Lesson Exemplar EsP6 Q3 MELC 8
Lesson Exemplar EsP6 Q3 MELC 8
Lesson Exemplar EsP6 Q3 MELC 8
Mahalagang Kaisipan
Ang tagapagkalinga ng kapaligiran ay gumagawa sa pamamagitan ng
pagrerecycle, paglilinis, pagtatanim ng mga puno, at pagmamalasakit sa
hayop.
Anu-anong mga likas na yaman ang mayroon ang ating bansa batay
sa tula?
Bakit masuwerte tayong mga Pilipino?
Pagtataya:
Basahin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang RA 9147 ay tungkol sa _________.
a. Pagdedeklara ng National Park
b. Konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa mga maiilap na
hayop.
c. Pagkakaroon ng regulasyon sa pangonglekta at pangangalakal
ng maiilap na hayop.
d. Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod ng basura.
2. Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa ___________.
a. Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng
mga mamamayan at pagbabawal sa mga gawaing nagpapadumi
sa hangin.
b. Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mga mamamayan.
c. Pagpapanatili ng ecological diversity.
d. Pananaliksik upang mapanatili ang Ecological Diversity sa ating
Bansa.
3. Batas Pambansa 7638 at ang pagtatatag ng Department of Energy
(DOE) ay naglalayong _________.
a. Mapanatili at msuportahan ang buhay at pagunlad ng tao.
b. Pagpapanatili sa natural at biological physical diversities.
c. Ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin.
d. Isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga planoat programa
ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at konserbasyon
ng Enerhiya.
4. RA 7586 (National Integrated Protected Area System Act of 1992)
ay tungkol sa __________.
a. Batas bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mga
mamamayan.
b. Pagkilala sa mga pangangailangang mapanatili ang balanse ng
ekolohiya at kalikasan.
c. Pagtatatag ng Department of Energy.
d. Paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang mapanatili ang
biological diversity.
5. RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay
naglalayon para sa ______________.
a. Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod ng mga solid
waste.
b. Pagpapanatili ng malinis na hangin.
c. Pagpaplano ng mga pangmatagalang pamamaraan upang
epektibong maiwaksi ang mga sanhi ng maduming hangin.
d. Pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng pamahalaansa
eksplorasyon pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya.
6. Sa mga bundok dapat tayong ____________.
a. Magtanim ng mga puno
b. Magkaingin, magtabas at magsunog
c. Manghuli ng mga maiilap na hayop
d. Magtatag ng maliliit na kompanya ng logging
7. Upang maiwasan ang red tide, dapat ____________.
a. Linisin ang mga barko
b. Linising Mabuti ang isda bago lutuin
c. Panatilihin ang kalinisan ng katubigan.
d. Isulong ang pagtatayo ng mga beach resorts.
8. Maraming kompanya ng konstruksyon ang kumukuha ng maraming
bato at buhangin mula sa mga bundok. Ang masamang epekto nito
ay ___________.
a. Pagguho ng lupa
b. Pagyaman ng bansa
c. Pagbaha at lindol
d. Pagkatuyo ng mga bukal
9. Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga mangingisda, dapat
nating pagsikapang mabuti na ___________.
a. Bigyan sila ng ibang trabaho
b. Tulungan silang mangisda buong araw
c. Sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
d. Tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang dumami ang
mga isda.
10. Iminungkahi ng nanay mo na bumili ka ng corals para sa inyong
aquarium. Narinig niya na mayroong tindahan sa palengke na
nagbebenta ng corals sa mababang halaga. Ngunit nalaman mo sa
klase na hindi dapat kinukuha sa dagat ang mga corals dahil ditto
tumitira ang kawan ng mga isda. Dapat sabihin mo sa nanay m na
________________.
a. Siya nalang ang bumili
b. Hindi dapat kunin sa dagat ang corals
c. Binalaan ka ng iyong guro tungkol sa maling gamit ng corals
d. Dapat siyang bumili nang marami upang ibenta sa iba sa mas
mataas na halaga.
Inihanda ni:
Nabatid: