Pamamahayag 7
Pamamahayag 7
Pamamahayag 7
Ito ay naglalahad ng opinyon, kuro-kuro at pananaw tungkol sa mga isyung panlipunan
at mga napapanahong usapin.
• Nagbibigay ito ng mga kaalaman, nagpapaniwala at maaaring magbigay libangan o
aliw sa mga mambabasa.
• Itinuturing na kaluluwa ng pahayagan dahil pinakikilos nito ang mga mambabasa
hinggil sa mga napapanahong isyu.
• Taglay nito ang kabuoang idea at paninindigan ng patnugutan na pinagsamasama sa
isang pag-aaral at pagsusuri.
• Ayon kay Spencer na binanggit sa aklat ni Palanca (2015): Ang editoryal ay
paghahatid ng mga tala sa maikli (concise), lohikal (logical), at kaaya-ayang paraan
upang makakuha ng kapanalig, o di kaya ay pagbibigay-kahulugan at paliwanag sa
mahahalagang balita upang maging malinaw sa mga mambabasa ang kahalagahan ng
pangyayari.
KATANGIAN NG EDITORYAL
1. Nagbibigay ng ibayong kaalaman tungkol sa mga isyung pampolitika,
pangkabuhayan, pang-agham o maging sa mga pangkasarian.
2. Nanghihikayat sa mga mambabasa upang kumilos.
3. Kawili-wili at may maayos na paglalahad ng mga detalye.
4. Hindi masalita at maikli lamang upang madaling maunawaan.
5. Makatotohanan ang mga impormasyong inilalahad upang higit na mapaniwala ang
mga mambabasa. 6. Matapat at walang dapat pinapanigan upang mapagtimbang ang
isyung inilalahad.
7. Hindi dapat nagmumura o nangangaral sapagkat hindi magugustuhang basahin ng
sinuman ang may halong sermon.
MGA URI NG EDITORYAL
1. Editoryal na nagpapabatid
2. Editoryal na nagpapakahulugan
3. Editoryal na nakikipagtalo
4. Editoryal na namumuna
5. Editoryal na nagpaparangal o nagbibigay-puri
6. Editoryal na nagpapahayag ng natatanging araw
7. Editoryal batay sa tahasang sabi
MGA BAHAGI NG EDITORYAL
1. Panimula – naglalaman ito ng balitang batayan o newspeg - inilalahad ang suliranin o
isyu na binibigyan ng kuro-kuro - inilalahad ang paninindigan sa isyung inihahain
2. Katawan – inilalahad dito ang mga detalye o tala hinggil sa balita o isyu na ayon sa
paninindigan
3. Wakas o Konklusyon – naglalahad ng pinakamahalagang kaisipan, mungkahi,
tagubilin at hamon sa mga mambabasa.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG EDITORYAL
1. Siguraduhing nauunawaang mabuti ang isyu bago maglahad ng kuro-kuro.
2. Ang panimula ay dapat nakakatawag pansin agad at kawili-wili upang madaling
mahikayat ang mambabasa na basahin ito.
3. Ang bawat punto o argumento ay kailangang may patunay upang maging
makatotohanan ang paglalahad.
4. Iwasan ang pangangaral at pagsesermon.
5. Ilagay o banggitin ang mga pinagkunang datos upang maging kapanipaniwala.
6. Huwag sulatin sa unang panauhan, sa halip gamitin ang ikatlong panauhan.
7. Gawing maikli lamang ang editoryal hangga’t maaari hindi lalagpas sa limang talata.
8. Kailangang magkakaugnay ang bawat kaisipan.
9. Sundin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat – kaisahan, kalinawan,
pagkakaugnay-ugnay at diin. 10. Ilahad ang editoryal sa simple o payak na
pamamaraan, iwasang gumamit ng mga malalalim at matatalinhagang salita.