Ap1 - q1 - Mod6 - Ang-Aking-Pangarap - v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Ang Aking Pangarap
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Ang Aking Pangarap
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Araling Panlipunan EPS: Angelica M. Burayag, PhD.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glena I. Gimarangan


Editor: Bernadette G. Paraiso PhD., Gilda Panuyas
Tagasuri: Evelyn D. Gaita, Amabhelle Dela Merced,
Mary Abigail R. Bautista, Mary Grace C. Bernardo
Tagaguhit: Glena I. Gimarangan
Tagalapat: Ria Angelica J. Aquino
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Angelica M. Burayag, PhD
Merlinda T. Tablan, EdD
Ellen C. Macaraeg, EdD
Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Ang Aking Pangarap
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan Baitang 1 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul 6 para sa araling Ang Aking Pangarap!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang
at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

ii
Mga Tala para sa Guro
Ang mga sumusunod na aralin ay may
kinalaman sa konsepto ng pagpapahalaga sa
sarili at pangarap. Mainam na gabayan ang
mga mag- aaral sa pagtalakay ng aralin sa
pamamagitan ng modyul na ito.

Maaring ipaliwanag sa mga magulang kung


paano matutulungan ang kanilang anak sa
paggamit ng modyul na ito

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng


paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang
1 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Ang Aking Pangarap!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

iii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman
mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita
natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka
ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong
matulungan kang

iv
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing
para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng
gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na
naglalayong matasa o
masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

v
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay
Gawain
sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga
Pagwawasto
tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat


ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng
modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit


ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.

vi
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga


gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang
unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan 1.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin.


 Leksyon 1 – Pagtukoy sa Ninanais o Pangarap
 Leksyon 2 – Paglalarawan ng Pangarap Para sa
Sarili
 Leksyon 3 – Pagmamalaki sa Sariling Pangarap

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang :
1. Natutukoy ang mga pangarap o ninanais
2. Nailalarawan ang pangarap o ninanais para sa
sarili
3. Naipagmamalaki ang sariling pangarap o
ninanais sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan

1
Subukin

Mahalagang pangalagaan ang iyong katawan.


May iba’t ibang gawain na maaari mong gawin
upang mapanatiling malusog ang katawan at ang
isipan.
Panuto: Magpatulong sa magulang. Isulat sa papel
ang letra ng tamang sagot.

1. Ginagamit sa pagbabasa.

A. B. C. D.

2. Ginagamit sa pagsisipilyo.

A. B. C. D.

3. Ginagamit sa pagsusulat.

A. B. C. D.

4. Ginagamit sa paglilinis ng katawan.

A. B. C. D.

5. Ginagamit sa pagkukulay.

A. B. C. D.

2
Aralin

6 Ang Aking Pangarap

Ako ay may pangarap. Marami akong katangian


na dapat paunlarin upang mapaunlad ko ang aking
sarili at isipan.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba.
Kilala mo ba sila?
Ako ay
Ako ay guro. doktor.
Nagtuturo Gumagamot
ako ng ako ng
pagbasa at maysakit.
pagsulat

Ako ay pulis. Ako ay nars.


Nag-aayos ako Tinutulungan
ng kaguluhan. ko ang
doktor.

Ikaw, ano ang iyong pangarap?


3
Balikan

Panuto: Tingnan ang bawat larawan. Lagyan ng tsek


(/) ang patlang sa bawat bilang na nagpapakita ng
kayang gawin ng isang batang katulad mo at ekis (x)
naman kung hindi.
_____1. Pumapasok ako sa paaralang
elementarya.

_____2. Natututo akong bumasa.

_____3. Natututong akong sumulat.

_____4. Nakagagamot ako ng may sakit.

_____5. Humuhuli ako ng magnanakaw.

4
Tuklasin
Pakinggan at unawain ang kuwento:
Ang Panaginip ni Aya
Isang gabi, mahimbing na natutulog si Aya. At sa
kaniyang panaginip, nakita niya ang isang diwata.

“ Aya, gusto mo bang makita ang iyong sarili


paglaki mo?, ang wika ni Diwata.
“Opo, mahal na Diwata”. Ang tugon ni Aya.
At ipinakita ni Diwata kay Aya ang kanyang sarili sa
kanyang paglaki.

5
“Isa na akong guro!” ang sigaw ni Aya sa tuwa.
“ Ano po ang nangyari, mahal na Diwata?”ang
tanong niya. Muling nagsalita si Diwata.“Aya, kaya mo
bang maging guro?”
“Opo mahal na diwata! Pangarap ko po ang
maging isang guro” sagot ni Aya.
“Magaling Aya!, pero hindi basta basta nakukuha
ang ninanais mo nang hindi pinagsisikapan. Una,
alagaan mo ang iyong sarili at paunlarin ang iyong
isipan. Pangalawa, mag- aral na mabuti upang
madagdagan ang iyong kaalaman. Pangatlo,
isalang- alang mo ang mga tao na gagabay sa iyo,
ang paaralan, ang iyong bayan upang maabot ang
pangarap mo. At panghuli, huwag kalimutang
magpasalamat sa Diyos. Kaya mo bang gawin iyan
Aya?”
“ Opo, kayang- kaya ko po!”. Aabutin ko po ang
aking pangarap!”
At nagising si Aya na sinasabi pa rin sa sarili, “
Aabutin ko ang aking pangarap!”

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang bata sa kuwento?
A. Aya B. Ina
C. Iya D. Tina

6
2. Ano ang nakita niya sa kaniyang sarili paglaki
niya?
A. doktor B. guro
C. nars D. pulis

3. Ano ang sinabi ng diwata na dapat niyang gawin


para maabot ang pangarap?
A. lumiban sa klase
B. maging tamad
C. pagsikapang abutin
D. wala nang gagawin

4. Paano siya magtatagumpay para maabot ang


kanyang pangarap?
A. lumiban sa klase
B. mag-aral na mabuti
C. matulog sa klase
D. wala nang gagawin

5. Anu -anong katangian ang maaari mong taglayin


upang maabot ang iyong pangarap?
A. laging maglalaro
B. katamaran
C. masipag at matiyaga
D. malikot sa klase

7
Suriin

Ang Pangarap
Ang pangarap ay mga bagay na nais mong
gawin, makamit o matupad sa iyong buhay. Ito ay
mga bagay na gusto mo sa iyong paglaki . Tingnan
ang larawan sa ibaba, bata pa lang sila ay sinisimulan
na nilang tuparin ang kanilang pangarap.

Bawat bata ay may pangarap. Mahalagang


alam mo na makakamit lamang ang iyong pangarap
kung mapapanatili mong malusog ang iyong
katawan at isipan. Dahil diyan, mapapaunlad mo ang
iyong kakayahan at masisimulan mong tuparin ang
iyong pangarap.
Pag- isipan Mo
Ano ang nais mong gawin, makamit o matupad sa
iyong buhay?

8
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

Katulad mo, minsan din silang naging bata. Sa


kanilang pagsisikap, natupad nila ang kanilang mga
pangarap. Mahalaga ang pagkakaroon ng
pangarap. Ito ang magsisilbing gabay upang
makamit ang ninanais sa buhay. Hanggat bata pa ay
tuklasin na ang kakayahan. Magsumikap at
magtiyaga sa pag- aaral. Harapin ang pagsubok at
hamon sa buhay. Sa pamamagitan nito,
magtatagumpay ka tungo sa iyong pangarap.
Ano ang iyong pangarap?
Gawin Mo Ito
Mga dapat gawin para matupad ang pangarap.
Dapat malusog ang katawan at isipan.
Dapat alamin ang ninanais o gusto.
Dapat sundin ang payo ng magulang.
Dapat humingi ng tulong sa Diyos.

9
Pagyamanin
A.Panuto: Buoin ang pahayag sa ibaba. Isulat sa
patlang ang iyong sagot sa tulong ng iyong guro o
magulang.

Ako si .

Kaya kong .

Upang maging mas magaling at mahusay,

ako ay .

10
B. Panuto: Isulat ang Oo kung ang pahayag o
larawan ay nagpapakita ng pagkamit ng pangarap
at Hindi naman kung nakasasagabal ito.

_________1. Nag- aaral akong bumasa.

_________2. Natutulog ako sa klase.

_________3. Nag- aaral akong magsulat.

_________4. Natututo akong bumilang.

_________5. Nagsisikap ako sa pag- aaral.

11
C. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang nais mo sa
iyong paglaki. Dugtungan ang mga salita sa ibaba
upang mabuo ang pangungusap tungkol sa iyong
iginuhit.

Gusto kong maging


upang magampanan ko ang at
maging isang mabuting mamamayan.

12
D.Panuto: Ikonekta ang parirala sa pamamagitan ng
linya o guhit sa angkop na larawan para dito.

1. pumapatay ng sunog

2. nagpapanatili ng kapayapaan

3. nagtatanim ng palay

4. nagtuturo sa paaralan

5. gumagamot ng may sakit

13
E. Panuto: Lagyan ng tsek (/)ang kahon sa tabi ng
larawan kung makatutulong ito upang makamit ang
iyong pangarap at ekis (x) kung hindi.

1. 2.

3. 4.

5. 6.

14
F. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung patungo sa
pagbuo ng pangarap ang gawain at lagyan ng
ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Nagsasanay ako sa pagbasa at pagsulat.


______2. Nakikipag- away ako sa mga kalaro ko.
______3. Sinusunod ko ang payo ng aking
magulang.
______4. Pinapaunlad ko ang aking kakayahan.
______5. Tatapusin ko ang aking pag-aaral
hanggang maabot ko ang aking
pangarap.

F. Panuto: Pag- aralan ang graphic organizer.


Isulat sa bilog ang mga dapat mong gawin upang
makamit ang iyong pangarap. Hingin ang gabay ng
magulang.

Pangarap ng
batang tulad
ko

15
G. Panuto: Unawain ang mga sumusunod na
sitwasyon. Piliin at isulat ang letra na iyong sagot.
1. Niyaya ka ng kalaro mo na lumiban sa klase.
A. makikipaglaro ako
B. matutulog ako
C. papasok ako
D. sasama ako

2. Gusto kong matutong gumuhit.


A. hindi ko kayang gawin
B. hindi ako magsasanay
C. mahirap itong gawin
D. magpapaturo ako

3. Malulusog ang mga tao sa pamayanan.


A. hahayaan ko sila
B. kakain ako ng junk foods
C. magpupuyat ako
D. tutularan ko sila

4. May COVID-19 na lumalaganap sa pamayanan.


A. hindi ako maghuhugas ng kamay
B. hindi ako susunod sa bilin ng magulang
C. iiwasan kong lumabas
D. makikipaglaro ako sa kapit-bahay

5. May lockdown sa ating pamayanan.


A. manonood ako ng telebisyon maghapon
B. maglalaro ako nang buong araw
C. patuloy akong magbabasa
D. hindi muna ako mag-aaral
16
Isaisip

Panuto: Buoin ang talata. Piliin ang tamang salita sa


kahon at isulat sa patlang.

masipag matiyaga pangarap


mahalaga gawin matulog

Ang ay mga ninanais para sa sarili. Ang


pagkakaroon ng pangarap ay . May
nararapat upang makamit ito. Dapat
at sa pag-aaral upang
makamit ang iyong pangarap.

Isagawa

Panuto: Ipikit ang iyong mata. Isipin mo na ikaw ay


nagtatrabaho na.
Ano ang iyong nakikita na ginagawa mo?
Iguhit sa loob ng bubble ang iyong sarili
dalawampung (20) taon mula ngayon.

17
18
Tayahin

Panuto: Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot.


1. Bawat bata ay may na.
A. bisyo B. hanapbuhay
C. negosyo ` D. pangarap
2. Ang pagkakaroon ng pangarap ay .
A. hindi kailangan B. mahalaga
C. mali D. walang halaga
3. Dapat ang kakayahan.
A. balewalain B. kalimutan
C. mapaunlad D. kayamutan
4. Gawing inspirasyon ang na tao sa
pamayanan.
A. ayaw mag-aral B. matagumpay
C. tamad D. walang pangarap
5. Dapat ang pangarap sa
pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.
A. huwag gawin B. ipagmalaki
C. mali D. tama

19
Karagdagang Gawain

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang kung


sumasang-ayon ka sa ipinapahayag ng
pangungusap sa bawat bilang. Iguhit ang kung
hindi ka sumasang-ayon.

1. Mayroon kang ninanais para sa iyong


sarili.
2. Mahalaga ang pagkakaroon ng
pangarap.
3. May dapat kang gawin upang upang
makamit ang iyong pangarap.
4. Hanggat bata ka pa ay tuklasin mo
ang iyong kakayahan
5. Dapat ipagmalaki ang pangarap
para sa sarili.

20
21
Isaisip Tayahin Karagdagang Gawain
pangarap 1. d 1.
mahalaga 2. b 2.
gawin 3. c 3.
masipag 4. b 4.
matiyaga 5.b 5.
E. H.
1. / G.
1. /
2. x 2. x
1. b
3. x 3. /
2. a
4. / 4. /
3. b
5. / 5. /
4. a
6. /
5. a
Tuklasin B. D.
1. a 1. Oo 1. bumbero
2. Hindi 2. pulis
2. b 3. Oo 3. magsasaka
4. Oo 4. guro
3. a 5. doktor
5. Oo
4. a
5. b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Miranda, Noel P., et al. 2017 Araling Panlipunan 1:


Kagamitan ng Mag-aaral At Patnubay Ng Guro .
Pasig, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon.

2016. Gabay Pang- Kurikulum. Pasig, Philippines:


Kagawaran ng Edukasyon.

2020. Most Essential Leraning Competencies (Melcs).


Pasig, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like