Co 2 Filipino GR.3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

School ANDERSON ELEMENTARY Grade THREE

Teacher JACQUELINE R. PALOMO Subject FILIPINO


Date MAY 26, 2022 Quarter FOUR
10:30 AM
Time

I. Layunin
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin

B. Pamantayang Pagganap

C .Mga Kasanayan sa Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan,
Pagkatuto paaralan at tahanan
Isulat ang code ng bawat F3WG-IVe-f-5
kasanayan
II. NILALAMAN Paggamit ng mga Salitang Kilos sa Pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa Tahanan, Paaralan
at Pamayanan

III.KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian

1.Mga pahina sa Gabay ng Page 85


Guro
2. Mga Pahina Sa Kagamitang Page 147
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina Sa Teksbuk Page 147
4. Karagdagang Kagamitan Filipino 3 Curriculum Guide
Mula Sa Portal Ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Laptop,(PPT), word strips, (IMs) Projector
Panturo INTEGRATION: P.E. HEALTH AND ESP
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Paglalaro ng “Pumili ng Pinto”
aralin at/ o pagsisimula sa Panuto:
bagong aralin Basahin ang pangungusap at sabihin ang pang -uri.
1. Ang nanay ay mapagmahal.
2. Malinis ang aming pamayanan.
3. Mabait ang aking guro.
4. Ang mga konsehal ng barangay ay masisipag.
Si Sarah ay matapang.
B. Paghahabi sa layunin ng Magpakita ng mga larawan.
aralin

Ano ang ginagagawa ng nasa larawan?


Bakit kailangan natin linisin ang ating katawan?
Paano kayo naliligo?

Ano naman ang ginagawa ng nasa ikalawang larawan?


Ano-ano pa ang mga ginagawa natin sa paaralan?
Bakit kayo nag-aaral?

Ano naman ang ginagawa ng nasa huling larawan?


Kailan kayo nagsisimba?
C. Pag-uugnay ng mga Paglalahad ng isang diyalogo ng magkaibigan.
halimbawa sa layunin ng
bagong aralin Pagbibigay pamantayan sa pakikinig.

Pag-usapan ang diyalogo.


Mga tanong.
D. Pagtalakay ng bagong 1. Ano ang pinag-uusapan ng magkaibigan?
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
2. Ano-ano ang mga gawaing bahay na kaya nilang gawin?
3. Kaya mo rin bang gawin ang mga ito?
4. Ano ang ipinapakita o isinasaad ng mga salitang ito? Saan ginawa o nangyari ang mga
kilos na ito?(sa tahanan)
5. Ano ang tawag sa mga salitang kilos?
6. Bakit dapat may alam kayong mga gawaing bahay?

Valuing: Bakit mahalaga ang pagtulong sa mga gawaing bahay? Sa paanong paraan pa
maipakikita ang pagiging isang mabuti at matulunging bata?

E. Pagtalakay ng bagong Pagsasanay


konsepto at paglalahad ng Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Itaas ang pulang bandera kung ang
bagong kasanayan #2 nakasalungguhit na salita ay pandiwa o salitang kilos , kung hindi naman, itaas ang dilaw na
bandera.
1. Malayo ang nilakbay ng magkaibigan
2. Magara ang bahay ni Lola Leny.
3. Umiinom ako ng gatas tuwing umaga.
4. Ang magsasaka ay nagtatanim ng palay sa bukid.
5. Malinaw ang tubig sa batis.
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Basahin ang usapan ng magkaklase sa diyalogo sa ibaba. Bilugan ang mga salitang kilos na
ginamit.
Bong: Sandro, nasagutan mo na ba ang takdang aralin sa Math?
Sandro: Hindi pa. Nagsanay kasi ako ng basketbol kanina.
Bong: Halika, magpatulong tayo kay Kiko.
Sandro: Mabuti pa nga.Sigurado naman nakagawa na siya.
Bong: Tara, puntahan natin siya.

Pangkat 2
Sumulat ng limang salitang kilos na nakikita sa larawan sa ibaba.

1.________________
2.________________
3. _______________
4.________________

5._______________

Pangkat 3
Magpakita ng limang (5) salitang kilos na ginagawa ninyo sa tahanan,
sa paaralan o sa pamayanan.
F. Paglinang sa Kabihasaan Piliin sa loob ng kahon ang iyong mga gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan. Isulat sa
(Tungo sa Formative Test) tamang hanay ang iyong sagot.

nagsusulat nagsisimba nagbabasa

natutulog nagbibihis namamasyal

Tahanan Paaralan Pamayanan


natutulog nagsusulat namamasyal
nagbibihis nagbabasa nagsisimba
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Kung isa ka sa mga bata sa diyalogong ating binasa, gagayahin mo ba ang kanilang ginagawa?
araw-araw na buhay
Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang pandiwa? Saan ginagamit ang mga salitang kilos na ito?
Magbigay ng mga halimbawa.
Ang pandiwa ay salitang kilos o galaw.
Ginagamit ang mga salitang kilos sa pagsasabi o pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa
tahanan,paaralan at pamayanan.
I. Pagtataya ng Aralin A.Panuto: Sagutin ng tama o mali.
______ 1. Ang salitang kilos o galaw ay tinatawag na pandiwa.
_______2. Ang pandiwa ay salitang naglalarawan sa tao.
_______3. Si Ana ay naglilinis. Ang nakasalungguhit na salita ay salitang kilos.
_______4. Ang mga gawain na ginagawa natin sa tahanan ay halimbawa ng pandiwa.
_______5. Ang mga salitang kilos ay ginamit sa pagsasabi o pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
gawain sa tahanan.
B.Punan ang patlang ng tamang salitang kilos upang mabuo ang pangungusap.Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

naghuhugas niluto
nagbabasa Tinapon
Nagdidilig

1. Adobong manok ang ________ni nanay kahapon.


2. _______ ni Ana ang basura sa tamang lagayan.
3. Si Aling Belen ay _______ ng plato.
4. Si Marta ay ______ ng aklat sa silid-akalatan.
5. ________ ng halaman si Mina sa kanilang bakuran.
J. Karagdagang gawain para sa Magdikit ng 3 larawan na nagpapakita ng mga salitang kilos o pandiwa. Idikit ito sa isang
takdang-aralin at remediation bondpaper.
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%


sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial Bilang ng
mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
naidibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Prepared by: Reviewed by:

JACQUELINE R. PALOMO MAYUMI T. GARCIA


Teacher I Master Teacher I
Noted by:
JOSEPH H. GONZALES
Principal I

You might also like