Final Revised Las For Filipino 9

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

DepEd Learning Activity Sheets (LAS)

FILIPINO PARA SA IKA-9 NA BAITANG

‘’Elehiya sa MAHAL KONG KAIBIGAN’’

Pangalan: _________________________________ Lebel: ___________________

Seksiyon: _________________________________ Petsa: ___________________

Panimula (Susing Konsepto)

Ang buhay ng tao ay parang isang mahabang paglalakbay. Marami tayong mga pagsubok na
pinagdadaanan sa buhay lalo na ngayon sa panahon ng pandemya, marami tayong mga tanong na paano
at bakit na ibig nating mabigyan ng kasagutan. Marapat din na bigyan natin ng pagpapahalaga ang buhay
ng bawat isa lalo’t higit ang mga minamahal natin sa buhay.
Sa araling ito ating tatalakayin ang patungkol sa Elehiya, Mahalaga na pag-aralan mo ito upang
malaman/ masuri mo ang mga elemento ng Elehiya at para maging gabay mo rin ito sa pagsulat mo ng
sarili mong Elehiya batay sa iyong sariling karanasan.

Ating basahin at unawain ang isa ng halimbawa ng Elehiya na iniangkop sa Tema na COVID-19: ang
Elehiyang ito ay mula sa orihinal na gawa ni April Joyce A. Bagaybagayan na pinamagatang
Elehiya para sa Mahal Kong Kaibigan, na matatagpuan sa Kagamitan ng mga Mag-
aaral para sa Ikatlong markahan Modyul 3: na binago/ni revised ng iyong Guro.

‘’Elehiya sa MAHAL KONG KAIBIGAN’’

Hanggang dito na lang ba ang ating samahan

Napakabilis nang takbo ng oras Pagkat ang pandemyang sa ati’y nagpahiwalay
Para sa paglalakbay na ngayon ay lumipas Na Hanggang ngayo’y di pa nalulunasan
Para sa aking kaibigang tunay Marami naring buhay ang kanyang inutang
na ngayon nga’y pumanaw
Dulot ng Pandemyang nagpabago ng ating buhay
Paalam-paalam mahal kung kaibigan
Ang iyong ama’t ina’y labis ang lumbay Dikaman lang namin muling nasilayan
Pagka’t ang mga ngiti mo’y sa larawan nalang Pagkat katawan mo’y,apo’y ang kinalaban
matatanaw At tanging abo mo nalang ang inuwi sa bahay
masasayang ala-ala mong dagling pumanaw
Mga pagsasama nating puno ng mga tawahan Salamat sa mga ala-ala at nabuong samahan
mga payo mong saki’y nagbibigay kalakasan Tunay kang kaibigan at maasahan
Sakit at pighati ngayo’y aking nararanasan Mga aklat at larawan nati’y iingatan
At tutuparin kong lahat pangarap nating
nasimulan
Mula dito sa ating tulang binasa ay
mapapansin natin ang damdamin ng manunulat
ang siyang namutawi
/lumutang na kung saan ay nagdadalamhati siya
sa pagkawala ng kanyang kaibigan, ganun din ay
kaniyang inilarawan ang mga mabubuting
nagawa nito maging ang kanyang mga katangian
at ang mga masasayang ala-ala nito na tanging
naiwan sa kanila.
Para lubos nating maunawaan ating alamin kung ano ang Elehiya?
Ang elehiya ay isang tulang liriko na tumatalakay sa paglalarawan ng pagbubulay-bulay o
guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay. Dito rin
binibigyang-halaga ang mga nagawa ng mga namayapang mahal sa buhay. Ang Elehiya ay maroon 7
elemeto na dapat mong matutunan:

3. Tagpuan - Lugar at
panahon kung saan at
kailan naganap ang
2. Tauhan - Tauhang elehiya.
pinapaksa na nakapaloob
sa elehiya.
4. Kaugalian o
Tradisyon - Mga
paniniwala, gawi o mga
nakasanayan na lumutang
sa elehiya.

1. Tema - Ito ang MGA

kabuuang kaisipan sa ELEMENTO NG
elehiya. Kadalasan ito ay ELEHIYA
5. Damdamin -
kongkretong kaisipan o Pagpapahayag ng
batay sa karanasan. saloobin o emosyon ng
manunulat sa akda.

6. Simbolo - Ginagamit
upang magpahiwatig ng
mga ideya o kaisipang
nakapaloob sa akda.

Sa pagsulat ng Elehiya merun tayong gabay upang maging mabisa at makatutuhanan ito.

Emosyon ang Alamin ang magiging

palutangin. kabuuang daloy ng pagsulat.

Laging isaisip at isapuso Yariing mapagparanas ang elehiya upang

ang pagkilala sa taong pag- mag-iwan ng mapagnilay na mensahe sa
aalayan nito. mga mambabasa.
Emphasis ang kailangan sa pagdama at Isaalang-alang ang paggamit ng
pagdanas sa buhay ng taong pag- wika sa pagbuo nito.
aalayan nito.

Hayaang malayang maisulat ang

naiisip ngunit marapat na basahing
muli pagkatapos.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
✓ Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo, damdamin
(F9PB-IIIb-c-51); at
✓ Naipapakita ang sariling emosyon/ damdamin base sa pagsagot sa mga katanungan at
✓ Naisusulat ang isang halimbawa ng elehiya (F9PU-IIIa-53).
Panuto:
Ating balikan ang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya’’ tingnan natin kung naunawaan mo ang
iyong binasa, ang Gawaing ito ang magiging gabay mo upang lubos mong maunawaan kung ano ang
Elehiya at ang kahaagahan nito.

GAWAIN BILANG 1: PAG-UNAWA SA BINASA

Pamamaraan;
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan ayon sa iyong pagkaunawa sa akdang binasa.

1. Ano ang tema ng elehiyang binasa? Paano ito naipakita sa akda?

_____________________________________________________________________________________

2. Anong damdamin ang nangibabaw sa tula? Paano naipahiwatig ng may-akda ang damdaming ito sa
kaniyang mga mambabasa?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Bakit labis ang pagpapahalaga ng mga tao sa mga bagay na naiwan ng mga mahal sa buhay na lumisan
na sa mundong ito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. Paano naiiba ang elehiya sa iba pang uri ng mga akdang pampanitikan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Panuto: Ating balikan muli ang ‘’Elehiya sa MAHAL KONG KAIBIGAN’’
para sa iyong ikalawang Gawain, dito ay susubukin ang iyong pagkaunawa sa mga elento ng elehiya na
iyong binasa sa itaas.

GAWAIN BILANG 2: PAGDALUMAT SA PAGKAMULAT

Pamamaraan:
Basahin at unawain ang mga piling taludtod sa akdang, ‘’Elehiya sa MAHAL KONG
KAIBIGAN’’Suriin kung anong elemento ng elehiya ang ipinahahayag nito, Piliin ang tamang sagot at
isulat sa loob ng kahon.

Kaugalian o Tradisyon Tauhan Damdamin

Tagpuan Simbolo
ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA MGA ELEMENTO
1. ‘’Ang iyong ama’t ina’y labis ang lumbay
Pagka’t ang mga ngiti mo’y sa larawan nalang
Matatanaw’’

2. Napakabilis nang takbo ng oras

Para sa paglalakbay na ngayon ay lumipas
Para sa aking kaibigang tunay
na ngayon nga’y pumanaw
Dulot ng Pandemyang nagpabago ng ating buhay

3. Mga pagsasama nating puno ng mga tawahan

mga payo mong saki’y nagbibigay kalakasan
Sakit at pighati ngayo’y aking nararanasan

4. Salamat sa mga ala-ala at nabuong samahan

Tunay kang kaibigan at maasahan
Mga aklat at larawan nati’y iingatan
At tutuparin kong lahat pangarap nating nasimulan

5. Paalam-paalam mahal kung kaibigan

Dikaman lang namin muling nasilayan
Pagkat katawan mo’y,apo’y ang kinalaban
At tanging abo mo nalang ang inuwi sa bahay

Panuto: Ang gawaing ito susubok sa kakayahan mong makagawa ng Elehiya base sa iyong sariling
karanasan/ base sa iyong mga nababasa o napapanood sa TV lalo sa panahon ngayon ng pandemya na
maraming mga kababayan nating mga Pilipino ang tila nawawalan ng pag-asa sa pagkawala ng kanilang
mga mahal sa buhay maari mong ilagay ang iyong sarili sa kanilang kinalalagyan upang makabuo ka ng
isang eleheya
GAWAIN BILANG 3: DUGTULA
Pamamaraan: Punan ng angkop na taludtod ang mga patlang sa ibaba upang makabuo ng isang
halimbawang elehiya para sa iyong mahal sa buhay.

Sa mundong patuloy na nagbabago,

Ikaw ang naging sagot sa maraming bakit at paano.
___________________________________________________
___________________________________________________
Sakit at pighati’y mahirap ikubli,
Bakit patuloy itong nananatili?
___________________________________________________
___________________________________________________
Sa pagkala’t ng Corona Virus sa ating bansa
At Tela ba hindi maawat ang biglang paglubo ng bilang ng mga positibo
Sa isang iglap kami’y
___________________________
____________________________________________
Salamat sa mga ala-alang kay saying iniwan
Sa Puso’t ,isip nami’y di ka kayang palitan
________________________________________________
_______________________________________________
Pamantayan Napaka Mahusay Medyo Mahusay Sanayin pa ang
husay 4 puntos 3 puntos kahusayan
5 puntos 2 puntos
Nilalaman
Wika at Gramatika
Organisasyon ng mga
Ideya

Panuto: Sa gawaing ito masusubok ang iyong kakayahan sa paglikha ng sarili mong elehiya batay sa
paksa na ibibigay sa iyo ng iyong Guro.

GAWAIN BILANG 4: ISAGAWA

Pamamaraan: Panuto: Sumulat ng isang elehiya mula sa sitwasyong nasa kahon. Suriin ito batay sa
tema, mga tauhan, tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o
simbolo at damdamin. Gawing batayan sa pagsulat ang pamantayan sa ibaba.
Sa patuloy na pagkalat ng Corona Virus sa ating bansa ay mabilis din ang pagdami ng bilang ng
mga nagpopositibo dito at ang ilan ay tuluyan ng namaalam sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Ngunit sa ‘di inaasahan, isa sa inyong mga kamag-anak ang tinamaan ng sakit na ito at namatay.
Habang ikaw ay nag-iisa at nakatingin sa kawalan, naisipan mong lumikha ng elehiya bilang
pagkilala at pag-alala sa kaniya.

PAMAGAT
_______________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG ELEHIYA
Pamantayan Napaka Mahusay Medyo Mahusay Magsanay pa
husay (4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
(5 puntos)
Nilalaman:
Nailahad nang tama at
maayos ang tema o paksa
ng binuong elehiya.
Wika at Gramatika:
May wastong gamit ng
wika at tamang bantas sa
bawat pangungusap.
Kasiningan:
Malikhain at masining
ang ginawang elehiya at
nagpapakita ng pagiging
matapat, matalino at
mapanuri.
Organisasyon:
Maayos na naipaliwanag
ang pagiging epektibo ng
organisasyon ng isinulat
na elehiya.

Panuto: Bilang iyong pangwakas na Gawain, Dito ay susubukan ang iyong mag-unawa at kung ano
ang iyong natutunan sa iyong mga binasa at ginawa para sa araling ito.

GAWAIN BILANG 5: PAGTATAYA

Pamamaraan: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Ano ang damdaming lumutang sa akdang, ‘’Elehiya sa MAHAL KONG KAIBIGAN’’?

A. kalungkutan C. katatawanan
B. kasiyahan D. pagkapoot
2. Anong elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga nakasanayang lumutang sa
pagbuo nito?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit
3. Anong dalawang antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng elehiya?
A. ganap at ‘di ganap C. ponema at morpema
B. pantangi at pambalana D. pormal at ‘di pormal

4. Sino ang personang nagsasalita sa akdang ‘’Elehiya sa MAHAL KONG KAIBIGAN’’?”

A. kuya C. manunulat
B. nanay D. matalik na kaibigan
5. Ano ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob sa
elehiya?

A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

Paalam-paalam mahal kung kaibigan

Dikaman lang namin muling nasilayan
Pagkat katawan mo’y,apo’y ang kinalaban
At tanging abo mo nalang ang inuwi sa bahay
6. Anong kaisipan ang nais iparating ng bahagi ng elehiyang nasa itaas?
A. pagkagalit C. paghihiganti
B. pagpapasakit D. pag-alala sa namayapa
7-8. Gawing batayan ang bahagi ng akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” na nasa loob ng kahon para
sa pagsagot ng mga tanong.

Ang iyong ama’t ina’y labis ang lumbay

Pagka’t ang mga ngiti mo’y sa larawan nalang matatanaw
masasayang ala-ala mong dagling pumanaw
Mga pagsasama nating puno ng mga tawahan
mga payo mong saki’y nagbibigay kalakasan
Sakit at pighati ngayo’y aking nararanasan

7. Anong damdamin ang nangibabaw sa bahagi ng akdang nasa loob ng kahon?

A. kaligayahan C. pagkainis
B. kalungkutan D. pagkapoot

8. Ano ang nais ipahiwatig ng huling taludtod sa bahagi ng akdang nasa kahon?
A. Gaano man kahirap ang pinagdaraanan sa buhay, matutong bumangon.
B. Bigyang-pagpapahalaga ang mga bagay na naiwan ng taong namayapa.
C. Pahalagahan ang buhay sapagkat hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo.
D. Hindi maipaliwanag ang sakit at matinding dagok na naramdaman dahil sa pagpanaw ng
minamahal.
9. Alin sa mga pahayag ang hindi masasalamin sa pagsulat ng isang elehiya?
A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.
B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa buhay ng taong pag-aalayan nito.
D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan ng mapagnilay na mensahe sa mga
mambabasa.
10. Alin sa mga pangungusap ang hindi nagsasaad ng katangian ng isang elehiya?
A. Ito ay personal sa pagpapahayag ng damdamin.
B. Ang himig ng elehiya ay dakila at mapagmuni-muni.
C. Ito ay pag-alaala, pananangis, at pagpaparangal sa namayapang mahal sa buhay.
D. Madadaling salita ang naghahari sa akdang ito upang lubos na maunawaan ng mambabasa.
Mga Sangunian:
https://www.depedtambayanph.net/2021/02/grade-9-3rd-quarter-self-learning.html
Filipino -9 SLMs 3RD Quarter- Module -2

Susi sa Pagwawasto:
Gawain 1,3 at 4 Gawain 2 Gawain 5: Pagtataya
Ang kasagutan ay batay sa 1. Tauhan 1. A 2. B 3. D 4. D 5. C
kaalaman ng mag-aaral. 2. Kaugalian 6. D 7. B 8. C 9. A 10. D
o Tradisyon
3. Damdamin
4. Simbolo
5. Tagpuan
5
.
T
a
Inihanda Ni: g
p
MA. LYRA P. SANTUYO u
a
T-I n
Pisipis National High School a
Lopez West
w

You might also like