Laki Sa Layaw
Laki Sa Layaw
Laki Sa Layaw
I. Mga Layunin:
II. Paksang-Aralin:
C. Paglalahad ng Aralin:
a. PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN
Florante =>Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa
kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mangingibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang na namataan ni
Florante bago siya sumabak sa isang digmaan an gang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng
mga Morong Persyano.
Duke Briseo =>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo
ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang
trono ng Haring Linceo.
Prinsesa Floresca => ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni
Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.
b. TALASALITAAN
Malawig – matagal
Hihiting – hihintaying
Hinagpis – sama g loob
Dahas – puwersa
Magawi – masanay
Hilahil –pagdurusa
Bathin – pagtanggap sa hirap na maluwag sa kalooban
Ikinaluluoy – ikinalalanta
Magbata – tumatanggap ng hirap na maluwag sa kalooban
Kisapmata – kurap; isang iglap
1 Corinto 10:13
Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi pa nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos at
hindi Niya ipahihitulot na kayo ay subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok,
bibigyan Niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.
F. Pagpapahalaga :
Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang tamang pagpapalaki sa kahandaan nating humarap sa mga suliranin
ng buhay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
G. Ebalwasyon :
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung ano o sino ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ano ang pangalan ng ama ni Florante?\
a.Konde Sileno b. Duke Briseo c.Haring Linseo d. Antenor
2.Saang lugar ipinadala si Florante upang tumuklas ng bagong karunungan?
a.Albanya b.Crotona c.Atenas d.Persiya
3.Ano ang ibig sabihin ng salitang malawig?
a.napakaikli b.napakahaba c.mahaba d.maikli
4. Ang taong nasanay raw sa katuwaan ay _______ kapag dumarating ang kalungkutan?
a.nagagalit b.nalilito c.napapagod d.natutuwa
5. Sa pagpapahayag ng makata sa saknong 198 na “sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagis, mamamaya’y sukat
tibayin ang dibdib” kailangan daw ng taong maging?
a.mabait b.masayahin c.mapagkumbaba d.matapang
6.Sumasang-ayon ka bang makatuwiran na hinamak ni Duke Briseo ang pag-iyak ni Prinsesa Floresca bilag isang
ina?
a.Oo, sapagkat kailangang matuto ni Florante para sa kayang hinaharap
b.Oo, sapagkat hindi sa lahat ng oras nandiyan ang mga magulang
c.Hindi, sapagkat nahihirapan si Prinsesa Floresca sa paghihiwalay nila ni Florante.
d.wala sa nabanggit
7. Batay sa saknong 196 sa awit na Florante at Laura, ang katuwaang pinagdaanan ni Florante ay ________.
a.napakaikli b.napakahaba c.mahaba d.maikli
8.Ano ang ibig sabihin ng salitang dahas?
a.puwersa b.saya c.ligaya d.lungkot
9.Ang pangalan ng ina ni Florante?
a.Prinsea Floresca b.Prinsesa Laura c.Flerida d.Venus
10.Ilang taon si Florante ng ipadala sa Atenas?
a.labing-isa b.Labindalawa c.Labintatlo d.Labing-apat