Teoryang Pampanitikan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

• SA AKING KABATA

Ang ginamit ni Rizal na teorya ay teoryang romantisismo sapagkat ipinakita dito

ang pagmamahal ni Rizal sa kanyang sariling wika at bayan. Sinasabi sa tula na ang wika

ang sumisimbolo ng kalayaan at kakilanlan na dapat buong pusong mahalin at

pagyamanin tulad ng isang ina sa kanyang anak. Ito rin ay hindi dapat minamaliit

sapagkat ang wikang Filipino ay napapantay lang din sa wikang banyaga dahil ito ay

pare-parehong kaloob sa atin ng maykapal. Ang tulang ito ay isinulat ni Rizal upang

imulat ang mga kaisipan sa ideyang ang wika ang daan tungo sa kalayaan at pagkakaisa.

Ipinaparating nito ang mensahe na, sa murang edad, dapat matuto na ang mga kabataan

na maging bukas ang puso’t isipan sa pagmamahal sa sariling bayan. Sabi nga ni Rizal,

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Sa panahon ngayon, malaya nga ang Pilipinas

sa kamay ng mga dayuhan; ngunit ang diwa natin ay tuluyan pa rin nilang nasasakupan.

Sa aking mga kababayan, mahalin natin ang wika na ating kakilalan; wika ng ating Inang

Bayan.

• PARA SA BULAKLAK NG HEIDELBERG

Ang teoryang ginamit ni Rizal sa akdang ito ay teoryang imahismo dahil ginamit ni

Rizal ang mga bulaklak sa Heidelberg bilang simbolo ng kanyang pagmamahal sa lupang

sinilangan. Ang kagandahan ng mga bulaklak ay naikukumpara sakung paano niya

tingnan ang ating bansa na kung sino mang makakita rin nito ay mararamdaman ang

pagaaalala at pagmamahal ni Rizal sa Pilipinas.Ang halimuyak namanng mga ito ang

sumisimbilo sa mga adhikain niya para sa bansa.


Ayon kay Rizal, kung siya ay pababa ng barko at nakatingin sa kanya ang lahat ng tao,

may hawak siyang bulaklak galing sa Heidelberg at hahalikan niya ito at itatapon sa mga

Pilipino. Ang bulaklak na ito ang magbibigay ng kapayapaan sa bayan, kabutihan sa mga

kababaihan at katapangan sa mga kalalakihan. Ngunit sa huling taludtod, sinabi ni Rizal

na kung ang mga bulaklak ng Heidelberg ay dadalhin niya dito, mawawala ang halimuyak

nito. Inilalarawan ni Rizal ang kanyang katayuan bilang dayuhan sa ibang bansa, na kahit

ang kanyang anyo o katawan ay nabubuhay dito, ang kanyang kaluluwa o pagkatao ay

nakatanim sa kanyang Inang Bayan, ang Pilipinas. Gaya ng mga bulaklak na maiiwan

ang bango at halimuyak nito sa lupang kanyang tinubuan. Ang mga bulaklak nsa

Heidelberg ay nagpapahiwatig ng kapayapaan, pag-ibig, at karangalan na nais ibigay ni

Rizal sa atin. Ito ay isang napakagandang tula na isinulat ni Rizal dahil sa matinding

lungkot na nadama niya sa pagtira sa ibang bansa.

• PARA SA KABATAANG PILIPINO

Ang tulang “Sa Kabataang Pilipino” (A La Juventud Filipino) ay nagsasaad ng

hamon sa mga kabataang Pilipino na gumising sa pagiging manhid at imulat ang mga

sarili sa mga nagaganap sa paligid. Ang tula ay nagpapabatid din sa mga kabataan na

magkaroon ng adhikaing matulungan ang inang bayan. Ang tula ay naaayon sa teoryang

humanismo sapagkat napuna ni Rizal sa mga nangyayari sa paligid na ang mga kabataan

ay rasyunal na may kakayahang maging mabuti at siyang tataguyod sa kasarinlan ng

bayang sinilangan. Sa pamamagitan ng isang masining na pamamaraan ng

pagpapahayag, naiparating niya ang mensahe sa kapwa kabataan.


Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang

damdaming makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at

linangin ang kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag itong “Magandang Pag-asa

ng Bayan Kong Mutya,” na ngayo’y isang pariralang malimit banggitin.

Makikita kaagad sa unang taludtod ang ipinaparating na mensahe ni Rizal na ang

kabataan ay ang pag-asa ng bayan, sa paggamit ng mga salitang “kabataan ng aking

pangarap” at “pag-asa ng bayan”. Isinaad din nya na hinihintay niyang mangibabaw ang

katalinuhan ng mga kabataan upang magtulong-tulong sa pagunlad ng bayan.

Pinapayuhan din niya, sa ikatlong talata, na gamitin ng kabataan ang karunungan sa

agham at sining upang makawala sa gapos na nagsisiil sa damdamin ng mamamayan.

Inihalintulad din nya ang himig ng kabataan sa boses ni Philomel na nakakapagpawi ng

luha at hinagpis. Ang diwa at alaala ng kabataan ay siya ding gagamitin upang

mapagtibay ang ating bayan, at ito ay walang kamatayang nakatanim sa puso ng

kabataan. Parang pinapangaralan niya ang mga kabataang Pilipino na gamitin ang

kanilang angking talino at nakamit na karunungan sa dalawang paraan, ang dalawang

para na ito ay ang iangat ang Pilipinas upang tayo’y umunlad, at maging patriot ng

bansang Pilipinas.

Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang

“Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang

mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito. Ipinahahayag din

sa tulang ito na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang “Pilipino” ay unang

ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang

ipinanganak sa Pilipinas na siyang gamit ng salitang ito.


• SA TABI NG PASIG

Ang awit na ito ay nagpapakita ng teoryang Formalistiko/Formalismo sapagkat ang

layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang

kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng manunulat sa

kanyang awit ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang

kulang. Masasalamin sa bawat likiro ng awit na ito ang nais iparating ng manunulat sa

kanyang mga taga-pakinig. Gamit ang musika, nangusap ang manunulat sa mga tao

tungkol sa malalang kalagayan ng ilog Pasig.

Ang Ilog Pasig ay sumisimbolo sa Pilipinas. Sapagkat, kung ating pagmamasdan,

hindi lamang ang Ilog Pasig ang napapabayaan. Maging ang sarili nating bayan ay

nilalapastangan natin. Kay rami ng krimen, rape victims, mga panloloko, pagpapahirap

sa ating bayan, hindi pantay na hustiya, walang disiplinang kabataan at iba pa. Sa

pamamagitan nito, dinudungisan nila ang ating bansa. Kinakalimutan nila ang sarili nilang

bansa dahil sa mga masasamang ginagawa nila dito. Maliban sa saklaw ng Pilipinas ang

ilog Pasig, hindi na rin iba sa ilog Pasig ang nangyayaring karungisan sa ating bansang

Pilipinas. Samantala ang basura ay sumisimbolo sa mga pag-uugali at maling gawi ng

mga tao sa ating bansa. Tulad ng mga; Pagpatay, pagnanakaw, panloloko,

paglapastangan sa kaban ng bayan at maling pamamalakad ng gobyerno. Sapagkat ito

ang mga ito ang sumisira sa magandang pagkilala ng ibang bansa sa Pilipinas.
• ISANG ALAALA NG AKING BAYAN

Ang tula na ito ay nagpapakita ng teoryang realismo sapagkat inialay ni RIzal, hindi

lamang para sa lugar na kanyang kinalakihan, ngunit pati na rin sa nilisan niyang

kamusmusan; sa mga panahong simple at payapa pa ang kanyang kapaligiran, at libre

niyang nagagawa ang mga nais niya, mga panahong ang mga problema ay nasasagot

ng simpleng pagpapatahan sa pag-iyak. Ang kanyang bayan na nagbigay sa kanya ng

magandang alaala na gusto ding ipakilala at ipadama sa mga kabataang Pilipino. Sa

nilalaman ng kanyang tula, may mensaheng ipinapaabot si Rizal na dapat mabatid ng

mga Pilipino. Ang kasaganaan at kapayapaang mayroong noong una ang bansang

Pilipinas ay kanyang nais balikan na katulad sa musmos na sanggol na kailangan iingatan

at aalagaan subalit dahil sa taglay na kagandahaan at kasaganaan ang bansang Pilipinas

maraming nagnanais angkinin ito at handang sakupin at kamkamin. Kung iuugnay sa

buhay ng Pilipino ang ganitong kalagayang ng bansa, hindi ba’t marami ng mga

naghahangad sa karangyaan ngunit sa dahas nakukuha, kaliwaan ang balitang kapwa

Pilipino nagkakasakitan, nagkakapatayan kung kaya’t hindi na naigagalang dignidad ng

bawat isa.

You might also like