Edukasyon Sa Pagpapakatao

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan –
Modyul 6: Ang Paggawa Bilang
Paglilingkod at Pagtaguyod ng
Dignidad ng Tao
(Week 6-Aralin 2)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Self Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng
Dignidad ng Tao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Star Jewel M. Doctolero
Editors: Gladeline L. Biescas, Ramir G. Flores and Jocelyn A. Gahum
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Carlo C. Melendres PhD, Rolex H. Lotilla and Arvin M. Tejada
Tagaguhit: Star Jewel M. Doctolero
Tagalapat: Sharon D. Lamorena
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE- Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero CESE- Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug-REPS, ADM
Leonardo B. Mission- REPS, Filipino
Belen L. Fajemolin PhD- CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD- Division EPS In Charge of LRMS
Bernardita M. Villano- Division ADM Coordinator
Carlo C. Melendres PhD – EPS, Subject Area Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal, South Cotabato
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected]
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Ang Paggawa Bilang
Paglilingkod at Pagtaguyod ng
Dignidad ng Tao
(Week 6-Aralin 2)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - 9 ng Self


Learning Module (SLM) para sa araling “Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at
Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang maka-uugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 na siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao – 9 ng Self Learning


Module (SLM) ukol sa “Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad
ng Tao”.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

3
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

4
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng gabay sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Ang Paggawa Bilang


Modyul
Paglilingkod at Pagtaguyod

5
ng Dignidad ng Tao
6 (Week 6-Aralin 2)

Alamin

Nakakita ka na ba ng mga taong hindi pa halos sumisikat ang araw ay


nagtatrabaho na? Sa kabilang dako, mayroon ka bang naobserbahang mga tao na
tanghaling tapat na ay nakahiga pa rin at tila ayaw magtrabaho? Ano ang naiisip
mo kapag nakakakita ka ng ganito? Ikaw, saan sa dalawang kategorya ka
nabibilang?

Mahalaga bang kumilos ka at gumawa? Sa palagay mo, maaari ka bang


mabuhay nang maayos at ganap kung hindi ka gagawa? Ano ba ng paggawa?

Ang mga katanungang ito’y matutugunan mo pagkatapos mong sumailalim


sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Umaasa akong magiging
kapakipakinabang sa iyo ang araling ito.

Ang mga tanong na ito ay unti-unting masasagot sa pamamagitan ng mga gawain


at babasahin na iyong makikita sa modyul na ito.

Bilang pagpapatuloy sa ating leksiyon, Halika at tuklasin na natin kung paano…

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng
dignidad ng tao
2. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasaksihan sa pamilya, paaralan o
baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao
3. Nakabubuo ng batayang Konsepto

Subukin

6
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot. Ilagay ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng


paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at
pakikisangkot.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.
2. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
b. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
c. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na
ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto
d. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
3. Ano ang positibong naidudulot ng teknolohiya sa paggawa?
a. Nagiging tamad ang tao
b. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa paggawa
c. Nagbabago na ang tunay na kahulugan ng paggawa
d. Naiaasa na ang lahat ng gawain sa teknolohiya
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon
ng paggawa?
a. Nagtatrabaho si Alex para sa sarili niya lamang
b. Hindi nakalilimot si Anna na tumulong sa mga nangangailangan
c. Tumutulong is Ben sa kanyang tatay sa pagsasaka
d. Hindi nakalilimot si Rex na tulungan ang nakababatang kapatid at mga
pinsan sa kanilang mga proyekto.

5. Sa Anong dahilan makikita ang tunay na halaga ng tao?


a. Sa dami ng salapi
b. Sa dami ng pag-aari o yaman
c. Sa pagkamit ng kaganapan bilang tao
d. Sa dami ng kaibigan

Balikan

Bilang pagpapatuloy sa naumpisahang aralin, Halina’t sagutin ang mga


sumusunod:

7
Gawain 1

Panuto: Alamin natin ang iyong ang natutuhan mula sa nagdaang aralin at gusto
pang matutuhan gamit ang K-W-L ( know, want to know, learnt) Tsart. Magbigay
ng tatlong sagot sa bawat kolum.

what I know What I want to know What I learnt

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

Tuklasin

Gawain 1

Kaso Blg. 1
Si Ali ay 16 na taong gulang at katatapos pa lamang sa haiskul. Dahil sa
kahirapan sa buhay hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.
Ginugugol niya ang bawat araw na nagdadaan sa panonood ng t.v,
pakikipagkwentuhan sa kanyang mga kabarkada at paglalaro ng basketball.

Kaso Blg. 2
Si Marvin, 16 na taong gulang at katatapos lamang ng haiskul. Tulad ni Ali,
hindi na rin siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa
kahirapan.

Upang hindi masayang ang kanyang panahon, tumutulong siya sa kanyang


mga magulang sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Maaga pa lamang ay
gumigising na siya upang mamakyaw8 sa Divisoria ng mga gulay na kanilang
ititinda.
Sagutin Mo!
1. Paano nagkaiba sina Ali at Marvin?
2. Anong pagpapahalaga ang taglay ni Marvin na wala kay Ali?

3. Paano maaapektuhan ng pagpapahalagang ito ang kinabukasan ng dalawa?

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento pagkatapos ay sagutan ang


mga tanong sa ibaba.

Iba’t-ibang Gawain

Matapos ang dalawampung taon mula ng magtapos sa kolehiyo, nagkita


sina Joselito at Eric. Kamustahan, kuwentuhan. Nagtanong si Joselito, “
kamusta na ang iyong apat na anak na lalaki?”
“ Ang panganay ko ay nagtatrabaho na sa isang law office, hindi gaanong
kataasan ang suweldo pero kapag nakakuha na siya ng experience ay
makatutulong din iyon sa pagtaas ng kanyang posisyon.
Iyong pangalawa naman ay isa ng inhinyero. Marami na siyang gusaling
idinisenyo. Nagtatrabaho siya sa gobyerno sa kasalukuyan. Pagdating ng araw
nakikita kong magiging mataas ang posisyon niya dito.
Ang pangatlo naman ay nag-aaral pa ng medisina. Nagte-training pa siya
at kailangan ang suporta namin. Ilang panahon lamang at magiging doctor na
siya.” Tugong may pagmamalaki ni Eric.
Halos hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ng itanong ni Joselito “
kamusta naman ang bunso mo?”
“ A, si Rogelio, hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Pagkatapos ng haiskul
ay naghanap na siya ng trabaho. Security officer siya ngayon sa isang
malaking kompanya at maayos naman ang suweldo.” Sagot ni Eric.

“Siya lamang pala sa mga anak mo ang walang tinapos ano? Sayang
naman.” Ani Joselito.

“ Oo nga, pero kung hindi dahil sa kanya, baka matagal na kaming


namatay sa gutom. Siya ang sumusuporta sa pang-araw-araw naming
pangangailangan.” Tugon ni Eric.

9
Sagutin Mo!

1. Paano nakatulong ang pagtatrabaho ng bunsong anak sa


pangkalahatang kalagayan ng kanyang pamilya?

2. Ano ang mahalagang mensahe ang ibig ipahiwatig ng kuwento?

3. Paano mo iuugnay ang mensahe nito sa pagpapahalagang binanggit


sa unang gawain?(pangatwiranin)

Suriin

Ang Subheto at Obheto ng Paggawa

Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources,


instrumento, at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga
produkto. Ang nakagisnan ng tao na uri ng paggawang ginagamitan ng kamay,
pagod, at pawis ay unti-unti nang nagbabago dahil sa pagtulong ng mga
makabagong makinarya, na tao rin naman ang nagdisenyo at gumawa.Napakalaki
ng tulong na naibibigay ng teknolohiya: napadadali nito ang trabaho ng tao at
naitataas ang kaniyang produksiyon.

Nilikha ang teknolohiya upang gawing perpekto ang gawain ng tao. Ito ang
dahilan kung bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga teknolohiya na patuloy na
makatutulong upang mas maging madali ang paggawa para sa tao. Ang
teknolohiya ay kakampi ng tao. Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito, unti-unti
ng nagiging “kaaway” ng tao ang teknolohiya, nawawalan na ng malawak na
kontribusyon ang tao sa paggawa, hindi na niya nararamdaman ang kasiyahan at
hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging malikhain. Dahil inaako na ng makina
ang bahagi ng tao, hindi na nakikilala ang kaniyang pakamalikhain at malalim na
pananagutan. Mahalaga ito upang patuloy na maramdaman ng tao ang kaniyang
halaga sa proseso ng paggawa. Ang pagdami ng mga teknolohiya sa paggawa ang
siyang umaagaw sa tao sa kaniyang trabaho. Lumalabas na ang tao na ang
nagiging alipin ng teknolohiya. Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa
palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa ngunit sa wari ay
nakaliligtaan na unti-unting nailalayo sa tao ang kaniyang tunay na esensya sa
mundo – ang paggawa na daan tungo sa (1) pagbuo ng tao ng kaniyang

10
pagkakakilanlan at kakaniyahan (2) pagkamit ng kaganapang pansarili at (3)
pagtulong sa kapwa upang makamit ang kaniyang kaganapan. Dahil sa kaniyang
taglay na natatanging kakayahan bilang tao, ang tao ay binigyan ng Diyos ng
karapatan at tungkulin na mamahala sa mundo at sa iba pang nilikha. Ang tao
lamang ang may kakayahan na kumilos bunga ng proseso ng kaniyang pag-iisip;
siya ang may kakayahan na magpasya para sa kaniyang sarili at may kakayahan
na kilalanin nang lubusan ang kaniyang sarili. Nasa kaniya ang kakayahan na
gumawa at gumanap ng iba’t ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa.
Samakatwid, maituturing na ang subheto ng paggawa ay ang tao.

Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa


produktong bunga nito kundi ang katotohanan na ang gumagawa nito ay tao.
Nagiging malalim na pagpapahalaga sa bunga ng paggawa ng tao hindi lamang
dahil sa gamit at ganda nito kundi dahil nakikita rito ang kaligayahan at
pagmamahal na inilaan ng tao habang ito ay nililikha. Ang dignidad na dumadaloy
sa paggawa ay nakikita sa taong gumagawa nito. Mas kailangang manaig ang
subheto kaysa sa obheto ng paggawa.

Ang Panlipunang Dimensiyon ng Paggawa

Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang dimensyon. Ang gawain ng tao


ay likas na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapwa. Higit na nararapat na
maging paniniwala ng lahat na “ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at
kasama ang kapwa”. Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba. Hindi ba’t alam
naman natin na ang bunga ng ating ginagawa ay para sa kapakinabangan ng mas
marami? Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan,
ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa. Ang panlipunang kalikasan ng paggawa
ang tunay na tataya sa paggawa. Ito ay dahil hindi magbubunga ang pagsisikap ng
tao kung wala ang kaniyang kapwa, kung walang mga pamantayang
pangkaayusan ng lipunan na naglalagay ng limitasyon sa paggawa at sa
manggagawa, kung hindi magkaugnay ang mga hanapbuhay, na umaasa sa isa’t
isa (interdependent) at hindi nagtutulungan ang lahat upang gawing ganap ang
bawat isa at ang pinakamahalaga, hangga’t hindi magkakaisa ang isip, materyal na
bagay at paggawa upang sila ay maging buo. Mahalagang parang iisang taong
kumikilos ang lahat. Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, paghihirap, pangarap
at kaligayahan at napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat ng tao habang
gumagawa. Sa pagkakataong ganito makakamit ang tunay na pagkakapatiran –
ang tunay na panlipunang layunin ng paggawa.

Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang


hubugin ang kaniyang mabuting pagkatao. Hindi ito nakabatay sa anomang pag-
aari o yaman. Mahalagang iyong tandaan na ang paggawa ay higit pa sa pagkita
lamang ng salapi; ang tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang
pagkamit ng kaganapan bilang tao.

Naranasan mo na bang gumawa ng isang bagay


nang hindi humihingi ng tulong sa iba? Ano ang
iyong damdamin nang Makita ang iyong nagawa?
11
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga tanong
at ilagay ang sagot sa hiwalay na papel. Isulat ang Tama kung ito ay
nagsasabi ng katotohanan at Mali naman kung hindi.

1. Ang Subheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain ,


resources, at teknolohiya upang makalikha ang tao ng mga
produkto
2. Nilikha ang teknolohiya upang wala ng gawin ang tao.
3. Nakapagdudulot ng malaking pagbabago ang teknolohiya sa
sibilisasyon.
4. Ang teknolohiya ang pangunahing rason kaya nagiging
tamad ang tao.
5. Karamay ng tao ang teknolohiya sa paggawa.
6. Mas kinakailangang manaig ang obheto kaysa sa subheto
ng paggawa.
7. Ang bunga ng paggawa ng tao ay nagdudulot ng kaguluhan
kadalasan.
8. Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano
niya pinagsusumikapang hubugin ang pagkatao tungo sa
kabutihan
9. Ang tao ay nagtatrabaho para sa sarili niya lamang na
kapakanan
10. Mas mabuting hindi na makisalamuha sa iba pang tao para
iwas sa mga gulo.

Isaisip

Gawain 1. Kompletuhin mo!

Panuto: Sumulat ng isang malaking konsepto mula sa mga maliliit na


konsepto na naisulat. Makatutulong sa iyo na masagot ang mahalagang

12
tanong na: Bakit mahalaga ang paggawa? Ano ang maitutulong nito tungo
sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao? Isulat ang sagot sa hiwalay na
papel. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba:

Paraan
upang Pag-
Gawain kumita unlad sa
ng tao ng pera sarili

Paggawa
Upang
magamit
ang
kakayahan

Kriterya Baguhan (6) Magaling (8) Eksperto (10) puntos


Kawastuhan sa 10 pataas ang 1-10 ang mali Walang mali
balarila mali sa balarila sa balarila balarila
nilalaman Hindi Nailahad ngunit Nailahad nang
tumutugma sa kulang sa maayos ang
paksa impormasyon nais sabihin na
naaayon sa
paksa
Organisasyon Walang Nailahad ngunit May kaisahan
kaisahan kulang sa ang paksa
kaisahan ng
paksa
kabuuan

Gawain 2. Pagnilayan mo!

Panuto: alamin natin ang iyong natutuhan sa paksang napag-aralan.basahing


mabuti ang nakasulat sa kahon at sagutin sa hiwalay na papel.

Bilang isang kabataan, ano ang maimumungkahi mo sa bayan


upang masolusyunan ang mga isyung napatutungkol sa paggawa.

1. Pagkakaroon ng mas mababang sahod na hindi tumutugma sa


itinakdang sahod
2. Hindi pantay na pagtrato sa 13
mga manggagawa
3. Kakulangan sa pangkaligtasang gamit sa paggawa
Pamantayan sa pag-iiskor

5-Natatangi ang paglalahad ng mga sagot kung saan ay maayos itong


naipaliwanag at naaayon sa paksang pinag-uusapan.

3-mahusay ang paglalahad ng mga sagot kung saan ay maayos itong


naipaliwanag at naaayon sa paksang pinag-uusapan ngunit may kaunting
kamalian sa paggamit ng balarila.

1-di mahusay ang paglalahad ng mga sagot kung saan ay hindi ito
naipaliwanag ng maayos at hindi naaayon sa paksang pinag-uusapan.
Marami ring mali sa paggamit ng balarila.

Isagawa

Maging malikhain ka!

Panuto: Alamin naman natin ang iyong kakayahan sa paggawa ng isang tula.
Gumawa ng isang tula na maaaring malaya o kaya ay may sukat at tugma at hindi
bababa sa tatlong talata. Ang isasagawang tula ay dapat umiikot sa paksang
araling “Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao”.

Kriterya Baguhan (6) Magaling (8) Eksperto (10) puntos


Kawastuhan ng Hindi wasto ang May konsepto Wasto ang
konsepto konsepto ngunit malabo konsepto

Hindi angkop May May


Kaangkupan sa ang paksa kaangkupan kaangkupan sa
paksa ang paksa paksa
ngunit hindi pa
malinaw

14
pagkamalikhain Hindi Nakagagamit ng Nakagagamit
nakagagamit ng 1-5 estilo ng ng 6 pataas na
estilo ng sining sining estilo ng sining
kabuuan

Tayahin

Gawain 1

Panuto: tayahin natin ang iyong kaalaman ukol sa subheto at obheto ng paggawa.
Alamin ang pagkakaiba ng dalawa gamit ang T tsart

Subheto Obheto

Gawain 2

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga tanong. Iguhit ang hugis puso
______ kung ikaw ay sumasang-ayon at iguhit naman ang “no
symbol”________ kung hindi.

1. Si Alex ay tumutulong sa kanyang kapwa dahil tatakbo siya sa


darating na eleksiyon.

15
2. Bukas sa loob ni Christine ang tumulong sa mga nangangailangan
sa abot ng kanyang makakaya.
3. Si Wenna ay nakatatangggap ng mababang sahod sa isang
kompanya na kanyang pinagtatrabahuhan na hindi man lang
umabot sa itinakda ng gobyerno na dapat na sahod sa mga
manggagawa.
4. Hindi nakikinig si Newmar sa mga sinasabi ng mga kapwa niya
empleyado.
5. Ginagawa kaagad ni Allen ang mga gawaing inaatas sa kanya ng
kanyang Amo.

Karagdagang Gawain

Kapuri-puri ang ipinamalas mong pagsisikap na matutuhan an gating aralin. Pero


hindi pa dito nagtatapos ang lahat, kailangang makabuo ka ng isang paglalagom sa
mga natutuhan mo rito sa aralin. Kompletuhin ang hagdan ng Konsepto.

16
Gawain 2
1. 2.MALI
3.TAMA 17 Subukin
2. 4.MALI 1. C
2. C
5.TAMA 3. B
4. A
3. 6.MALI
5. C
7.MALI
4. 8.TAMA
9.MALI
5. 10.MALI
Susi sa Pagwawasto
Natutuhan ko sa buhay na……….
Natuklasan ko na………
Ngayon masasabi ko na……..
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral


Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III

18
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng
modyul sa ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang
pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: [email protected]

19

You might also like