Dokyu

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Hindi maikakailang bahagi na ng buhay nating mga Pilipino ang panonood ng

telebisyon araw-araw. Ang panonood ng telebisyon kasama ang pamilya ay isa sa


maituturing nating kultura ng ating bansa. Sino nga ba ang hindi mawiwili sa
panonood ng iba’t ibang programa sa telebisyon katulad ng Eat Bulaga, Showtime,
Ang Probinsiyano, Kapuso mo Jessica Soho, Rated K, Maalaala mo kaya at iba. Ang
mga ito ay masasabi nating bahagi na ng buhay nating mga Pilipino magmula noon
magpahanggang ngayon.
Hindi maikakailang bahagi na ng buhay nating mga Pilipino ang panonood ng
telebisyon araw-araw. Ang panonood ng telebisyon kasama ang pamilya ay isa sa
maituturing nating kultura ng ating bansa. Sino nga ba ang hindi mawiwili sa
panonood ng iba’t ibang programa sa telebisyon katulad ng Eat Bulaga, Showtime,
Ang Probinsiyano, Kapuso mo Jessica Soho, Rated K, Maalaala mo kaya at iba. Ang
mga ito ay masasabi nating bahagi na ng buhay nating mga Pilipino magmula noon
magpahanggang ngayon.
Mga programang
pantelebisyon na
madalas kong
panoorin
• Itinuturing na isa sa pangunahing midyum ng telekomunikasyon ang
telebisyon sa Pilipinas.
• Taong 1953 nang unang naitayo sa bansa ang kauna-unahang estasyon
ng telebisyon sa pangunguna ni James Lidenberg na tinaguriang “Ama
ng Telebisyon sa Pilipinas” na siyang may-ari ng Bolinao Electronics
Corporation na kalaunan ay nakilala sa pangalang Alto Broadcasting
System o ABS.
• Naipakilala ang telebisyon sa bansa noong 1953 nang nagsimulang
ipalabas ng ABS sa Maynila ang DZAQTV. Pagkalipas ng ilang taon
ay nabili ng Chronicle Broadcasting Network o CBN na pag-aari nina
Eugenio at Fernando Lopez ang ABS kung kaya naitatag ang ABS-
CBN Network na siyang pinakamatanda at nangungunang television
network sa bansa. Ito ay may islogang “In the service of the Filipino.”
• Sa panahon ng Batas Militar, pansamantalang naapektuhan ang pag-
eere ng mga palabas nang mga nabanggit na estasyon lalo na ang
ABS-CBN ngunit matapos makalaya ang bansa sa ilalim ng
pamahalaang diktaturyal ay patuloy na yumayabong ang pag-unlad ng
mga programa nito. Lumawak ang tema ng mga palabas batay sa gusto
o sa tingin nila ay kailangan ng mga manonood. Ilan dito ay ang News
and Public Affairs, Sitcom, Reality, Drama Series, Foreign News
Programs, Variety Shows, Documentary Programs, at iba pa.
Sa araw na ito ay iyong matutunghayan ang isa sa mga balita ng
kilalang kontemporaryong programang pantelebisyon sa bansa,
Reporter’s Notebook ng GMA Public Affairs na iniulat ni Maki Pulido.
Napakahalaga ng tungkulin ng media lalo na sa panahong ito kung saan
balot ang ating lipunan ng isang malawakang pandemiya kung saan
lahat ng sector ng lipunan ay naapektuhan. Isa nga sa negatibong epekto
ng pandemiyang ito ang ating matutunghayan sa pamamagitan ng isang
dokumentaryo mula sa GMA News.
Pagkatapos mapanood ang dokumentaryo ay
tukuyin ang mga hinihinging salita sa
pamamagitan ng pagbuo ng puzzle. Gawing
batayan ang bilang at kahulugan ng mga salitang
nakatala sa ibaba. Isulat ang mga titik ng salita sa
angkop na kahon.
1. uri ng punongkahoy na tumutubo sa 7. pagkalat ng sakit sa malaking bahagi ng mundo
tubig-alat o tabang
2. matinding gutom 8. kusang loob na pagbibigay ng tulong
3. lalagyanan na may isang hawakan at 9. hanapin
isang bibig para sa likido
4. impormasyong nakakalap mula sa datos 10. pagliit ng siklo ng negosyo
sa paligid
5. sakit na dulot ng isang virus
6. masuportahan
            1
    2
  3 P          
    S     A N   E   I C        
7
4

8 A   U   A         V              
            A         S          
    V       W                    
                      L         6 M
9 S   Y   R   N     H              
                                T
                            5 C    
                  G             G
                            V    
                  10
E C   S   I   N
                                 
                                N
Bilang pagpapahalaga, mag-isip kayo ng mga
suliraning naranasan ng inyong pamilya na inyong
napagtagumpayan. Itala ito sa graphic organizer.

Rubrik sa Pagtataya:

Pagkamalikhain - 10 puntos

Kaangkupan sa paksa - 10 puntos


Kabuuang puntos 20 puntos
Ang napanood ay isang dokyumentaryong
pantelebisyon na tumatalakay sa estado ng pamumuhay
ng mga mahihirap na mamamayan ng ating bansa
ngayong panahon ng pandemiya.
Ano nga ba ang dokyumentaryo?
Ang DOKYUMENTARYO ay isang mabisang midyum ng programang
pantelebisyon sa paghahatid ng mga kabatirang panlipunan, pangkultura, pang-
ispiritwal, pang-edukasyon, pangmoral at panlibangan. Hindi maikakaila na
napakalaki ng impluwensiyang nagagawa nito sa sambayanan lalo na nga at may
mga katangian itong potograpiko o biswal. Ang mga programa o palabas nito ay
naglalayong maghatid ng komprehensibo, mapanuri at masusing pinag-aralang
proyekto o palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na kadalasang
tumatalakay sa isyu, problema, at kontrobersiyal na buhay. Ang mga maiinit at
napapanahong isyung tinatalakay ang nagbubukas sa kamalayan ng mga manood na
siyang nagbibigay impluwensiya sa kanilang ugali at pananaw.
PANUTO: Lagyan ng tsek (√ )ang mga kaisipang nakita o nabanggit sa
binasa at ekis (X)
naman ang hindi.
____1. Ang pamilya Marcelo ay nakaranas ng gutom dahil sa pandemyang naranasan ng ating bansa.
____2. Layunin ng akda na mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
____3. Dahil sa recession na dulot ng COVID Pandemic, marami ang nawalan ng source of income na nagresulta sa
gutom.
____4. Ang Social Amelioration Act ay nagbigay ng pag-asa sa ating mga kababayan na matugunan ang problema
sa gutom.
____5. Nais ipabatid ng akdang binasa na marami sa Pamilyang Pilipino ang patuloy na
nakararanas ng gutom hindi lang dahil sa pandemyang naranasan kung hindi dahil sa patuloy na kahirapan sa buhay.
Bilang karagdagang Gawain, mula sa iyong nabasa o napanood na
ulat ni Maki Pulido na may pamagat na “Pamilya nangunguha ng
suso sa bakawan para may makain habang may Pandemya”, muli
mong ilahad ang mensaheng nais ipahatid nito sa pamamagitan ng
paggawa ng islogan o kaya ay poster.

Rubrik sa Pagtataya:

a. Pagkamalikhain - 10 puntos

b. Kaangkupan sa paksa - 10 puntos

Kabuuang puntos - 20 puntos

You might also like