Ap7 - q1 - Mod5 - Pangangalaga Sa Timabang Na Kalagayang Ekolohiyo NG Asya - FINAL07242020 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 5:
Pangangalaga sa Timbang
na Kalagayang Ekolohiko ng Asya

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pangangalaga sa Timbang
na Kalagayang Ekolohiko ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Myra A. Abique


Editor: Rosario G. Caluya
Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit
Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz, Eric M. Montemar
Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr.
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Freddie Rey R. Ramirez
Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Pedro J. Dandal Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region


Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address: [email protected]
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 5:
Pangangalaga sa Timbang
na Kalagayang Ekolohiko ng Asya
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pangangalaga sa
Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang
Ekolohiko ng Asya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

MODULES FROM CENTRAL OFFICE modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng


tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
MODULES FROM CENTRAL OFFICE paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Matapos mong mapag-aralan at matutunan ang tungkol sa Implikasyon


na Likas na Yaman sa pamumuhay ng mga Asyano, bahaging ginagampanan ng
kapaligirang Pisikal at Yamang Likas ng rehiyon sa Asya sa pamumuhay ng
Asyano. Sa modyul na ito ay iyong pag-aaralan kung paano mo maipamamalas
ang pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya. Inaasahang
makapag-susuri ka ng mga gawain tungkol sa kapaligiran sa iyong pamayanan.
Makapag-sasagawa karin ng mga pagpapahalaga sa mga gawaing may
kinalaman sa pagpoprotekta at pagpapanatili ng maayos na kapaligiran na
iyong kinabibilangan. Sa araling, ito magkakaroon ka ng malawak na pang-
unawa na kakailanganin mo upang maipamalas ang mga inaasahang
kakayahan sa pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran
at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay malaim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging
ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang
ekolohiko ng rehiyon. (AP7HAS-Ig-1.7)

1
Subukin

Paunang Pagtataya

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman,


kakayahan at pang-unawa tungkol sa pangangalaga sa timbang na
kalagayang ekolohiko ng Asya. Handa ka na ba? Simulan mo na.

Panuto: Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwadernong pang aktibiti.

1. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?


A. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao
upang matugunan ang kanilang pangangailangan
B. Dahil kailangan ng tao ang lupa upang matustusan ang kanilang mga
sariling hangarin
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa
buhay

2. Anong bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


A. Pilipinas
B. Japan
C. Bangladesh
D. Malaysia

3. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?


A. Ang pagkatuyo ng mga lupa
B. Paggulo ng lupa
C. Pagrami ng punong kahoy
D. Pagtaba ng lupa

4. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira
ng lupa?
A. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa
kalusugan
B. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
C. Maaaring magdulot ng kawalan ng hanap-buhay sa mga mamamayan.
D. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna.

5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng


Asya?
A. Pagkasira ng lupa
B. Pagkawala ng biodiversity
C. Urbanisasyon
D. Pangangalaga sa likas na yaman

2
6. Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat
bansa sa Asya?
A. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lungsod
B. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang
mabigyan ng kabuhayan upang malutas ang kahirap.
C. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa
mga lungsod.
D. Patuloy na pagtaas ng populasyon.
7. Sa patuloy na pagtaas ng urbanisasyon sa bawat bansa sino ang lubos na
deriktang naaapektuhan?
I. Ang pamahalaan ng bawat bansa
II. Kalusugan ng mamamayan ang lubos na maaapektuhan
III. Pagdami ng mga mahihirap
IV. Pagdami ng negosyo sa bawat lugar
A. I & II
B. II & III
C. III & IV
D. I & IV
8. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
C. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
D. Lahat ng nabanggit
9. Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


biodiversity sa buong mundo?
A. Europe
B. Asya
C. Africa
D. Antarctica
10.Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ang isa sa mga problemang
kinakaharap ng bawat bansa sa Asya, ano ang maaring maging solusyon sa
nasabing pahagay?
A. Kailangan na mabigay ng kaalaman ang mga mamamayan sa patuloy
na pagtaas ng populasyon.
B. Magsagawa ng mga hakbang o programa upang makonrol ang patuloy
na pagtaas ng populasyon.
C. Kailangan magtulungan ang mga mamamayan
D. Kailangan maging aktibo sa mga gawain na ibinibigay ng pamahalaan
11.Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na problemang
pangkapaligiran, alin sa sumusunod na pahayag ang masamang epekto nito?
I. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa
kagubatan.
II. Maraming mga species ng halaman ang manganganib at mga
hayop.
III. Masamang dulot sa natural ecosystem
IV. Marami ang maaapektohang hayop
A. I, II & III
B. I, II, III & IV
C. I, II & IV
D. I, II & IV

3
12.Anong mga problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa
kagubatan?
I. pagbaha
II. pagguho ng lupa
III. erosyon sa lupa
IV. siltasyon

A. I, II & III
B. II, III & IV
C. I, III & IV
D. I, II, III & IV

13.Alin sa sumusunod na bansa sa asya ang nangunguna pagdating sa


deforestation?
A. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan
B. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas
C. Pilipinas, Japan, Bangladesg at Pakistan
D. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia

14.Bilang isang kabataan, ano ang maaaring mong gawain upang


masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating
bansa?
A. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na
yaman at maging aktibo sa mga programa na sinasagawa ng
pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


B. Makikipagtulungan sa mga iligal na gawain
C. Patuloy na pagputol sa mga punongkahoy.
D. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.

15.Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punong kahoy


at pagkasunog ng gubat ay isa sa mga dahilan sa pagkasira ng kagubatan.
Ano ang nagiging dahilan ng mga mamamayan upang magawa ang ganitong
gawain?
A. Dahil sa sariling interes
B. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
C. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga
mamamayan.
D. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at Malaki ang kita.

4
Aralin
Pangangalaga sa Timbang na
1 Kalagayang Ekolohiko ng Asya

Balikan

Gawain: Sulyap sa Nakaraan


Bago tayo ulit mag-lakbay, atin munang balikan ang alaala ng nakaraan.

Panuto: Sagutan ang sumusunod na pahayag: Isulat ang titik na katumbas ng


tamang sagot. Isulat sa iyong kwadernong pang aktibiti.

A- Agrikultura B- Ekonomiya C- Panahanan

________ 1. Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilang mga bansa ay gumagamit


ng makabagong makinarya.

________ 2. Maraming mga bansa ang mayaman bunsod ng kasaganaan sa

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


likas yaman.

________ 3. Ang pagdami ng tao ay magdudulot ng kakulangan sa tirahan.

________ 4. Ang pagdami ng subdivision ay magreresulta sa unti-unting


pagkawasak ng tirahan ng mga hayop.

________ 5. Ang pagkain ng tao ay kinukuha sa lupa.

Ilang puntos ang inyong nakuha? Alam kong lumalim ang iyong pag-
unawa sa mga bagay na may kinalaman sa pangangalaga sa ating kapaligiran.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo mapahahalagahan ang kinagisnang hanapbuhay ng iyong mga
magulang? Ipaliwanag.
2. Kung isa ka sa magiging punong bayan, paano mo mapapanatili ang
kalinisan sa iyong bayan? Ipaliwanag.
3. Kailangan bang palitan ng mga pabahay ang mga lupang sakahan?
Pangatwiranan ang iyong kasagutan.

5
Suriin

Gawain: Halika, Buoin Natin!


Gawin at subukin mong buoin ang mga salitang may kinalaman sa
suliraning pangkapaligiran.

______________________ 1. SEREDITIFACTION --- tumutukoy sa pagkasira ng


lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang
tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa
permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o
productivity nito;

______________________ 2. LISAINZATION--- lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang


asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa
lupa. Nagaganap kapag mali ang isinasagawang
proseso ng irigasyon;

______________________ 3. AHIBTAT--- tirahan ng mga hayop at iba pang mga


bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land
conversion o paghahawan ng kagubatan;

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


______________________ 4. COELOIGCAL ABLANCE--- balanseng ugnayan sa
pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang
kapaligiran;

______________________ 5. EDORFESTIONTA--- pagkaubos at pagkawala ng


mga punongkahoy sa mga gubat;

______________________ 6. LISATTION--- parami at padagdag na deposito ng


banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar;

______________________ 7. DER EDIT--- sanhi ng dinoflagellates na lumulutang


sa ibabaw ng dagat;

______________________ 8. ENOZO REYAL--- nagpoprotekta sa mga tao,


halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng
radiation na dulot ng ultraviolet rays.

Nagustuhan mo ba ang gawain? Ang lahat ng iyong nabuong salita ay


may kinalaman sa mga suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng ating
daigdig sa kasalukuyan.

6
Gawain: Problema Mo, Solusyonan Mo!
Panuto: Pumili ng isang larawan at ipaliwanag kung paano ka makatutulong sa
pag-iwas sa ganitong suliranin na nakakasira sa timbang na kalagayang ekolohiko
ng rehiyon.

Larawang Kuha ni: Abique, Myra A. Larawang Kuha ni: Abique, Myra A.

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa iyong nabuong mga salita, pumili ng isang larawan at ipaliwanag.
Ano ang kaugnayan nito sa mga suliraning pangkapaligiran sa kasalukuyan?

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


2. Bakit kailangang pangalagaan ang tirahan ng mga hayop o mga bagay na
may buhay?
3. Kung nakita mo ang iyong kabarangay na pumuputol ng mga punongkahoy
o nanghuhuli ng buhay-ilang, ano ang iyong reaksiyon? Magbigay ng mga
hakbang na iyong gagawin.
4. Batay sa larawang iyong ipinaliwanag, paano ka makatutulong sa pagsugpo
ng ganitong suliranin?

7
Suriin

Gawain: Suri-Teksto!
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo


sa natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang Asya, bilang
pinakamalaking kontinente sa buong mundo ay itinuturing na pangunahing
pinagmumulan ng global biodiversity. Ngunit, habang ang mga bansa sa Asya ay
patuloy na papunta sa kaunlaran, kasabay din nito ang pagsulpot ng mga
suliraning ekolohikal at pangkapaligiran bunsod ng hindi mapigilang pag-unlad ng
ekonomiya at ang patuloy na paglaki ng populasyon. Ang mga bansang Asyano sa
ngayon ay humaharap sa masalimuot na interaksiyon ng mga isyung panlipunan,
politikal, ekonomiya at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan at pagbabalikatan
ng bawat isa sa loob ng isang bansa at sa pagitan ng bawat bansa ay mahalaga
upang makapagbalangkas at makapagpatupad ng angkop na solusyon sa mga
suliraning ito.

Kahalagahan ng Balanseng Ekolohikal


Napakahalagang panatilihin ang ecological balance o balanseng kalagayang
ekolohikal ng Asya. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ng

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


rehiyon, tiyak na makakaapekto ito nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng
kapaligirang pandaigdig. Dapat nating isipin na bunga ng kalakihan ng sakop na
teritoryo ng Kontinente ng Asya, ang mga problemang ekolohikal na nararanasan
ng mga Asyano sa isang rehiyon ay posible ring maging suliranin ng mga tao sa
karatig-rehiyon o maging ng mga mamamayan ng buong daigdig.
 Ang malaki at patuloy na lumalaking populasyon sa Asya ay
nakapagpapalala sa mga suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.
Malaki ang kaugnayan ng paglaki ng poupulasyon sa pagkasira ng
lupain sa Asya.
 Ang urbanisasyon ng mga bansa sa Asya ay dahilan din ng mga
suliraning pangkapaligiran.

Alamin natin ngayon ang iba’t ibang kahulugan ng mga salitang may
kaugnayan sa suliraning pangkapaligiran.

1. DESERTIFICATION - Tumutukoy
sa pagkasira ng lupain sa mga
rehiyong bahagyang tuyo o lubhang
tuyo na kapag lumaon ay
hahantong sa permanenteng
pagkawala ng kapakinabangan o
productivity nito tulad ng
nararanasan sa ilang bahagi ng
China, Pakistan, Jordan, Iraq,
Syria, Yemen at Lebanon.
Larawang Kuha ni: Abique, Myra A.

8
2. SALINIZATION- Sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o
di kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Ito ay nagaganap
kapag mali ang isinagawang proseso ng irigasyon sa paligid ng mga estuary
at gayundin sa mga lugar na mababa na ang balon ng tubig o water table.
Unti-unting nanunuot ang tubig-alat o saltwater kapag bumababa ang
water level gaya ng nararanasan ng bansang Bangladesh sapagkat
nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga ilog.

3. HABITAT- Ito ay tumutukoy


sa tirahan ng mga hayop at
iba pang mga bagay. Ito ang
pangunahing apektado ng
land conversion o ang
paghahawan ng kagubatan,
pagpapatag ng mga
mabundok o maburol na
lugar upang mabigyang-daan
ang mga proyektong Larawang Kuha ni: Gonoz, Anwar Macmond P.
pangkabahayan.

4. HINTERLANDS- Ito ay isang malayong lugar, malayo sa urbanisadong


lugar ngunit apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod.
Ang lungsod ay nangangailangan ng pagkain, panggatong, at troso para sa
mga konstruksiyon na itinutustos ng hinterlands na humahantong sa
pagkasaid ng mga likas na yaman nito.

5. ECOLOGICAL BALANCE- Kapag


MODULES FROM CENTRAL OFFICE
balanse ang ugnayan sa pagitan ng
mga bagay na may buhay at ang
kapaligiran, tinatawag itong
ecological balance.

6. DEFORESTATION- Ang Pagkaubos


at pagkawala ng mga punongkahoy
sa mga gubat. Isa ito sa mga
problemang nararanasan ng Asya sa Larawang Kuha ni: Edep, Yolando D.
kasalukuyan.

7. SILTATION- Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos


na tubig sa isang lugar. Ito ay isa sa problemang kinakaharap ng mga
bansa sa Asya na dulot o bunsod ng pagkasira ng kagubatan at erosion ng
lupa, gaya ng kondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa Cambodia.

8. RED TIDE- Nagkakaroon ng red


tide dahil sa mga dinoflagellates na
lumulutang sa ibabaw ng dagat.

Larawang Kuha ni: Rodriguez, Merylren O.

9
9. GLOBAL CLIMATE CHANGE- Ang global warming ay ang pagbabago ng
pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na
pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng tao. Karaniwang tinutukoy nito
sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng katamtamang temperature o global
warming.
10.OZONE LAYER- Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming
konsentrasyon ng ozone. Mahalagang pangalagaan ang ozone layer
sapagkat ito ang nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula sa
masamang epekto ng radiation dulot ng ultraviolet rays.

Gawain: Sanhi At Bunga


Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na salita.
Suliraning Pangkapaligiran
SANHI EPEKTO SOLUSYON
1. Pagtapon ng basura
1. Coastal Clean-Up
sa dagat
2. Pagputol ng
Erosion 2.
punongkahoy
3. Pagkakaingin Deforestation 3.
4. Pagsunog ng plastic 4. 5.
5. Pagdami ng sasakyan 6. 7.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto upang makakuha ng mga
impormasyon na magagamit sa susunod na gawain.

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Pagkasira ng lupa -Tunay na malaki at mahalaga ang papel na


ginagampanan ng lupa upang patuloy na mabuhay ang mga tao. Sa
kapakinabangan o productivity nito nakaasa ang mga produktong agrikultural na
tumutustos sa kabuhayan ng mamamayan. Gayunpaman, ang abuso sa lupa ay
nagbubunsod ng malalang mga suliranin gaya ng salinization at alkalinization na
nagaganap kapag mali ang isinagawang proseso ng irigasyon. Malubhang problema
ang salinization sa Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig alat sa kanilang
mga ilog na dumadaloy sa 38% ng bansa. Nasa 33% na mga mamamayan nito ang
nakikinabang sa ilog na ito. Samantala isang ring malubhang problema sa lupa ay
ang desertification gaya ng nararanasan ng ilang bahagi ng China na nakapagtala
na ng halos 358,000 km2 na desertified na lupain. Maging sa ibang bahagi ng Asya
tulad ng kanlurang Asya ay nakakaranas din ng tuyong lupain gaya ng Jordan,
Iraq, Lebanon, Syria, at Yemen sa kanlurang Asya, at ang India at Pakistan sa
Timog Asya. Ang pagkasira at pagkatuyo ng lupa ay maaring magdulot ng
matinding suliranin gaya ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan.

Isa pinagmumulan ng pagkasira ng lupa ay ang overgrazing kung saan ang


kapasidad ng damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop. Ito ay
nakasisira sa halamano o vegetation ng isang lugar. Ang hilagang Iraq, Saudi

10
Arabia, at Oman ay ilan lamang sa mga bansang nakararanas ng ganitong
sitwasyon.
Urbanisasyon – Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang
naapektuhan ang kapaligiran nito. Ito ay nag bunsod sa mga kaugnay na problema
gaya ng pagdami ng mga mahihirap na lugar o depressed areas at may mga
pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba pang panganib sa
kalusugan. Mahigit sa 3,119 sa mga bayan at lungsod ng India ay may ganitong
sitwasyon. Ang kalusugan ng mamamayan sa mga lungsod ay direktang
naapektuhan ng urbanisasyon gaya ng pagtatapon ng mga industriya nhg kanilang
wastewater sa tubig at sa lupa. Ang mga kalapit-bayan ng lungsod ay naapektuhan
din ng urbanisasyon sapagkat dito kinukuha ang ilang mga pangangailangan ng
lungsod na nagiging sanhi ng pagkasaid ng likas na yaman nito. Kaugnay na
problema rin ng urbanisasyon ay ang noise pollution mula sa mnga sasakyan,
gayundin ang mga ilang aparato at makinang gumagawa ng ingay. Ayon sa mga
eksperto sa kalusugan ang labis na ingay sapagkat nagdudulot ito ng stress at
nakadaragdag sa pagod, sa ilang sitwasyon, ito ay nagiging sanhi ng pagkabingi.

Pagkawala ng Biodiversity – ang kontinente ng Asya ay itinuturing na isa


sa may pinakamayamang biodiversity sa buong mundo. Ang China, India, Thailand,
Indonesia, ay Malaysia ay katatagpuan ng pinakamaraming species ng mga isda,
amphibian, reptile, ibon, at mammal. Ngunit sa kabila nito, ang Asya rin mismo
ang nakapagtala ng pinakamabilis na pagkawala ng biodiversity bunsod ng:
patuloy na pagtaas ng populasyon, walang habas na pagkuha at paggamit ng mga
likas na yaman, pag-aabuso sa lupa, pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan
(deforestation), polusyon sa kapaligiran, at ang introduksiyon ng mga species na
hindi likas sa isang partikular na rehiyon.

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Pagkasira ng Kagubatan – ang deforestation o tahasang pagkawasak ng
kagubatan ay isang napakakritikal na problemang pangkapaligiran. Masama ang
dulot nito sa natural ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng kagubatan ay
nababawasan. Pinipiling putulin ang mga punong may ilang libong taon nang
nabubuhay sa kagubatan at hindi ito basta lamang napapalitan sa pamamagitan
ng muling pagtatanim. Sa pagkawala ng mga puno, marami ring mga species ng
halaman at hayop ang nanganganib dahil nawawalan sila ng natural na tirahan o
natural habitat. Ang pangkapaligiran tulad ng pagbaha, erosyon ng lupa, pagguho
ng lupa, sitasyon, at sedimentation. Ayon sa pag-aaral ng Asian Development Bank,
nangunguna ang Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas sa mga bansang
may pinakamabilis na antas o rate ng deforestation. Pangunahing sanhi ng
problemang ito ay ang komersyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng
puno, upang gawing panggatong at ang pagkasunog ng gubat.

Kamusta ang iyong naging pagbasa? Maaari mo ng sagutan ang mga


katanungan sa ibaba, isular ang iyong sagot sa iyong kuwadernong pang
aktibiti.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga suliraning pangkapaligiran ng Asya?
2. Ano ang mga pangunahing problemang kinakaharap sanhi ng mga sulirani
ng pangkapaliran?
3. Sa papaanong paraan maiiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran?
4. Paano mo pahahalagahan ang kalagayang ekolohiko ng Asya?

11
5. Kung ang bawat tao ay patuloy na walang disiplina sa pang-aabuso sa
kalikasan, ano ang magiging epekto nito sa pamumuhay ng mga tao?

Pagyamanin

Gawain: Suliranin Lutasin!


Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag na may kinalaman sa
pangangalaga sa kapaligiran, timbang na kalagayang ekolohiko at pagpapahalaga
sa kalikasan na nabasa sa teksto. Ipahagay ang mga mungkahing solusyon na
hinahangad.

Upang magkaroon ng timbang na kalagayang ekolohiko sa rehiyon ako ay


________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Ang gagawing kong solusyon sa pagkaubos at pagkasira ng kagubatan ay


________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing dahilan ng suliraning pang kapaligiran sa Asya?
2. Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran? Magbigay ng iyong
makakayang gawin.

Gawain: Reaksyon Mo, Sabihim Mo!


Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
kuwardenong pang aktibiti.
1. Sa papaanong paraan maiiwasan ang mga problemang kinakaharap na may
kinalaman sa suliraning pangkapaligiran?
2. Bilang isang kabataan, sa papaanong paraan mo sisimulan ang
pangangalaga sa iyong likas na yaman?
3. Ano-anong gawain ang iyong isasagawa upang mapahalagahan at
mapanatili ang balanseng ekolohikal?

12
Isaisip

Batay sa mga impormasyon na iyong nakalap sa mga teksto, hinihikayat


kitang gawin ang susunod na gawain.

Gawain: Mabuti at Di Mabuti!


Panuto: Suriin at tukuyin ang sumusunod na impormasyon tungkol sa suliraning
pangkapaligiran, ilagay ang sumusunod na simbolo kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng mabuti at di mabuti sa likas na yaman. Isulat ang iyong sagot sa
iyong kuwadernong pang aktibi.

Mabuti Di Mabuti

______1. Tahasang pagkawasak ng kagubatan


______2. Patuloy na pagtaas ng populasyon

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


______3. Pangangalaga sa likas na yaman
______4. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid
______5. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman

Gawain: Pag-Isipan Mo!


Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na gawain sa pangangalaga ng iyong
kapaligiran. Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong pang aktibiti.

LUGAR KO, PANGANGALAGAAN KO

LUGAR PANGANGALAGANG GAGAWIN


1. Baybay Dagat (Beaches) 1.
2. Parke 2.
3. Pamilihan 3.
4. Opisina 4.
5. Simbahan 5.

Napakahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsasagawa at


natapos ang mga gawain, taglay mo na ang kaalaman na higit na
magpapaunlad sa iyong pagkatuto.

13
Isagawa

Gawain: Liham Ko Para Sayo!


Panuto: Gumawa ng isang liham kung papaano maiiwasan ang mga suliraning
pangkapaligiran na kinahaharap sa kasalukuyan ng Asya.

Pamantayan sa Paggawa ng Liham

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang puntos


Nilalaman Akma sa paksa at 20
malinaw na
paglalahad ng
impormasyon.
Istilo Nakakahikayat sa 10
mambabasa
Kabuoan 30

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


Gawain: Islogan!
Batay sa mga tekstong iyong nabasa, gumawa ng isang islogan na may
kinalaman sa pagpapahalaga sa likas na yaman.

Hal. Likas na yaman pahalagahan dahil siya ay ating kailangan.

Pamantayan sa Paggawa ng Islogan

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang puntos


Nilalaman Akma sa paksa at 20
malinaw na
paglalahad ng
impormasyon.
Istilo Nakakahikayat sa 10
mambabasa
Kabuohan 30

Binabati kita, mahusay mong naisagawa ang mga gawaing naiatas sayo
at sa pagsusumikap na matapos ang mga gawain sa modyul na ito. Sa
bahaging ito ay tatayahin na ang iyong kaalaman batay sa iyong natutunan.

14
Tayahin

Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong sagutan papel.

1. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawain upang masolusyonan
ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa?
A. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na
yaman at maging aktibo sa mga programa na sinsagawa ng
pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.
B. Makikipagtulungan sa mga illegal na gawain
C. Patuloy na pagputol sa mga punong kahoy.
D. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.

2. Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punong kahoy


at pagkasunog ng gubat ay isa sa mga dahilan sa pagkasira ng kagutaban,
ano ang nagiging dahilan ng mga mamamayan upang magawa ganito gawain?
A. Dahil sa sariling interes
B. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
C. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga
mamamayan.
D. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at Malaki ang kita.
MODULES FROM CENTRAL OFFICE
3. Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na problemang
pangkapaligiran, alin sa sumusunod na pahayag ang masamang epekto nito?
I. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa kagubatan.
II. Maraming mga species ng halaman ang manganganib at mga
hayop.
III. Masamang dulot sa natural ecosystem
IV. Marami ang maaapektohang hayop

A. I, II & III
B. I, II, III & IV
C. I, II & IV
D. I, II & IV

4. Anong mga problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa


kagubatan?
I. Pagbaha
II. Pagguho ng Lupa
III. Erosyon sa Lupa
IV.Siltasyon

A. I, II & III
B. II, III & IV
C. I, III & IV
D. I, II, III & IV

15
5. Alin sa sumusunod na bansa sa asya ang nangunguna pagdating sa
deforestation?
A. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan
B. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas
C. Pilipinas, Japan, Bangladesg at Pakistan
D. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia

6. Ano bansa sa asya ang may malubhang problema ng salinization?


A. Pilipinas
B. Japan
C. Bangladesh
D. Malaysia

7. Alin sa sumusunod ang nagiging dahil sa pagkasira ng lupa?


A. Ang pagkatuyo ng mga lupa
B. Paggulo ng lupa
C. Pagrami ng punong kahoy
D. Pagtaba ng lupa

8. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira
ng lupa?
A. Maaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa
kalusugan
B. maaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
C. Maaring magdulot kawalan ng hanap-buhay ang mga mamamayan
D. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


9. Alin sa
Asya?
sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng

A. Pagkasira ng lupa
B. Pagkawala ng biodiversity
C. Urbanisasyon
D. Pangangalaga sa likas na yaman

10.Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?


A. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao
upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
B. Dahil kailangan ng tao ng lupa upang matustusan ang kanilang
mga sariling hangarin.
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes
sa buhay

11.Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat


bansa sa Asya?
A. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lunsod
B. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamaya upang
mabigyan ng kabuhayan upang malutas ang kahirap.
C. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa
mga lunsod.
D. Pagtuloy na pagtaas ng populasyon.

16
12.Sa patuloy na pagtaas ng urbanisasyon sa bawat bansa sino lubos na
deriktang naaapektuhan?
I.Ang pamahalaan ng bawat bansa
II.Kalusugan ng mamamayan ang lubos na maaapektuhan
III.pagdami ng mga mahihirap
IV.pagdami ng negosyon sa bawat lugar

A. I & II
B. II & III
C. III & IV
D. I & IV

13.Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng asya?


A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
C. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
D. Lahat ng nabanggit

14.Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang


biodiversity sa buong mundo?
A. Europe
B. Asya
C. Africa
D. Antarctica

15.Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ang isa sa mga problemang

MODULES FROM CENTRAL OFFICE


kinakaharap ng bawat bansa sa Asya, sa Iyong palagay, ano ang maaring
maging solusyon sa nasabing pahagay?
A. kailangan na mabigay ng kaalaman ang mga mamamaya sa patuloy
na pagtaas ng populasyon.
B. Magsagawa ng mga hakbang o programa upang makonrol ang
patuloy na pagtaas ng populasyon.
C. Kailangan magtulungan ang mga mamamayan
D. Kailangan maging aktibo sa mga gawain na binibigay ng
pamahalaan

Karagdagang Gawain

Gawain: Itala!
Panuto: Maglista ng limang gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kapaligiran na nakikita mo sa iyong bayan. Isulat sa iyong kuwadernong pang
aktibiti.

17
Susi sa Pagwawasto

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

18
Sanggunian
Modyul
Blando, Rosemarie,et.al.Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba,
Araling Panlipunan(Modyul ng Mag-aaral),Project EASE pp. 42-53
Araling Panlipunan Module , Grade 8

MODULES FROM CENTRAL OFFICE

19
MODULES FROM CENTRAL OFFICE

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like