Filipino9 Q4 M2
Filipino9 Q4 M2
Filipino9 Q4 M2
FILIPINO 9
KUWARTER 4 – MODYUL 2
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng: -pamamalakad
ng pamahalaaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapwa, kayamanan,
kahirapan at iba pa.
Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa
kasintahan, sa kapwa at sa bayan.
Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangayaring naganap
sa buhay ng tauhan.
K to 12 BEC CG (Competency Code) F9PB-IVg-h-60, F9PB IVd-58, F9PN-IVd-58
PANIMULA
Sa modyul 2 matutunghayan ang unang bahagi ng nobelang Noli Me Tangere. Mga
pangyayaring makatutulong sa mag-aaral na maunawaan ang uri ng pamumuhay ng mga
Pilipino noon. Masusuri rin ang kahalagahan ng pag-ibig sa magulang, kasintahan, kapwa at
sa bayan.
Nilalayon ng modyul na ito na matutunan ng mga mag-aaral ang maglahad at
magbahagi ng sariling pananaw at damdamin hinggil sa mga pangyayaring naganap sa mga
tauhan ng bawat kabanata. Higit sa lahat, inaasahan na sila ay makapagpapaliwanag sa mga
kaisipang nakapaloob sa mga aralin.
Halina, basahin at unawain ang buod ng mga unang bahagi ng nobelang Noli.Gawing gabay
ang mga layunin sa iyong paglalakbay.
Kabanata 1: Ang Pagtitipon (Buod)
Si Kapitan Tiyago ay naghanda ng isang magarbong hapunan. Dinagsa ito
maraming panauhin na nag karamihan ay walang paanyaya. Bago ang hapunan, nagkanya-
kanyang pulutong ang mga panauhin. Iba’t iba ang paksa ng usapan sa bawat pulutong.
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago at ipinakilala nito sa lahat ang kasama niyang binatang
luksang-luksa ang suot na damit—si Juan Crisostomo Ibarra na bagong dating mula sa
Europa.Pamangha’t masayang binati ni Ibarra si Padre Damaso na ipinahayag niyang matalik
na kaibigan ng kanyang amang si Don Rafael. Lumapit kay Ibarra si Tenyente Guevarra at
binati ng maligayang pagdating ang binata. Anang Tenyente”… maging higit na mapalad
sana kayo kaysa inyong ama.”
Kabanata 3: Ang Hapunan
Nagsitungo na ang lahat ng panauhin sa hapag-kainan. Nag-agawan sa panguluhang
upuan ang dating kura ng San Diego, si Padre Damaso, at ang kura ng Binondo, si Padre
Sibyla.Lahat ng upuan ay may nakaupo na nang mapuna ni Ibarra na di kasalo si Kapitan
Tiyago. Inihandog ng binata sa kapitan angn kanyang upuan. Hindi pinayagan ni Kapitan
Tiyago na tumindig si Ibarra.At noon lamang nabatid ni Ibarra mula sa may papiging na
siyang kagagaling sa Espanya ang pinararangalan ng hapunang iyon. Naiinggit si Padre
Damaso sa napahaing lamang loob sa pinggan ni Ibarra samantalang sa kanya ay isang
matigas na leeg at pakpak ng manok ang natapat.Nagkaroon ng pa-uusap.Si Ibarra ang naging
tampok ng mga pagtatanong. Nagpakita na naman ng isang katawa-tawang kaugukan si
Donya Victorina; gayundin si Dr. de Espadanya at ang iba pang kausap ng binata. Sa
pagbabalita ni Ibarra ng mga ginawa niya’t pinag-aralan sa Europa, tinuya na naman siya ni
Padre Damaso.Ipinahayag ni Ibarra na si Padre Damaso ay nagbibiro lamang saka ito
humingi ng paumanhin at nagpaalam ssa tahanan. Pinigilan siya ni Kapitan Tiyago at
sinabing darating na si Maria Clara ngunit di napapigil ang binata. Sumunod sa kanya si
Tenyente Guevarra.
Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
Sa paglalakad ni Ibarra ay napansin niyang halos walang pagbabago ang Maynila sa
likod ng pitong taong pagkawala niya rito. Sa kanyang pagnilay-nilayay nilapitan siya ni
tenyente Guevarra.Pinagpaalalahanan ng tenyente si Ibarra na mag-ingat. Sa matandang
tenyente nabatid ni Ibarra ang nangyari sa kaniyang ama. Isang Kastilang tagapaningil ang
buwis ang nakipatol sa pagbibiro ng mga bata sa galit ay halos patayin sa tadyak ang isang
1
batang nahagip. Tinabig ito ni Don Rafael upang iligtas ang bata.Nabuwal ang
tagapaningil.Nabagsak sa bato ang ulo at namatay. Nabilanggo si Don Rafael.Marami na ang
kumalaban sa kaniya na dati’y iginagalang sa buong lalawigan. Isa na rito si Padre Damaso.
Pinaratangang erehe si Don Rafael dahil hindi nangungumpisal.
Kabanata 5: Isang Bituin sa Gabing Madilim
Nagpahatid si Ibarra sa Fonda de Lala at doon di niya pinansin ang naririnig na
pinagkakaingayan at tugtugan sa bahay ni Kapitan Tiyago na tanaw sa naturang otel. Ang
gumugulo sa sa isip ng binata ay ang mga nagguni-guning larawan ng pagdurusa ni Don
Rafael sa bilangguan at ang pagkamatay nito. Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay naging tampok
ng paghanga si Maria Clara.
Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago
Si Kapitan Tiyago at Donya Pia ay matagal na di nagkaanak. Pinayuhan sila ni Padre
Damaso, kura paroko sa San Diego, na sila ay magsimba sa Ubando.Naglihi naman si Donya
Pia ngunit mula noon ay naging matamlayin at namatay. Ang bata, ay si Maria Clara,ay
pinalaki ni Tiya Isabel.Naging inaama nito sa binyag si Padre Damaso.Kababata at kalaro-
laro ni Ibarra si Maria Clara.
Kabanata 7: Suyuan sa Asotea
Nagkausap nang sarilinan sa asotea ng bahay nina kapitan tiyago sina Ibarra at Maria
Clara.Iyon anng una nilang pag-uulayaw sa loob ng pitong taon. Nagpalitan sila ng mga
patibay ng di paglimot. Nang basahin ni Maria Clara ang lumang tanging liham sa kanya ng
binata ay naalala ni Ibarra ang kanyang yumaong ama. Nagpaalam ang binata upang umuwi
sa San Diego at ng mapagyaman ang libingan ng ama.
Kabanata 8: Mga Ala-ala
Mula kina Maria Clara ay nagtuloy si Ibarra sa kanyang pag-uwi sa San Diego.Sa
mga pook na nararaanan ay iisa ang kapuna-puna-walang pagbabago sa may halos pitong
taong pagkakaalis niya.
Kabanata 9: Mga Bagay-Bagay ng Bayan
Nakasalubong ni Ibarra ang sasakyan ni Padre Damaso na lulan ang kura.
Nakasalubong naman ni Padre Damaso sina Tiya Isabel at Maria Clara na patungo sa
beateryo upang kunin doon ang kasangkapan at gamit ng dalaga. May mahalagang sinabi si
Padre Damaso kay Kapitan Tiyago.Samantala, sa Intramuros ay nag-uusap sina Padre Sibyla
at isang matandang paring Dominikanong may malubhang sakit.
Kabanata 10: Ang Bayan
Dito’y inilalarawan ang anyo ng San Diego.Sa kabanatang ring ito sinisinsay ang
kalahian ni Crisostomo Ibarra.
Kabanata 11: Mga Makapangyarihan
Sa kabanatang ito ay inilalarawan ang mga makapangyarihang mamamayan ng San
Diego.
Kabanata 12: Todos Los Santos
Ito’y paglalarawan sa libingan sa San Diego at ang pagtatagpo ng dalawang
mangmang na sepulturero at ng pilosopong si Tasyo.
Kabanata 13: Ang Unang Banta ng Sigwa
Nagtungo si Ibarra sa libingan upang pagyamanin ang puntod ng kanyang ama.
Nabatid niya sa manlilibing na yaon ay ipinahukay ng kura at itinapon sa lawa. Galit nag alit
2
si Ibarra na lumisan. Nakasalubong niya si Padre Salvi at ito ay kanyang penetserahan at
buong dahas na pinaluhod. Ipinagtapat ng kura na ang hinalinhan niyang si Padre Damaso
ang gumawa nga gayong kalapastangan.
Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo
Mula sa libingan ay naglakad nng walang patutunguhan si Pilosopo Tasyo.Nagkausap
sila ng Kapitan sa bayan at tinuya niya sa mapamahiing pananampalataya. Nakausap din iya
ang magkapatid na sakristang Basilio at Crispin na hindi makauwi dahil ayaw sila pauwiin ng
sakristan mayor kundi makaraan pa ng ikawalo ng gabi. Napadaan siya sa tahanan nina Don
Felipo at asawang Aling Doray. Napag-usapan nila ang tungkol sa purgatoryo.
Kabanata 15: Ang Mga Sakristan
Gayong bumabagyo ay kinailangang tunguhin ng magkapatid ang kampanaryo upang
ihudyat nila ang ikawalo. Pinag-usapan ng magkapatid ang nawawalang salapi ng kura na
ibinibintang kay Crispin. Pinahirapan ng kura at ng sakristan mayor si Crispin. Tumakas si
Basilio sa kumbento.
Kabanata 16: Si Sisa
Matiyagang naghintay si Sisa sa pagdating ng kanyang mga anak. Naghanda siya ng
hapunan para sa mga bata. Ngunit ang dumating ay ang kanyang asawang sugarol. Inubos
nito ang pagkain at saka muling umalis at nagbiling kung may uwing pera ang mga anak ay
ipagtira siya. Nang dumating si Basilio ay humihingal at duguan.
Kabanata 17: Si Basilio
Duguang bumagsak sa bisig ng ina si Basiliio.Sinabi niya na si Crispin ay pinaiwan
ng sakristan mayor sa kumbento. Sinabi rin niya na ang kanyang sugat ay bunga ng
pagkakabaril sa kanya ng sibil nang di siya tumigil sa pagkakasino niyon. Hindi nakakain si
Basilio.Gayon din ang ina. Nakatulog si Basilio at napanaginipan niyang piñata ng sakristan
at kura si Crispin. Ipinagkaila niyang nais niyang silang magkapatid ay umalis na sa
pagkasakristan. Magsasaka siya o papasok na tagapastol ng baka nina Ibarra.At pag-aaralin
niya si Crispin.
Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap
Hininalang may sakit si Padre Salvi kinabukasan—Araw ng mga Patay.Naging paksa
ng usapan ng mga manong at manang ang mga indulhensiya at iba pang kapaniwalaan ukol
sa pananamplataya. Tinungo ni Sisa ang kumbento upang alamin ang kalagayan ni
Crispin.Natalos niyang wala roon ang bata. Nagtanan daw at nagnanakaw pa ng maraming
bagay. Tuluyan ng napaiyak si Sisa.
Matapos mong mabasa nag buod ng mga kabanata ay handa ka na para sagutin ang mga
sumusunod na gawain.
3
Paliwanag:________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________3. Pagsasagawa ng indulhensiya o pagpapadasal sa kaluluwa ng yumaong mahal
sa buhay.
Paliwanag:_________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________4. Pagkiling sa mga kamag-anak o kaibigan ng isang nanunungkulan
Paliwanag:_________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________5. Pagsama o pagsagawa ng prusisyon
Paliwanag:_________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Pagmamahal sa Magulang
Read: “Napaluha ang aking ama at ako’y napaluhod at humingi ng tawad. Pumayag na
rin akong maglakbay.”
React:________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Pagmamahal sa Anak
Read: “Di pa naglalaong kamamatay ng iyong ina, ako’y tungo na sa pagtanda na
humahanap ng iyong pag-akay at pagtingin. Ngunit gayon man ay tinatanggap ko ang
aking pag-iisa, at hindi ko malalaman kung muli pa kitang makikita. Subalit may mas
mahalaga kang dapat isipin. Nakabukas pa sa iyo ang kinabukasan.Sa akin ay pinid
na.”
React:________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
4
Pagmamahal sa Kasintahan
Read: “Makakalimot ba ako sa iyo? Hindi mo malilimot ang isang sumpa. Natatandaan
mo pa ang gabing masama ang panahon, lumapit ka sa akin sa bangkay ng aking
ina…Ipinatong mo ang iyong kamay sa aking balikat at sinabi mong “Nawalan ka ng
ina samantalang ako hindi nagkaroon kailan man. “At nakitangis ka sa akin.”
React:_________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________.
Pagmamahal sa Bayan
Read: “Ang pag-ibig mo ay isa-isa pa lamang sumisibol samantalang ang sa akin ay isa-
isa nang naghihingalo. Sumusulak pa ang dugo sa iyong mga ugat samanatalang ang sa
akin ay unti-unti nang nanlalamig.Ngunit umiyak ka at hindi makapagtiis ngayon alang-
alang sa ikabubuti ng iyong bayan-”
React:_________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
Rubriks:
Pamantayan Puntos
Maayos at organisado ang ginawang paglalahad ng mga pananaw 2 1
2-Napakahusay
1-Mahusay
5
Rubriks:
Pamantayan Puntos
Naibibigay ang mga patunay ng pag-iibigan nina Maria 5 4 3 2 1
Clara at Crisostomo Ibarra
5-Napakahusay 2-Di-Mahusay
4-Mahusay 1-Maraming kakulangan
3-Katamtaman
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Rubriks:
Pamantayan Puntos
Magkakaugnay at maayos ang mga pahayag at 5 4 3 2 1
kaisipan
5-Napakahusay 2-Di-mahusay
4-Mahusay 1-Maraming kakulangan
3-Katamtaman
6
Pangalan:__________________________________________Iskor:____________________
Baitang at Seksyon:__________________________________Petsa:____________________
PAGTATAYA
A. Panuto: TAMA O MALI: Isulat angTama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ito ay
di wasto. Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.
_________1. Ayon kay Ibarra, ang pag-unlad at pagdarahop ng mga bayan ay nababatay sa
kalayaan nababatay sa mga pagsusumakit o sa pagiging makasarili ng kanilang
mga ninuno.
_________2. Nakipag-unahan si Padre Salvi sa pagtungo sa kabisera ng hapag-kainan.
_________3. Naaliw si Crisostomo Ibarra sa mga pinagsasabi ni Padre Damaso sa kanya.
_________4. Nakini-kinita ni Ibarra ang kanyang ama na masaya at komportable sa
kulungan.
_________5. Hinuli si Don Rafael sa salang erehe at pilibustero.
_________6. Hindi nabibili ni Kapitan Tiyago ang kabanalan.
_________7. Ang pagpili sa posisyon o katungkulan ay nakabatay sa dami ng kayamanan
nito.
_________ 8 Patas at makatarungan ang naging hatol kay Don Rafael.
_________9. Dahil sa kakuriputan ng ama ni KapitanTiyago ay hindi siya pinag-aral nito.
_________10. Isinangguni nina Don Rafael at KapitanTiyago kina Crisostomo at Maria Clara
ang pagkakasundo nila sa pag-iisang dibdib ng dalawa.
C. Panuto: Magbigay payo sa mga pangyayaring naganap sa mga tauhan sa araling ito.
Ibahagi ang iyong damdamin tungkol dito. Ilagay ang sagot sa speech balloon.
7
Pinatigil ako ng aking magulang
sa pag-aaral sa takot na baka raw
makalimot ako sa Diyos, Ano sa
tingin mo ang dapat kong gawin?
https://images.app.goo.gl/NEdA4a2rvC2CYq2Z8
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________ Premium Vector | Kid boy thinking face (freepik.com)
http://2.bp.blogspot.com/-5sSTfsxJ_CU/T07NKslkOdI/AAAAAAAAAG0/vJ4ifDZh_LU/s1600/Basilio.jpg
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
Premium Vector | Kid boy thinking face (freepik.com)
Rubriks:
Pamantayan Puntos
4-Napakahusay 1-Di-Mahusay
3-Mahusay 2-Katamtaman
8
SUSI SA PAGWAWASTO:
Gawain 1
Mabibigyan ng puntos ang bawat bilang kung ang mag-aaral ay naipaliliwanag nang
maayos ang kaisipang nakapaloob sa aralin.
Gawain 2-3
Ang pagpupuntos ay naaayon sa ibinigay na pamantayan.
Mga Sanggunian:
A. Aklat
AileneG.Baisa-Julian,Mary Grace G. del Rosario,Nestor S. Lontoc.2015.Pinagyamang
Pluma 9 (K-12)Aklat 2. 927 Quezon Ave.,QuezonCity.Phoenix Publishing House,Inc.
Emerlinda G. Cruz,2008.Noli Me Tangere.839 EDSA,SouthTriangle,QuezonCity.C&E
Publishing Inc.
Ongcoco,Tomas C., 2008.Mga Tulong sa Pag-aaral sa NOLI ME TANGERE. Quezon
City,Philippines.Manlapaz Publishing Company