Filsos Modyul 1. Aralin 2 MQT
Filsos Modyul 1. Aralin 2 MQT
Filsos Modyul 1. Aralin 2 MQT
Modyul 1
Aralin 2: Mga Elemento at Gabay sa
Panunuring Pampelikula
Paunang Salita (Overview)
Masusuri ang kasiningan at kahusayan ng Pelikulag Pilipino sa pamamagitan ng
pagrebyu o pagsusuri ng mga elemento nito. Sa pagsusuri ng mga pelikula,
magbibigay ito ng linaw sa mga manonood sa mga mensahe at simbolismong
umaangat dito. Masusuri rin ang mga teoryang pampanitikan sa isang pelikula. Hindi
lamang natatapos ang pagsusuri sa mga element at teorya lamang kundi
nangangailagan din ng ibayong pag-aaral upang magkroon ng isang mahusay na
papel.
Panimulang Gawain
4. Sinematograpiya
Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera na
isinasaalang-alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw. Ang
magagandang lokasyon o ang mga angkop na lugar para sa mga eksena ang siya
ring nagpapatingkad sa imortalidad ng pelikula. Subukang magkomento tungkol sa
sinematograpiya ng pelikula. Ano-anong eksena ang tumatak sa isip mo dahil sa
mahusay na paggamit ng kamera, ilaw, at lokasyon?
5. Iskoring ng Musika
Ang iskoring ay ang paglalapat ng musika, instrumental man o may liriko,
sa pelikula. Instruemtal kung walang liriko o titik ng awitin, ginagamit ang gitara,
piano o isang buoang orchestra. Samantala, uso naman ngayon ang paggamit liriko
o titik ng awitin, ginagamit ang gitara, piano o isang ng mga sikat na awitin bilang
musika rin ng pelikula. Kadalasan ito na rin ang titulo ng pelikula, o ang mang-
aawit, tulad ni Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Sarah Geronimo, ang siya ring
bida sa pelikula.
6. Editing
Nangyayari ito kapag tapos na ang syutting o aktwal na recording ng pelikula.
Ang editor ng nagtatahi ng pagkakasunod-sunod ng eksena, kwento, at kabuuan ng
pelikula. Ginagawa ang pelikula hindi batay sa pagkakasunod-sunod ng iskrip kundi sa
maraming factor—badyet ng pelikula, availability ng cast, mahihirap/madaliang
eksena, at marami pang iba. Kung kaya’t sa post-production, trabaho ng editor na buuin
ang lahat ng eksena para maging isang pelikula. Madalas kasama ang director sa
prosesong ito dahil desisyon ng director kung anong mga eksena ang dapat nang
tanggalin o panatilihin. Makikita ang de-kalibreng editing sa maayos na transisyon ng
pelikula na hindi namamalayan ng manonoood ang pagdugtong ng eksena mula sa iba
pang eksena.
7. Kabuuang Direksyon/Kahusayan ng Direktor
Hinuhusgahan ang kabuuan ng pelikula sa galing ng direktor. Siya ang kapitan
sa produksyon ng pelikula; ang utos at kumpas niya ang nasusunod sa syuting at maski
sa usapin ng teknikal, iskoring, sinematograpiya, at editing. Ngunit hindi niya pag-aari
ang buong pelikula. Ang scriptwriter pa rin ang maestro ng naratibo at ang prodyuser
ang nagmamay-ari ng buong produksyon at komersyal na aspekto ng pelikula. Ang
direktor ang dakilang interpreter ng iskrip at artistikong tagapamahala ng prodyuser.
Subalit sa independent films, ang direktor ang scriptwriter at prodyuser din. Sikaping
ihambing ang pelikula sa mga dating pelikulang ginawa ng direktor. Masasabi mo bang
ito ang pinakamahusay na pelikula niya? Anong naiiba sa pelikulang ito batay sa punto
de vista ng direktor kumpara sa dati niyang obra at kumpara sa pelikula ng ibang
direktor?
8. Tema
Tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang inaasahang epekto
nito sa manonood. Halimbawa kung ang tema ng pelikula ay tungkol sa karahasan sa
kababaihan, layunin nito na pukawin ang atensyon ng madla tungkol sa isyung ito at
magsilbing tulay upang makapagnilay o kumilos ang manonood.
9. Rekomendasyon
Sa kahuli-hulihan, banggitin kung papasa ba ito sa panlasa ng nakararami.
Irerekomenda ba itong panoorin ng lahat? Kung hindi lahat, sino kaya ang
magkakainteres sa pelikulang ito? Banggitin din ang pinakamalakas na puntos ng
pelikula at ang kahinaan nito.
Bilang karagdagan pang babasahin hingil sa elemento ng pelikula at panunuring
pampelikula i-download ang powerpoint presentation sa ating Google Classroom.
Ito ay mga gabay lamang kung paano mo susuriin ang pelikula.
Upang matiyak na ganap mong nauunawaan ang paksang tinalakay, sikapin mong
sagutin nang tama ang kasunod na gawain.