Filipino 9 Fourth Long Test

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

of Northern Luzon

Lingsat, San Fernando City, La Union


Tel No. +63 (072) 607-5373
Ikaapat na Mahabang Pagsusulit
Filipino 9
A.Y. 2020- 2021
Grade 9- Narra
Pangalan: _________________________________

I. MARAMING PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang (15
puntos).

______1. Ito ang kauna- unahang nobela na isinulat ni Jose P. Rizal.


a. Sa Aking mga Kababata b. Noli Me Tangere c. El Filibusterismo
______2. Ilang sipi ng Noli Me Tangere ang nailimbag gamit ang salaping ipinahiram ng kaibigan ni Rizal?
a. 1000 b. 1500 c. 2000
______3. Kailan natapos ang huling ikaapat na bahagi ng nobela ni Rizal na Noli me Tangere?
a. Pebrero 21, 1887 b. Pebrero 18, 1862 c. Pebrero 23, 1892
______4. Ang nobelang ito ay tungkol sa pagmamalupit ng mga Amerikano sa mga Negro.
a. The Wandering Jew b. Uncle Tom’s Cabin c. Noli Me Tangere
______5. Siya ang kaibigan ni Rizal na nagpahiram ng salapi upang mailimbag niya ang kanyang nobela.
a. Paciano b. Saturnina c. Maximo Viola
______6. Ito ang ditrektang salin ng Noli Me Tangere sa wikang Filipino.
a. Huwag Mo Akong Salingin b. Huwag Mo Akong Asarin c. Huwag Mo Akong Suwayin
______7. Ilang taong gulang si Rizal ng iniliathala niya ang kanyang unang nobela?
a. Dalawampu’t apat b. Dalawampu’t lima c. Dalawampu’t anim
______8. Saang lugar sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng unang bahagi ng kanyang nobelang Noli Me Tangere?
a. Madrid b. Berlin c. Alemanya
______9. Pillin ang mali mula sa mga pahayag sa pagpipilian.
a. Ang kalahati ng nobela ni Rizal ay ipinasulat niya kay Graciano Lopez Jaena.
b. Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng Noli Me Tangere.
c. Natapos ni Rizal ang huling ikaapat na bahagi ng kanyang nobela sa Alemanya.
______10. Naisipan ni Rizal na sumulat ng nobela dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa kanya ng inspirasyon. Anu- ano ang mga
aklat na iyon?
a. Divine Comedy, Florante at Laura, at Ibong Adarna
b. Uncle Tom’s Cabin, The Wandering Jew, at Bibiliya
c. El Filibusterismo, Bibliya, at Mahabharrata
______11. Siya ang sumulat ng ‘The Wandering Jew’.
a. Jose Rizal b. Maximo Viola c. Eugene Sue
______12. Nang mabasa ni Rizal ang aklat na ito, nabuo sa kanyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na
damdamin ng mga Pilipino at magsiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol.
a. The Wandering Jew b. Uncle Tom’s Cabin c. Bibliya
______13. Siya ang sumulat ng ‘Uncle Tom’s Cabin’.
a. Eugene Sue b. Harriet Beecher Stowe c. Jose Rizal
______14. Kailan unang lumabas ang kopya ng nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal?
a. Pebrero 21, 1887 b. March 19, 1887 c. March 21, 1887
______15. Ilang kabanata ang bumubuo sa Noli Me Tangere?
a. 56 b. 60 c. 64

II. PAGHAHANAY
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag sa Hanay A at hanapin ang mga salitang isinasaad nito sa Hanay B. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang (10 puntos).

HANAY A HANAY B
______1. Petsa ng kapanganakan ni Rizal. A. Firing Squad
______2. Petsa ng kamatayan ni Rizal. B. Calamba. laguna
______3. Siya ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Rizal. C. Paciano
______4. Lugar ng kapanganakan ni Rizal. D. Hunyo 19, 1861
______5. Paraan kung paano pinatay ang bayani. E. Don Francisco Mercado Rizal
______7. Siya ang ina ni Jose Rizal. F. Concepcion
______8. Siya ang nag- iisang kapatid na lalaki ni Rizal. G. Disyembre 30, 1896
______9. Ang kanyang pagkamatay ang nagdulot ng unang kalungkutan ni Rizal. H. Segunda katigbak
______10. Ito ang pangalan ng ama ni Jose Rizal. I. Doña Teodora Alonzo

III. MALAYANG PAGTUGON


Panuto: Ibigay ang mga simbolo na itinuturo ng mga arrow. Isulat ang mga sagot sa loob ng mga kahon
(15 puntos).

1.
7.

2.
8.

3.
9.
4.
10.

5.
11.

6.
12.

13.

15. 14.

Inihanda ni: G. Jeff L. Lacasandile


Guro

You might also like