Filipino10q2 L5M5
Filipino10q2 L5M5
Filipino10q2 L5M5
Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 5
(Linggo 5)
Nobela Mula sa Estados Unidos at Panunuri
o Suring Basa
0
Panimula
Mula sa matagumpay mong paglalakbay sa mundo ng dagli, tutungo ka naman
ngayon sa masalimuot ngunit kapana-panabik na yugto ng nobela sa Estados Unidos.
Ang araling ito ay naglalaman ng isa sa obra maestrang nobela ni Ernest
Hemingway na pinamagatang “The Old Man and the Sea”. Isinalin naman ito sa Filipino ni
Jesus Manuel Santiago na pinamagatang “Ang Matanda at Ang Dagat”. Bahagi rin ng
aralin ang patungkol sa pagbibigay ng puna o panunuring pampanitikan.
SUBUKIN
Bago mo simulang pag-aralan ang paksa ngayong linggo, sagutin mo muna ang
paunang pagtataya.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa isang
buong papel.
1. Isang uri ng panitikan na binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-
kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao.
A. epiko C. anekdota
B. nobela D. maikling kuwento
2. Isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining. Ito’y
isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao, ang kaniyang anyo, ugali, kilos, paraan
ng pagsasalita at maging ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at sa
lipunang kinabibilangan.
A. suring basa C. pagbubuod
B. paglalagom D. pagbabanghay
1
Para sa aytem bilang 5-6
1.) “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. 2.) “Maaaring wasakin ang
isang tao pero hindi siya magagapi.” 3.) Nagsisisi ako na napatay ko ang isda,
sa loob-loob niya. 4.) Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man
lang akong salapang. 5.) Malupit ang dentuso at may kakayahan, malakas at
matalino. 6.) Pero mas matalino ako kaysa kaniya. 7.) Siguro’y hindi, sa loob-
loob niya. 8.) Siguro’y mas armado lang ako.
-Ang Matanda at Ang Pating
2
B. Pagiging determinado
C. Pagpapakita ng katapangan
D. Lahat ng nabanggit
11. Dalawang oras na siyang naglalayag, nagpapahinga sa popa at paminsan minsa’y
ngumunguya ng kapirasong karne ng marlin, nagsisikap na magpahinga at
magpalakas, nang makita niya ang una sa dalawang pating. Ano ang ibig sabihin ng
salitang may salungguhit?
A. unahang bahagi ng sasakyang pandagat
B. likurang bahagi ng isang sasakyang pandagat
C. matatagpuan sa gilid na bahagi ng sasakyang pandagat
D. matatagpuan sa gitnang bahagi ng sasakyang pandagat
12. “Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakaw na sabi ng matanda. Tinangay nito
ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at nagdurugo ngayon ang isda
ko at marami pang susunod. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. sibat C. kutsilyo
B. martilyo D. espada
13. Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. Magpatuloy ka sa paglalayag at
harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita ng ______________.
A. pagdamay C. determinasyon
B. kasipagan D. pagtanaw ng utang na loob
14. ‘Malupit ang dentuso, at may kakayahan, malakas at matalino.” Ano ang kahulugan
ng salitang may salungguhit?
A. bangka C. pating
B. daluyong D. salapang
15. “Huwag kang mag-isip tanda,” malakas niyang sabi sa sarili. ‘Magpatuloy ka sa
paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita ng
anong tunggalian?
A. tao laban sa tao C. tao laban sa lipunan
B. tao laban sa sarili D. tao laban sa kalikasan
ALAMIN
3
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakapagsusuri ng nobela sa pananaw realismo o alinmang angkop na pananaw o
teoryang pampanitikan;
2. nakapaghahambing ng akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na elemento
nito;
3. nakapagbibigay kahulugan sa mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit
sa panunuring pampanitikan; at
4. nakapagbubuo ng sariling wakas sa napanood na bahagi ng teleserye na may paksang
kaugnay sa binasa;
BALIKAN/ PAGGANYAK
Batay sa iyong nalalaman, subukin mong isulat ang hinihingi sa dayagram kaugnay ng araling
iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-aalala, ito’y pag-alam lamang kung gaano na ang iyong
kaalaman tungkol sa pag-aaralan natin. Ilagay ito sa isang buong papel at gayahin ang pormat
na nasa ibaba.
Ano ang nobela?
ALAM MO BA NA…
ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang
tuluyan? Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari
ng buhay ng tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin
at kamalayan ng mga mambabasa.
Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kuwento,
iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento
ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito
ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura
ng bawat bansang pinanggalingan nito.
4
Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang sumusunod:
a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, b.) pagsaalang-alang sa
kailangang kaasalan, c.) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin, d.) pumupuna sa lahat ng
larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon, e.) malikhain
at dapat may maguniguning paglalahad, at f.) nag-iiwan ng kakintalan. Narito ang mga
elemento na dapat isaalang-alang sa isang nobela.
ELEMENTO NG NOBELA
a. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
b. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela
c. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
d. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
Una-kapag kasali ang may-akda
Pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap
Pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
e. Tema - paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela
f. Damdamin- nagbibigay-kulay sa mga pangyayari
g. Pamamaraan - estilo ng manunulat/awtor
h. Pananalita- diyalogong ginamit
i. Simbolismo - nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at
pangyayari
Mas nagiging mabisa rin ang isang nobela kung ang mga mambabasa ay may
malalim na pag-unawa sa panitikan. Narito ang ilan sa mga teoryang pampanitikan na
maaaring lumutang sa anumang akda.
MGA TEORYA NG AKDANG PAMPANITIKAN
a. Realismo- matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan para
higit nitong mapaunlad ang lipunan
b. Humanismo- binibigyang diin ang tungkol sa pagiging marangal ng tauhan
c. Naturalismo- kung pinapahatid ng awtor sa pamamagitan ng mga pangyayari sa
buhay ng tauhan na ang kapalaran ay bunga ng kultura at heredity at hindi sa
pamamagitan ng kaniyang sariling pagpili
d. Eksistensiyalismo- kung ipinakita at mas lumutang na ang naganap sa buhay ng
tauhan, mga pangyayari ay bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala
siya na ang isa sa dahilan ng existence ng tao sa mundo ay hubugin ang sarili
niyang kapalaran.
Sa tulong ng mga impormasyong nalaman mo tungkol sa nobela, naniniwala ako na
nadagdagan ang iyong kaalaman sa pag-unawa sa aralin. Ngayon, tunghayan mo na ang
sumusunod na bahagi ng nobelang isinulat ni Ernest Hemingway sa Cuba noong 1951 at
inilabas taong 1952. Nanalo ng Pulitzer Prize for Fiction (1953) at Noble Prize (1954). Ito ang
kahuli-hulihang nobela na nailimbag ni Hemingway.
Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa tubig-alat
at sinikap na linawin ang kaniyang isip. Mataas ang cumulus clouds at may sapat na cirrus sa
ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ang simoy sa buong magdamag.
Palaging tinitingnan ng matanda ang isda para makatiyak na totoo ito. Isang oras ito bago
5
siya unang dinunggol ng pating.
Hindi aksidente ang pating. Pumaibabaw siya mula sa kalaliman ng tubig habang
tumitingin at kumakalat ang maitim na ulap ng dugo sa dagat na isang milya ang lalim.
Napakabilis niyang pumaimbabaw at walang kaingat-ingat na binasag ang rabaw ng asul na
tubig at nasinagan siya ng araw. Pagkaraa’y bumalik siya sa tubig at sinundan ang amoy at
nagsimulang lumangoy patungo sa direksyon ng bangka at ng isda.
Kung minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya itong muli, o kahit
bahagyang-bahagya lang ng amoy nito, at mabilis at masigla siyang lalangoy para sundan ito.
Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang katawan ay sadyang para lumangoy na
kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat at napakaganda ng kaniyang kabuuan maliban
sa kaniyang panga. Kasing asul ng isdang-espada ang kaniyang likod, at pilak ang tiyan, at
madulas at makisig ang kaniyang balat. Kahawig siya ng espada maliban sa kaniyang
dambuhalang panga na nakatikom ngayon habang matulin siyang lumalangoy, halos nasa
rabaw, parang kutsilyong humihiwa sa tubig ang mataas niyang palikpik sa likod. Sa loob ng
sarado niyang panga, nakahilig paloob ang kaniyang walong hanay na ngipin. Hindi siya
katulad ng karaniwang hugis-piramidong ngipin ng karamihang pating. Kahugis sila ng mga
daliri ng tao kapag nakabaluktot na parang sipit. Kasinghaba sila halos ng mga daliri ng
matanda at sintalas ng labaha ang talim sa magkabilang gilid. Ito ang isdang nilikha para
manginain sa lahat ng isda ng dagat, napakabilis at napakalakas at armadong-armado kaya
wala silang sinumang kaaway. Binilisan pa niya ngayon nang malanghap ang mas sariwang
amoy at humiwa sa tubig ang kaniyang asul na palikpik sa likod.
Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating na walang takot
at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda niya ang salapang at hinigpitan ang lubid
habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng pating. Maigsi ang lubid dahil binawasan niya
ito ng ipinangtali sa isda.
Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang pasiya pero halos
walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal sana ang katinuang ito. Pinagmasdan niyang
maigi ang malaking isda habang pinanonood ang paglapit nito. Mas mabuti pang naging isang
panaginip lang ito, sa loob-loob niya. Hindi ko siya mapipigil sa pag-atake sa akin pero baka
makuha ko siya. Dentuso, sa loob-loob niya. Malasin sana ang nanay mo.
Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda, nakita ng
matanda ang pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata at ang lumalagatok na
pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng buntot.
Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at lumilitaw ang likod at naririnig ng matanda ang ingay
ng balat at lamang nalalaslas sa malaking isda nang isalaksak niya ang salapang sa ulo ng
pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng mga mata at ang guhit ng ilong. Walang gayong
mga guhit. Ang naroon lamang ay ang mabigat at matulis na ulong asul at ang malalaking
mata at ang lumalagutok, umuulos, nanlalamong mga panga. Pero ang kinalalagyan ng utak
ang napuruhan ng matanda. Inulos niya ito ng mahusay na salapang na ubos-kayang ipinukol
ng kaniyang kamay na nanlalagkit sa dugo. Inulos niya ito nang walang pag-asa pero may
katatagan ng pasiya at lubos na hangaring maminsala.
Kumampay ang pating at nakita ng matanda na walang buhay ang mga mata nito at
muli itong kumampay, at napuluputan siya ng dalawang ikid ng lubid. Alam ng matandang
patay na pero hindi ito matanggap ng pating. Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang
buntot at lumalagutok ang mga panga, sinuyod ng pating ang tubig tulad sa paghaginit ng
isang speedboat. Puti ang tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at tatlong sangkapat ng
katawan ang nakaangat sa tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka nalagot. Saglit na
humigang tahimik sa ibabaw ng tubig ang pating at pinanood siya ng matanda. Pagkaraa’y
dahan-dahan itong lumubog.
“Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda. Tinangay nito
ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at nagdurugo ngayon ang isda ko at
marami pang susunod.
Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang sagpangin ang
isda, para siya rin ang nasagpang.
Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang
pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita na ako ng malalaki.
6
Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana’y isa lang itong
panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa akong nakahiga sa mga
diyaryo.
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao
pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob- loob niya. Parating
na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso,
at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y
hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.
“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag
at harapin ang anumang dumating.”
Pero dapat akong mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang natitira sa akin. Iyon
at ang beisbol. Ewan ko kung magugustuhan ng dakilang DiMaggio ang pagkakaulos ko sa
kaniya sa utak. Walang bagay ‘yon, sa loob-loob niya. Kayang gawin iyon ng kahit sino. Pero
sa palagay mo ba’y malaking partida ang mga kamay ko kaysa mga taring buto? Hindi ko
malalaman. Hindi ako nagkaroon kahit kailan ng sugat sa aking sakong maliban noong
minsan na nakagat ito ng page nang matapakan ko siya nang lumalangoy at naparalisa ang
ibabang binti at kumirot nang napakatindi.
“Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat sandali’y papalapit
ka na sa bahay. Mas magaan ngayon ang paglalayag mo dahil sa pagkawala ng kuwenta
libras.”
Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari pagsapit niya sa panloob na
bahagi ng agos. Pero wala nang magagawa ngayon.
“Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang aking lanseta sa
puluhan ng isang sagwan.”
Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag.
“Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong armas.”
Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan niya ang bungad
na bahagi ng isda at bumalik nang bahagya ang kaniyang pag-asa.
Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa’y naniniwala akong
kasalanan ‘yon. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan, naisip niya. Marami nang
problema ngayon kahit walang kasalanan. T’saka hindi ko ito naiintindihan.
Hindi ko iyon naiintindihan at hindi ko sigurado kung naniniwala ako roon. Kasalanan
sigurong patayin ang isda. Iyon ang palagay ko kahit na ginawa ko iyon para ako mabuhay
at mapakain ang maraming tao. Pero lahat naman ay kasalanan. Huwag kang mag-isip
tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan at may mga taong binabayaran para
gawin iyon. Hayaan mong sila ang mag-isip tungkol doon. Isinilang ka para maging isang
mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para maging isang isda. Mangingisda si San
Pedro at gayundin ang ama ng dakilang DiMaggio.
Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan niya at nang
husto at nag-isip siya nang nag-isip tungkol sa kasalanan. Hindi mo pinatay ang isda para
lamang mabuhay ka o para ibenta bilang pagkain, sa loob-loob niya. Pinatay mo siya dahil
sa iyong dangal at dahil isa kang mangingisda. Minahal mo siya noong siya’y buhay pa at
minahal mo siya pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi kasalanang patayin mo siya. O mas
malaking kasalanan ‘yon?
“Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi.
Pero tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya. Nabubuhay siya sa buhay
na isda, tulad mo. Hindi siya isang tagahalungkat ng basura o isa lamang gumagalang gutom
tulad ng ilang pating. Maganda siya at marangal at walang kinakatakutan.
“Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng matanda. “At
pinatay ko siyang mahusay.”
Bukod pa, naisip niya, pinapatay naman ng lahat ang isa’t isa, kahit paano. Kung
paano ako pinapatay ng pangingisda, gayon din niya ako binubuhay. Binubuhay ako ng bata,
sa loob-loob niya. Hindi ko dapat masyadong linlangin ang aking sarili.
Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa pinagkagatan ng
pating. Nginuya niya ito at napansin niya ang kalidad at sarap ng lasa nito. Matigas ito at
makatas, parang karne, pero hindi ito pula. Hindi ito mahilatsa at alam niyang mataas ang
magiging presyo nito sa palengke. Pero hindi matatanggal ang amoy nito sa tubig at alam ng
matanda na may dumating na malaking kamalasan.
7
Panatag ang simoy. Medyo umatras ito sa may hilagang silangan at alam niya ang
ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa malayo ang matanda pero wala siyang
makitang mga layag at wala na rin siyang makitang ni balangkas o usok ng anumang bangka.
Ang naroon lamang ay ang isdang-lawin na patalon-talon sa magkabilang gilid ng kaniyang
prowa at ang mga dilaw na kumpol ng damong gulpo. Ni wala siyang makitang isa mang
ibon.
Dalawang oras na siyang naglalayag, nagpapahinga sa popa at paminsan-minsa’y
ngumunguya ng kapirasong karne ng marlin, nagsisikap na magpahinga at magpalakas,
nang makita niya ang una sa dalawang pating.
“Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at marahil ay isa lamang
itong ingay na magagawa ng gayong tao, hindi sinasadya, na nakararamdam sa pagbutas
ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos nito sa kahoy.
“Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng
pangalawang palikpik sa likuran ng una at natukoy niya na ang mga ito ay pating na hugis-
pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis-tatsulok na palikpik at sa pahalihaw na galaw ng
buntot. Naamoy nila at tuwang-tuwa sila at sa kagunggongan ng kanilang matinding gutom,
naiwawaglit nila at natatagpuan ang amoy sa kanilang katuwaan. Pero palapit sila nang
palapit.
Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at isinisiksik ang timon. Pagkaraa’y kinuha
niya ang sagwang tinalian niya ng lanseta. Maingat na maingat niyang binuhat ito dahil
nagpupuyos sa sakit ang kaniyang mga kamay. Pagkaraa’y ibinukas-sara niya ang mga ito
roon upang lumuwag sila. Isinara niya nang mahigpit para matiis ang sakit at huwag mamilipit
at pinagmasdan niya ang pagdating ng mga pating. Nakikita niya ngayon ang kanilang
malapad, sapad, hugis-palang mga ulo at ang kanilang malalapad, puti ang dulong palikpik
sa dibdib. Sila ay mga kamuhi-muhing pating, masama ang amoy, tagahalukay ng basura at
mamamatay, at kapag sila’y gutom, kinakagat nila ang sagwan o katig ng isang bangka. Ang
mga pating na ito ang pumuputol sa paa at kampay ng mga pagong kapag nakakatulog sa
ibabaw ang mga pagong, at nanagpang sila ng taong nasa tubig, kung sila’y gutom, kahit
hindi amoy dugo ng isda o malansa ang tao.
“Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.”
Dumating sila. Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa at naglaho sa
paningin sa ilalim ng bangka at naramdaman ng matanda na naalog ang bangka habang
kumikislot siya at hinihila ang isda. Pinanood ng isa ang matanda, naningkit ang dilaw na
mga mata, at sinagpang ng kaniyang panga ang isda sa dakong nakagat na. Kitang-kita ang
guhit sa ibabaw ng kaniyang kayumangging ulo at likod na hugpungan ng utak at gulugod at
inulos ng matanda ang lanseta sa sagwan.
Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang pating at
binitiwan ng matanda ang layag para makabaling ang bangka at mapalitaw ang pating mula
sa ilalim. Pagkakita niya sa pating, dumukwang siya sa gilid at hinambalos ito. Laman lamang
ang tinamaan niya at matigas ang balat at hindi niya halos naibaon ang lanseta. Hindi lamang
ang kaniyang mga kamay ang nasaktan sa kaniyang pag- ulos kundi pati ang kaniyang mga
balikat. Pero mabilis na pumaimbabaw ang pating, una ang ulo, at tinamaan ito ng matanda
sa gitnang-gitna ng sapad na ulo habang lumilitaw sa tubig ang nguso at inginasab sa isda.
Hinugot ng matanda ang talim at muling inulos sa dating lugar ang isda. Nakakapit pa rin
siya sa isda, sarado ang panga, at sinaksak ito ng matanda sa kaliwa nitong mata.
Nakapangunyapit pa rin doon ang pating.
“Hindi pa rin?” sabi ng matanda at inulos niya ang patalim sa pagitan ng gulugod at utak.
Madali na ngayon ang ulos na iyon at naramdaman niyang napatid ang litid. Binaligtad ng
matanda ang sagwan at isiningit ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit niya
ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit niya ang talim at habang dumadausdos
ang pating, sabi niya, “Sige, galanos. Dumausdos ka nang isang milya ang lalim. Sumige ka
at katagpuin ang iyong kaibigan, o baka iyon ang iyong ina.”
Pinunasan ng matanda ang talim ng kaniyang lanseta at inilapag ang sagwan.
Pagkaraa’y nakita niyang lumulobo ang tela at layag at ibinalik niya ang bangka sa dating
paglalayag.
May sangkapat niya siguro ang natangay nila at ang pinakamahusay na laman,”
malakas niyang sabi. “Sana’y panaginip lang ito at hindi ko sana siya nabingwit kailanman.
Ikinalulungkot ko, isda. Dahil doo’y mali ang lahat.
8
Tumigil siya at ayaw na niyang tingnan ang isda ngayon. Said na ang dugo at
lulutang-lutang, kakulay siya ng pilak na likod ng salamin at nakikita pa rin ang kaniyang mga
paha.
“Hindi ako dapat nagpakalaot-laot, isda” sabi niya. “Hindi para sa iyo o para sa akin.
Ikinalulungkot ko, isda.”
Ngayon, sabi niya sa sarili. Tingnan mo ang pagkakatali ng lanseta at tingnan mo
kung nalagot. Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong kamay dahil marami pang darating.
“Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda matapos tingnan
ang tali sa puluhan ng sagwan. “Dapat akong nagdala ng bato.” Marami kang dapat dinala,
sa loob-loob niya. Pero hindi mo dinala, tanda. Hindi ngayon ang oras para isipin kung ano
ang wala ka. Isipin mo kung ano ang magagawa sa kung ano ang naririyan.
“Sobra kang magpayo ng mabuti,” sabi niyang malakas. “Sawa na ko r’on.” Kinipit
niya ang timon at ibinabad ang dalawang kamay sa tubig habang umuusad ang bangka.
“Alam ng Diyos kung gaano ang nakuha ng huling iyon,” sabi niya. “Pero hamak na
mas magaan siya ngayon.” Ayaw niyang isipin ang nagkagutay-gutay na tiyan ng isda. Alam
niyang sa bawat pakislot na bunggo ng pating ay napipilas ang karne at ngayo’y sinlapad ng
haywey sa dagat ang nalilikhang bakas ng isda na pagsusumundan ng lahat ng pating.
Mairaraos ng isang tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa loob-loob niya. Huwag
mong isipin iyan. Magpahinga ka lang at ihanda ang mga kamay mo para sa ipagtanggol
ang nalalabi sa kaniya. Balewala na ang amoy ng dugo sa mga kamay ko ngayong
nangangamoy ang buong dagat. Bukod pa’y hindi na sila gaanong nagdurugo. Walang
anumang sugat na dapat ikabahala. Baka makatulong pa ang pagdurugo para huwag
pulikatin ang kaliwa.
Ano pa ba ang puwede kong isipin ngayon? Naisip niya. Wala. Wala akong dapat
isipin at hintayin ang mga susunod pa. Sana nga’y panaginip lang iyon, sa loob- loob niya.
Pero sino ang makapagsasabi? Baka naman mapaigi pa ‘yon.
1. Balikan ang tauhan sa nobelang binasa. Isa-isahin ang mga kilos o gawi, paniniwala at
saloobing taglay nito na maaaring gawing huwaran tungo sa mabuting pamumuhay. Ihanay
9
ang sagot sa talahanayan sa ibaba.
SURIIN/TALAKAYIN
ALAM MO BA NA…
litaw na litaw sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ang pananaw Realismo,
Humanismo, Naturalismo at Eksistensiyalismo?
10
GAWAIN 4: SURIIN MO
PANUTO: Nailahad ba nang tiyak ang mga pangyayari sa nasabing nobela? Suriin ang mga
elementong taglay nito. Sundin ang pormat sa ibaba at ilagay ang iyong sagot sa isang buong
papel.
Pamagat ng Nobela
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Pananaw
Tema
Damdamin
Estilo/Pamamaraan
Pananalita
Simbolismo
ISAISIP
TANDAAN!
Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na malinaw na nagsasalamin sa totoong
pangyayari sa buhay ng tao, kagaya ng karakter ni Santiago sa nobelang “Ang Matanda
at Ang Dagat”. May iba’t ibang teoryang pampanitikan sa pagsusuri ng isang akda gaya
ng Realismo, Naturalismo, Humanismo at Eksistensiyalismo. At nakatutulong ang mga ito
para lalong mapagyaman ang ating mga akdang pampanitikan.
ISAGAWA
Narito ang halimbawa ng sipi ng isang suring basa. Basahin mo ito nang may pag-unawa.
Lumabas sa unang pagkakataon bilang isang serye sa mga pahina ng Liwayway Magazine
ang nobelang “Sa Mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo M. Reyes. Isinasalaysay nito ang
buhay pakikipagsapalaran nina Julio at Ligaya na kapwa galing probinsiya. Kinakatawan nila
ang libo-libong kapuspalad na nakikipagsapalaran sa Maynila.
11
posibilidad na siya ay makapag-aral pa at makapagpadala ng kaunting tulong sa naiwan
niyang mga magulang at kapatid. Pagkalipas ng ilang panahon na hindi nakapagpadala ng
sulat si Ligaya sa kaniyang mga magulang at pati na rin kay Julio, naisip nito na sundan sa
Maynila si Ligaya upang hanapin.
Sa paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod. Tulad ng
ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya sa mga naggagandahang liwanag ng
Kamaynilaan.
Totoong may nilalaman ang pagkakasulat ng Sa Mga Kuko ng Liwanag. Ang mga
simbolong tulad ng gusali na unti-unting nagagawa mula sa mga sangkap o materyales nito
na bakal, graba at semento, na sa bandang huli ay magiging mistulang panginoon pa ng mga
kamay at katawang humugis dito. Ang alamat ng esterong walang nagmalasakit na tandaan,
na sa kaitiman ay maaaring nagsisimbolo na rin mismo sa kaibuturan ng lungsod.
Tunay na nahuli ng nobela ang ingay at kalaswaan ng Maynila. Talagang tugma ang
pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari at tauhang mapupuntahan, mararanasan at
makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito sa mambabasa ang isang makatotohanang
buhay sa lungsod ng mga pangarap at kasawian.
Kung babasahin muli ang nobela, maiisip na maaari pa ring mangyari ang kuwento
nito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lamang ang mga pangalan ng kalye sa mga
kasalukuyang pangalan nito, bigyan lang ng cellphone sina Mister Balajadia at Misis Cruz,
gawin lang mas moderno ang tindahan ni Ah Tek, pasakayin lang kahit minsan si Julio sa
LRT at iba pa. Sa tingin ko pa nga, kung may makakaisip mang gawin muling pelikula ang
librong ito, magiging swak pa rin ito sa panlasa ng masa.
Kung lubog man sa dumi at alikabok ang Maynilang inilarawan sa nobela, mayroon
pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang mga nakilala ni Julio na
mabubuting tao, kapos man sila sa mismo sa materyal na mga bagay at kahit hindi nila halos
maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-araw nilang pangangailangan, nagagawa pa
rin nilang magbigay ng tulong at kabaitan kay Julio.
Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng lipunan ang
nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ipinapakita nito sa
mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkakasulat,
wala kang magagawa kundi harapin at tanggapin ito.
Totoo na malungkot mang isipin, kuwento ito ng libo libong Julio at Ligayang
ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buhay sa
probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging mahirap pa.
Makatotohanan ito sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa realidad ng
lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang sitwasyon ng mga
manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang tagalungsod,ang
diskriminasyon ng ilang tao at ang bulok na sistema na nagpapatakbo rito.
Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa katauhan ni Julio
at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari sa kaniya. Hindi siya walang-
kibong biktimang nagpapadala lamang sa kaniyang kapalaran. Hindi siya ang taong tama at
wasto lamang ang gagawin ano pa man ang mangyari sa kaniya. Hindi si Ibarra si Julio na
iniinda lamang ang mga kasamaang idinudulot sa kaniya ng kaniyang mga kaaway. Ngunit
hindi rin naman siya si Simoun na naniniwalang na kasamaan din ang dapat iganti sa
kaniyang mga kaaway. Sa huli,sabi nga ng may-akda, paano mo mamahalin ang isang tulad
ni Julio? Ano ang karapat-dapat na redemption niya sa bandang huli? At ano ang kabuluhan
at kahulugan ng kaniyang kinasapitan?
Maaaring hindi intensiyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na iyan.
Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng realidad ang kaniyang
nobela. Ipinauubaya niya marahil sa ating ang paghahanap ng mga sagot, ang pagbibigay
ng kabuluhan at kahulugan sa nasabing realidad. Hindi man nito tuwirang sinasabi, maaaring
inaanyayahan nito palawakin ng mambabasa ang kaniyang kamalayan sa realidad na ito at
harinawa, sabayan ng pagkilos.
12
GAWAIN 5: PAKIKIPAGKAPWA-TEKSTO
Panuto: Tukuyin kung anong angkop na teoryang pampanitikan ang makikita sa nobelang
“Maynila sa Kuko ng Liwanag” na ginawa ring pelikula. Pumili ng isa sa apat na teoryang
natalakay at isa-isahin ang patunay ng kaangkopan nito. Ihambing rin ang nobelang ito sa
“Ang Matanda at Ang Dagat” batay sa tatlong tiyak na elemento ng nobela. Kopyahin ang
pormat at ilagay ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
Teoryang Pampanitikan
Paghahambing
Isagawa mo ang book review (suring basa) sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat”
batay sa sumusunod na pamantayan:
a. kabuluhan ng nilalaman at lalim ng mga pananaw;
b. lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan;
c. pagsasaalang-alang ng mga elemento ng panunuring pampanitikan; at
d. gumagamit ng angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring basa o
panunuring pampanitikan.
13
TAYAHIN
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem at isulat ang
sagot sa hiwalay na sagutang papel.
Panuto: Tukuyin kung anong teoryang pampanitikan ang mailalapat mula sa mga napiling
pahayag sa akdang Ang Matanda at ang Dagat. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Eksistensyalismo
B. Humanismo
C. Naturalismo
D. Realismo
2. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero
hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob- loob niya.
3. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at
harapin ang anumang dumating.”
4. Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating na walang takot
at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin.
5. Nakakapit pa rin siya sa isda, sarado ang panga, at sinaksak ito ng matanda sa kaliwa
nitong mata. Nakapangunyapit pa rin doon ang pating. Ang pahayag ay nagpapakita ng
anong tunggalian
A. tao laban sa tao C. tao laban sa lipunan
6. ‘Malupit ang dentuso, at may kakayahan, malakas at matalino.” Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
A. bangka C. pating
B. daluyong D. salapang
14
8. Mas mabuti pang naging isang panaginip lang ito, sa loob-loob niya. Hindi ko siya
mapipigil sa pag-atake sa akin pero baka makuha ko siya. Dentuso, sa loob-loob
niya. Malasin sana ang nanay mo.
A. banghay C. kariktan
B. tauhan D. tagpuan
1.) “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. 2.) “Maaaring wasakin ang
isang tao pero hindi siya magagapi.” 3.) Nagsisisi ako na napatay ko ang isda,
sa loob-loob niya. 4.) Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man
lang akong salapang. 5.) Malupit ang dentuso at may kakayahan, malakas at
matalino. 6.) Pero mas matalisno ako kaysa kaniya. 7.) Siguro’y hindi, sa loob-
loob niya. 8.) Siguro’y mas armado lang ako.
-Ang Matanda at Ang Pating
11. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa mga pahayag sa kahon?
A. mabait C. maaalalahanin
B. mabuti D. mapagpahalaga
12. Ang mga sumusunod ay mga katangiang taglay ng nobela MALIBAN SA ISA:
15
D. matatagpuan sa gitnang bahagi ng sasakyang pandagat
14. Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. Magpatuloy ka sa paglalayag at
harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita ng ______________.
A. pagdamay C. determinasyon
B. kasipagan D. pagtanaw ng utang na loob
D. Mabilis na nakalipat sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang ang isda, Nakita
ng matanda ang pagbuka ng bunga nga at kakatwa nitong mata at ang lumalagatok
na pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng
buntot.
Sanggunian:
Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
16
17
(NOTE: Ang mga sagot sa ibang gawain ay nakadepende na sa guro.)
TUKLASIN (GAWAIN 2: PAGLINANG NG TALASALITAAN)
1. sibat
2. pating
3. matalo
4. unahang bahagi ng bangka
5. likurang bahagi ng bangka
BALIKAN/PAGGANYAK
(GAWAIN 1: ANG AKING KAALAMAN, HANGGANG SAAN?)
*Ano ang nobela?
-ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan.
Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng
buhay ng tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin
at kamalayan ng mga mambabasa.
*Paano ito lumaganap sa mga bansang kanluranin?
- Lumaganap ang nobela sa kanluran sa pamamagitan ng saling-akda. Ang saling-akda
ay ang pagsulat muli ng kuwento na orihinal na isinulat ng ibang tao.
Nagpasalin-salin ang pagsulat ng nobela sa iba't-ibang lugar sa kanluran na kadalasan
ay binigigyan ng ibang interpretasyon at lalong pinapalawig ang kuwento. Nagbigay ito
ng inspirasyon sa mga Kanluranin na gamitin ang kanilang imahinasyon sa
pamamagitan ng paggawa ng kuwento na kathang-isip lamang ngunit isinulat ng may
pag-iingat upang maiparating ang mensahe ng may akda sa kanyang mga mambabasa.
Isa sa mga pinakaunang porma ng nobela ay makikita sa maraming lugar at kalimita'y
makikita sa panahong klasikal ng Roma, 10-11 siglo sa Japan at panahong Elizabethan
ng England, Ang mga nobelang kanluranin at mga nobelang European ay nagmula
kay Don Quixote noong 1605.
*Ihambing ang nobela sa iba pang akdang pampanitikan.
-Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kuwento,
iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling
kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring
isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at
naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito.
(maaari ring ihambing ang nobela sa iba pang akdang pampanitikan na nasa anyong
tuluyan)
MODYUL 5/LINGGO 5
IKALAWANG MARKAHAN
BAITANG 10
SUSI NG MGA SAGOT