Ap WK3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Week 3

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET 1

Name: Allysa Fullantes____ Score: ______________


Year & Section: _10 SFA____ Day & Date Accomplished: _11/23/20_____
Subject: AralingPanlipunan 10 Signature of Parent/Guardian: ________________
Date Monitored: __________________

Activity Title: Unemployment at Underemployment

Learning Targets:
-Naipapaliwanag ang konsepto ng unemployment
-Naipapaliwanag ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng unemployment at underemployment

References Title: Kayamanan 10 Mga Kontemporaryong Isyu


Author: Antonio, Eleanor D. Page No.: 91-99

MAIN IDEA TO BE LEARNED


Unemployment- kawalan ng trabaho ng mga taong may wastong gulang at mabuting pangangatawan ay
isa sa mga kondisyong pang-ekonomiyang bunga ng kawalan ng oportunidad o pagkakataong
makahanap ng trabahong ayon sa kakayahan ng manggagawa at sa kailangan ng mga may negosyo.

Underemployment- ito ay pagkakaroon ng trabaho ng isang tao pero hindi na gagamit ng husto ang
kakayahan at kasanayan niya dahil malayo ang trabaho niya mula sa pinag-aralan, overqualified, o kaya
mahina ang economic activity sa isang lugar.

EXAMPLE
Halimbawa ng unemployment ay mga tao na naghahanap ng trabaho pero hindi pa rin natatanggap o
nakakahanap.
Halimbawang underemployment ay taxi driver nanagtaposngkursongedukasyon.

QUESTIONS/EXERCISES

1. Bakit mahalagang matutunan ang konsepto ng unemployment?


Ang unemployment o kawalan ng trabaho ay mahalagang matutunan upang malaman
natin kung ano ang sanhi at ang epekto nito na maaaring magdulot ng peligro sa ating
buhay at pamayanan, nang sa ganon ay ito'y masolusyunan dahil ito ay isang isyu na
gumagambala sa ating bayan.

2. At Paano nakakaapekto sa ating bansa ang pagkakaroon ng unemployment at


underemployment.
Nakakaapekto ito sa ating bansa dahil walang mabibiling pangangailangan ang
gobyerno para saatin at hindi nila tayo kayang mabibigyan ng ating pangangailangan
kagaya ng kalusugan. Ang ating ekonomiya ay bababa dahil sa unemployment
sapagkat mababawasan ang lakas-paggawa na siyang itinuturing ng ilan bilang
pinakamahalagang salik ng produksiyon sa lahat. Dapat ay mataas ang employment
rate upang maunlad rin ang ekonomiya ng isang bansa.

3. Batay sa iyong sariling karanasan o pag-aaral, alin ang totoong sanhi ng


unemployment at underemployment sa Pilipinas? Bakit mo ito nasabi?
Base sa aking karanasan, ang totoong sanhi ng unemployment ay ang kakulangan
sa edukasyon o ang hindi pagtatapos nang pag aaral. Dahil hindi nakapagtapos ng pag
aaral, malaki ang epekto nito sa ating buhay dahil mahihirapan tayong makahanap ng
trabaho o mas malala pa’y hindi na makakapagtrabaho. Isa pang sanhi nito ay ang
kawalan ng pera, kung lumaki kayo sa hirap o walang trabaho ang iyong mga magulang
para ika’y pag-aralin makaka-apekto rin ito sa iyong kinabukasan.
Week 3
DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET 2

Name: Allysa Fullantes____ Score: ______________


Year & Section: _10 SFA____ Day & Date Accomplished: _11/23/20_____
Subject: AralingPanlipunan 10 Signature of Parent/Guardian: _________________
Date Monitored: __________________

Activity Title: Unemployment at Underemployment

Learning Targets:
-Naipapaliwanag angkonsepto ng unemployment
-Naipapaliwanag ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng unemployment at underemployment

References Title: Kayamanan 10 Mga Kontemporaryong Isyu


Author: Antonio, Eleanor D. Page No.: 91-99

MAIN IDEA TO BE LEARNED


Epekto ng unemployment:

1. Kahirapan
2. Mataas na antas ng krimen
3. Mahirap na prosesong pagnenegosyo
4. Mababang ekonomiya ng bansa

EXAMPLE
Noong 2019, ang unemployment rate sa Pilipinas ay 2.2%.
Sa mga taong may trabaho, 2.7% doon ang nabubuhay sa 1.90 US Dollars kada araw.
Noong 2018, ang porsyento ng tao sa Pilipinas na nasa ilalim ng poverty line ay 16.6%.

Ang kawalan ng trabaho ay isa sa mga nagpapabago ng porsyento ng mga indicators na ito tungkol sa
kahirapan. Ngayong 2020 dahil sa epidemya ng COVID-19, lalo pa itong lumalaki.

QUESTIONS/EXERCISES
Ano-ano ang implikasyong dulot ng kawalan ng trabaho sa bansa? Ipaliwanag ang bawat isa sa
mga ito.

1. Sa kabataan
Naaapektuhan din ang mga kabataan dulot ng kawalan ng trabaho sa bansa, hindi na sila
napapag-aral ng kanilang mga magulang at kung silay nakapagtapos nama’y napipilitan din sila
na maghanap ng trabaho sa ibang bansa na nagiging sanhi ng magkakahiwalay nila sa kanilang
mga minamahal sa buhay. Maaari ring mapilitan silang magtrabaho kahit na ang trabahong iyon
ay hindi nila gusto o hindi konektado sa kanilang kursong kinuha. Dahil nga nahihirapan sila,
maaari rin itong maging sanhi ng depression o bisyo.

2. Sa kababaihan
Naaapektuhan din ang mga kababaihan dahil sa pagkakaroon na ng pamilya o dahil maagang
nabubuntis, hindi na sila nakakapag trabaho dahil nananatili nalamang sila sa kanilang mga
tahanan upang mag-alaga ng bata. Dahil sa kawalan ng trabaho at dahil hindi nakapagtapos,
mahihirapan na silang makahanap ng trabahong kanilang gusto.

3. Sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa


Dahil sa mga makabagong teknolohiya na nakasanayan na natin ngayon ay isa rin sa dahilan ng
unemployment. Dahil mas napapabilis ang pagproseso ng mga bagay-bagay, mas gugustuhin pa
noong iba na gumamit ng mga makina kaysa humanap ng taong magtratrabaho para rito.

You might also like