero dahil pinili kong maging forever
alone, hahayaan ko na lang ang sarili kong gustuhin siya kahit na alam kong hindi
ko na siya maaabot pa.
-- Assunta Meranda
Ikalimampu't siyam
Dear Diary,
Start na ng intrams namin bukas. May hindi pala ako nakikwento, last week biglang
na-aksidente 'yong representative namin for Ms. Intrams. Nadulas dahil napakataas
ng takong. Ang adik lang e, ako ba naman napili nilang ipalit?!
Pero siyempre pumayag ako. Chance ko na kayang ipakita sa kanya kung ano ang kaya
ko. Opening program pa lang bukas pero hindi na ako makapaghintay mag-closing.
Readyng-ready na ako!
-- Assunta Meranda
Ikaanimnapu
Dear Diary,
Opening ng intrams namin kanina. Siksikan sa loob ng school gymnasium, buti na lang
maaga kami at agad nakahanap ng mauupuan. At sa sinabi kong kami, kami nila Dhea at
iba pa naming girl friends. Girl friends so isa dun si Angel, at dahil nandun nga
si Angel siyempre hindi mawawala si Carlo.
Dyahe lang dahil nasa kaliwa niya si Angel at ako ang nasa kanan niya. Minsan kapag
nagkakagulo na sa loob, lalong nagkakasiksikan na skin to skin talaga ang labanan.
Nagtaka lang ako bigla, parang wala na lang sa akin kapag nadidikit ako sa kanya.
Parang mahina na 'yong spark na nangyayari sa tuwing malapit ako sa kanya.
-- Assunta Meranda
Ikaanimnapu't isa
Dear Diary,
Sign na ba ang naramdaman ko kanina na nag-start na akong mag-move on? Naku naman!
Kung kailan mas sure ako ng 90% this time na nagkakagusto na siya sa akin!
Bumabalik na 'yong sense of ano ko e.
-- Assunta Meranda
Ikaanimnapu't dalawa
Dear Diary,
Ayoko na nung mga kantang pinakikinggan ko matapos kong malamang iba ang mahal
niya. Ngayon ko lang na-realize na ang baduy pala ng mga 'yon. Hindi na rin ako
maka-relate sa lyrics nila kaya dinelete ko na kanina.
P.S Nag-gm na naman siya. Alam kong ako na naman tinutukoy niya pero wala na akong
pakialam.
-- Assunta Meranda
Ikaanimnapu't tatlo
Dear Diary,
Kinukulit pa rin ako ni Josh (Ibang klase talaga 'tong beauty ko). Bigyan ko na
kaya siya ng chance?
Pero hindi ko siya gusto, possible bang mahulog din ako sa kanya kapag hinayaan ko
siyang ligawan ako?
-- Assunta Meranda
Ikaanimnapu't apat
Dear Diary,
Nag-away sila kanina ni Angel. Bilang mabait na kaibigan, ako ang naging karamay
kanina ni Angel. Sabi ko "Hiwalayan mo na gago 'yon." Hindi nakinig ang bruha,
bahala siya.
-- Assunta Meranda
Ikaanimnapu't lima
Dear Diary,
May nakatabi akong babaeng madaldal sa jeep kanina, kausap niya 'yong katabi niya.
Alam mo ba 'yong topic? Lovelife! Actually hindi pala lovelife, ang kabitteran pala
ni ate.
Iniwan daw siya ng boyfriend niya ng walang reason. Sabi niya pa, 'sa susunod
talaga 'yong gwapong-gwapo na pipiliin ko day! Kasi medyo chickboy 'yong hindi'
Aba'y si ate may gana pang mamili, ako nga 'yong napili ko noon kahit gwapong-
gwapo na hindi pa rin napunta sa 'kin. Ang mga babae talaga, dapat hindi na iniisip
ang mga ganyang bagay. Ang dapat nilang isipin ay kung paano nila maipapamukha sa
mga lalaking paasa o pa-fall na karapatdapat silang mahalin at hindi dapat saktan!
-- Assunta Meranda
Ikaaninmnapu't anim
Dear Diary,
May midterm grades na kami, as expected, bumaba grades ko. Masiyado akong na-
distract noon sa crush chenes na 'yan! Babawi ako.
-- Assunta Meranda
Ikaanimnapu't pito
Dear Diary,
Kanina nagkwentuhan kami ng mga kaibigan ko. Aba'y sinabihan ba naman nila akong
"Assunta, nagbago ka na, ang seryoso-seryoso mo na. Namimiss na namin ang pagiging
assuming mo."
Hindi nga sabi ako assuming noon! Nalalaman ko lang talaga kung may gusto sa 'kin
ang tao. Like kung ginagaya niya kulay ng damit ko, nahuhuli ko siyang tinitingnan
ako, pasimpleng panghihiram ng mga bagay o kaya pangongopya. At higit sa lahat
'yong pa-gm-gm kuno. Naagawan nga lang ako.
Hindi ko rin sila maintindihan, nagagalit sila noon kapag sinasabi kong ganito
ganyan, ngayon naman namimiss nila?
-- Assunta Meranda
Ikaanimnapu't walo
Dear Diary,
Bukas na ang Mr. and Ms. Intrams. Kung mananalo ako, sasagutin ko na si Josh. Kung
hindi, wala, basta naipamukha ko kay Carlo na ang ganda-ganda ko.
-- Assunta Meranda
Ikaanimnapu't siyam
Dear Diary,
May bago na akong crush. Mas gwapo, mas matangkad, mas macho, lahat na ng mas! Kaya
lang ang layo niya, pero hindi naman masama mangarap 'di ba? Malay natin, habang
naglalakad ako sa mall bigla na lang akong madiscover at maipartner sa kanya! Si
Erich nga nakapartner si Mario Maurer, ako pa kaya? Hindi impossibleng maipartner
din sa 'kin si Lee Min Ho!
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu
Dear Diary,
Nagpunta kami sa isang bar kanina para ipagdiwang ang pagkapanalo naming dalawa ng
partner ko sa Mr. and Ms. Intrams.
Akalain mo 'yon! Mr. Intrams 'yong partner ko tapos ako 1st runner up! Oo, hindi
ako nanalo. If I know, sinuhulan lang nung nanalo ang mga judge, mukha kaya siyang
bakla sa make-up niya.
Pero masaya na ako sa natanggap kung award. Siguradong napa-nganga ko siya kanina.
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu't isa
Dear Diary,
Nagtext siya. Sabi niya "Congrats Assunta. Basta para sa'min, ikaw pa rin panalo."
Sus, Carlo alam ko namang 'basta para sa 'kin' lang 'yon, may pa sa'min-sa'min ka
pang nalalaman!
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu't dalawa
Dear Diary,
Kanina naisipan kong kumain ng pizza. Siyempre 'yong paborito ko 'yong binili ko.
Bigla kong naalala nung nilibre kami ni Carlo. Wala naman doon si Angel ah, tsaka
hindi rin 'yon mahlig sa pizza. Sabi na nga ba, dahil talaga sa 'kin 'yon!
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu't tatlo
Dear Diary,
Makasali nga ng PBB sa susunod, baka madiscover din ako. Ang galing ko kayang
umacting, napaniwala ko nga noon si Mama tungkol sa Miracle in Cell No. 7 'di ba?
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu't apat
Dear Diary,
Naks naman, kailangan pa talaga nilang mag-unahan sa pag like ng DP ('yong pic ko
sa Ms. Intrams) ko? Sana si Lee Min Ho naman sa susunod ang mag-like! DP ko na
siguro 'yon forever.
P.S 'tong si Carlo baka mahalata na ni Angel, bahala siya basta wala akong
kasalanan.
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu't lima
Dear Diary,
Magsisimba muna ako. 'Pag nakita ko na naman siya doon, wala na, maniniwala na
talaga akong doon sa simbahan na 'yon talaga kami ikakasal!
Inaamin kong hindi pa rin ako nakaka-move on totally, nandoon pa rin 'yong sparks
('di na lang masiyadong bright) lalo pa ngayon na nagpapakita na naman siya ng
motibo. Gusto ko pa rin siya. Siguro ganito lang talaga ang mga babae, na kahit
nasaktan na't lahat, hindi pa rin basta-basta nawawala ang pagkagusto niya sa isang
tao.
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu't anim
Dear Diary,
"Alam mo, ang feelings ko sa'yo ay parang panahon, pabago-bago. Pero katulad nga ng
bagyo, minsan wala, minsan meron."
Naisip ko lang kanina nung makita ko sa news na may bagyo. Masend nga sa kanya
tapos lalagyan ko rin ng off to church sa baba nang malaman niyang magsisimba
talaga ako, pero lalagyan ko ng gm ha.
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu't pito
Dear Diary,
Affirmative. Nakita ko siya sa simbahan. So doon talaga kami ikakasal? Pero kasama
niya si Angel, ano 'yon? Siya magiging Maid of honor namin? 'Di ko tuloy mapigilang
mapangiti nang mag-isa kanina.
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu't walo
Dear Diary,
So hiwalay na sila? Pero hindi pa rin ako masaya, nalulungkot nga ako e. Feeling ko
ako may kasalanan. Parang gusto ko tuloy maging tulay parang magkaayos sila. Ano ba
'to.
-- Assunta Meranda
Ikapitumpu't siyam
Dear Diary,
Mugto mata ni Angel kanina. Si Carlo naman, hindi siya pinapansin. Heart Breaker
pala 'tong loko, paano 'pag umamin na siya, tapos papayag ako, tapos bigla na lang
din niya akong iwan? Anong gagawin ko?
-- Assunta Meranda
Ikawalumpu
Dear Diary,
Si Carlo naman nilapitan ko kanina (friends din naman kami 'di ba?). Tinanong ko
siya kung okay lang siya, kung bakit sila naghiwalay.
Sagot niya lang, "Hindi ako okay, napamahal na rin sa 'kin si Angel kahit papaano.
Kaya lang habang tumatagal, alam kong niloloko ko lang ang sarili ko, dahil iba
talaga ang mahal ko."
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya, pero nakokonsensya rin ako para kay
Angel.
-- Assunta Meranda
----
What if malapit nang magtapos? Magsasaya ba kayo dahil wala na talagang AssuMerang
nabubuhay sa Wattpad? E may malulungkot ba?
Sino bang gusto niyong makatuluyan ni Assunta? Si Carlo? Si Josh? o si Lee Min Ho?
HAHA..
Nakiki-echos na naman ako kasi gusto ko lang sabihing baka hindi ako makapag-update
this week dahil pre-finals. Pero baka lang naman. :))) Depende. hihi
Dear Diary,
Hindi ako nakapagsulat kahapon dahil masiyadong busy sa school. Nag test nga kami.
Akalain mo 'yon, pinaka-ayaw kong subject ang math pero 1 mistake lang ako sa test
namin kahapon!
Iba talaga ang nagagawa ng may inspiration. Paano kahapon paggising ko pa lang gm
niya na agad ang nabasa ko. "Good morning. Ingat kayo." 'Pag PM pa 'yon aba baka
naperfect na ako.
-- Assunta Meranda
Ikawalumpu't dalawa
Dear Diary,
Kahapon, naisipan kong umamin na talaga kay Angel (hindi kay Carlo, 'di ko kaya)
na may gusto ako kay Carlo pero wala siyang dapat ikabahala kasi hindi naman ako
gusto nun. (Alangan namang sabihin kong gusto rin ako ni Carlo baka ako pa sisihin
niya sa hiwalayan nilang dalawa).
Sabi naman ni Angel ayos lang daw. Hindi naman daw siya ang may hawak sa puso nung
tao. Nakahinga tuloy ako nang maluwag, meaning hindi siya magagalit sa kung ano man
ang mangyayari sa susunod.
-- Assunta Meranda
Ikawalumpu't tatlo
Dear Diary,
Ang lamig ng panahon paggising ko. Ang sarap palang mahiga lang tapos yakap-yakap
mo nang mahigpit 'yong unan tapos iisipin mong siya 'yon.
-- Assunta Meranda
Ikawalumpu't apat
Dear Diary,
Nadapa ako kanina. Walangyang ulan 'to, ang dulas sa may canteen. Buti na lang nasa
likod ko siya kanina at mabilis niya akong naalalayan.
Parang ipinahiwatig niya lang na kahit anong mangyari, nasa likod ko lang siya at
handang alalayan ako anuman ang mangyari.
-- Assunta Meranda
Ikawalumpu't lima
Dear Diary,
Kanina habang naghihintay kami sa prof. namin, bigla siyang nagsalita (rinig ko
siya kasi nga nasa likod ko lang siya 'di ba?) Sabi niya "Ang lamig!"
Nagpaparinig si kuya? Sige lang, darating din ang time na libre ka nang yakapin ako
anumang oras.
-- Assunta Meranda
Ikawalumpu't anim
Dear Diary,
Kanina sumukob si Josh sa 'kin kasi wala siyang dalang payong. Hindi pa kami
nakakalayo e biglang may sumukob na naman, paglingon ko si Carlo.
-- Assunta Meranda
Ikawalumpu't pito
Dear Diary,
Patagal nang patagal lalo kaming nagiging close. Pero hindi ko naman siya
mamadaliin, kakahiwalay pa nga lang nila ni Angel e. Patience is a virtue Assunta,
tandaan mo 'yan.
-- Assunta Meranda
Ikawalumpu't walo
Dear Diary,
Nagkwentuhan na naman kami kanina, tinanong niya ako about kay Josh. Kung kami raw
ba, kung gusto ko raw siya, kung mabait ba siya at kung ano-ano pa..
-- Assunta Meranda
Ikawalumpu't siyam
Dear Diary,
Kanina pa ako nag-iisip kung anong dapat ibigay kay Josh. Gusto ko kasing mag-sorry
sa kanya. Paano kanina bigla niyang tinakpan mata ko, tinawag ko siyang Carlo.
Feeling ko nasaktan ko siya. Ano bang dapat kong gawin? Ibigay? Sabihin?
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu
Dear Diary,
Bati na kami ni Josh. Ang adik ng trip nung tao. Sorry ako ng sorry kahapon pero
hindi man lang ako pinapatawad. Nung tinanong ko kung anong dapat kong gawin sabi
niya "Date tayo bukas."
Siyempre nagulat ako. Umandar na naman ang kakulitan ng taong 'yon. Kala ko pa
naman nakaka-move on na 'yon sa 'kin. Pero dahil guilty ako, pumayag na lang ako.
Sabay nga kaming nagsimba kanina, nakita pa kami ni Carlo.
Sayang! Kung kailan mag-isa nang nagsisimba si Carlo, dun pa ako may kasama.
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu't isa
Dear Diary,
Saan kaya ako dadalhin nitong si Josh? Kanina pa kami nakasakay sa taxi at walang
imikan. Traffic din kasi. Parang kinakabahan 'tong loko. Sabi ko na lang magsusulat
muna ako ng assignment ko baka matagal pa kaming makauwi mamaya.
Si Carlo naman hindi pumayag nung inaya ko kanina. Sabi ko mamamasyal lang kami ni
Josh at pwedeng-pwede siyang sumama. Magrereact na sana si Josh pero umayaw din
naman si Carlo. Pustahan, selos na selos na 'yon ngayon..
Mas better 'yon. Nang marealize niya na talaga ang worth ko at matigil niya na ang
katorpehan niya.
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu't dalawa
Dear Diary,
"Mahirap. Mahirap malamang iba ang kasama niya. Bakit ang hirap ng sitwasyon naming
'to?"
Ayan na naman siya sa pasimpleng gm niya kuno. Ang saya ko na nga ngayong araw na
'to, mas sumaya pa nang mabasa ko 'to.
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu't tatlo
Dear Diary,
Kung saan-saan ako dinala ni Josh! Naglakad kami, naglaro, kumain at kung ano-ano
na lang. Sa pinaka-last e nanood kami ng sine. Maze Runner. Nakakatawa nga kasi
inis na ins na si Josh sa 'kin. Ang ingay ko kasi, nagrereklamo ako kapag hindi
nasusunod 'yong nakasulat sa book. Sabi niya "Sige, sa book 2 hindi na tayo
manonood, hahayaan na lang kitang ikwento ang mangyayari. Sulit din 'yon, handa
akong makinig sa'yo kahit magdamagan."
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu't apat
Dear Diary,
Nakita ko siya kanina. Kasama niya si Angel, ako naman e naiiyak na. Buti na lang
nagising ako agad, panagip lang pala 'yon, baka binangungot pa ako.
Tapos 'di ba kabaliktaran daw yong mangyayari sa panaginip na'tin? So ang totoong
mangyayari e, kami ang magkasama tapos hindi ako iiyak?
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu't lima
Dear Diary,
Si Josh umeechos na naman. Buti si Carlo rin, medyo nagpapapansin na. Silang dalawa
nga kasama ko kaninang lunch. Nag alok pa si Carlo na libre niya na lang kami.
Kinikilig ako!
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu't anim
Dear Diary,
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu't pito
Dear Diary,
May activity sa school kanina kaya pwede kaming hindi mag uniform. Akalain mo 'yon,
pareho na naman kami ng kulay ng damit? Para tuloy kaming naka-couple shirt nung
magkasama kami kanina.
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu't walo
Dear Diary,
Nagulat ako sa inasta ni Carlo kanina. Bigla siyang nagalit nung sinabi kong sana
binigyan ko na lang ng chance noon 'yong tao.
Ehos siya, ginawa ko lang naman talaga 'yon para magselos siya. Ayun, bistado!
-- Assunta Meranda
Ikasiyamnapu't siyam
Dear Diary,
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan
Dear Diary,
Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang araw na 'yon. Ilang araw
na rin akong hindi nakakapagsulat dito simula nang ma-hospital si Carlo. Hindi siya
nakapagtapat nung araw na 'yon, nadulas siya sa banyo at nabagok ang kanyang ulo at
hanggang ngayon nga'y hindi pa rin siya nagkakamalay.
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't isa
Dear Diary,
Naghahanda ako ngayon dahil pupunta na naman akong hospital. Nakakatuwa kasi
natutuwa ang mommy ni Carlo sa tuwing pumupunta ako roon. Siguro palagi akong
ikinikwento ni Carlo sa kanya. Tsaka siguro naiisip niyang "Ang sarap sigurong
maging manugang si Assunta, dapat makatuluyan siya ni Carlo."
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't dalawa
Dear Diary,
Ano kaya iniisip ni Carlo ngayon habang nasa coma siya? May napapaniginipan ba
siya? O gising utak niya at hindi niya lang magalaw katawan niya?
Baka naman sa panaginip niya e umamin na siya sa 'kin tapos sinagot ko siya kaya
hindi pa siya nagigising? Naku Carlo, magising ka na please nang maging totoo na
'yang panaginip mo!
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't tatlo
Dear Diary,
What if pag gising ni Carlo e wala na siyang maalala? Tapos may babae siyang
makikilala at mahuhulog ang loob niya dun..
Ang laki na ng eye bags ko dahil wala halos akong tulog kada gabi dahil sa tanong
na 'yan na bumbagabag sa 'kin. Sana 'wag naman.
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't apat
Dear Diary,
Nakakatuwa si Josh, minsan sinasamahan niya ako sa hospital para magbantay kay
Carlo. Pwede talaga siyang bestfriend..
Tama. Bukas sasabihan ko siyang siya ang bestfriend ko, tapos 'pag naging kami na
ni Carlo, tatanungin ko si Josh if payag siyang maging best man namin.
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't lima
Dear Diary,
Ang sarap talagang kumain basta libre. Papatabain 'ata ako nitong si Josh e, ang
dami ba namang inorder kanina. Buti na lang malakas din akong kumain kaya hindi rin
nasayanag ang pera niya.
Mas masaya sana 'yon kung nandun din si Carlo. Sana magising na yung lokong yun.
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't anim
Dear Diary,
Kanina nung mag-isa lang ako, bigla kong naalala 'yong pinaka una kong nakita si
Carlo.
Nakatambay lang ako sa school canteen nun nang maagaw ang pansin ko ng isang
magandang tanawin. Ang gwapo niya lang kahit naka side view siya nun! Ang tagal ko
siyang tinitigan hanggang sa bigla na lang siyang lumingon si direction ko.
Simula nung araw na 'yon, palagi ko na siyang iniisip. Tapos nang tumagal, palagi
nang nagco-cross ang landas namin at napapansin kong pati siya e nagpapakita na rin
ng motibo.
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't pito
Dear Diary,
Ang cute ni Josh kanina, tinawag kong bestfriend biglang nag-iba ang mukha. Echos
ni kuya, alam ko namang matatanggap niya rin 'yon.
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't walo
Dear Diary,
Nagising na si Carlo! At alam mo ba? Pangalan ko agad ang binigkas niya! Kahit na
ako pa 'yong pinakaunang tao na agad niyang nakita pagkamulat niya ng mata niya,
hindi naman 'yon pwedeng gawing basehan para ako agad ang tawagin niya. Pwede
namang 'Mommy?' Or nasaan si Mommy? 'Di ba?
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't siyam
Dear Diary,
May bagong crush na raw si Josh. Sinabi niya pa sa 'kin ang pangalan, kaya sinearch
ko sa facebook. Bulag 'ata 'tong lokong 'to, 'di hamak namang mas maganda ako dun!
-- Assunta Meranda
Ika-isangdaan't sampu
Dear Diary,
Bakit ganun? Ang saya ko nga nang magising na si Carlo pero ang lungkot-lungkot ko
naman nang malaman kong iba na ang gusto ni Josh?
-- Assunta Meranda
Dear Diary,
-- Assunta Meranda
Dear Diary,
Hindi ko gusto si Josh! Hindi ko siya gusto. Si Carlo ang gusto ko! Ulo ko 'ata ang
nabagok e, nababaliw na ako.
-- Assunta Meranda
Dear Diary,
Siguro pinagseselos lang ako ni Josh kaya ginagawa niya 'to. (Sinabi niyang
liligawan na niya 'yong bagong babaeng crush niya.) Masiyadong effective naman, ang
sarap manakal!
-- Assunta Meranda
Dear Diary,
Bukas na raw ako kakausapin ni Carlo.. Bakit 'di na ako excited? Bakit puro si Josh
na lang iniisip ko? Ginayuma ba ako ni Josh at bigla ko na lang nakalimutan si
Carlo? Ano ba 'to, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.
-- Assunta Meranda
Dear Diary,
P.S Nagtapat na sa 'kin si Carlo. Kumpirmado, gusto niya na ako. Pero hindi ko na
siya gusto.
-- Assunta Meranda
Dear Diary,
Sinagot na si Josh (ng nililigawan niya!). Binusted ko naman si Carlo.. Ang malas
ko talaga sa pag-ibig. Siguro nga hindi pa pinakikilala ni Lord ang lalaking para
talaga sa 'kin.
-- Assunta Meranda
Dear Diary,
May nakasabay ako sa jeep kanina. Gwapo! Tapos palagi ko siyang nahuhuling
nakatingin sa 'kin. Tsaka sa hinahaba-haba ng byahe namin, (siya unang sumakay kasi
pagsakay ko nandun na siya) e ako pa rin ang unang bumababa!
Ibang klase si kuya, kahit obvious namang sinadya niya 'yon para lang makita niya
kung saan ako bababa. Ngayon ko lang na-realize na ang tanga-tanga ko. Kasi ang
dami pa namang shokoy sa dagat e dun pa ako nakatingin sa mga nahuli na.
Dear Diary,
Wala muna akong crush ngayong panahon na 'to. Kasi 'yang mga crush-crush na 'yan,
sus! wala namang magandang naidudulot 'yan kundi i-distract ka sa pag-aaral mo.
-- Assunta Meranda
Dear Diary,
Aba si kuyang 2nd time ko nang nakasabayan sa jeep e pati kulay ng suot ko ginagaya
na rin! Sabi na nga bang tiningnan niya talaga kung taga saan ako e! Siguro nakita
niya ako kaninang umaga paglabas ko ng bahay kaya nakigaya rin siya. Pati oras ng
pag-uwi ko e alam na rin niya!
Sorry na lang kuya pero under the stage of moving on pa ako ngayon!
-- Assunta Meranda
----
Dear Diary,
Okay na kami ni Josh, I mean hindi na ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko sila ng
girlfriend niya. Siguro nga mas malalim 'yong pagkagusto ko noon kay Carlo kaysa
kay Josh na ang bilis kong naka-move on sa kanya. Si Carlo naman, ayun maghihintay
pa rin daw sa'kin. Kaya lang wala na talaga akong feelings para sa kanya. Ewan ko
ba sa sarili ko! Ayoko na lang muna sigurong magka lovelife, bata pa naman ako.
Tapos mali pala ako. May boyfriend na pala si kuyang 3rd time ko nang nakasabay sa
jeep. Oo, boyfriend at Oo third time, nagkasabay na naman kasi kami kanina e.
Talaga rin naman palang nasa unahan pa ang kanila kasi nung nagbayad siya tinanong
siya ni kuyang driver kung saan siya bababa. Kaya ayun nalaman kung mauuna nga
talaga akong bababa.
Ang sweet din nila ng BOYFRIEND niya! Grabe, sa panahon talaga ngayon kaunti na
lang ang tunay na lalaki, malas nga lang na 'yong mga gwapo pa ang lumilipat!
-- Assunta Meranda
Assunta Meranda
Ilang araw na ang nakalilipas nang matapos ang Diary ni AssuMera at ilang araw ko
na ding pinipilit ang sarili kong isulat ito.
Anong ka-echosan na naman ito? Wala. Gusto ko lang magpaliwanag. Bakit nga ba bigla
na lang may sumulpot na napaka-assumerang babae sa wattpad.
Sa totoo lang nagsimula ang kwento ni Assunta sa isang trip-trip lang. Sabi ko,
total mahilig akong gumawa ng one shot na inspirational, bakit hindi ako gumawa ng
inspirational na maraming makakarelate?
Pero ang totoo kasi sa ending este sa author’s note ko gustong ipakita/iparating
kung bakit nga ba nasabi kong inspirational ito. Alam niyo bang kating-kati na ako
noon mag a/n, kaya nga nung nakachapter 20 na, hanggang doon na lang sana ‘yon,
pero hindi e, dumami kayo, nag-enjoy kayo (yata), kaya lalong tumagal ang
kaassumerahan ni Assunta.
Sino bang mag-aakala na aabot ‘to ng Chapter 120? Wala. Kaya eto na magpapaliwanag
na ako.
Assunta Meranda. Tingnan niyo, maski sa pangalan AssuMera talaga siya. Kung may
Juan Dela Cruz na nagrerepresent sa ating mga Pilipino, may Assunta Meranda namang
sumasalamin sa ating mga kababaihan.
Ganito kasi ‘yan. Gusto ko lang iparealize na minsan sa buhay natin, naging katulad
din tayo ni Assunta. Nagkagusto, nag-assume, nasaktan, nag move-on, pero parang
cycle lang ‘yan, tulad ni Assunta kahit na nagmove on na nag start na namang mag
assume. Hindi talaga nagtatanda. Aminin, kahit tayo rin, parang nature na nating
mga babae ang mag-assume.
SANA LANG, ‘WAG SUMOBRA. BAKA MATULAD TAYO KAY ASSUNTA. BAKA MAGKA PART 4 ANG
MIRACLE IN CELL NO. 7.
Kung hindi pa rin malinaw sa inyo ang lesson na gusto kong iparating. Ah basta! Yun
na yun.. hahaha. SALAMAT. MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. Sinuportahan
niyo talaga si Assunta hanggang sa huli.
May ika-121?!! hahaha, nasa drafts ko 'to, sa panahong si Carlo pa ang gusto ni
Assunta nung sinulat niya 'to pero hindi ko lang napublish. xDD
----
Dear Diary,
Close Friends na raw kaming tatlo. Ang cute lang ng combination namin si Josh gusto
ako, Gusto ko si Carlo tapos siguradong ako rin ang gusto ni Carlo.
Kawawa pala talaga si Joshua, sino kayang pwede d'yan nang marito ko sana.
-- Assunta Meranda