Sanaysay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sanaysay

Mula taong 1986 hanggang taong kasalukuyan, sinasabing ang mga sanaysay na namayagpag ay ang pagsusuri
sa mga kilalang akda o kaya naman ay ang mga higanteng persona sa larangan ng panitikan

Halimbawa:

 “Si Edgardo M. Reyes: ang Manunulat, Kanyang Akda at Panahon” ni Rogelio Mangahas

 Unang gantimpala sa Palanca, 1986

 “Ang Tiyanak sa Landas ni Rio Alma” ni Fidel Rillo, Jr.

 Pangalawang gantimpala sa Palanca, 1986

 “Ang Pagdadalaga ng mga Batang Taludtod: Ang Pulitika sa Personal na


Paghihimagsik” ni Glecy Atienza
 Nagwagi ng unang premyo noong taong 1991, ang sanaysay na ito ni Glecy Atienza ay tumuon sa
mga tula ni Ruth Elynia Mabanglo

 Feminismong uri ng kritisismong pampanitikan ang ginamit ni Atienza sa pagsusuri nito.

Sinasabing ang kaganapang biyolohikal ay hindi siyang nakapagtatakda ng pagiging babae ng


isang babae kundi and prosesong panlipunan ng isang kultur ana naka-impluwensiya sa
kanyang pananaw ukol sa kanyang sarili at nakapagdidikta ng dapat niyang gawin sa kaniyang
buhay. (Ruthven, 1984)

-Isinasaad ng manunuri dito kung paano naapektuhan ng mga ‘di kanais-nais na karanasan ng makata
bilang personal na paghihimagsik sa pagpapaunlad ng sarili niyang pulitika.

Feminismo/Feminismong Pagdulog
 Ang uri ng kritisismong pampanitikan na ito ay nagging palasak sa mga manunuri. Hindi lamang sa
larangan ng kilusan ito lumaganap, gayundin sa mga akademikong komunidad. Bilang bahagi ng
masaklaw na teoriya ng Deconstruction sa panitikan, ang feminism ay isa sa mga lapit na ginagamit
ng mga kritiko sa pagsusuri.

Mga sikat na manunuri na gumamit ng Feminismong Pagdulog:

1. Glecy Atienza sumulat ng “Ang Pagdadalaga ng mga Batang Taludtod: Ang Pulitika sa Personal na
Paghihimagsik” at “Ang Pagbaklas sa Imahe ni Superman Mula sa Mata ng mga Sinasagip”

2. Roland Tolentino sumulat ng “Ang Mito ng Pagkalalaki ni Richard Gomez”

3. Joi Barrios sumulat ng “Ang Sinderelang Hinsi Sinderela”

Sa kabilang banda, kaganapang historikal at sosyo-politikal ng isang Pebrero naman ang idinidikonstrak ni
Isagani Cruz na may pamagat na “Lakas ng Libro/Lakas ng Tao: Pagdidikonstrak sa Tukso ng Pebrero” na
nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca noong 1987. Si JJ Alvarez de la Rosa naman ang tumalakay ng
“Musika at Ideolohiya” na nanalo sa CCP Literary Contest noong 1990.

Ang sanaysay ni Edgardo Maranan na may pamagat na “Bulkan, Bundok, Baha” ay namayagpag dahil
sa laganap na talastasan at programa ukol sa paglala ng kalagayan ng kapaligirang pandaigdig. Ito ang
nagsilbing babala sa mga kalamidad na naranasan ng bansa at nagtagumpay din ang sanaysay na ito sa Palanca
noong 1987.

Nakagagalak na malaman na karamihan sa mga sanaysay na naitatampok nitong nagdaan na mga taon, nagwagi
man o hindi ay naisulat ng mga batang manunuri. Ito ay mainam sapagkat lalo pang maipalalaganap at
maipababatid sa mga madla ang ganitong konsepto ng panitikan dahil sa magkakaibang pananaw ng mga
beterano at bagong dugo na mga manunuri.

You might also like