Ap 1 - Q3 - Module 6

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Gawain at Programa ng Paaralan
Ko, Itataguyod Ko
Araling Panlipunan Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Gawain at Programa ng Paaralan Ko, Itataguyod Ko
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo ng Kontekstuwalisadong Modyul

Manunulat : Grace B. Fernandez Manunulat : Alona Garing

Tagasuri : Marjorie Pilon Tagasuri : Ma. Vanessa M. Cariaso


Hilda R. Mariano Martiniano D. Buising
Editha V. Blas Maricel D. Raymundo
Joy C. Gabriel Marlou G. Roderos
Miraflor D. Mariano Marino C. Cueto
Perfecta M. Bautista Ma. Cecilia R. Par
Elizabeth R. Berdadero Rafael P. Ariola
Jenelyn B. Butac
Tagaguhit: Gavina O. De Castro
Tagaguhit: Leonides Buenvenida
Tagalapat: Laiza L. Madrigal
Tagalapat: Elizabeth R. Berdadero
Jenelyn B. Butac Tagapamahala:
Jay Lord B. Gallarde Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Mariflor B. Musa
Tagapamahala: Freddie Rey R. Ramirez
Librada M. Rubio PhD Laida M. Lagar-Mascareñas
Ma. Editha R. Carapas EdD Florina L. Madrid
Nestor P. Nuesca EdD Norman F. Magsino
Lourdes G. Dela Cruz PhD Marlou G. Roderos
Emily F. Sarmiento PhD
Ramil D. Dacanay

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng


Inilimbag sa MIMAROPA ng Kagawaran ng
Edukasyon Rehiyon III
Edukasyon MIMAROPA Region
Office Address: Matalino St., Government
Office Address: St. Paul Road, Meralco Ave.,
Center, Maimpis, City of San
Pasig City
Fernando
Telefax: (02) 853-73097
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected] .ph
E-mail Address: [email protected]
1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Gawain at Programa ng Paaralan
Ko, Itataguyod Ko
Paunang Salita
Para sa tagapagpadaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling:
Gawain at Programa ng Paaralan Ko, Itataguyod Ko.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagpadaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-ikadalawampu’t isang siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagpadaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Gawain at Programa ng
Paaralan Ko, Itataguyod Ko.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
Alamin
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
Balikan maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksiyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
Suriin maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


katanungan o gawain na pupunan
ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa


iyong panibagong gawain upang
Karagdagang pagyamanin ang iyong kaalaman
Gawain o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi ng sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang alinmang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.

v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
Maging matapat sa pagsagot ng modyul at pagsasagawa
ng mga gawain.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sinoman sa mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin kung ano-ano


ang mga gawain sa paaralan upang mapanatili itong
malinis, maayos, maganda at mapayapa.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakalalahok sa mga gawain at pagkilos na


nagpapamalas ng pagpapahalaga sa sariling
paaralan ( Brigada Eskwela, etc.).

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong tungkol sa


pagpapahalaga sa paaralan. Isulat ang titik nang
wastong sagot sa sagutang papel.

1. Pinaglinis kayo ng inyong guro sa bakuran ng inyong


paaralan. Ano ang dapat ninyong gawin sa mga
tuyong dahon na inyong naipon?
A. Iiwanan namin ito sa isang tabi.
B. Isasama namin ito sa ibang mga basura.
C. Ilalagay namin ito sa compost pit.
D. Itatapon namin ito kahit saan.

2. Pinagdadala kayo ng inyong guro ng lumang diyaryo


dahil may gagawin kayong proyekto. Ano ang dapat
mong gawin kapag may sumobra?
A. Isasama ito sa ireresiklo.
B. Itatapon ito sa kanal.
C. Ilalagay ito sa basurahan.
D. Hahayaan itong nakakalat sa sahig.

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang maituturing na


maling gawain ng isang mag-aaral sa paaralan?
A. Iniingatan ang mga libro at gamit sa paaralan.
B. Sinusulatan ang dingding ng silid-aralan.
C. Itinatapon ang basura sa tamang lalagyan.
D. Nagtatanim ng mga halaman sa hardin ng
paaralan.

2
4. Nakita mo ang iyong kaklase na itinapon lamang kung
saan ang balat ng kending pinagkainan. Ano ang
gagawin mo?
A. Ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa.
B. Magkukunwaring di siya kilala.
C. Isusumbong ko siya sa aming guro.
D. Sasabihin ko sa kaniya na itapon ang basura sa
tamang lalagyan.

5. Inutusan kayo ng inyong guro na maglinis sa paligid ng


paaralan, ano ang dapat gawin sa mga basura?
A. Pagsasama-samahin ito.
B. Itatapon ito sa kanal.
C. Ibubukod ang nabubulok sa hindi nabubulok at
ilalagay sa tamang lalagyan.
D. Iiwanan sa ito sa isang tabi.

3
Aralin
Gawain at Programa
1 ng Paaralan Ko, Itataguyod Ko

Maipakikita natin ang pagpapahalaga sa paaralan


sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain
at programang pampaaralan upang maging maganda
at maayos ito.

Sa pamamagitan ng pagkukusa, pakikilahok at


pakikiisa sa anomang programa ng paaralan ay
makatutulong tayo sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan nito.

Ang pakikilahok sa anomang gawaing pampaaralan


ay isang paraan ng pagpapakita ng pagiging isang
mabuting mag-aaral.

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ang larawan ay


nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin sa paaralan at
ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

_____1. pakikiisa sa pag-awit ng


Lupang Hinirang

4
_____2. tamang paghihiwalay
ng mga basura

_____3. paglilinis ng kapaligiran

______4. pagkakalat ng basura

______5. pakikipag-away sa
kaklase

5
Tuklasin

Panuto: Basahin ang diyalogo na nasa ibaba sa pagitan


ng guro at mga mag-aaral ng Unang Baitang.
Isang umaga, sa klase ni Bb. Maranan, masayang
nagtatalakayan ang guro at mga mag-aaral ng Unang
Baitang tungkol sa mga gawain sa paaralan. Narito ang
kanilang naging talakayan.

Bb. Maranan: Mga bata, maaari ba kayong magbigay ng


mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating
paaralan?

Jacob: Ang paglilinis po araw-araw ay isa sa mga gawain


upang maging maganda ang paligid ng ating paaralan.

6
Jana: Ang pagpupulot po ng basura at pagtatapon nito
sa tamang lalagyan ay nararapat din pong gawin palagi
para mapanatiling malinis ang loob at labas ng ating
paaralan.

Shantelle: Ang basura po ay dapat pinaghihiwa-hiwalay


ayon sa nabubulok at di-nabubulok. Iwasan rin po ang
pagsusunog ng mga basura.

Carsten: Dapat din po kaming nakikilahok sa pagtatanim


ng halaman sa ating hardin.

Vhon: Kailangan pong ingatan ang lahat ng kagamitan sa


loob at labas ng paaralan. Iwasan po ang pagsusulat sa
mga dingding, upuan at iba pang mga kagamitan.

Bb. Maranan: Magaling mga bata! Alam ninyo ang mga


gawaing dapat ninyong isagawa para sa ating paaralan.
Alam ba ninyo na may mga programang
pampaaralan na dapat itinataguyod ng mga batang
tulad ninyo? Ilan sa mga ito ay ang Brigada Eskwela, Linis
Paaralan at Gulayan sa Paaralan.
Ang inyong kusang pakikilahok sa mga ganitong
gawain ay isa sa mga tungkuling dapat ninyong
gampanan bilang mabubuting mag-aaral.
Bilang inyong guro, maaasahan ko ba ang patuloy
ninyong pakikiisa sa mga programang ipinatutupad sa
ating paaralan?

Lahat: Opo!
Ang masiglang sagot ng mga mag-aaral.

7
Sagutan nang pasalita ang sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang gawaing nagpapakita ng
pagpapahalaga sa paaralan?
2. Ano ang kahalagahan ng pakikiisa ng bawat mag-
aaral sa mga gawaing pampaaralan?
3. Ano-ano ang ilan sa mga programang pampaaralan na
dapat itaguyod ng mga mag-aaral?

8
Suriin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag tungkol sa


aralin.

Ang mga mag-aaral ay may mga tungkuling dapat


gampanan upang maging maayos, malinis, mapayapa
at maunlad ang kanilang paaralan.

Maipakikita ang pagmamalasakit sa paaralan sa


pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga kilos at
gawain upang maging maganda ang kapaligiran nito.

Makatutulong ka sa paaralan kung susunod ka sa


mga tuntuning ipinatutupad. Ang palagiang pagsunod
sa mga tuntuning ito ay malaki ang magagawa sa pag-
unlad ng paaralan.

Ang paglahok, pakikiisa, pagsunod nang maluwag


at kusang-loob sa paggawa sa mga proyekto at
programa ng paaralan ay isa sa mga katangian ng
mabuting mag-aaral.

Mahalaga ang pagpapanatili nang maayos at


malinis na kapaligiran ng paaralan. Isang hamon sa
bawat isa ang pagpapanatili ng kaayusan nito. Ang mga
ganitong gawain ay dapat ginagawa nang may
pagdadamayan at pagtutulungan.

9
Ilan sa mga gawain at kilos sa paaralan ay ang
sumusunod:

➢ paglilinis sa paligid ng
paaralan

➢ paghihiwa-hiwalay ng
mga basura at
pagtatapon nito sa
tamang lalagyan

➢ paglalagay ng mga
basurang nabubulok sa
compost pit upang
maging pataba

➢ pagtatanim ng mga
halaman

10
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Iguhit ang thumbs up ( ) sa sagutang papel
kung sumasang-ayon ka sa isinasaad ng pangungusap at
iguhit naman ang thumbs down kung ( ) kung hindi ka
sumasang-ayon.

____ 1. Ang paglilinis sa paligid ng paaralan ay isang


gawaing kasiya-siya.

____ 2. Maipakikita natin ang pagmamalasakit sa


paaralan sa pagkakalat at pagsira dito.

_____3. Ang iba’t ibang programa ng paaralan ay dapat


itaguyod sa pamamagitan ng aktibong
pakikilahok rito.

____ 4. Ang mga gawain sa paaralan ay isinasagawa


lamang kung kasama ang mga kaklase.

.____ 5. Ang mga mag-aaral ay may tungkuling dapat


gampanan upang mapanatiling malinis, maayos,
at maganda ang paaralan.

11
Gawain 2
Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang puso ( ) kung
ang larawan ay nagpapakita ng mabuting pakikilahok sa
mga gawain at pagkilos sa paaralan. Iguhit naman ang
tatsulok ( ) kung hindi nagpapakita nang mabuting
pakikilahok.

______ 1.

______ 2.

______ 3.

12
______ 4.

______ 5.

13
Gawain 3
Panuto: Piliin ang mukhang nagpapakita nang nararapat
na damdamin para sa sumusunod na sitwasyon. Iguhit
ang mukhang napili sa sagutang papel.

1. Nakikiisa ako sa mga programa ng paaralan para sa


kalinisan ng kapaligiran.

2. Lumalahok ako sa tamang pangangasiwa ng basura


sa loob at labas ng paaralan.

3. Hindi ko pinapansin ang mga programang


ipinatutupad ng paaralan.

4. Sinusuportahan ko ang gawaing bayanihan at mga


proyekto ng paaralan.

5. Sumusunod ako sa mga tuntunin at patakarang


itinatakda ng paaralan.

14
Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang


upang mabuo ang diwa ng pangungusap sa ibaba. Piliin
ito mula sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

paaralan kakayahan programa

kalinisan tungkulin

1. Ang ____________________ ay may mga programa


upang mapangalagaan ang mga mag-aaral.

2. Ang pakikiisa sa mga ____________________ ng paaralan


ay makatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan nito.

3. Ang pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan ay isang


____________________ at pananagutan para sa ikabubuti
ng lahat.

4. Ang pakikilahok ay pagbabahagi ng sariling


____________________ na makatutulong sa pagkakamit ng
kabutihang panlahat.

5. Ang kalusugan ay matatamo at sakit ay maiiwasan


kung ____________________ sa paaralan ay pananatilihin.

15
Isagawa

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang


papel ang Dapat kung ito ay nararapat gawin at Di-
Dapat kung hindi nararapat.

________ 1. Kusang-loob na lumalahok sa proyektong


pangkalinisan sa loob at labas ng paaralan.

________ 2. Masayang nakikiisa sa paglalagay ng mga


karatulang nauukol sa kalinisan sa iba’t ibang
lugar ng paaralan.

________ 3. Nagdadabog at ayaw maabala kahit sandali


kapag inutusang magpulot ng kalat.

________ 4. Sinisikap magampanan nang maayos at


mahusay ang anomang gawaing ibinigay.

________ 5. Nakasimangot habang gumagawa dahil


nahihirapan sa paglilipat ng mga pananim sa
ibang lalagyan.

16
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong tungkol sa


pagpapahalaga sa paaralan. Isulat ang titik nang
wastong sagot sa sagutang papel.

1. May proyektong isasagawa ang paaralan upang


maiwasan ang polusyon. Ano ang gagawin mo?
A. Magtatanim ako ng halaman sa hardin ng
paaralan.
B. Uupo ako sa silid-aralan at mananahimik.
C. Panonoorin ko ang aking mga kamag-aral na
nagtatanim.
D. Sasabihan ko ang iba na sumali.

2. May proyekto ang klase ninyo sa paggawa ng


compost pit sa bakuran ng paaralan. Ano ang
nararapat mong tugon ukol dito?
A. Hindi ako sasali o makikiisa.
B. Magdadahilan akong pagod.
C. Kusa akong makikilahok.
D. Sasali ako kung sasali din ang kaibigan ko.

17
3. Inutusan kayo ng inyong guro na tumulong sa paglilinis
sa kapaligiran ng paaralan. Ano ang gagawin mo sa
naipong basura?
A. Itatapon nang sama-sama sa isang basurahan.
B. Ibubukod ko ang nabubulok sa di-nabubulok.
C. Ilalagay lahat sa compost pit.
D. Hahayaan ko lamang sa isang tabi.

4. Nakita mong nagkakalat ng kanilang pinagkainan ang


iyong mga kaklase. Ano ang iyong gagawin?
A. Pagsasabihan ko sila na mali ang kanilang ginawa
at dapat ilagay ang basura sa tamang lalagyan.
B. Pababayaan ko lang sila na gawin ang kanilang
gusto.
C. Gagayahin ko rin sila sa pagtatapon ng mga
kalat.
D. Isusumbong ko ang kanilang ginawa.

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang maituturing na


maling gawain?
A. Nagtatanim ako ng halaman sa hardin ng
paaralan.
B. Naglilinis ako sa loob at labas ng paaralan.
C. Iniingatan ko ang mga libro at gamit ng paaralan.
D. Sinusulatan ko ang dingding at upuan ng
paaralan.

18
Karagdagang Gawain

Panuto: Kumpletuhin ang diwa ng talata. Isulat ang sagot


sa sagutang papel upang maipakita ang pakikilahok sa
mga gawain at programa ng paaralan.
Ako si _____________________________________________
(ilagay ang buong pangalan)

ay nangangako na patuloy na makikilahok sa mga


programa at gawain ng paaralan sa pamamagitan ng
____________________, ____________________,
____________________, at ____________________.

19
20
Subukin Balikan
1. C 1. (✓)
2. A 2. (✓)
3. B 3. (✓)
4. D 4. (X)
5. C 5. (X)
Tuklasin
1. Paglilinis, pagpupulot ng basura, pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan,
paghihiwalay ng mga basura, pagtatanim ng mga halaman.
2. upang mapanatiling malinis, maayos at maganda ang paaralan
3. Brigada Eskwela, Linis Paaralan at Gulayan sa Paaralan
Pagyamanin
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
Isaisip Isagawa
1. paaralan 1. Dapat
2. programa 2. Dapat
3. tungkulin 3. Di-dapat
4. kakayahan 4. Dapat
5. kalinisan 5.Di-dapat
Tayahin Karagdagang Gawain
1. A maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral
2. C
3. B
4. A
5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang


1-10. (2016).

K to 12 Gabay Araling Panlipunan Baitang 1(Patnubay ng


Guro) Baitang 1. (2017).

K to 12 Gabay Araling Panlipunan Baitang 1(Patnubay ng


Mag-aaral) Baitang 1. (2017).

Solid Waste Management Modules Grade 2 (Fernandez,


Grace B.)

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like