Edukasyon Sa Pagpapakatao Las Week 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Edukasyon sa Pagpapakatao

Learning Activity Sheets


Unang Markahan-Week 4

PAGNINILAY SA KATOTOHANAN NG BALITANG NAPAKINGGAN AT


PATALASTAS NA NABASA O NARINIG

Name: _________________________________Grade Level: ______________


Section: _________________________________Date : ____________________

ALAMIN MO

Masaya ka ba sa araw na ito? Mas sasaya pa ang iyong linggo kung may baon-baon kang
impormasyon mula sa araling ito.

Kung ikaw ay may narinig o nabasang impormasyon, anoano ang mga hakbang mo upang
malaman ang katotohanan rito? Iniisip mo ba muna ang kapakanan mo o ng ibang tao bago
ito ipagkalat?

Sa araling ito matutunan mo na hindi kailangan maniwala sa mga narinig o nabasang


impormasyon bagkus kinakailanagn ng pagninilaynilay at sapat na panahon upang
makapagbuo ng desisyon bago ito paniwalaan. Hindi lahat ng balitang ating narinig o
nabasa ay nagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa gusto nating malaman kaya dapat
nating kilatisin kung ito ay kapaki-pakinabang hindi lamang sa atin kundi maging sa iba.
Maaring magdulot ng di pagkakaunawaan sa taong pinagmulan ng impormasyon kung hindi
natin inaalam ang katotohan.

LET US REVIEW (PAGBALIK-ARALAN MO)

Kumusta ang araw mo? Alam kong nakaya mong sagutin ang panimulang gawain.
Tiyak mas maaaliw ka pa sa mga susunod na gawain.
Panuto: Basahin nang mabuti ang usapan. Isulat ang sagot sa patlang sa kalakip na
sanayang papel.

1
1. Bakit kinausap ni Karen ang kanyang kaibigang nars?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Tama ba na kinausap ni Karen ang kaibigang nars tungkol sa impormasyong
gusto nitong malaman? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Maliban sa nars, kanino o saan ka pwedeng makakuha ng sapat na
impormasyon? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

LET US STUDY (PAG-ARALAN MO)


Panuto: Basahin at unawain ang usapan ng mag-ama.

Ang Galing ni Itay!

Delia: Itay, pakinggan mo po! Nadadagdagan na


naman ang kaso ng COVID-19 sa ating lugar.
Dr. Ruiz: Oo nga anak kaya iwasan mo ang pagpunta sa labas kung hindi naman ito
fkinakailangan para makaiwas tayo, hindi lamang sa COVID-19 kundi sa iba pang
sakit na maaaring dumapo sa atin. Mahirap magkasakit lalo na sa panahon ngayon.
Delia: Nabasa nga ng kaklase ko na may ibinebentang produkto ngayon na gamot
sa ganitong sakit. Totoo kaya ito itay?
Dr. Ruiz: Lehitimo ba iyang pinanggalingan ng kuwento mo anak?
Delia: Siguro itay, kasi maraming bumibli ng gamot na iyon.
Dr. Ruiz: Naku! Delikado iyan pag hindi aprubado ng BFAD at lalo na kapag walang
sapat na ebidensiya. Alam mo anak hindi ka dapat agad-agad nagpapaniwala sa
mga naglalabasang impormasyon ngayon lalo na kung pinag uusapan ang
COVID-19. Kinakailangan natin ng preskripsyon ng doktor. Imbis na makabubuti sa
katawan ay mas lalo pa itong makasasama sa ating kalusugan kung agad-agad
nating pinaniniwalaan ang balitang narinig. Kailangan mo munang pag-isipan kung
tama ba ang balitang narinig. Gets mo ba ako?
Delia: Opo itay! Kaya nga idol kita!

2
LET US PRACTICE (PAGSANAYAN MO)

ACTIVITY NO. 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang sa kalakip na
sanayang papel.
1. Tungkol saan ang pinag-usapan ng mag-ama?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit kaya sinabi ni Delia sa kanyang ama ang narinig na balita ?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Ano ang natutunan ng batang si Delia sa kanyang amang doktor?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

LET US REMEMBER (TANDAAN MO)

Mahalaga sa buhay natin ang pagdedesisyon upang hindi tayo magkakamali


sa anomang landas na ating tatahakin o hakbang na ating pipiliin.
Ang balitang ating naririnig o nababasa ay kinakailangan ng tamang
pagninilay-nilay kung ito ay totoo o haka-haka lamang. Madali lang para sa iba na
paniwalaan ang narinig o nabasa na walang sapat na impormasyon mula sa
lehitimong pinagmulan ng kuwento o taong eksperto. Kaya nagkakaroon ng
dipagkakaunawaan o pagkakaintindihan dahil agad-agad tayong naniniwala at hindi
iniisip kung ito ay tama o mali.
Nararapat na sa bawat balitang ating naririnig o nababasa ay kinakailangan
nating magninilay-nilay kung ito ay may katotohanan at makapagdudulot ng
kabutihan sa ating kapuwa. Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya sa atin kaya
kahit mga patalastas na ating naririnig o nababasa ay agad-agad nating
pinaniniwalaan lalo na kung iniidolo o may angking ganda ang taong nag-eendorso
nito. Kaya, kailagan ng sapat na panahon upang suriin ang tama at naayon sa
ikabubuti ng ating sarili at ng kapuwa.

3
ACTIVITY NO. 2
Basahin nang mabuti ang sitwasyon. Piliin sa mga sumusunod
na gawain ang nagpapakita ng wastong pagninilay-nilay ng patalastas
na narinig. Sa inyong sanayang papel, piliin ang tamang sagot at
gumuhit ng linya patungo kay Edwin.

LET US APPRECIATE (ISAPUSO MO)

ACTIVITY NO. 3
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit dapat nating suriin ang balitang narinig?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Papaano natin malalaman kung ang balitang ating naririnig ay totoo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Ano-ano ang hindi magagandang maidudulot kapag hindi naisusuri ang
balitang naririnig?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5
LET US PRACTICE MORE (GAWIN MO)

ACTIVITY NO. 4
Iguhit sa patlang ang √ kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagninilay sa nakalap na impormasyon at X naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa sanayang papel.

________1. Sumangguni muna si Boyet sa eksperto bago humusga sa mga


taong sangkot sa balita.
________2. Inalam muna ni Lerma ang totoo bago naniwala agad.
________3. Nagsaliksik si Lenith gamit ang iba pang babasahin upang
malaman ang totoo.
________4. Hinayaan na lamang ni Lorna kahit mali ang narinig na balita.
________5. Pinagsabi agad ni Joyce ang narinig na balita sa radyo kahit
kulang ang impormasyon niya.
________6. Hinayaan nalang ng nanay ang anak na mali ang pinagsasabing
impormasyon
________7. Tinukoy ni Vineza ang pinanggalingan ng balita bago ipinagkalat sa iba.
________8. Naniwala agad si Gabby sa narinig na patalastas kahit marami ang di-
naniniwala rito.
________9. Nagsaliksik muna si Cheryl kung totoo ang produktong pinakita sa
patalastas.
_______10. Madaling naniwala si Edsel sa mga binebentang produkto sa patalastas.

REFLECTION

Bumuo ng kasabihan tungkol sa pagiging mapanuri sa nakalap na balita


o patalastas na narinig o nabasa at isulat ito sa loob ng kahon.

6
Answer’s Key

Pagbalik-aralan mo
Maaaring iba-iba ang sagot

Activity No. 1
Maaaring iba-iba ang sagot

Activity No. 2
Magsiyasat tungkol sa produkto
Magtanong sa eksperto
Pag-isipan nang mabuti
Magtanong sa taong nakagamit na ng produkto
Suriin kung may epekto bas a iba

Activity No. 3
Maaaring iba-iba ang sagot

Activity No. 4
1. /
2. /
3. /
4. X
5. X
6. X
7. /
8. X
9. /
10. x

Reflection:
Maaaring iba-iba ang sagot

You might also like