Ap7 - q1 - Mod2 - Kahalagahan NG Ugnayan NG Tao at Kapaligiran - FINAL07242020 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 34

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 2:
Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao
at Kapaligiran

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Manunulat: Myra A. Abique
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Editor: Rosario G. Caluya


Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit
Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz, Eric M. Montemar
Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr.
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Freddie Rey R. Ramirez
Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Pedro J. Dandal Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region


Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address: [email protected]
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 2:
Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao
at Kapaligiran
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahalagahan ng
Ugnayan ng Tao at Kapaligiran!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at
Kapaligiran!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

MODULES FROM CENTRAL OFFICE modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng


tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
MODULES FROM CENTRAL OFFICE paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Matapos mong magkaroon ng kaalaman tungkol sa Konsepto ng Asya


tungo sa paghahating Heograpiko sa Silanganng Asya, Timog Silangang Asya,
Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya/ Gitnang Asya. Ngayon sa bagong
aralin ay mas lalawak ang iyong kaalaman tungo sa Katangian ng kapaligirang
pisikal sa mga rehiyon ng Asya ayon sa kaniyang kinaroroonan, hugis, sukat,
anyo, klima at “vegetation cover” (tundra, taiga, grasslands, desert, tropical
forest, mountain lands).

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran
at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging
ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Pamantayan sa Pagkatuto
Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano. (AP7HAS-Ia-1)

Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Halina’t sagutan


ang sumusunod na gawain. Ito ay makatutulong sa iyong pang unawa sa ating
paksa.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ito ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos


8,850 metro.
A. Mt Everest
B. Mt Fuji
C. Mt Pinatubo
D. Mt Kanchenjunga

1
2. Ano ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na may humigit
kumulang 13,000 na pulo?
A. Indonesia
B. Pilipinas
C. Japan
D. Brunei

3. Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan ng


Asya?
A. Kapatagan
B. Tangway
C. Talampas
D. Disyerto

4. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa


pamumuhay ng mga Asyano?
A. Nagsisilbi itong panirahan ng mga tao
B. Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa ma pananim
C. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan
D. Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao

5. Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnan


hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


A. Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho
B. Ilog ng Lena
C. Ilog ng Amu Darya
D. Yangtze

6. Bakit mahalaga sa sinaunang kasaysayan ang Callao Man?


A. Pinakamatandang Ebidensya
B. Pinakamatandang Labi
C. Tao sa Kapuluan
D. Lahat tama

7. Alin sa sumusunod ang sumusupurta sa ugnayan ng tao at kapaligiran?


A. Kapaligiran ko, tahanan ko
B. Kumukuha ng ikabubuay sa kapaligiran
C. Kapaligiran lundayan ng pamumuhay
D. Lahat tama

8. Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran?


A. Gumamit ng Dinamita
B. Pagputol ng Kahoy
C. Pagtapon ng plastic sa dagat
D. Huwag magtapon ng basura sa dagat

2
9. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang nagpapaliwanag ukol sa
klimang tropikal?
A. Mayroong labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
B. Nakararanas ang mga bansa dito ng iba-ibang panahon.
C. Nakararanas ang mga bansa ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-
ulan
D. Nakararanas ang mga bansa dito ng mahabang taglamig.

10.Bakit sinasabing ang Pilipinas kasama ang mga bansa sa rehiyong Asya
Pasipiko ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay Pacific
Ring of Fire?
A. Dahil sa ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng
mga bulkan.
B. Dahil sa nakaharap ito sa karagatang Pasipiko.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga hanay ng kabundukan.
D. Dahil sa napakaraming anyong tubig na nakapalibot dito.

11.Kayo ay naatasang magsaliksik tungkol sa mga anyong lupa at


ipinalalarawan ang katangian ng bawat anyo. Paano mo ilalarawan ang
arkipelago o kapuluan?
A. Ito ay napaliligiran ng tubig.
B. Ito ay binubuo ng mga pulo.
C. Ito ay malawak na kalupaan na may bulubundukin

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


D. Ito ay kapatagan na nasa ibabaw ng bundok.

12.Ito ay uri ng behetasyon na inilararawan bilang damuhan at kagubatan at


karaniwang makikita sa bansang Myanmar at Thailand na nasa Timog-
Silangang Asya. Anong behetasyon ang inilalarawan dito?
A. Prairie
B. Savanna
C. Taiga
D. Rainforest

13.Hindi lingid sa ating kaalaman na lahat ng bagay ay may limitasyon at


katapusan. Bilang mag-aaral papaano ka makakatulong upang mapanatili
ang mga likas na yaman ng iyong lugar para sa susunod pang henerasyon?
A. Sasama ako sa mga illegal loggers para sa walang habas na pagputol
ng mga puno sa kagubatan.
B. Makikiisa ako sa aking mga kanayon sa pagsusulong ng mga gawaing
makakabuti sa aming lugar tulad ng pagtatanim ng puno sa mga
nakakalbo ng kabundukan.
C. Ipagwawalang bahala ko na lamang ang lahat dahil naririyan ang
aking mga kapwa para sila ang gumawa ng mga hakbang sa paglutas.
D. Mananahimik na lamang ako upang hindi madamay.

3
14.Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang
pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya ay maaaring nasa anyong lupa o anyong
tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa tulad ng
tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at
kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng behetasyon tulad ng
savanna, prairie, rainforest, taiga at tundra.
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay lamang ng iisang uri ng
klima.

15.Ang Asya ay halos napapaligiran ng karagatan at dagat. Ang mga ito ay may
mahalagang papel na ginagampanan sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin
dito ang hindi kabilang sa mga mahalagang papel ng karagatan at dagat?
A. Ito ay nagsisilbing likas na depensa laban sa mga kalamidad.
B. Ito ang naging lundayan ng mga sinaunag kabihasnan kabihasnan.
C. Ito ang pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at mineral.
D. Ito ang nagsisilbing rutang pangkalakalan at sa paggalugad.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

4
Aralin
Kahalagahan ng Ugnayan ng
1 Tao at Kapaligiran

Balikan

Gawain: Mapa Suri!


Matapos mong subukin ang iyong kaalaman patungkol sa Katangiang
Pisikal ng Asya atin namang balikan kung naunawaan mo nga ang nakaraang
talakayan. Tukuyin kung anong Rehiyon ng Asya ang mga nasa larawan.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


________________________________________________________________ ________________________________________________________________

________________________________________________________________ ________________________________________________________________

________________________________________________________________

5
Tuklasin

Gawain: Tayo Na at Maglakbay!


Sa pagkakataong ito, atin namang lakbayin ang mga magagandang lugar sa
Asya. Sa pamamagitan ng mga larawan na nasa ibaba tukuyin kung saang panig
ng Asya ito matatagpuan. Lagyan ng katumbas na hugis ang mapa kung saang
lugar sa tingin mo makikita ang mga larawan na nasa kahon. Handa ka na ba?

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

6
Taglay ang iyong kakayahan at kaalaman sa mga aralin ng modyul na ito.
Aalamin mo ngayon ang wastong kasagutan sa mga tanong. Sa pagtungo mo sa
susunod na bahagi, dito ay uunawain mo sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga
teksto upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman na magagamit mo sa paggawa
ng rrproyekto pagkatapos ng aralin. Sa pagkakataong ito mas mabibigyang linaw
ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya ayon sa
kanyang kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, klima at “vegetation cover” (tundra,
taiga, grasslands, desert, tropical forest, mountain lands).

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Suriin

Gawain: Basa Suri!


Panuto: Basahin at unawin mo ang teksto na patungkol sa mga sa katangian ng
kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya
.
Mga uri ng Anyong Lupa

1. Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag ay ang Himalayas na


may habang umaabot sa 2,415 kilometro. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir
(Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien Shan (Hilagang Asya),
Ghats (Timog Asya), Caucasus Azerbaijan, George Russia, at Armenia) at ang Ural
(Kanlurang Asya) ay ilan din sa mga bulubundukin ng Asya. Kadalasang
pinapangkat sa dalawang kabundukan sa Asya. Ang una ay nagmumula sa
hilagang-silangan dulo ng Asya malapit sa Bering Strait na tumatahak pahilig
patungong Afghanistan at Pakistan, samantalang ang ikalawa naman ay
nagmumuka sa kanlurang bahagi ng Asya particular sa Turkey patungong Iran na
mula sa mga bansang ito ay tumatahak pahalang patungong Himalayas, bababa sa
Myanmar at tangway ng Malay.

7
Ang dalawang sistema ng kabundukang ito at magtatagpo sa Afghanistan at
Pakistan. Sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may
taas na halos 8,850 metro, pangalawa ang K2 (8,611 metro) na nasa Pakistan /
China. Pangatlo naman ang Mt. Kanchejunga (8,586 metro) na as Himalayas din.

2. Bundok. Ang Mt. Everest na


nakahanay sa Himalayas ay ang
pinakamataas na bundok sa buong
mundo na may taas nahalos 8,850
metro, pangalawa ang K2 (8,611 metro)
na nasa Pakistan / China.Pangatlo
naman ang Mt. Kanchejunga (8,586
metro) na as Himalayas din.

3. Talampas o ang kapatagan sa itaas


ng bundok. Ang Tibetan Plateau na
itinuturing na pinaka mataas na
talampas sa buong mundo (16,000
talampakan) at tinaguriang Roof of The
World ay nasa Asya. Ang talampas ng
Deccan na nasa katimugang bahagi ng
indo-Gangetic Plain ng India ay kilala
rin.
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
4. Disyerto. Ang Gobi Desert (Mongolia
at Hilagang China,1,295,000 kilometro
kwadrado) na siyang pinakamalaki sa
Asya at pang-apat sa buong mundo ay
isa lamang sa mga disyertong
matatagpuan sa Asya. Makikita rin dito
ang mga disyerto na Taklamakan
(China), Karakum (Turkmenistan), at
mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi
Arabia, at India.
5. Kapuluan o Arkipelago ay pangkat
ng mga pulo na marami sa Asya tulad
ng Indonesia, ang pinakamalaking
archipelago state sa buong mundo na
binubuo ng humigit kumulang na
13,000 mga pulo. Ang Pilipinas at ang
Japan ay kabilang din sa mga bansang
binubuo ng kapuluan.

8
6. Pulo Umaabot sa 1,994,300
kilometro kuwadrado ang kabuuang
sukat ng mga pulo sa Asya at kabilang
dito ang Cyprus sa kanluran;
Andaman, Sri Lanka, at mga pulo ng
Maldives sa katimugan; Borneo, Java
Sumatra, at mga pulo ng Pilipinas sa
Timog-Silangan; Hainan, Taiwan,
Sakhalin, Kuril, at mga Pulo sa Japan
sa silangan; at Wrangel, New Siberian,
Zemlya, at Severnaya sa hilaga.

7. Tangway o Peninsula. Lupain din


ng mga tangway o anyong lupang
nakausli sa karagatan ang Asya.
Tinatayang nasa 7,770,000 kilometro
kuwadrado ang sukat nito. Ilan sa mga
ito ay ang Turkey sa kanluran; Arabia,
India, Indochina, at Malay sa
katimugan; Korea, Kamchatka, at
Chukotsk sa silangan; at Taymyr,
Gyda, at Yamal sa hilaga (bahagi sa
Siberia).

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


8. Kapatagan. Halos sangkapat (1/4)
na bahagi ng lupain ng Asya ay
kapatagan. Ang Indo-Gangetic Plain at
malaking bahagi ng Timog Silangang
Asya ay bahagi nito.

Bukod sa pinakapangunahing lugar na panirahan ng tao, ang biyayang


hatid ng mga anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensiya sa
kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na
tanggulan o depensa ng isang lugar, at proteksiyon o harang sa malalakas na
bagyo at sigwa. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at kabundukan sa iba’t ibang
bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu’t-sari na yamang mineral – mga metal, di-
metal at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga
herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop
at mga wildlife. Binubungkal, sinasaka, at nililinang ng tao ang mga kapatagan at
mga lambak para sa mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang
pastulan. Ang paggamit ng tao sa iba’t ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-
ambag sa paghubog ng kaniyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.

9
Mapapansing ang kontinente ng Asya ay halos napaliligiran ng mga
karagatan at mga dagat. Isa-isahin mo ang mga ito. Masasabi mo ba na malaking
bahagi ng hangganan ng Asya mula sa iba pang mga kontinente ay mga anyong
tubig? Ang mga karagatang ito gumaganap nang mahalagang papel sa pamumuhay
ng mga Asyano dahil ang mga ito ay nagsisilbing likas na depensa, rutang
pangkalakalan at sa paggagalugad, at pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat
at yamang mineral.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Mga Vegetation Cover ng Asya

Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng


pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito. Sa Hilagang Asya,
ang katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng malawak na
damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at savanna.

Ang steppe ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted


short grasses. Maliliit ang damuhan sa lupaing ito dahil tumatanggap lamang ito
ng 10-13 pulgada ng ulan. Sa hilagang bahagi ng mga steppe ng Russia at
Manchuria at maging sa Mongolia matatagpuan ang praire, ang lupaing may
damuhang matataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.

Samantalang ang savanna naman na matatagpuan sa Timog-Silangang


Asya partikular sa Myanmar at Thailand ay lupain ng pinagsamang mga damuhan
at kagubatan. Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay
kadalasang nakatuon sa pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at
tupa na pinagkukunan nila ng lana, karne, at gatas. Ang mga lambak-ilog at
mabababang borol ay ginagawa nilang pananiman.

Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan din sa


Hilagang Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod
ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na klima dahil sa presipitasyon na
maaring nasa anyong yelo o ulan.

10
Sa bahagi ng Russia at sa Siberia matatagpuan ang tundra o treeless
mountain tract. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa
lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng Arctic
Ocean ang saklaw ng behetasyong ito. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang
nasa torrid zone ang biniyayaan ng tropical rainforest dahil sa mainam na klima
nito na halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

11
Ang mga Klima ng Asya
Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng kilma sa mga
rehiyon ng Asya. Basahin at unawain mo itong mabuti. Batay sa mga datos at
paglalarawan, bumuo ka ng paghihinuha kung paano nagkakaugnay ang tao at
ang kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano.

Mga Uri ng Klima sa Asya

Rehiyon Katangian ng Klima

Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang


tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may
Hilagang Asya ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa.
Gayonpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang
tirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.

Hindi palagian ang pagbabago ng klima. Maaaring magkaroon


ng labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
Kanlurang Asya Bihira at halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking bahagi
ng rehiyon. Kung umulan man, ito’y kadalasang bumabagsak
lamang sa mga pook na malapit sa dagat.

Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung


hunyo hanggang setyembre, taglamig kung buwan Disyembre
Timog Asya hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo ang
Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.

Monsoon climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng


rehiyong ito, ang mga bansa rito nakararanas ng iba-ibang
Silangang Asya panahon: mainit na panahon para sa mga bansang nasa
mababang latitude, malamig at nababalutan ng naman ng yelo
ang ilang bahagi ng rehiyon.

Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical


Timog Silangang
nakararanas ang mga ito ng tag-init, taglamig, tag araw at tag-
Asya
ulan.

12
ANG KATANGIANG PISIKAL NG MGA REHIYON SA ASYA

Hilagang Asya

Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga


kontinente ng Europe sa Asya. Ang Bering sea ang nag uugnay sa Hilagang Asya at
Alaska.

Kanlurang Asya
MODULES FROM CENTRAL OFFICE

Ang kanlurang Asya ay nakatalaga sa pangkontinental na bahagi ng Asya at


sa hilagang silangang bahagi ng Africa. Nahahati ito sa tatlong rehiyong pisikal:
Northern tier na lupain ang kabundukan at talampas, Arabian Peninsula na isang
malawak na tangway na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig. Ang Fertile
Crescent na nag tataglay naman ng matatabang lupa at saganang suplay ng tubig.

13
Timog Asya

May anyong hugis tatsulok ang Timog Asya na may hangganang Indian
Ocean sa Timog at kabundukan ng Himalayas sa Hilaga. Sa kanlurang bahagi ng
rehiyon nakalatag ang mga bansang Afghanistan, Pakistan, at India, sa silangan ay
Bangladesh, sa dakong hilagaay ang mga bansang Bhutan, at ang mga pulo ng Sri-
Lanka at Maldives sa timog. Mainit sa rehiyong ito maliban sa mga kabundukan na
nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo.

Silangang Asya

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong Silangang Asya


partikular na ang China na sumasakop sa 20% sukat ng kontinente. Ang mga
bansang Japan at Koreaay halos 5% ng lupaing ng Silangang Asya, ang rehiyong
ito ay may mga pisikal na hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan
Plateau at ang Himalayas. Ang mga ilog ng Huang Ho, Yangtze, at Xi Jiang ay ang
tatlong pinakamalagang ilog sa pamumuahy ng mga Tsino dahil sa nagpapataba
ito ng mga lupain at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan. Samantala, sa
pamamagitan ng sea sa Japan at Korea Strait, ang bansang Japan ay nahihiwalay
sa mismong lupain ng Silangang Asya. Binubuo ito ng apat na malalaking isla; ang
Kyushu, Shikoku, Honshu at Hokkaido.

14
Timog - Silangang Asya

Ang kahabahaan ng Timog – Silangang Asya ay makikita sa Timog ng China


at Japan. Ang India ang nasa Hilagang Kanluran at Pacific Ocean naman sa
Silangan bahagi. Dahil sa kaaya-ayang klimang nito, magubat na kabundukan ang
nasa hilaga ng rehiyon at mga lambak – ilog naman sa timog.

Timog-Silangang Asya: Ang Pangkontinenteng Timog-Silangang Asya o


Mainland Southeast Asia, isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at
Indian Oceans ang malaking bahagi ng lupain ay kabundukan. Kilala ang ilog ng
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
Irrawaddy, Salween, Chao Phraya, Mekong at Red River. Ang pangkapuluang
Timog-Silangang Asya o insular Southeast Asia naman ay binubuo ng mga
kapuluang nakalatag sa karagatan kabilang ng mga isla sa Pilipinas, Indonesia,
East Timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito ay (kasama ang Japan) ay kabilang sa
rehiyong Pacific Ring of Fire dahil hitik sa mga bulkan ang lugar maaari itong
magdulot ng paglindol dulot ng kanilang pagsabog.

Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya

Napakaimportante ang pag-unawa sa pisikal na kapaligiran ng Asya. Ang


kapaligiran ay may napakalaking impluwensiya sa pamumuhay at paghubog ng
Kabihasnang Asyano. Ang mga kaganapan sa kasaysayan at pagbabagong kultural
ay maaaring hatid at epekto ng kapaligirang ginagalawan ng tao.
 Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa at nagkaroon ito ng
malaking ugnayan sa paghubog ng iba’t ibang Kabihasnang Asyano.
 Ang idinidikta ng Katangiang Pisikal ng lugar kung saan naninirahan ang
mga Sinaunang Asyano ang humubog sa kanilang pamumuhay.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalaga ang kapaligiran sa paghubog ng kabihasnan ng tao?
Ipaliwanag.
2. Sa paanong paraan mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran para sa iyong
kinabukasan?

15
Pagyamanin

Gawain: Halina’t Ating Punan!


Batay sa iyong pagbabasa ng teksto sa itaas, Ilarawan ang mga katangian
ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis,
sukat, anyo, klima at “vegetation cover” (tundra, taiga, grasslands, desert, tropical
forest, mountain lands) sa pamamagitan ng data retrieval chart. Pupunan mo ng
mga datos ang data retrieval chart na makikita sa kahon na nasa ibaba. Maaari
mong balikan ang mga teksto tungkol sa Katangian ng kapaligirang pisikal ng Asya.

KATANGIANG PISIKAL NG ASYA


Kinaroroonan Hugis Anyo Klima Vegetation Cover
Hilagang Asya

Kanlurang
Asya
Timog Asya

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Silangang Asya
Timog Silangang Asya

Gawain: Q&A Portion!


Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na katanungan tungkol sa katangiang pisikal
ng Asya.

1. Ano ang mga pagkakatulad sa katangiang pisikal ng Hilagang Asya,


Kanlurang Asya, Silangang Asya, Timog Asya, at Timog Silangang Asya?
Ipaliwanag.

2. Kung iuugnay natin sa kasalukuyang panahon, ano ang isa sa


pinakamahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay
ng mga Asyano? Bakit kailangang pahalagahan ang ating kapaligiran?
Ipaliwanag.

3. Bilang Asyano ano ang iyong magiging kapakinabangan sa pagkakaroon ng


ganap na kaalaman tungkol sa mga kapaligirang pisikal ng Asya? Sa
paanong paraan mo ito pahahalagahan? Ipaliwanag.

16
Isaisip

Gawain: Tumpak!
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang mula sa mga salita loob ng kahon.

Tundra Tropikal

Lake Baikal

Gobi Desert Prairie

________________ 1. Ang pinakamalamig na disyerto sa buong mundo.


________________ 2. Uri ng damuhan na may matataas na damo at may malalim
na ugat.
________________ 3. Tinatawag na treeless mountain tract.
________________ 4. Uri ng klima na nararanasan ng mga lugar na malapit sa
ekwador.
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
________________ 5. Pinakamalalim na lawa sa buong mundo.

Gawain: Web
Panuto: Punan ang mga bilog sa Spider Web ng mga uri ng Klima sa Asya.

Uri ng
Klima sa
Asya

17
Binabati kita dahil sa matagumpay mong paglinang ng aralin, taglay mo
na ang mga mahahalagang detalye tungkol sa katangiang pisikal ng Asya. Sa
pagkakataon namang ito, pahahalagahan mo ang ugnayan ng kinaroroonan,
anyo, hugis, klima at vegetation cover ng mga katangiang pisikal ng Asya sa
pamamagitan ng pagsasagawa sa susunod na gawain.

Gawain: Kinororoonan ko, Hanapbuhay ko!


Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na hanapbuhay ayon sa klima.Isulat
ang iyong kasagutan sa iyong Kwardernong Pang Aktibiti.

Bansa Klima/Panahon Hanapbuhay


1. Iraq, Iran, Yemen, Semi-arid na klima
2. India Klimang Monsoon
3. Tsina Temperate
4. Siberia Tundra
5. Pilipinas Tropical

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Isagawa

Gawain: Pinta Husay!


Ngayong natutunan mo na ang mga Katangiang pisikal ng Asya, gagawa ka ng
isang larawan ng inyong lugar na maipagmamalaki. Iguhit sa kahon ang lugar na
iyong naisip at gumawa rin ng maikling pagpapaliwanag kung paano ito naka
apekto sa mga taong naninirahan sa inyong lugar.

18
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang teksto, pagkatapos ay sagutan ang mga


sumusunod na katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot

Si Pia ay isang Tourist Guide, tinatangkilik niya ang mga lugar sa sariling
bansa kaya naman dahil dito ninais ng mga Dayuhang Turista na sila ay
makapamasyal sa mga lugar sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay mayaman sa mga
katangiang pisikal, nariyan ang pamosong Mt. Apo sa Mindanao na tanyag sa
kanyang kataasan na umaabot ng 9,692 ft. Ang Laguna de Bay sa Laguna na ubod
ng lawak na umaabot ng 352-366 milya kwadrado. Ang Ilog Pasig na naisalba sa
pagkawala na may taglay pa ring karikitan na may 15.5 milya at ang
ipinagmamalaki ng Ifugao, ang Banawe Rice Terraces na may sukat na 1500
meters 5000 talampakan. Natapos ang kanilang pamamasyal na may ngiti sa mga
labi dahil sa napagmasdan nilang kagandahan.

1. Ano ang Pagkakapareho ng ng mga katangiang pisikal na matatagpuan sa


Pilipinas ayon sa nabasang teksto?
A. Anyo

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


B. Lawak
C. Lugar
D. Sukat

2. Ano ang resulta ng wastong paggamit ng tao sa mga kapaligirang likas?


A. Maipagmamalaki sa mga dayuhan
B. Makatutulong sa Pagsulong
C. Maisasalba sa pagkasira
D. Tatangkilikin ng nakararami

3. Ano ang mangyayari kung lahat ng tour guide ay may katangiang tulad ng
kay Pia?
A. Marami ang pupunta at mamamasyal sa Pilipinas
B. Marami pang mga likas na yaman ang makikilala
C. Marami sa mga dayuhan ang uuwing may ngiti sa labi
D. Malaki ang iuunlad ng turismo sa Pilipinas

4. Ano ang tawag sa uri ng behetasyon na inilararawan bilang damuhan at


kagubatan at karaniwang makikita sa bansang Myanmar at Thailand na
nasa Timog-Silangang Asya. Anong behetasyon ang inilalarawan dito?
A. Prairie
B. Savanna
C. Taiga
D. Tundra

19
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang
pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya ay maaaring nasa anyong lupa o anyong
tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa tulad ng
tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at
kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng behetasyon tulad ng
savanna, prairie, rainforest, taiga at tundra.
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay lamang ng iisang uri ng
klima.

6. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos


8,850 metro?
A. Mt. Everest
B. Mt. Fuji
C. Mt. Pinatubo
D. Mt. Kanchenjunga

7. Ano ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na may humigit


kumulang 13,000 na pulo?
A. Indonesia
B. Pilipinas

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


C. Japan
D. Brunei

8. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa


pamumuhay ng mga Asyano?
A. Nagsisilbi itong panirahan ng mga tao
B. Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa ma pananim
C. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa
ng isang lugar.
D. Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao.

9. Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnan


hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?
A. Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho
B. Ilog ng Lena
C. Ilog ng Amu Darya
D. Yangtze

10.Ano ang pinakamalaking lawa sa mundo?


A. Lake Baikal
B. Caspian Sea
C. Aral Sea
D. Dead Sea

20
11.Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan ng
Asya?
A. Kapatagan
B. Tangway
C. Talampas
D. Disyerto

12.Ano ang tawag sa uri ng damuhang may ugat na mababaw o shallow-rooted


short grasses?
A. Steppe
B. Prairie
C. Taiga
D. Savanna

13.Ano ang uri ng behetasyon na inilalarawan bilang coniferous ang mga


kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na
maaaring nasa anyong yelo o ulan?
A. Steppe
B. Prairie
C. Taiga
D. Savanna

14.Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang nagpapaliwanag ukol sa


klimang tropikal?

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


A. Mayroong labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
B. Nakararanas ang mga bansa dito ng iba-ibang panahon.
C. Nakararanas ang mga bansa dito ng tag-init, taglamig, tag-araw, at
tag-ulan
D. Nakararanas ang mga bansa dito ng mahabang taglamig.

15.Ang Pilipinas kasama ng ilang bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag


sa isang malawak na sona na tinatawag na Ring of Fire o Circum-Pacific-
Seismic Belt. Bakit kaya tinawag ang rehiyong ito na Ring of Fire?
A. Dahil sa ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng
mga bulkan.
B. Dahil sa nakaharap ito sa karagatang Pasipiko.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga hanay ng kabundukan.
D. Dahil sa napakaraming anyong tubig na nakapalibot dito.

Karagdagang Gawain

Gawain: Humihirit!
Sagutin mo ngayon ang panghuling katanungan.
Ano ang kapakinabangang idinulot sa pamumuhay ng mga Asyano ang mga
katangiang pisikal ng Asya? Ipaliwanag.

21
Susi sa Pagwawasto

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

22
MODULES FROM CENTRAL OFFICE

23
MODULES FROM CENTRAL OFFICE

24
MODULES FROM CENTRAL OFFICE

25
MODULES FROM CENTRAL OFFICE

26
Sanggunian
A. Modyul
Blando, Rosemarie,et. al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
(Modyul ng Mag-aaral), ph.18-35.

Mateo, Grace et.al, Asya Pag-usbong ng Kabihasnan,pahina 20-32

B. Larawan
Kapatagan ng Pilipinas, Larawang Kuha ni Anwar Macmond P. Gonoz,
Pahina 8

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

27
MODULES FROM CENTRAL OFFICE

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like