INTRODUCTION-Filipino Research

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

MGA KATANGI-TANGING MGA TRADISYON AT GAWI NG MGA

ILOKANONG IGLESIA NI CRISTO SA PAGKAKASAL

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula

Kilala ang kultura bilang isang manipestasyon ng isang lipi na

nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Likas na rin marahil para sa ating mga

Pilipino ang sumunod at maniwala sa mga tradisyong patuloy na umiiral sa

ating bansa. Lubos na nakabase sa pangkalahatang pagtanggap ang mga

tradisyon at karaniwang nagsisimula sa mga maliliit na tuntunin papunta sa

isang bagay na pagkakasunduan ng mga mamayan sa paglipas ng panahon.

Ang tradisyon (o kaugalian) ay ang koleksyon ng mga paniniwala, opinyon,

customs, mga kwento, alamat, kultura at pamantayang panlipunan na

karaniwang isinasalin mula sa isang henerasyon papunta sa isa pa. Sa ating

bansa na lamang, naglipana ang iba’t-ibang mga kaugalian at paniniwala na

tiyak ay patuloy na lumalaganap, isinasagawa at tinatangkilik ng nakararami.

Sa kabilang dako, naiiba rin ang mga paniniwala at kaugalian sa relihiyon o/at

etnikong grupong kinabibilangan. Ang mga katutubong paniniwala ay bahagi

na ng pagkakakilanlan at kultura ng ating pagkaFilipino. Ang mga

paniniwalang ito ay nagpapakita ng mga gawi, tradisyon at kasanayan na

maaaring maglarawan ng pang araw-araw na pamumuhay na atin namang

namana mula sa ating mga ninuno.


Likas na rin sa mga Pilipino ang maniwala sa mga pamahiin

(superstitious beliefs, superstitions).  Ang mga pamahiing ito ay isang walang

basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang relasyon

sa isa’t-isa. Ang mga kaugaliang ito ay mga paniniwala sa isang bagay,

gawain, o pangyayari na nakaaapekto sa mga espesipikong nakaugalian

natin, ngunit wala itong kahit anong lohikal na kaugnayan sa kalalabasan

nito. Kinagisnan na ng iba na maging panuntunan ito ng pang araw-araw na

buhay ng tao, pati na rin ang pagiging babala nito sa bawat gawain, plano, o

hangarin nila sa buhay. May mga taong nagsasabing wala naman tayong

napapala sa pagsunod nito dahil wala naman itong scientific explanation kung

bakit ito’y dapat paniwalaan at sundan pa ng iba. Magpagayunpaman, may

mga iba pa rin namang patuloy ang pagsunod sa mga pamahiin dahil sa

paniniwalang walang mawawala kung susubukan.

“Ang paglapastangan sa pag-aasawa o kasal ay

paglapastangan sa Diyos, ang paghamak dito ay paghamak sa

Diyos, ang hindi pagpapahalaga rito ay hindi pagpapahalaga sa

Diyos sapagkat ang Diyos ang lumalang ng pag-aasawa o kasal”. Ito

ang pinatutunayan sa Genesis 1:27-28:. Ang Panginoong Diyos mismo ang

nagtatag ng pag-aasawa o ang insitusyon ng kasal. Papaano itinatag ng Diyos

ang pag-aasawa? Binasbasan muna ng Diyos sina Adan at Eba, ang mga

unang taong nilalang ng Diyos, bago sila pinapagsama bilang mag-

asawa.Kaya, banal at sagrado ang kasal sapagkat ang Diyos mismo ang

nagtatag nito. Dahil dito, hindio dapat magsama na tulad ng mag-asawa ang
hindi pa kasal (ang pakikipag-live-in) sapagkat ang gayun ay paglapastangan

sa pag-aasawa na itinatag ng Diyos.

Ang pagpapakasal ay hindi isang laro, hindi ito isang malaking biro. Ang

pagtatali ng Diyos, at ang panunumpa sa harap Niya bilang mag asawa, na sa

hirap at ginhawa sila’y magsasama, ito’y pananagutan sa Diyos, hindi sa

ministro na nangasiwa ng kasal o ninuman. Ang dalawang taong

nagmamahalan ay sumusumpa sa Diyos at hindi sa kauri nito. Ang paglusong

sa buhay pag-aasawa ay hindi laro, kundi panunumpa sa Diyos, kay Cristo at

sa mata ng tao na magsasama kayo sa hirap at ginhawa. Hindi ito isang laro

na matapos pagsawaan ay hihiwalayan-dahil sagrado ang kasal. Ang tanging

makakapaghiwalay sa dalawang taong itinali sa harap ng Diyos ay kamatayan

lamang. 
Batayang Konseptwal

Isasagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pangangalap ng

mga datos ukol sa mga paniniwala at gawain sa pagpapakasal ng mga Iglesia

ni Cristo sa mga piling barangay ng Lal-lo at Gattaran, Cagayan. Sa pagkalap

ng mga datos magkakaroon ng pakikipanayam ang mga mananaliksik sa

kanilang mga respondante, pagkatapos ay mabigbigay sila ng tseklist at

talatanungan upang masuri at makilala ang mga paniniwala at gawi na

sinusunod nila hanggang sa kasalukuyan. Sisikapin ding malaman ang mga

hindi na pinaniniwalaan at isinasagawang mga gawi sa kasalukuyan . Higit sa

lahat, sisikapin ding malaman ng mga mananaliksik kung makaaapekto ba

ang propayl ng mga respondente sa mga gawi at paniniwala ng mga

Ilokanong Iglesia ni Cristo.

Independent Baryabol Dependent Baryabol

Propayl ng mga Respondente


Edad Paniniwala sa Pagpapakasal

Gulang
Civil Status Makaluma at Makabagong
Gawi sa Pagpapakasal
Antas ng Pinag-aralan
Hanapbuhay
Figure 1. Kaugnayan ng mga independent at dependent baryabol.
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga paniniwala at

gawi ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo sa pagpapakasal. Hangad ding

masagot ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang propayl ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo ayon sa:

A. Kasarian

B. Edad

C. Katayuang sibil

D. Antas ng pinag-aralan

E. Hanapbuhay

2. Ano ang antas ng paniniwala sa mga pamahiin ng mga sa Ilokanong

Iglesia ni Cristo sa pagpapakasal?

3. Ano ang antas ng pagsasagawa ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo sa

mga makaluma at makabagong gawi sa pagpapakasal?

4. May kaugnayan ba ang mga napiling propayl ng mga Ilokanong Iglesia ni

Cristo sa antas ng kanilang paniniwala sa mga pamahiin sa pagpapakasal?

5. May kaugnayan ba ang mga napiling propayl ng mga Ilokanong Iglesia ni

Cristo sa antas ng kanilang pagsunod sa mga gawi sa pagpapakasal?

6.
Reserts Hypotesis

Nais mapatunayan ng pag-aaral na ito kung may kaugnay ba ang napiling

propayl ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo sa antas ng kanilang pagsunod sa

mga makabagong gawi at paniniwala sa pagpapakasal.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mapaghambing kung may mga

paniniwala at gawi pa ba na sinusunod hanggang sa kasalukuyan sa piling

mga barangay ng Lal-lo at Gattaran, Cagayan. Sisikapin ding malaman ang

mga hindi na pinaniniwalaan at ginagawa ngayon. Ang mga Ilokanong Iglesia

ni Cristo ang mga magiging respondente sa pag-aaral na isasagawa sa taong

2018.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Isasagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang mga paniniwala at

gawi ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo sa pagpapakasal.

Umaasa ang mga mananaliksik na ang magiging resulta ng pag-aral na ito

ay makatutulong sa mga sumusunod:

Lipunan. Maaaring makatulong ito upang makilala ng lubos ang mga gawi at

tradisyon ng mga katutubong Ilokanong Iglesia ni Cristo.

Sa mga Ilokanong Iglesia. Makatutulong ito upang madagdagan ang

kanilang kaalaman hinggil sa kanilang kultura.

Sa mga Mananaliksik. Makatutulong ito upang madagdagan ang kaalaman

tungkol sa paniniwala at gawi ng mga Ilokanong Iglesia sa pagpapakasal.


Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ito upang mabuksan ang kanilang isip

hinggil sa gawi at tradisyon ng ibang relihiyon katulad ng Iglesia ni Cristo .

Sa mga Guro. Makatutulong ito sa pagiging sensitibo ng guro sa loob ng

silid–aralan.
Kabanata 3

METODO AT PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo ng pag-aaral na gagamitin

sa pag-aaral, lugar kung saan isasagawa ang pag-aaral , ang papili sa

populasyon, ang mga instrumentong gagamitin sa pangongolekta at

pagsasaayos ng mga datos at ang mga paraan ng pagsusuri sa mga

makakalap na datos.

Pamamaraan at Disenyo

Ang descriptiv sarbey ang disenyong gagamitin sa pag-aaral. Ilalarawan

dito ang Propayl ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo , kanilang mga tradisyon

at gawi na sinusunod at isinasagawa noon na hindi na isinasagawa sa

kasalukuyan at ang mga pagbabagong ginagawa sa pagpapakasal sa

kasalakuyan.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa mga piling barangay ng Lal-lo at

Gattaran Cagayan.

Ang bayan ng Lál-lo ay matatagpuan sa probinsiya ng Cagayan. Sa

kanlurang bahagi nitó ay ang bayan ng Allacapan, Camalaniugan sa hilaga,


Gattaran sa timog, at  Sta Teresita at Gonzaga sa Silangan. Kinikilála ito

bílang isa sa unang apat na siyudad sa panahon ng Español, kasáma ang

Cebu, Manila at Naga. Ang Lal-lo ang unang naging kabesera ng Cagayan

hanggang noong 1839 at ilipat ang kabesera sa Tuguegarao.

Ang bayang ito ay unang pinangalanang Nueva Segovia ni Juan Pablo

Carreon noong 1581. Ngunit ang diyosises ng Nueva Segovia na ginawa ni

Pope Clement VIII ay inilipat sa Vigan noong 1755. Ang unang mga

nanirahansa lugar ay mga Ibanag, na ang karamihan ay mga babae at ang

pangunahing gawain paghahabi. May dalawang kuwento na pinaniniwalaan

niláng pinagmulan ng pangalan ng lugar. Ang una ay nagmula ang pangalang

Lal-lo sa “il-lo-k,” Ibanag na salita para sa isang hibla. Ang pangalawa,

nagmula ang pangalan ng bayan sa salitâng Ibanag na “mal-lal-lal-lo” na ang

ibig sabihin ay malakas na agos ng tubig sa Ilog Cagayan.

Nakilála rin ang lugar dahil sa mga kabibe na pangunahing ikinabubúhay

ng mga tao roon. Makikita rin dito ang Tulay Magapit na kilalá sa bansag na

“Golden Gate of Cagayan” at isa sa dalawang tulay na dumaraan sa Ilog

Cagayan. Ilan pa sa maaaring dalawin ay ang Simbahan ng St. Dominic de

Guzman at ang “cotta” na isang moog na katulad sa pader na makikita sa

Intramuros.

Ang bayan ng Gattaran ay itinatag noong May 20, 1623 sa panahon ng

Espanyol ekspedisyon sa Pilipinas sa pangunguna ni Juan de Salcedo. Ang

Gattaran ay natuklasan bilang isa sa mga komunidad tribo sa kahabaan ng


Cagayan River nakatayo sa pagitan ng mga bayan ng Tuguegarao, sa timog

at Aparri, sa hilaga, sa panahon ng kolonisasyon sa 1572.

Ang Tucalana sa Lal-lo Cagayan at sa barangay Nassiping , San Vicente at

L.A sa bayan ng Gattaran ang mga piniling barangay ang kakatawan sa

bayan ng Lal-lo at Gattaran na kakikitaan ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo

na mayroong pinaniniwalaan at ginagawa sa pagpapakasal.

Mga Respondante at Pamamaraan ng Pagpili

Ang pagpili ng mga respondante ay sa paraang purposive na kung saan

ang mga Iglesia ni Cristo lamang na nakaranas at nakasaksi na ng tradisyon

at gawi sa Pagpapakasal ng Iglesia ni Cristo sa piling Barangay ng Lal-lo at

Gattaran Cagayan na may kabuuang bilang na 300 respondante kung saan

ang edad ay nagsisimula sa sampung taong gulang pataas.

Instrumento sa Pangongolekta ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o kwestyuner at

tseklist sa pangangalap ng datos . Ito ay mahahati sa apat na bahagi. Una,

ito ay tumutukoy sa propayl ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo ayon sa Edad,

gulang, civil status , antas ng pinag-aralan , hanapbuhay at kasarian.


Ang pangalawang bahagi ay ang mga katanungan o pangungusap na

maglalahad sa mga tradisyon at gawi ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo sa

pagpapakasal (Bago, habang, Pagkatapos). Pangatlo ay binubuo ng mga

pangungusap ukol sa tradisyon at gawi ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo sa

Pagpapakasal (Bago, habang, Pagkatapos). At ang pang-apat, naglalahad ng

mga makabagong tradisyon at gawi ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo (Bago,

habang, Pagkatapos).

Maliban sa talatanungan, magsasagawa din ng pormal na pakikipanayam

upang makuha ang mga datos ayon sa mga nakaranas at nakasaksi ng mga

tradisyon at gawi ng mga Ilokanong Iglesia ni Cristo sa Pagpapakasal.

Pangangalap ng mga Datos

Bago isasagawa ang pangangalap ng mga datos, hihingi muna ang mga

mananaliksik ng pahintulot mula sa lider ng mga barangay na kanilang pinili

at sa lokal na Ministro sa Simbahan ng Iglesia ni Cristo sa bayan ng Lal-lo at

Gattaran sa pamamagitan ng isang liham na naglalaman ng pahintulot at

personal na pakikipanayam sa mga lider ng barangay at lokal na ministro.

Pagkatapos makahingi ng pahintulot, sisimulan na ang pagsasagawa ng pag-

aaral sa pamamagitan ng pagsasagot ng mga napiling respondante sa mga

talatanungang ihahanda ng mga mananaliksik . Ang talatanungan ay

ihahanda sa dayalektong Iloko upang maintindihan ng mga respondante at

upang masagot nila nang tama ang bawat tanong.

You might also like