Lakbay Sanaysay

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

LAKBAY-SANAYSAY

TRAVELOGUE
SANAY-LAKBAY
KAHULUGAN

Isang sanaysay na tumatalakay sa mga natuklasan ng


manunulat mula sa kanyang kinalulugaran, hindi
lamang paglalarawan ng kanyang paglalakbay.

Maaaring maisulat sa pamamagitan ng paglalagay ng


mga nakalap na impormasyon tungkol sa lugar na
napiling puntahan o di kaya naman ay isang
naratibong kwento tungkol sa personal na karanasan
at mga impresyon sa ginawang paglalakbay na
sinusuportahan ng mga larawan.
Ayon kay Carandang (2015), ang travelogue ay uri ng
creative non-fiction, feature o literary journalism na
pangunahing nauukol sa paglalakbay o pagliliwaliw.

Maaaring nasiyahan o nadismaya ang mananaysay.


Dahil ito ay di-pormal na sanaysay, ang diwa nito ay
subhetibo at karaniwang ginagamitan ng pangahalip
na nasa unang panauhan tulad ng ako, kami, naming,
atbp.
Layunin nitong maipahayag ang damdaming
nabuo habang naglalakbay.
Mga Dapat Isaalang-alang
sa Paggawa ng
Lakbay-Sanaysay:
1. Pagsasaliksik

Alamin muna ang kultura ng lugar na pupuntahan – sa


kasuotan, paniniwala, wika, at iba pang salik ng
lipunan. Sa pamamagitan nito, matututuhan ang mga
dahilan kung bakit sila nabubuhay sa ganoong paraan.

Sa lahat ng bagay, hindi lamang sa pagsusulat


kailangan ng pagsasaliksik upang maisangguni ang mga
nakita. Kinokondisyon din nito ang pag-iisip ng tao dahil
bahagi pananaliksik ang pag-alam sa pahayag ng iba
pang tao o mula sa kanilang pormal na pananaliksik o
obserbasyon at ito ang magiging katibayan sa
pagpapahayag ng mga nakita.
2. Pagkamalikhain

Bilang manunulat, isaalang-alang ang kiliti ng mga


mambabasa. Ipahayag ang nararamdaman habang
naglalakbay; at ang mahalaga, gumamit ng tayutay
upang maramdaman nilang kasama sila sa paglalakbay.

Mas mahalaga na ibagay ang wika sa wika ng lipunan.


Palitawin ang mga nauusong salita at in na in na
ekspresyon para upang humantong sa pagkakasundo ng
manunulat at mambabasa.
3. Ang “Ikaw” Bilang Manunulat

Palaging tatandaan na ang manunulat ay sumusulat


upang magpahayag at ang mambabasa ay nagbabasa
upang maramdaman ang binabasa.

Kailangang nararamdaman at nakikita ng mambabasa


ang karanasan sa paglalakbay dahil ito ang
pinakalayunin bilang manunulat.
Mga Hakbang Kung Paano
Makasusulat ng Isang
Lakbay-sanaysay:
1. Pag-isipang mabuti kung ano ang layunin ng travelogue.
2. Habang naglalakbay, magsulat ng mga nakikita, lugar
at pinuntahan at mga taong nakasalamuha.
3. Kumuha ng larawang magpapakita ng kabuuan ng
paglalakbay.
4. Magkaroon ng panahon upang rebyuhin ang mga
naging tala.
5. Lumikha ng outline para sa travelogue.
6. Matapos makumpleto ang outline, sumulat ng may
pagkamalikhain ang travelogue.
Dapat at Hindi Dapat
sa Lakbay-sanaysay
Dapat sa Lakbay-sanaysay
1. Gawing kapaki-pakinabang sa mga taong gustong
makarating sa lugar. Bigyan sila ng ideya sa
pamasahe at tirahan doon. Sikapin na hindi lamang
maituon ang sulatin sa personal na karanasan at
nararamdaman lamang.

2. Makipag-usap sa mga taong nakatira sa lugar na


pupuntahan. Alamin ang kwento ng pansarili nilang
karanasan. Sikaping huwag manatili lamang sa
pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagtingin sa hitsura ng lugar.
3. Magbigay ng kasaysayan ng lugar.

4. Magdagdag ng kasiyahan sa sulatin. Dito higit


napagagaan ang pakiramdam ng mambabasa.

5. Basahin nang tatlong beses ang ginawang sulatin.


Maglaan ng panahon para sa ginawa.
Hindi Dapat
sa Lakbay-sanaysay
1. Huwag nang ulitin pa ang mga impormasyon nakikita
sa brochure o guidebook tungkol sa lugar na
napuntahan.

2. Huwag maglagay ng mga larawang matagal nang


nakunan o di kaya’y mga larawang makikita sa
internet.

3. Huwag husgahan ang mga kaugaliang ginagawa sa


lugar, hindi dapat ikabahala ang mga bagay na
nakakapagpanibago sa karanasan. Maraming sa atin
ang mga hindi sanay sa kultura pero hindi ito ang
magiging dahilan upang maipakita sa mambabasa ang
negatibong opinyon.
4. Huwag maghintay nang matagal na apanahon bago
maisulat ang sanaysay. Gawin agad ito kung
kinakailangan sapagkat bago at malinaw pang
masasabi ang lahat ng naging karanasan.

You might also like