Arts 4 Q1 M1 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

MAPEH 4

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Arts – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Kultural na Pamayanan sa Pilipinas
(Luzon, Visayas, at Mindanao)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Bonifacio A. Matondo Jr.


Editor: Bonifacio A. Matondo Jr.
Tagasuring Teknikal: Elinette B. Dela Cruz
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC – Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso, Ed. D.
OIC - Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, Ed. D.
Chief – School Governance & Operations Division and
OIC – Chief Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
MAPEH 4
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Mga Kultural na Pamayanan sa Pilipinas
(Luzon, Visayas, at Mindanao)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 4 ng Modyul para sa araling
mga kultural na pamayanan sa Pilipinas (Luzon, Visayas, at Mindanao)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication,
Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Arts 4 Modyul ukol sa Pagkilala ng mga


kultural na pamayanan sa Pilipinas (Luzon, Visayas at Mindanao)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. nakikilala ang mga ibat-ibang kultural na pamayanan sa
Luzon, Visayas at Mindanao;
2. natutukoy ang ibat-ibang kultural na pamayanan sa Luzon,
Visayas at Mindanao;
3. nabibigyang halaga ang kaalaman sa pagkilala ng mga ibat-
ibang kultural na pamayanan sa Luzon, Visayas at
Mindanao ayon sa uri ng kanilang pananamit, pamumuhay,
paniniwala (relihiyon) at mga kagamitan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Uriin ang mga salitang nakasulat sa kahon.


Isulat ito sa ibabang kahon ayon sa kung saan ito
nabibilang.

Ivatan Waray Ifugao


Maranao Tausug Ati
T’boli Badjao Bagobo
Kalinga

LUZON VISAYAS MINDANAO


BALIK-ARAL

Naranasan mo na bang bumili ng isang produkto sa isang


lugar na pinuntahan ninyo. Katulad ng banig, tela, damit,
kumot, keychain, palayok at iba pang produktong ibinibenta sa
ibat ibang lugar dito sa Pilipinas.

Pigur a 1, mga k ult ur al na produk t o sa Pilipinas.


Nariyang nakita mo ang ibat – ibang kultural na disenyo na
nakaukit o nakasulat sa produktong iyong nabili na sumisimbolo
sa kanilang kutural na pamayanan.
Tandaang mabuti ito dahil magagamit mo ang mga ito
upang mapalalim ang iyong kaalaman at kasanayan sa mga ibat
– ibang uri ng kultural na pamayanan ayon sa uri ng kanilang
pananamit, pamumuhay, relihiyon (paniniwala) at kagamitan.

Ang Pilipinas ay binubuo ng Pigura 2, Mapa ng


tatlong malalaking isla, ito ang Pilipinas.
Luzon, Visayas at Mindanao. Kung
saan makikita rito ang iba’t-ibang
kultural na pamayanan. Nariyan ang
pangkat ng Ivatan, Ifugao, Kalinga, Luzon
Tinguian at iba pangkat ng mga
taong naninirahan sa Luzon. Sa
Visayas naman ang mga Ati at Visayas
Waray, ang ilan sa mga pangkat ng
taong naninirahan dito. Sa Mindanao
naman nariyan ang mga Maranao, Mindanao
Tauzug, Badjao, T’boli, Bagobo at
iba pang pangkat-etniko o kultural
na pamayanan sa Mindanao.
Ang mga sinaunang kagamitan, pananampalataya
(relihiyon) at kasuotan ng mga pangkat -etniko ay bahagi ng pang
araw-araw na buhay sa kanilang kultural na pamayanan. Ang
kanilang talino at kasanayan sa pag-likha ay naipapakita nila sa
paggawa ng mga kagamitang pantahanan. Ito ay maituturing na
yaman ng ating bansa.

Pigura 3, mga kultural na pamayanan sa Mindanao


(Tauzug), Visayas (Ati ) at Luzon (Ifugao).
ARALIN

Ano ang Kultural na Pamayanan?


Para sa iyong kaalaman, ang kultura ay tumutukoy sa
kaugalian, tradisyon, paniniwala, selebrasyon, kagamitan, sining
at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Samantalang ang
pamayanan ay binubuo ng pangkat ng mga tao na mayroong
ugnayan sa isa’-isa na nabubuhay sa isang lugar. Samakatuwid,
ang kultural na pamayanan ay direktang tumutukoy sa uri ng mga
taong namumuhay sa isang lipunan o lugar.

Pigura 4, paghahabi ng tela (Ifugao), anito (Kalinga) at mga Waray.


Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa pagpapahalaga sa ibat – ibang kulturang
mayroon ang ating mga ninuno gayundin sa kung paano nila ito
pinag-yaman.
Ang mga kaalamang makukuha mo sa araling ito ay lubos na
makatutulong sa araw-araw mong pamumuhay ayon sa hinihingi
ng pagkakataon.
Mga Kultural na Pamayanan sa Luzon
Ang kultural na pamayanan ng mga Ivatan.Ivatan ang tawag
sa pangkat-etnikong naninirahan sa Batanes. Matatagpuan
lamang sila sa tatlo sa sampung islang bumubuo sa Batanes.
Ang mga isla ng Itbayat, Sabtang at Batan.
Ang mga babaeng Ivatan ay nagsusuot
ng vakul, ito ay yari sa abaka na inilalagay
saulo bilang proteksiyon sa init ng araw.
Angkanilang tahanan naman ay yari sa
limestone, corals, at cogon grass.
Pigur a 5, ang vak ul na yar i sa abak a.

Paghahabi ng tela at pagtatanim ng palay ang pangunahing


ikinabubuhay ng mga Kalinga mahusay din silang
mangangaso.Tanyag din ang mga Kalinga sa pagtatatoo o
pamamatok. Tanyag dito si Apo Wang-od, ang tinaguriang
pinaka-matandang tatoo artist sa Kalinga. Katulad ng mga Ifugao
naniniwala din sila sa mga anito. Si Kabunyan o Kadaklan ang
itinuturing nilang katas-taasan o pinaka-makapangyarihang
diyos-diyusan ng mga Kalinga. Naniniwala rin sila na ang buwan
at araw ay diyos. Katulad ng iba pang pangkat – etniko, makikita
din sa mga pangunahing produkto ang kanilangmga kultural na
disenyo.
Mga Kultural na Pamayanan sa Visayas
Ilan sa mga pangkat etnikong matatagpuan sa Visayas ay
ang mga Ati, Waray at iba pa. Ati ang tawag sa mga pangkat –
etnikong nakatira sa Panay o Kabisayaan. Pagtatanim,
pangangaso at pagkakaingin ang kanilang pangunahing
ikinabubuhay.
Katulad ng mga Ati, pagsasaka, pangingisda, paggawa ng
banig at ibat-ibang kagamitang yari saabaka, kahoy at niyog ang
pangunahing ikinabu-buhay ng mga Waray.

Pigur a 6, ng mga pangk at -et nik ong At i at Waray.


Mga Kultural na Pamayanan sa Mindanao
Ilan sa maraming pangkat ng mga taong naninirahan sa
Mindanao ay ang mga Maranao, Badjao, Tausug, T’boli at
Bagobo. Ang maga Maranao ay nakatira sa paligid ng lawa ng
Lanao, Muslim ang kanilang relihiyon. Ang mga Maranao ay
kilala sa kanilang mga gawang sining gaya ng paghahabi at iba
pang mga kahoy at metal na produkto.Torogan ang tawag sa
tahanan ng mga Datu o Sultan na sumisimbolo ng katayuan nila
sa lipunan.

Pigur a 7, mga pangk at -et nik ong Mar anao, T ’boli at T ausug.

Ang mga Badjao, karamihan sa kanila ay Muslim,


ganunpaman naniniwala sila sa Umboh o kaluluwa ng kanilang
mga ninuno. Pangingisda, paninisid ng perlas, paggawa ng
basket at banig ang kanilang ikinabubuhay. Patadjong ang tawag
sa katutubong kasuotan ng mga Badjao.
Ang mga Tausug ay nakatira malapit sa dagat, pangigisda at
pagsasaka ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.Nagmula sa
salitang Tu Sug ang salitang Tausug na nanganga-hulugang mga
tao ng agos, Muslim ang kanilang relihiyon. Ang mga lalaking
Tausug ay nagsusuot ng hapit na pantalon at kamiseta,
samantalang ang mgababaeng Tausug naman aynagsusuot ng
sarong na kahawig ng mga Malay. Ang kultural na pamayanan
ng mga T’boli. Pangangaso, pangingisda,pagkakaingin at
pangunguha ng prutas sa kagubatan ang kanilang
ikinabubuhay. Naghahabi din sila ng telang T’nalak na yari sa
hibla ng abaka upang gawing damit. Paganismoa ang uri ng
kanilang pananampalataya.
Pigura 13, ang paghahabi ng tela at mga kasuotan ng mga
Badjao at Bagobo.

Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ng


Davao, pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay nila dahil
malapit ang tirahan nila sa katubigan. Nahahati sa tatlo ang
tardisyunal na lipunan ng mga Bagobo, ang bayani, mandirigma
at datu, na itinuturing na lider ng tribu.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin kung anong kultural na pamayanan ang


ipinapakita sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. _______________ 4. ______________

2. _______________ 5. ______________

3.
_______________
Pagsasanay 2
Panuto: Punan ang talahanayan ng tamang salita o mga salita
ng mga nawawalang datos.

Kultural na Pangunahing
No. Hanapbuhay Kasuotan
pamayanan Produkto
pangingisda basket,
at paggawa kagamitang yari
1. Ivatan
ng basket sa abaka at
cogon
tela at mga
2. Ifugao bahag
gulay
pangingisda kamiseta,
3. Tausug at pagsasaka pantalon,
sarong
banig,basket,
4. Bagobo pagsasaka
tsinelas abaka
pangingisda,
paninisid ng
perlas, basket, banig.
5. Badjao
paggawa ng Kumot,
basket at
banig
Pagsasanay 3
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at
salitang MALI naman kung hindi ito wasto.
________1. Mombaki ang tawag sa lider ng mga Ifugao.
________2. Paganismo ang pananampalataya ng mga T’boli.
________3. Umboh ang tawag sa kaluluwa ng ninuno ng mga
Badjao.
________4. Mahilig magsuot ng palamuti ang mga Ati.
________5. Ang bubong ng tahanan ng mga Ivatan ay yari sa
cogon grass.
PAGLALAHAT

Panuto: Isulat sa patlang sa bawat bilang ang hinihingi ng


pahayag sa ibaba.
Ano-ano ang mga iba’t-ibang kultural na pamayanan
na makikita sa mga sumusunod na pulo sa Pilipinas:
1. LUZON - _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
2. VISAYAS - _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
3. MINDANAO- _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

PAGPAPAHALAGA

Mahalagang mapag-aralan ng mga mag-aaral o


kabataang Pilipino sa panahon ngayon ang kultural na
pamayanan sa Luzon, Visayas at Mindanao upang malaman
nila ang gampanin nito sa pagpapaunlad ng kulturang
Pilipino.
Bakit mahalaga na mapag-aralan ng isang mag-aaral o
kabataang Pilipino sa panahon ngayon ang kahalagahan ng
bawat kultural na pamayanan sa Luzon, Visayas at
Mindanao?
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Uriin ang mga salitang nakasulat sa kahon sa itaas.


Isulat ito sa ibabang kahon ayon sa kung saan ito
nabibilang.
kagamitang
yari sa
kawayan at pagatatato o
patadjong
yantok pamamatok
kagamitang yari
sa abaka, kahoy
at niyog Apo Wang-od Umboh
kaingin ang
paninisid ng
sistema ng
paganismo perlas
pagsasaka
Kabunyan o Kadaklan telang T’nalak

Kalinga Badjao Waray T’boli


PAGPAPAHALAGA: PAGLALAHAT:
Mahalagang mapag-aralan ng Ang mga iba’t-ibang kultural
mga mag-aaral o kabataan Pilipino sa na pamayanan sa mga
panahon ngayon ang kultural na sumusunod na pulo:
pamayanan sa Luzon, Visayas at 1. LUZON – Ivatan,
Mindanao upang malaman nila ang Ifugao, Kalinga,
gampanin nito sa pagpapaunlad ng Tinguian at marami
kulturang Pilipino. pang iba;
Higit sa lahat ito rin ang 2. VISAYAS- Ati at
magsisilbing pundasyon ng bawat Waray, Hiligaynon at
isang Pilipino, upang lalong mapag- marami pang iba;
yaman at mapaunlad ang pinagmulan 3. MINDANAO –
ng ating lahi. Dapat nating ipagmalaki Maranao, Tausug,
at panatilihin ang mga ito upang Badjao, T’boli at
lalong makilala at mapaunlad ang Bagobo at marami
kultural na yaman ng ating bansa.
pang iba.
Paunang Pagsubok Pagsasanay 1
LUZON VISAYAS MINDANAO 1. Bagobo
2. Maranao
3. Ati
Ivatan Ati Maranao 4. Badjao
Ifugao Waray T’boli 5. Waray
Kalinga Tausug Pagsasanay 2
Badjao 1. Vakul
Bagobo 2. pagtatanim ng palay
at gulay/paghahabi
ng tela
Panapos na Pagsusulit 3. isda, palay at gulay
4. telang yari sa abaka
Kalinga Badjao Waray T’boli 5. patadjong
Apo-Wang- patadjong kagamitang
od yari sa Pagsasanay 3
Telang
kawayan at
pagatatato o T’nalak 1. Tamaa
Umboh yantok
pamamatok
2. Tama
3. Tama
paninisid kagamitang 4. Mali
Kabunyan o
ng perlas yari sa abaka, paganismo 5. Tama
Kadaklan
kahoy at niyog
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M.
Ilagan, Josepina D. Villareal, et al... 2015 MUSIKA AT SINING,
KAGAMITAN NG MAG-AARAL, DepEd- Beareau of Elementary
Education Curriculum Development Division, 2nd Floor, Bonifacio Bldg.
DepEd Complex, Meralco Ave. Pasig City, Philippines 1600, Telefax:
(632) 638-4799 0 637-4347

http://www.imagesphilippines.com/viewimage.php?/2020/06/15/id=664

https://badjaoculturecom.wordpress.com/2020/06/15/culture-of-badjao-2/

https://www.pinterest.ph/pin/2020/06/15/435512226445141174/

https://badjaoculturecom.wordpress.com/2020/06/15/culture-of-badjao-2/

https://www.pinterest.ph/pin/2020/06/15/405464772689578069/

https://manilagrapika.wordpress.com/2020/06/015/pangkat-etniko-ng-visayas-at-mindanao-
photos-with-description/

https://pt.slideshare.net/jaredram55/mga-pangkat-etniko-sa-pilipinas/17/2020/06/17
EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMDS)
Tagalapat

BONIFACIO A. MATONDO JR.


Naglapat Ng Video

BONIFACIO A. MATONDO JR.


Video Editor

BONIFACIO A. MATONDO JR.


Tagapagsuri Ng Video

ROLAN L. TOCHE
Gurong Tagapag-Ugnay

EDITHA A. TOLOP
Punong Guro

DR. CEAZAR S. GONZALES


Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Pasig City

Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Telephone No.: (632) 8641-8885

Email Address: [email protected]

You might also like