CELLPHONE

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Cell Phone

(Maikling Kuwentong nagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa Future Fiction—Filipino sa Don


Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2000)
George de Jesus III

Hindi na matandaan ni J kung paano mag-text sa cell phone niyang 8810. Matagal na
matagal na mula noong mauso ang pagfti-text. Beinte anyos siya noong nagkaroon ng 8810. At
ilang taon na siya ngayon... Hindi na niya matandaan. Huminto na siya sa pagbilang ng mga taon
mula nang hindi na niya maintindihan kung paano gamitin ang mga aparato't makina para
mapagaan ang araw-araw na pamumuhay ng tao. Nalulungkot lang siya. Noong beinte anyos
siya’y hindi siya nagpapahuli sa mga usong technological advances at ngayo’y ni hindi niya alam
kung paano gamitin ang bagong klaseng cell phone: ang CELL.

Binigyan siya ng nag-iisa niyang anak na si J Jr. ng CELL para raw mas madali siyang ma-
contact. Tinuro na sa kaniya kung paano gamitin ang CELL kaya nga lamang dahil madali siyang
makalimot ng mga bagay-bagay ay parang di rin siya naturuan.

Gaya na na lang ng pagkain. Naalala lang niya na wala na pala siyang food chips nang
makita niya na ang kanyang body monitor ay nasa pula na. Ibig sabihin ay nagugutom na siya.
Dapat bago pa pumula ang “boMon” ay naitawag na niya agad. Ang kaso nga’y inalis na ang iba
pang pamamaraan ng telecommunication. Ang natira na lang ay ang CELL. “The only phone you'll
ever need!”

Pumikit si J at kinapa ang power on na buton sa kaniyang noo. Inisip niya ang mukha ng
kaniyang anak at halos mapasigaw siya sa mabilis na pagpapailit-palit ng mga imahe ng mukha
sa kaniyang utak (na kung tutuusin ay hindi naman talaga sa utak niya ljumilitaw ang mga imahe
kundi sa transmitter/receiver ng CELL). Pilit niyang hinanap ang mukha ng kaniyang anak. Bigla
sa gitna ng mga mukha’y tumalon-lumitaw si J Jr.

“Hi, Dad!” sigaw nito.

Nagulat si J. Nagdilim ang lahat para sa kaniya.

Sa dilim ay narinig niya ang tinig ng kaniyang anak.

“Dad? Dad? R U K?” tanong ni J Jr.

Dumilat si J. Nakakonekta pa rin ang CELL niya. Naramdaman niya sa kaniyang noo ang
mahinang ugong nito. Sinubukan niyang ipokus ang tingin sa nagsasalitang anak.

“Na-disknek 4 a wle. Kumusta?”

“Ayos lang.”

“Gilad ur using CELL.”

Tumango na si J. Sa isip ni J ay kumakaway siya. Kumaway din ang anak niya. Nawala si J
Jr. Tapos na ang kanilang komunikasyon. Pinindot ni J ang kaniyang noo. Nawaia ang ugong.
Hindi na siya connected. Saka lang niya naalala na hindi niya nasabi sa kaniyang anak ang
kaniyang pakay. Magugutom na siya. Kailangan niya ng food chips.

Lalo lang nalungkot si J. Pinagmasdan niya ang kaniyang kuwarto. Kumpleto sa


makabagong gamit. Lahat ng kailangan niya’y kailangan lang niyang sabihin, bigkasin dahil sa
voice controlled ang lahat ng gamit. Mula kama (kung gusto niyang tumambot, tumigas o dumulas,
sasabihin lang niya) hanggang inidoro (kung gusto niyang hugasan siya, punasan siya o i-
disintegrate ang kanyang dumi bago pa man lumabas). Ginusto rin naman niya ang lahat ng iyon.
Noon. Hinawakan niya ull ang 8810 at naramdaman niya ulit ang lungkot na hindi matanggal-
tanggal. lyong lungkot dahil sa lumipas na panahon.

“Drawer,” sabi ni J at bumukas ang kaniyang drawer.

“Papel,” sabi ni J at walang nangyari. Saka Jang niya naalalang wala na nga palang papel.
Wala na ring panulat. Bakit nga naman magsusulat kung puwede mong kausapin ang gusto mong
sulatan face to face in real life images!? Totoong-totoo ang mga itsura pero imahe pa rin.

Tumayo si J at napansin niyang wala ring bintana na ang kaniyang kuwarto. Kailan nga ba
nauso ang bintana? Bakit nga ba may bintana? Ang mayroon sa kuwarto niya ay isang image
provider. Sabihin lang niya kung ano ang gusto niyang makita at makikita niya mula sa mga
tanawing dagat hanggang sa mga tanawing bundok. Bakit kailangan ng bintana?

Ang image provider din ang nagsisilbing monitor ng kaniyang computer. Naisip niya na
padadalhan na lang niya si J Jr. ng CELL mail. Kaya nga lang, kailangan na nakakonekta siya.
Ayaw niyang kumunekta. Ayaw niyang makita ang mabilis at papalit-palit ng mga mukha tuwing
kailangan niyang kumonekta. Ang pakiramdam niya ay nakikita rin kasi siya ng milyun-milyong
mukha na iyon. Pakiramdam niya ay: pinapanood siya pero hindi siya nakikita.

Pumunta si J sa kabinet niya ng mga antique para isoll ang kaniyang 8810. Pinatong niya
ito sa gitnang patungan. Napansin niya ang isang kuwadradong bagay. Inabot niya iyon at
binuksan. Wala siyang maintindihan

"Sa mga nakaguhit do’n. May bigla siyang naalala pero hindi niya mailagay sa lugar.
Tungkol sa bagay na hawak niya. Walang kahit anong pindutan ang bagay. Kapag binuksan ay
may mga pirasong papel.

Natigilan siya. Papel. Gano’n nga ang hitsura at pakiramdam ng papel, Puno iyong bagay
na iyon ng papel. Pantay-pantay at nakadikit sa isang gilid. Kung tutuusin, iyong mga bagay ay
mga papel na pinagdikit-dikit. Alam niya kung ano ang bagay na iyon kaya lang hindi niya talaga
matandaan.

Sumasakit ang ulo niya. Nagpasiya siyang lumabas ng kaniyang kuwarto at magpunta sa
bahay ng kaniyang anak. Bumukas ang pinto at lumabas siya. Dala-dala pa rin niya ang bagay na
gawa sa papel. Ilang beses siyang palinga-linga bago niya natandaan kung paano umalis sa
bahay niya. Nagsimula siyang maglakad. * Ang kuwarto niya ay nasa loob ng isang community
building na nakatayo malapit sa Manila Bay. Minsan, kapag lumalabas siya’y iniisip niya kung
Manila Bay pa nga ba iyong nakikita niya o imahe na rin lamang. Asul na asul kasi ang kulay nito
at kapag inamoy mo ang simoy galing dito’'y para kang nakalanghap ng imported na pabango.

Ang mga instatravel chutes ng kanilang building ay voice-operated din. Maaari niyang
sabihin lang ang numero at address ng bahay ng anak niya at lilitaw na siya sa mismong bahay ni
J Jr. Hindi niya iyon ginawa.

“Ground,” ang sabi ni J at natagpuan niya ang sarili sa ground floor ng kaniyang building.
Nakita niya agad ang Manila Bay na naalala niya.

Lumabas siya ng building at sinalubong siya ng halimuyak ng imported na pabango.

Hindi na uso ang mga sasakyan dahil nga sa instatravel chutes na nakalagay sa lahat ng
mga tahanan. Kahit saan mo nais magpunta, isipin mo tang at “Be there in the blink of an eye!
Walang traffic. At bakit kailangan pang lumabas gayong lahat ng naisin mo ay maaari mong
makuha sa loob ng sarili mong bahay? Gamitin lang ang CELL.
Nagsimula siyang maglakad. Siya lang ang nakaisip na gawin iyon ng araw na iyon.
Walang tao sa paligid. Nilakad niya ang dating Coastal Road na hindi na coastal dahil wala nang
coast sa banda roon. Umusod na hanggang Bataan ang coast. isang dahilan kaya alam niyang
imahe lang ang Manila Bay na nakita niya. Mawawala kapag may napindot na puton. Pati langit sa
tingin niya ay image induced. May mga ibong lumilipad pero parang mga makina. Mas dumami
ang mga puno kaya lang bawat isa’y may mga pindutan. Nakita niya iyon sa isang programa.
Pipindutin mo lang daw iyon at kakapal lalo ang dahon o kaya’y magiging ginintuan o kaya’y
malalagas. Depende sa kung ano’ng panahon ang ibig makita.

Naglakad siya nang naglakad. Bawat hakbang niya’y parang isang paraiso ng alaala na
bumabalik sa kaniya. Doon dati nakatayo ang Coastal Mall na ngayo’y isa na ring community
building. Nandoon pa rin ang Baclaran pero nakapaloob na sa isang g/ass case ang buong
simbahan bilang remnants ng ibang panahon. Pati nga nagtitinda ay naroroon. Mga imahe rin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Katulad ng Baclaran ay nasa loob na rin ng glass case ang
CCP. Mas malaki nga lang. At ang fountain sa harap nito’y di na tumitigil sa pagbuga’t pagbagsak.
Narating niya ang dulo ng dating Roxas Boulevard at umabot siya sa Luneta na isang malaking
image provider na lamang. Mapapanood mo ang mga nangyari doon mula pagkamatay ni Rizal
hanggang sa kasalukuyan na parang totong-totoo. Nang dumaan si J ang nakita niya ay ang
miting-de-avance ni Cory nong 1986. Pinanood niya saglit ang mga imahe sa malaking image
provider.

May nakita siyang gumagalaw na hindi dapat naroroon sa palabas. Ipis. Tinapakan niya ito.
Pinulot niya ang napisang ipis at tiningnang maigi iyon. Hindi lang imahe. Tunay na ipis. Mayroon
pa palang ipis. Inipit niya ang ipis sa bagay na papel na kaniyang dala-dala.

Tumawid siya sa dating kinatatayuan ng Manila Hotel na ngayo’y isa na ring community
building. Doon nakatira ang kKanyang anak at pamilya nito.

Halos hindi nila binago ang itsura ng Manila Hotel. Maliban na nga lamang sa bellboy at
doormen na panay “imahe” rin. Purnasok siya sa _ . loob at ginamit ang /ifterna dinesenyo para
magmukhang luma. Umakyat Siya sa hagdan dahil alam niyang nasa ikalawang palapag lamang
naman ang bahay ng anak niya.

Pagdating niya sa pintuan ng bahay ng kaniyang anak ay nag-atubili siya kung kakatok siya
o pipindutin ang receiver button.

Kumatok siya.

Matagal bago binuksan ang pintuan.

Binuksan ito ng isang batang dose anyos.

“Nandiyan ang daddy mo?” tanong niya.

Tiningnan lang siya ng bata na parang hindi siya naiintindihan.

“Who's it?” ,

Narinig ni J ang boses ng kaniyang anak. Sinilip niya ang loob ng bahay ng kanyang anak.
Kamukha rin ng bahay niya.

“Ako.”
“Dad?” ;

Narinig ni J ang nagmamadaling hakbang papuntang pintuan. Nakatingin pa rin sa kaniya


ang bata. Bumukas nang tuluyan ang pinto at nakita ni J ang kaniyang anak. Hindi lang imahe.
Anak niya talaga. Gusto niyang maiyak.

“Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Naglakad ako.’

“Ano? Nag-ano?”

“Naglakad.”

“Mula sa—?”

“Oo.” ,

“Bakit?” -

Hindi alam ni J kung paano sagutin ang tanong ng anak. Sasabihin ba niyang nalulungkot
kasi siya sa kuwarto niya. Na natatakot siya sa mga gamit doon. Na hindi niya matandaan ang
kayraming bagay. Na hindi niya alam gamitin ang CELL. Kaya siya nandito ngayon. Hindi imahe.
Tunay na siya. Ang ama ni Jr.

“Naubusan ako ng food chips.” “Ba’t di mo sinabi sa CELL?” “Nalimutan ko.”

“Pasok ka nga muna” -

Pumasok siya sa loob ng bahay ng anak. Naupo siya sa isang silya. Binigyan siya ng anak
niya ng isang “water chip” at saka lang niya naramdaman ang uhaw at pagod. Humingi pa siya ng
isa sa anak.

Nakatingin pa rin sa kanya ang batang nagbukas ng pinto. “Anak mo?”

“Oo.” “lang taon?”

“12? . Tumango si J. May apo na pala siya.

“Anong pangalan?”

*J3.”

Umalis na ang bata at pumasok sa isang kuwarto. Lumapit kay J si J Jr. Nilapit ang kamay
sa noo ni J. Umiwas si J.

“Bakit?”

“Buksan natin ang CELL.”

“Ayoko.” ,

“Bakit?” .

“Ayoko.” .
“Nahihirapan ako’ng makipag-usap sa iyo ng ...ng ganito. Walang imahe. Panay salita.’

Pinakita ni J ang dala-dala niya sa kaniyang anak.

“Libro?

Nagulat si J sa kaniyang sinabi. Natandaan na niya kung ano iyong bagay na iyon. Isang
libro. Binabasa. May mga nakasulat sa loob ng mga salita. Mga salita iyong guhit na nakita niya.
Natuwa si J. Natatandaan niya.

“Ano? Libro?” .

Nakita niyang hindi naiintindihan ng anak niya. Binuksan ni J para sa anak at ipinakita ang
nakita niyang ipis sa Luneta.

“Ipis”” ;

“Dad! Ano ba iyang mga dala mo?” ,

Pinigil ni J ang sarili na umiyak. Hindi niya alam kung bakit pero parang bigla siyang
sinuntok ng kalungkutan at gusto niyang umiyak lang nang umiyak.

Hinawakan siya ng anak niya sa noo at binuksan ang CELL. Nabigla si J. Lumitaw na
naman ang mga imahe. Huminto ang mga mukha sa anak niya. Sa loob ng CELL ay parang
nauunawaan siya ng kaniyang anak. Sa loob ng cell ay inakbayan pa siya nito at hinayaan siyang
umiyak nang umiyak.

Nang tumigil siya’y nasa loob na siya ng instatravel chute. Kumurap lang siya’t naroroon na
ulit siya sa harapan ng kaniyang kuwarto. Pumasok siya sa loob at sinara ang pinto.

Lumapit siya sa kaniyang kabinet ng mga antique. Binuksan niya’t pinulot ang ipis para
ilagay sa kanyang kabinet. Pagkaraan, dala-dala ang libro at naupo siya sa kanyang kama.

Binuksan niya ang libro at pilit na binasa ang unang pahina. Hindi siya sanay sa dire-
diretsong mga salita. Ang kinasanayan niya ay C U L8R. FY|. UR HSE. TC. TEXT ME. Pero
nagpasiya siyang tandaan muli ang lahat. Babasahin niya ang aklat na iyon.

Mabagal niyang binasa ang pangalan ng may akda: L...E...W...4...S...0...A.R...O...L...L At


ang pamagat ng libro: A...L...1...0...E...1...N...W…

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:


1. Ano ang suliranin ni J? Bakit ayaw niyang gamitin ang CELL na bigay ng kanyang anak?
2. Bakit sa kabila ng makabagong kagamitang dinisenyo upang mapadali ang buhay ay hindi pa
rin masaya ang mga taong katulad ni J? Makatwiran ba ito?
3. Bakit hindi alam ng matanda na mayroon na pala siyang apo? Ano ang ipinahihiwatig nito?
4. Sa iyong palagay, bakit hindi komportable ang anak ni J na si J Jr. sa pakikipag-usap sa ama
nang harapan at higit na gusto nitong sa imahe na lamang makita at makausap ang ama?
5. Nabanggit sa maikling kwento na hindi na niya matandaan ang tawag sa libro. Ano ang dahilan
ng pag-iyak ng matanda? Bakit nagpasya siyang muling magbasa ng aklat?

You might also like