Health Aralin - 1 Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

School Dona Nicasia J.

Puyat Elementary School Grade Level Five


Teacher Aramel Ann M. Cruz Learning Area Health
Teaching Date June 8, 2022 Quarter Four

I. OBJECTIVES
A. Content Standards The learner demonstrates understanding of basic first aid principles and
procedures for common injuries.
B. Performance Standards The learner practices appropriate first aid principles and procedures for
common injuries.
C. Learning Discusses basic first aid principles
Competencies/Objectives (H5IS-IVb-35)
II. CONTENT (Subject Matter) Panuntunan sa Pangunang Lunas
III. LEARNING RESOURCES
A. References Health Module, Q-4 W-2, Health MELCS
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Material pages
B. Other Learning Resources Laptop, Powerpoint in Health Aralin 1, Overhead Projector
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous Lesson or Magandang Araw sa inyo mga bata! Panibagong aralin na naman ang
presenting new lesson ating tatalakayin ngayon. Pero bago tayo dumako doon ay tayo muna ay
magbabalik-aral tungkol sa ating nakaraang paksa.

Tukuyin kung ang isinasaad ng pangungusap ay TAMA o MALI.


1. Ang sakuna ay biglaan o hindi inaasahang pangyayari. (TAMA)
2. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadagdagan ang
kirot o sakit na nararamdaman ng taong napinsala. (MALI)
3. Naiiwasan ng pangunang lunas ang paglala ng mga pinsalang
natamo o naramdaman.(TAMA)
4. Ang pangunang lunas ay may mahalagang papel na ginagampanan
upang tumulong makapagligtas ng buhay sa oras ng sakuna.
(TAMA)
5. Ang pagbabawas ng kirot, maiiwasan ang paglala, mapapahaba
ang buhay ay mga katangian ng pangunang lunas. (MALI)

B. Establishing a purpose for the lesson Ang ating aralin ngayon ay ang mga panuntunan ng pangunang lunas. Sa
araling ito ay tatalakayin natin ang mga panuntunan ng pangunang lunas at
kung bakit mahalagang masunod ang mga ito. Handa na ba kayo?

C. Presenting examples/instances of the Ano nga ba ang panuntunan? Sa Ingles, ang panuntunan ay “rules”. Tulad
new lesson. ng rules sa Classroom at sa Bahay ninyo, sa pangunang lunas o first aid ay
may rules din at iyon ang tatalakayin natin ngayong umaga.

D. Discussing new concepts and Nakakita ka na ba ng taong biktima ng aksidente o sakuna? Kung sakaling
practicing new skills #1 makakakita ka, tutulungan mo ba siya?
Isa sa mga karaniwang dahilan ng pag-aatubili ng pagtulong sa mga
biktima ng sakuna o karamdaman ay ang kaba at takot. Iniisip natin na
baka sa halip na makatulong ay makapagpalala pa tayo ng sitwasyon.
Dapat nating alamin at sundin ang mga panuntunan ng Pangunang lunas.

E. Discussing new concepts and Narito ang “Mga Panuntunan sa Pangunang Lunas”
practicing new skills #2 1. Tiyakin na ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima
ng pinsala. Kinakailangang maging mapanuri.
Alamin kung ano ang karamdaman ng pasyente. Kung ito ay
karaniwan lamang na sakit katulad ng sugat, balinguyngoy, kagat
ng isekto at paso, kaagad itong lapatan ng pangunang lunas.
Subalit kung ang biktima ay nabalian o napilayan, hindi ito dapat
kaagad inaalis sa pwesto. Hintayin ang mga bihasa sa paglapat ng
pangunang lunas.

2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng biktima.


Alisin ang mga bagay na hindi nakakatulong sa kaniyang
kakomportablehan. Gawin ito ng di-maaapektuhan ang biktima.

3. Magsagawa ng Pangunahing pagsusuri.


Unahing suriin ang mga bagay na may kaugnayan sa
pagdaloy ng hangin, ang bibig at ang ilong. Kung walang balakid
sa hangin, isunod ang pagsuri sa pagdaloy ng dugo sa katawan.
Dapat na malaman kung kailangan ng biktima ang resusitasyong
Kardyopulmunaryo o CPR (Cardiopulmonary Resuscitation).

4. Isagawa ang madaliang aksiyon o kilos. Unahin ang dapat


unahin.
Dapat tandaan ang hakbang sa pagbibigay ng pangunang
tulong panlunas.
Isaisip ang A-B-C:
A – Airway o daanan ng hangin
B – Breathing o Paghinga
C – Circulation o pagdaloy ng dugo sa katawan
Ito naman ang 3B o Mga Gawaing Panlunas:
B – Breathing o buga ng paghinga (Bantay-Hininga)
B – Bleeding o Balong ng Dugo
B – Broken bones o Baling buto

5. Humingi ng Tulong
Kapag walang sapat na kaalaman sa paglalapat ng unang
lunas, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga eksperto o
espesyalista upang makapagsalba ng isa o mahigit pang buhay.

F. Developing Mastery (Lead to Sagutan ang “Pagyamanin” sa inyong Modyul pahina 6.


Formative Assessment 3) Panuto: Isaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita
sa tulong ng katangian o paglalarawan.

Ginulong Nabuong Ibig sabihin


Titik salita
DEENTSIKA Isang pangyayaring hindi inaasahan
na nakapagdudulot ng pinsala sa
mga tao
AMITKIB Tawag sa tao na napinsala ng isang
hindi inaasahang pangyayari
TAGLIAKSA Bagay na dapat nating sinisiguro at
N isinasaalang-alang sa pangaraw-
araw nating pamumuhay upang
hindi tayo mapahamak
LONGTU Abstraktong bagay na ating
ibinibigay sa mga taong
nangangailangan
HYAUB Ito’y mahalaga sa bawat isa sa atin.

G. Finding practical application of Bakit importanteng malaman natin ang mga panuntunan sa pangunang
concepts and skills in daily living lunas?
H. Making Generalizations and 1. Ano-ano ang mga panuntunan ng Pangunang lunas?
Abstraction about the Lesson
2. Bakit natin kailangang sundin ang mga panuntunan ng pangunang
lunas?

3. Ano ang dapat mong gawin kapag may napinsala sa isa sa iyong
mga kamag-aral o kaibigan ngunit hindi mo alam ang paglapat ng
pangunang lunas?

I. Evaluating Learning Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba na may kaugnayan sa ating
tinalakay tungkol sa Panuntunan ng Pangunang Lunas.

1. Batay sa mga larawan, ano-anong sitwasyon ang inyong nakikita.


___________________________________________________
___________________________________________________

2. Ano-ano ang mga maaaring mangyari sa mga taong ito kung


walang tutulong sa kanila.
___________________________________________________
___________________________________________________

3. Kung ikaw ay nasa paligid ng pinangyarihan ng mga sitwasyon sa


larawan, ano ang inyong gagawin upang makatulong sa mga taong
ito.
___________________________________________________
___________________________________________________

J. Additional Activities for Application or Magsaliksik sa Internet o humanap sa mga aklat at babasahin ng mga
Remediation sitwasyon na nagpapakita ng pagsunod sa mga panuntunan ng pangunang
lunas. Idikit sa papel ang mga larawan at sumulat ng pangungusap na
nagpapaliwanag tungkol dito. Gawin ito sa sagutang papel.

V. REMARKS

ARAMEL ANN M. CRUZ RUSSELIE T. GARCIA


Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like