Esp7 q1 Mod3 Pagpapaunlad NG Pagtitiwala Sa Sarili FINAL07242020

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

7

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Mga Manunulat: Solita M. Gonzales
Editor: Loida S. Pigon
Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla
Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina
Susana M. Bautista
Cynthia Eleanor G. Manalo
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Annabelle M. Marmol
Domingo L. Mendoza, JR.
Elmer P. Concepcion
Loida S. Pigon

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region


Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address: [email protected]
7

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Ako Ngayon
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-


Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
pinamagatang Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul na pinamagatang Pagpapaunlad ng Tiwala sa Sarili!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

MODULES FROM CENTRAL OFFICE ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Aralin
Pagpapaunlad ng Tiwala
1 sa Sarili

Alamin

Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, pinakamahalaga na buong-buo ang


iyong tiwala sa iyong sarili at sa iyong mga kakayahan. Mahalaga ito upang
mapagtagumpayan mo ang anumang hamon na iyong kakaharapin. Ang
pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng positibong
pagtingin sa iyong mga kakayahan.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman, kakayahan


MODULES FROM CENTRAL OFFICE
at pag-unawa;
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/
pagbibinata (EsP7PS-Ib-1.4)

1
Subukin

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay TAMA kung nagpapakita
ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ang pagkakaroon ng kalakasan ay mula sa pagtanggap ng mga kahinaan at


pagsisikap na mapaunlad ito.
2. Ang pag-iisip ng mga bagay na hindi maganda kahit hindi pa nangyayari ay
tanda ng pagiging positibo.
3. Walang pinipili sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mag-aaraal upang
magtagumpay sa buhay.
4. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito kahirap
5. Ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ay pinapaniwalaan na
bahagi ng plano ng Diyos at may kalakip na magandang kapalaran.
6. Umaasa lagi sa plano at kilos ng mga kasama.
7. May sariling paninindigan sa prinsipyong ipinaglalaban.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


8. Hindi nag-iisip ng masama sa kapwa.
9. Mahirap ang mga pinagdadaanan sa buhay pero naniniwala na kaya niya ito
sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya.
10. Ibahagi ang iyong talento sa iba.
11. Naniniwala na ang husay sa pagsasayaw ay maaring magamit sa pagkita ng
malaking halaga kahit sa masamang paraan.
12. Laging pagtulong sa kapwa ang naiisip.
13. Unti-unting pag-papaunlad ng kaalaman lalo na sa aralin na medyo may
kahinaan.
14. Hindi nagpapatalo sa mga kabiguan na dumating.
15. Masayang pagtanggap sa sarili maging anuman ang iyong katayuan sa
buhay.

2
Balikan

Gawain 1. Pagpapakahulugan
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod ayon sa hinihingi. Isulat ang sagot sa iyong
“journal notebook”. Maging malikhain sa paggawa ng gawaing ito.

1. Magbigay ng katumbas na kahulugan sa mga salita sa ibaba batay sa iyong


pagkakaunawa.

HIYA TAPANG TAKOT

__________________ __________________ __________________


__________________ __________________ __________________

2. Paano ka magkakaroon ng tiwala sa iyong sarili?


___________________________________________________________________________

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Paggawa

Kaukulang Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon
Puntos Puntos
Angkop ang nilalaman sa
Nilalaman 10
hinihingi
Ideya Tama ang paliwanag 10
Maayos at malinis ang
Presentasyon 10
pagkagawa
Kabuuan 30

3
Tuklasin

Panuto: Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng paglalagay ng


 sa bawat bilang kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagtitiwala sa sarili.
Isulat ang sagot sa inyong kwaderno o “journal notebook”.

1. Si Alice ay buong sigla na tumula nang maayos sa harap ng maraming tao.


2. Nahihiyang magsabi ng katotohanan si Allan dahil sa takot.
3. Tuwing may darating na mga bisita sa aming bahay, agad akong tumatakbo
sa loob ng aking kwarto.
4. Kahit mahirap lamang si Anna, ay hindi siya tumigil sa pag-aaral, para sa
kanya magtatagumpay din siya sa buhay basta may pagsisikap.
5. Si Andrew ay magaling sa pagpipinta, tuwing sasabihin ng guro na ilalaban
siya sa paligsahan, laging sinasabi niya na hindi niya kaya.
6. Ang galing ni Maribel sa araling matematika ay kanyang ibinabahagi sa
kamag-aral pamamagitan ng pagtuturo sa kanila.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


7. Naniniwala si Roy na kung nagtagumpay ang kanyang mga kaibigan, kaya rin
niya ito.
8. Agad agad naninniwala si Mark sa sinasabi ng iba kahit hindi muna niya
pinag-isipan.
9. Sumusunod sa dikta ng barkada si Joy kahit alam na mali ang mga ito.
10. Pagtanggap sa sariling kahinaan at nagsisikap na paunlarin ito.
11. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito kahirap.
12. Ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ay pinapaniwalaan na
bahagi ng plano ng Diyos at may kalakip na magandang kapalaran.
13. Umaasa lagi sa plano at kilos ng mga kasama.
14. May sariling paninindigan sa prinsipyong ipinaglalaban.
15. Masayang pagtanggap sa sarili maging anuman ang iyong katayuan sa buhay.

4
Suriin

Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng


masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!

Sa pamamagitan ng positibong pag-iisip, mapatataas mo ang iyong tiwala sa


sarili at magkakaroon ka ng positibong pananaw at damdamin tungkol sa iyong
sarili. Makatutulong sa iyo ang sumusunod:

a. Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan. Mag-isip ng positibo sa


lahat ng iyong mga ginagawa at purihin ang sarili dahil sa iyong pagsisikap.
Hindi ito nangangahulugan na hindi mo na bibigyan ng tuon ang iyong
kahinaan, ngunit hindi nararapat na malimitahan ng iyong mga kahinaan
ang iyong mga kalakasan.

b. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon. Ang mga bagong
hamon ay pagkakataon upang iyong mapataas ang tiwala sa sarili. Hindi mo
nararapat isipin ang takot ng pagkabigo o ang tagumpay ng pagwawagi. Isipin

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


mo na lamang na sa tuwing may gagawin kang bago: (1) nabibigyan ka ng
pagkakataon na magsikap upang matamo ang tagumpay, (2) napatataas mo
ang iyong tiwala sa sarili, at (3) mas nakikilala at natatanggap mo ang iyong
sarili.

c. Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. Lahat ng mga


karanasan, positibo man o hindi, ay may mabuting ibubunga tungo sa pag-
unlad ng iyong pagkatao. Palaging ipaalala sa sarili na hindi mo man kayang
gawin ang lahat ng bagay nang perpekto, makatutulong naman ang mga ito
upang unti-unting umunlad ang iyong pananaw sa bawat araw.

d. Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili: huwag


palaging umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa
iyong mga kabiguan at tagumpay. Mas makatutulong kung mapauunlad
mo ang iyong kakayahan sa pagsusuri at pagtataya ng iyong sarili. Isa itong
malaking hakbang sa pagpapataas ng iyong tiwala sa sarili.

5
Pagyamanin

Gawain 2. Iyong Pamamaraan!


Panuto: Sa iyong “journal notebook” isulat ang sagot sa mga gawain. Maging
malikhain sa paggawa. Magbigay ng mga pamamaraan na iyong magagawa sa mga
sumusunod:

a. Paano masasanay ang sarili na magkaroon ng positibong pag-iisip?


1.
2.

b. Mga paraan ng pagharap mo ng tama sa mga pagsubok o hamon sa


buhay.
1.
2.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


c. Tamang paraan ng paggamit ng iyong talento at mga kalakasan.
1.
2.

d. Paano mo iiwasan ang laging umasa sa plano at gawain ng iba?


1.
2.

Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos


Nilalaman(Content) 10
Kaayusan/Kalinisan at 10
Pagkamalikhain
(/Organization/Neatness)
Ideya/Paliwanag 15
Kabuuan 35

6
Isaisip

Gawain 3. GUHIT KO - SULAT MO


Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang salitang tinitukoy ng mga larawan upang
mabuo ang pahayag.

Lagi mong tatandaan na sa mamagitan ng paggamit ng positibong ,

Mapapataas mo ang iyong sa sarili. Huwag matakot na harapin

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

ang mga pagsubok sa . Isipin mo na sa iyong mga

nakasalalay iyong .

7
Isagawa

Gawain 4. Tsart ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan


(Halaw sa Aklat ng Esp 7 Learner’s Material, pahina 60-61)

Panuto: Gumawa ng Tsart ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan gamit


ang iyong mga natuklasan sa iyong sarili. Isulat sa kasunod na tsart ang iyong plano
ng pagpapaunlad ng talento at kakayahan. Ang Gawain na ito ay ilagay sa iyong
kwaderno o “jounal notebook”.

Mga Talento at
Kakayahan na Mga
Panahon
Kailangang Mga Mga Mga Taong Kakailanganing
na
Paunlarin Layunin Pamamaraan Tutulong Kagamitan
Ilalaan
(Multiple (Resources)
Intelligences)

Magbabasa ng
mga aklat 1. Mga mga aklat na
tungkol sa kaibigan hiram sa library
Mapalawak
kalikasan 2. Guro na tungkol sa
ang

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Halimbawa:
Naturalist
kaalaman
tungkol sa
Isang
Buwan
Magsasagawa
ng mga
proyekto para
3. Mga
kasapi ng
samahan
dulot ng
pagkasira ng
kalikasan sa tao
kalikasan
sa kalikasan para sa Kagamitan sa
Magtatanim ng kalikasan pagtatanim
mga halaman

Ikaw naman:

Pamantayan sa Paggawa

Nakuhang
Pamantayan Puntos
Puntos
Nilalaman(Content) 15
Kaayusan/Kalinisan(/Organization
10
/Neatness)
Ideya/Paliwanag 20
Kabuuan 45

8
Tayahin

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay TAMA kung nagpapakita
ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ang pagkakaroon ng kalakasan ay mula sa pagtanggap ng mga kahinaan at


pagsisikap na mapaunlad ito.
2. Ang pag-iisip ng mga bagay na hindi maganda kahit hindi pa nangyayari ay
tanda ng pagiging positibo.
3. Walang pinipili sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mag-aaral upang
magtagumpay sa buhay.
4. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito kahirap.
5. Ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ay pinapaniwalaan na
bahagi ng plano ng Diyos at may kalakip na magandang kapalaran.
6. Umaasa lagi sa plano at kilos ng mga kasama.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


7. May sariling paninindigan sa prinsipyong ipinaglalaban.
8. Hindi nag-iisip ng masama sa kapwa.
9. Mahirap ang mga pinagdadaanan sa buhay pero naniniwala na kaya niya ito
sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya.
10. Ibahagi ang iyong talento sa iba.
11. Naniniwala na ang husay sa pagsasayaw ay maaring magamit sa pagkita ng
malaking halaga kahit sa masamang paraan.
12. Laging pagtulong sa kapwa ang naiisip.
13. Unti-unting pag-papaunlad ng kaalaman lalo na sa aralin na medyo may
kahinaan.
14. Hindi nagpapatalo sa mga kabiguan na dumating.
15. Masayang pagtanggap sa sarili maging anuman ang iyong katayuan sa buhay.

9
Karagdagang Gawain

Gawain 5. Graphic Organizer


Panuto: Isulat sa graphic organizer ang iyong sagot ayon sa mga hinihingi . Ilagay
sa iyong “journal notebook” ang sagot sa Gawain na ito. Maaaring umisip pa ng
ibang desinyo na inyong nais.

MGA KAKAYAHAN AT MGA KAHINAAN NA IYONG


TALENTO NA IYONG TAGLAY TAGLAY

Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento


at kakayahan at ang paglampas sa mga kahinaan?

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

Pamantayan sa Paggawa

Natamong
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Naipaliwanag nang mahusay ang sagot.
Nilalaman 15
Naibigay nang tama ang mga hinihingi
Orihinalidad Sariling gawa at walng pinagtularan. 10
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang
5
Presentasyon ginawa.
Naging malikhain at mapamaraan sa
Pagkamalikhain 5
paggawa
Kabuuang Puntos 35

O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga Gawain? Kung oo, magpunta ka na sa
susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga Gawain sa modyul na ito.
Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o ng guro.

10
11
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
Subukin Tuklasin Tayahin
1. TAMA Mga bilang na may  1. TAMA
2. MALI 1, 4, 6, 7, 10, 11, 12, 2. MALI
3. TAMA 14, 15 3. MALI
4. TAMA 4. TAMA
5. TAMA 5. TAMA
6. MALI 6. MALI
7. TAMA 7. TAMA
8. TAMA 8. TAMA
9. TAMA Isaisip 9. TAMA
10.TAMA 10.TAMA
ISIP
11.MALI 11.MALI
TIWALA
12.TAMA 12.TAMA
13.TAMA BUHAY 13.TAMA
14.TAMA KAKAYAHAN 14.TAMA
15.TAMA TAGUMPAY 15.TAMA
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Hurlock, E. Developmental Psychology: A Life-Span Approach. New York:
McGrawHill Book Company. 1982

Rodriguez, Marilyn. 7 Steps to creating healthy relationship .


http://www.charmingarticles.com/children/article4261.htm. Hinango
noong Mayo 9, 2010

What Are the Developmental Tasks Facing Adolescents? http://www.


education.com/reference/article/Ref_Adolescence/. Hinango noong Mayo 8,
2010

Helping Teenagers Prepare for the World of Work.

http://alis.alberta.ca/ep/eps/tips/tips.html?EK=142 hinango noong Mayo 10, 201

Self-Confidence and Self-Worth; Needing the Approval Of Others


http://www.takeyour-power.com/1.htm sinipi noong Mayo 10, 2010

Edukasyon sa Pagpapakatao –Grade 7, Unang Markahan , pahina 23 – 24.

Pinagkunan ng mg larawan:

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Clipart Download Computer Ico. , pngitem.com
Edukasyon sa Pagpapakatao depedbataan.com

12
MODULES FROM CENTRAL OFFICE

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like