Pakikinig

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Baguio Central University

College of Teacher Education and Liberal Arts

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Pakikinig

I. Layunin:

A.Pamantayang Pangnilalaman

 Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa uri at kahalagahan ng pakikinig


 Natutukoy ang mga mahahalagang detalye patungkol sa pakikinig
 Nakapagbibigay ng sariling opinion o pananaw batay sa paksang pakikinig

II. Nilalaman

A. Paksang Aralin: Uri ng Pakikinig at Kahalagahan ng Pakikinig

B.  Sanggunian: Cruz, Jennifer L. 2012. Uri ng Pakikinig sa Akademikong Filipino. Joel’s


Publishing House. Rizal City Austero, Cecilia S. et.al.Kahalagahan ng Pakikinig sa Tao . Unlad
Publishing House. Pasig City.
C.    Kagamitan: Laptop at Projector
D.    Pagpapahalaga: Pag-unawa at ganap na pakikinig.

III. Pamamaraan

A.  Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagpapakilala
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng mga Lumiban
 Pagbabalik-aral

B.     Pagganyak
 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung sila ba ay bihasa na sa pakikinig.
 Ano ang kanilang pagkakaunawa nila sa mga naitalakay? At, ano-ano ang mga
hakbang na kanilang isinagawa bago lubusang maunawaan ang nasabing paksa
patungkol sa pakikinig.

C. Paglalahad
 Pagtalakay sa Ibat ibang uri ng pakikinig.
 Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa mga uri ng pakikinig.
 Pagsusuri sa kahalagahan ng pakikinig

D.Pagtalakay
 Ibat ibang uri ng pakikinig

Passiv o Marginal
 Pakikinig na kung saan ang pinakikinggan ay di gaanong
napagtutuunan ng pansin dahil sa ibang gawain.

Atentiv
 Pakikinig ng taimtim at puno ng konsentrasyon. Ang layunin ng
tagapakinig ay makakuha ng kawastuhan ng pagkaunawa sa paksang
narinig.

Analitikal
 Layunin ng pakikinig na ito na magbigay ng husga o reaksyon sa
napakinggan.

Kritikal
 Mapanuring pakikinig, pagkuha ng mensahe at pagpapahalagang moral
sa paksang narinig.

Apresyativ o Pagpapahalagang Pakikinig


 Pakikinig na ginagawa ng tao para sa sariling kasiyahan.

 Kahalagahan ng pakikinig

 Ang pakikinig ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon.


 Ang pakikinig ay nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan.
 Ito ay nangangailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa.
 Ang pakikinig ay nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng lahat.
 Ang pakikinig ay nakakatulong sa pag-unawa ng damdamin, kilos at
gawi ng iba.
 Ito ay nakatutulong sa pagbuo ng pagkakaisa.

D.    Paglalahat
 Pagtatanong ng guro sa mga mag-aaral sa kung ano ang kahalagahan ng pakikinig sa
pagpapalawak ng kaalaman ng bawat isa at kung paano ito isasagawa.

E.     Paglalapat
 Ano ang kahalagahan sa pag-aaral ng makrong kasanayan sa pakikinig?

IV.PAGTATAYA

 Pagsusulit patungkol Uri ng Pakikinig at Kahalagahan ng Pakikinig


 Sasagutan ng mga mag-aaral ang inihandang pagsusulit ng guro

V.    Takdang-Aralin

 Pakinggan ang kantang Isang Mundo Isang Awit ni Leah Navarro.


 Isulat ang iyong sariling opinyon sa bawat tanung na isinasaad.

1.Ano ang iyong pagkakaintindi sa kantang Isang Mundo Isang Awit ni Leah Navarro?
Nakakatulong ba ito saating lipunan? Oo o Hindi? Pangatwiran
2.Bilang isang magiting na mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa Iba’t
ibang lahi?
Inihanda ni:

ReyjenieD. Molina
Nagpapakadalubhasa sa Filipino

You might also like