AP1 - ADM-QRT4-M1.1 - Konsepto NG Distansiya

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

1

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1.1:
Konsepto ng Distansiya
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1.1: Konsepto ng Distansya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Karen V. Flores


Content Editors: Angelica M. Burayag, PhD/ Marie Claire M. Estabillo
Mary Grace P. Valenton/ Romeo M. Layug
Emily DR. Mendoza/ Joseph C. Nielsen
Tagasuri: Mila D. Calma
ADM Format Editor: Nestor P. Nuesca, EdD/ Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug
Illustration/Layout Editor: Jonathan Paranada/ Ryan C. Pastor
Tagaguhit: Jenny P. Hingpit
Tagalapat: Ana May P. Roberts

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Milagros M. Penaflor, PhD
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Region III
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
1

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1.1:
Konsepto ng Distansya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Konsepto ng Distansya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Konsepto ng Distansya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin
mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip
pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
v
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat upang iyong maunawaan


ang aralin.
Ito ay tumatalakay sa sumusunod na mga paksa:
• Distansyang tulad nang malapit at malayo
• Konsepto ng Distansya sa pamamagitan ng iba’t ibang
gawain
• Kahalagahan ng distansya sa bawat bagay sa ating paligid

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang distansya nang malapit at malayo
2. Naisasagawa ang pagkuha ng distansya sa pamamagitan ng
iba’t ibang gawain
3. Napahahalagahan ang distansya sa bawat bagay sa ating paligid

1
Subukin

Panuto: Tingnan ang larawan sa loob ng kahon at sagutin ang


sumusunod na mga tanong sa isang sagutang papel.

1. Anong mga bagay ang malapit kay Marlon?


2. Anong mga bagay ang malayo sa kanya?

Mga Bagay na Mga Bagay na


Malayo kay Marlon Malapit kay Marlon
1. 1.
2. 2.
3. 3.

2
Aralin
Konsepto ng Distansya
1.1
Narinig mo na ba ang salitang social distancing? Ano kaya ang
ibig sabihin nito? Saan mo ito nakikita?
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang konsepto ng distansya. Ito
ay may kinalaman sa lapit o layo ng isang bagay sa isa pang bagay o
lugar.
Ano-ano ang maaari nating gamitin upang malaman natin kung
ang bagay ay malapit o malayo?

3
Balikan

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang sinasabi ng


pahayag. Iguhit naman ang malungkot na mukha kung ang
pahayag ay hindi wasto. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang
papel.

______ 1. Magtapon ng balat ng kendi kung saan-saan


lamang.
______ 2. Gamitin nang may pag- iingat ang mga
kagamitan sa loob ng paaralan.
______ 3. Sundin ang mga alituntunin ng paaralan.
______ 4. Magsulat sa pader ng iyong paaralan.
______ 5. Makilahok sa mga programa ng paaralan.

Mga Tala para sa Guro


Ito ay may kinalaman sa Konsepto ng Distansya.
Naglalayon ito na linangin ang iyong kaalaman at
kamalayan sa iyong kapaligiran.

4
Tuklasin

Tingnan mo ang larawan na nasa ibaba.

Bb. Flores Sarah Alden Maine Gian Khay

Sila ay mga magulang sa Unang Baitang. Bago magtungo ang


mga magulang sa paaralan sila ay naghugas mabuti ng kanilang mga
kamay.

1. Ano ang suot ng mga magulang sa kanilang mukha?


2. Ano ang napansin mo sa kanilang pila?
3. Sino ang malapit kay Sarah?
4. Sino ang malayo kay Bb. Karen?

5
Ngayon naman, tingnan natin ang larawan ni Marian. Siya ay
maagang gumigising upang pumasok sa kanyang paaralan. Ilang
hakbang kaya ang layo o lapit mula sa kanilang palikuran papunta sa
kaniyang kwarto?

Ang layo o lapit na ito ay tumutukoy sa distansya sa pagitan ng


kaniyang kwarto at kanilang palikuran.

Subukan mo ngayong gawin sa inyong tahanan ang ginawa ni


Marta.
Ilang hakbang mula sa iyong kwarto patungo sa inyong
palikuran?

Maaari mo ring gamitin ang iyong dipa sa pagkuha ng


distansya. Ilahad mo ang dalawa mong kamay at braso patagilid sa
pagkuha ng lapit o layo.

Ang distansya ay mahalaga upang maipakita ang ugnayan sa


pagitan ng dalawang bagay sa isa’t – isa.

6
Suriin

Suriin ang mga larawan sa ibaba. Iguhit sa iyong sagutang


papel ang larawan na nagpapakita ng distansiyang malapit at malayo.

1. Mula sa pintuan, aling bagay ang


mas malapit?

2. Aling bagay ang malayo sa kama?

3. Mula sa mesa, anong bagay ang


mas malayo?

4. Aling bagay ang mas malapit sa


bahay?

7
5. Ano ang bagay na mas malayo sa
bag?

Distansya ang tawag sa lapit o layo ng pagitan ng dalawang


bagay.

Ito rin ang tawag sa iksi o haba ng lokasyon o kinaroronan ng


isang pook.

Malapit ang mga bagay sa isa’t-isa kung ang mga ito ay


magkatabi, makadikit, o ilang hakbang lang ang pagitan.

Malayo naman ang mga bagay sa isa’t-isa kung maraming


hakbang ang pagitan ng mga ito.

Sa pagkuha ng distansya maaari ka ring gumamit ng anumang


uri ng panali o patpat sa pagkuha ng distansya ng mga bagay sa iyong
paligid.

8
Pagyamanin

A. Panuto: Pag- aralan ang larawan. Tukuyin ang


sinasabi ng bawat pangungusap sa ibaba . Lagyan ng tsek (/) kung
ito ay tama at ekis (x) kung ito ay mali. Ilagay ang iyong sagot sa
sagutang papel.

__________1. Ang aquarium ay malapit sa bintana.


__________2. Ang plorera ay malayo sa telebisyon.
__________3. Ang mesa ay malayo sa kabinet.
__________4. Ang orasan ay malapit sa lagayan ng aklat.
__________5. Ang bintana ay malapit sa unan.

9
B. Panuto: Sa loob ng inyong tahanan, isulat kung ilang hakbang ang
layo sa pagitan ng dalawang bagay. Itala ito sa inyong sagutang
papel.
1. palikuran at sala
2. pintuan ng sala at kusina
3. kwarto mo at silid kainan
4. sala at hardin
5. kusina at palikuran

C. Panuto: Gamit ang iyong ruler. Kunin ang distansya ng mga


sumusunod na bagay sa inyong tahanan. Itala ito sa inyong sagutang
papel.
1. kama at bentilador
2. telebisyon at sofa
3. lababo at mesa
4. kabinet at bintana
5. lagayan ng plato at kalan

D. Panuto: Gumuhit ng payak na larawan ng inyong kusina. Iguhit ang


mga bagay na malapit sa inyong mesa at ang mga bagay na malayo
dito. Iguhit ito sa isang buong papel.

10
E. Panuto: Pag-aralan ang larawan. Bilugan ang mga bagay na malapit
kay Kurt at ikahon naman ang mga bagay na malayo sa kanya. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

. 1.
4.
3.

5.
2.

F. Panuto: Tingnan at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.
pusa

buto isda

1. Mula sa pusa anong bagay ang mas malapit sa kanya?

2. Alin naman ang mas malayo sa kanya?

11
3. Anong bagay ang pinaka malayo sa tasa?
a. tinidor b. plato c. baso

4. Mula sa tasa anong bagay ang mas malapit?


a. plato b. baso c. tinidor

5. Alin naman ang mas malapit sa plato?


a. baso b. tasa c. tinidor

Isaisip
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang layo o lapit sa pagitan ng dalawang bagay ay tinatawag


na?
_________________________________________________

2. Ano-anong paraan ang maaari mong magamit sa pagsukat


ng distansya ng mga bagay sa iyong paligid?
_________________________________________________

3. Mahalagang malaman ang distansya ng isang bagay o lugar


upang
_________________________________________________

12
Isagawa

Panuto: Sa inyong tahanan, iguhit mo ang mga sumusunod at


kulayan ito.

1. kama sa gitna
2. mesa sa itaas ng kama
3. kabinet sa ibaba ng kama
4. orasan sa likod
5. pintuan sa gawing kanan

13
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat sa


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

____ 1. Ito ay ang lapit o layo sa pagitan ng dalawang


bagay.
a. mapa b. distansya c. kanan
____ 2. Ang mga sumusunod ay magagamit bilang
panukat ng lapit o layo ng isang bagay maliban
sa isa. Alin ito?
a. buhangin b. patpat c. hakbang
Ang larawang ito ay para sa bilang tatlo at apat. Tingnan ang
larawan.

____ 3. Alin sa mga bagay ang malayo kay Mik?


a. walis b. pandakot c. basurahan
____ 4. Alin sa mga bagay ang pinakamalapit kay Mik?
a. walis b. basurahan c. pandakot
____ 5. Anong lugar ang malayo sa inyong paaralan?
a. kantina b. silid-aklatan c. plasa

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Pagmasdan ang larawan. Lagyan ng tsek ( √ ) ang mga


bagay na malapit sa bahay at ekis ( X ) naman sa mga bagay na
malayo dito. Isulat ang iyong sagot sa iyong papel.

15
16
Subukin Balikan Suriin
Bagay na malayo
mesa ng guro 1. bintana
1. 2. kabinet
pisara
2. 3. kotse-kotsehan
lagayan ng aklat 4. puno
Bagay na malapit 3. 5. ruler
upuan 4.
bag Pagyamanin
5.
kwaderno A.
1. X
Tuklasin 2. /
3. /
1. Face mask 4. /
2. May pagitan ang bawat 5. X
magulang (social distancing)
3. Bb. Flores
4. Khay
F. Tayahin
B. 1. isda a. B
1-5 Magkakaiba ang sagot 2. buto b. A
3. a c. C
C. 4. a d. C
Magkakaiba ang sagot 5. b e. C
Isaisip
D. Magkakaiba ang sagot Karagdagang Gawain
1. Distansya Malapit
E. 2. hakbang, pagdipa, lubid o puno
tali, patpat, ruler
aso
1. 3. Ang distansya ay mahalaga
upang maipakita natin ang
2. ugnayan sa pagitan ng Malayo
dalawang bagay sa isa’t - isa plasa
3. Isagawa batang lalaki
4. tindahan
Magkakaiba ang sagot
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Agno, LN., 2016. Kultura, Kasaysayan, At Kabuhayan.


Vibal Group Inc.

Miranda, NP., 2017. Araling Panlipunan - Unang Baitang


Kagamitan Ng Mag-Aaral. Department of Education Bureau of
learning Resources.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like