SLM ESP 8 12.a Quarter 4 Week 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 12.A
Katapatan sa Salita at Gawa
(Linggo: Una)

i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong
Baitang Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 12.A: Katapatan sa Salita at Gawa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lucili Baliola Pis-an


Editor: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagasuri: Florence A. Casquejo Lorna R. Renacia
Tagaguhit: Elmar L. Cabrera
Tagalapat: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed. D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]

i
Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Nakikilala ang: a. kahalagahan ng katapatan, b. mga paraan ng pagpapakita ng


katapatan, at c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
EsP8PBIIIg-12.1

Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan.


EsP8PBIIIg-12.2

Mga Layunin:

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang
modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

Kaalaman : Natutukoy ang mga paraan ng pagpapakita ng katapatan sa


salita

Saykomotor : Nakapagtala ng pansariling kuwento ng katapatan sa salita

Apektiv : Napapahalagahan ang pagiging tapat sa salita

1
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik
ng pinakatamang sagot.
1. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit.
Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga
kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa
kaniya na isang magaling na mag-aaral?
a. Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
b. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral
c. Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan
d. Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral

Para sa bilang 2-5. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay
ng mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa
sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o
maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao

2. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman
totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa
huli.

3. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa


panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala
na magpapanggap na magulang niya.

4. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na


nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap
at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya
na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

5. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan.
Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan
dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa
pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na
pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang

2
magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng
proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong
kaibigan.

6. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban


sa: a. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
b. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng
seguridad at kapayapaan ng kalooban.
c. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao hindi
upang masisi, maparusahan at masaktan.
d. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para
lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.

Para sa bilang 7-10. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa


katotohanan ang ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na
sagot mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

7. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang
lugar kung nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.

8. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan


ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi
siya papayagan ng mga ito.

9. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto
siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-
isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang
kahulugan.

10. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin
para sa kaniyang mga magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas
ipinararamdam na lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong sa
halip na sabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman

3
Balikan

Panuto: Basahin ang mga tanong sa loob ng kahon at punan ng tamang sagot ang
patlang.

Pamilyar ba kayo sa kuwento ni Pinocchio? Ano ang dahilan sa paghaba ng


kanyang ilong? Ano ang ginawa niya na naging dahilan sa lalong paghaba ng
kanyang ilong ?
Sagot: ________________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang tula. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na
tanong sa ibaba.

Mabuting Maging Pango kaysa Maging Pinokyo


Ni: Gregorio Bituin Jr.

Mabuting maging pango


kaysa maging Pinokyo
Tulad nya’y hunyango
sinungaling na’t lilo

Pag humaba ang ilong


utak na’y urong-sulong
Salitang dugtong-dugtong
nangangamoy kabaong

Kay Pinokyo’y mag-ingat


Wika nya’y di tapat
Ang isip mo’y imulat
At baka ka masilat

Ah, mabuti pa ang pango


kaysa maging Pinokyo

4
Gabay na tanong:
1. Ano ang ipinapahiwatig ng tula?
2. May kakilala ka bang ganito ang ipinapakitang pag-uugali? Paano mo sila
pinakikisamahan?

Suriin

Aralin
Katapatan sa Salita at Gawa
12.a
Katapatan sa Salita at sa Gawa (Totoo ba? Talaga?)

Nakaranas ka na bang lumikha ng kuwento sa harap ng iyong mga kaibigan?


Habang ibinibahagi mo ito sa kanila, marahil labis ang nararamdaman mong
kagalakan dahil nakikita mong naniniwala sila sa lahat ng iyong sinasabi. Nakukuha
mo ang kanilang pansin, ang kanilang paghanga. Ang mga ganitong pangyayari ang
patuloy na nagtutulak sa iyo upang gawin ito nang paulit-ulit, hanggang sa ito ay iyo
nang makasanayan. Isa itong hindi magandang palatandaan. Ang hindi pagsasabi
ng totoo o panloloko ng kapwa ay parang isang bisyo. Kapag ito ay paulit-ulit na
isinagawa, nagiging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay at magiging mahirap na
para sa iyo na ito ay maialis sa iyong sistema. Ito ay isa lamang sa mga halimbawa
ng mga nakaaalarmang sitwasyon lalo ng mga kabataan sa kasalukuyan.

May isang islogan nga mula sa isang social networking site sa internet na tunay na
nakaaagaw ng pansin ang naglalaman ng ganito: “Teachers call it cheating. We call
it teamwork”. Malikhain ang pagkakagawa nito ng isang mag-aaral sa hayskul. Ang
pangongopya sa klase sa oras ng pagsusulit o ng mga takdang-aralin ay isa ng
lumalalang suliranin, hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo. Ito ay
nakaaapekto, hindi lamang sa taong nangongopya kundi mas higit sa mga taong
napipilitang makibahagi sa maling gawaing ito. Sa labis na pagiging laganap ng
gawaing ito, hindi na kinikilala ng mga mag-aaral na mali ito. Labis na nakagugulat at
nakalulungkot kung paano binibigyang-katwiran ng mga kabataan sa kasalukuyan
ang kanilang mga pagkakamali. Ginagawa nilang tama ang mali at ang mali ay
ginagawang tama.

Marahil, mula ng ikaw ay nasa elementarya hanggang sa kasalukuyan naririnig mo


ang mga katagang “Honesty is the best policy.” Mula pa sa simula ay itinatanim na
5
ito sa isipan ng isang bata upang kaniyang isabuhay. Ngunit sa kabila nito, parami pa
rin nang parami ang bilang ng mga kabataan na para bang napakadaling paglaruan
ang isip at damdamin ng kanilang kapwa sa kanilang mga kasinungalingan. Sabi nga
ng marami, sa panahong ito, napakahirap malaman kung ano at sino ang
paniniwalaan, kung sino ang may kredibilidad at katiwa-tiwala. Minsan tuloy, hindi
maiwasang maitanong, mahirap nga ba ang pagyakap sa tama at totoo?

Katapatan sa Salita

Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan.


Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at
madalas na inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Ang
pagsisinungaling ay pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang
pagsisinungaling ay ang pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang taong may
karapatan naman dito. Hindi kailanman binigyan ng karapatan ang sinumang ipagkait
ang katotohanan lalo na kung karapatan naman niya na ito ay malaman. Anumang
uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan. Ayon sa isang
artikulo mula sa internet ang sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng pagsisinungaling.

A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).


Madalas na nagagawa ito para sa isang taong mahalaga sa kaniyang buhay.
Halimbawa, pumunta kayo sa isang pagdiriwang sa kaarawan ng isang kaklase
kasama ang inyong ibang mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga
magulang ang iyong matalik nakaibigan dahil alam niya na hindi naman siya
papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo
namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit
na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang
sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo
ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan. Sa maraming pagkakataon,
hindi man natin ninanais, hindi natin mapabayaan ang taong mahalaga sa atin kung
kaya napipilitan tayong magsinungaling para sa kanila.

B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o


maparusahan (Self-enhancement Lying). Marahil naoobserbahan mo ang ilang mga
kaklase na nakagawa ng pagkakamali sa paaralan. May mga pagkakataon na
ipinatatawag sa paaralan ang kanilang mga magulang. Ngunit sa halip na sabihin sa
mga magulang ay makikiusap sa isang kakilala upang magpanggap na kaanak. Sa
ganitong paraan, hindi siya mapagagalitan ng kaniyang mga magulang sa kaniyang
pagkakasala na nagawa. Dumarami ang taong kaniyang niloloko upang maisalba
ang kaniyang sarili sa anumang kahihinatnan ng kaniyang pagkakamali.

6
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
(Selfish Lying). May mga taong labis na makasarili. Ang tanging iniisip ay ang
pansariling kapakanan at hindi na iniisip kung makasasakit ng kaniyang kapwa.
Halimbawa, may isa kang kaklaseng lalaki na labis ang pagiging pilyo. Kahit sa oras
ng klase ay pinaiiral niya ang ugaling ito. Binato niya ang isang kaklase ng bolang
yari sa papel. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tinamaan nito ay ang
kaniyang guro na nakatalikod habang nagsusulat sa pisara. Sa pagtatanong ng guro
kung sino ang may kagagawan ay bigla na lamang niyang ituturo ang isang tahimik
na kaklase upang siya ang pagalitan ng guro. Hindi ba nangyayari talaga ito sa silid-
aralan?

D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying). Minsan


kapag may galit tayo sa isang tao, lumilikha tayo ng maraming kuwento na
makasisira sa kaniyang pagkatao. Ikakalat ito sa mga taong nakakikilala sa kaniya
na may hangarin na sirain ang pagtingin ng mga ito sa kaniya. Sa paraang ito
nakararamdam ng kasiyahan ang taong gumagawa nito. Ito ay dahil sa kaniyang
palagay na makagaganti siya sa kaniyang kaaway.
Marami pang ibang mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao. Ang
sumusunod ay ilan lamang sa mga ito.
a. Upang makaagaw ng atensyon o pansin
b. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
c. Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
d. Upang makaiwas sa personal na pananagutan
e. Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o
“malala”

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang salawikaing nasa ibaba at sagutin ang mga gabay
na tanong.

Be Honest…
Even if others are not
Even if others will not
Even if others cannot

- Derived from the advocacy of the Brotherhood of Christian


Businessmen and Professionals

Gabay na Tanong:
1. Pamilyar ba sa inyo ang salawikaing ito? Saan mo nakitang nakasulat ito?
2. Sa iyong palagay, bakit kaya nabuo ang salawikaing ito? Ipaliwanag.

7
Isaisip

Natutunan ko ang kahalagahan ng __________________________.


Nahihinuha ko na mahalaga ang mga natutunang ito dahil
______________________________________________________.
Isasabuhay ko ang mga natutunan ko ________________________.

Isaisip

Panuto: Sa pagkakataong ito, ay magbabahagi ka ng dalawang sariling karanasan


tungkol sa pagpapakita ng katapatan. Buuin ang talahanayan sa ibaba, ayon sa
hinihingi nito.

“Truth Log”
Sariling kuwento ng katapatan sa Pagpapakita ng katapatan sa salita at sa
salita at sa gawa gawa mula sa kapwa mag-aaral, kaibigan o
kapamilya
1.

2.

Gabay na tanong:

1. Ano ang nararamdaman mo matapos mong maitala ang mga karanasan mo at


sa mga taong nakapalibot sa iyo tungkol sa katapatan? Bakit?
2. Ano ang ginawa mo pagkatapos mong magsinungaling at ang ginawa mo
matapos mong masaksihan ang kawalan ng katapatan ng kapwa?

8
Tayahin

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang pinapakita sa bawat


sitwasyon. Isulat lamang ang titik na katumbas nito.

A – upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao


B – upang isalba ang sarili at maiwasan ang mapahiya
C – upang protektahan ang sarili kahit na makapinsala ng ibang tao
D – upang sadyang makasakit ng kapwa
E – upang makaagaw ng atensiyon o pansin
F – upang mapasaya ang isang mahalagang tao
G – upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
H – upang makaiwas sa personal na pananagutan
I – upang matakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o
“malala”

1. Nang itanong sa guro kung sino ang hindi nahirapan sa kanilang pasulit sa
Math, biglang taas kamay ang isa sa mga makulit at mahina sa klase at
sinabing hindi daw siya nahirapan at simpleng-simple lang daw ang pasulit.
2. Ayaw mong pagalitan ka ng iyong ina dahil gabi ka nang umuwi matapos
mong sumamang gumala sa iyong mga kaibigan, kaya sinabi mong mayroon
kayong ginawang proyekto.
3. Upang maiwasang maparusahan ng mga magulang dahil sa pagkakamaling
nagawa sa paaralan, sa halip na magulang ang pinapunta ay nakiusap ang
isang mag-aaral sa isang kakilala na akuin niya ang pagiging magulang nito.
4. Alam mong masasaktan ang iyong kaibigan sa ginawa ng kapwa ninyo
kaibigan kaya minamabuti mong hindi na lang ipagbigay alam ang nangyari at
nang mapanatili ang mabuti ninyong samahan.
5. Hindi sinabi ng kapamilya ang malalang sakit ng kanilang ama sa kanilang ina
na nasa abroad nagtatrabaho upang takpan ang suliraning kinakaharap ng
asawa at para hindi ito mag-alala.
6. Dahil sa galit mo sa iyong kaklase, ay lilikha ka ng mga kuwentong sisira sa
kanyang pagkatao at upang makaganti ka sa kanya.
7. Nais mong bigyan ng magarbong regalo ang iyong bestfriend, kaya ninakaw
mo ang pera ng iyong nanay para makabili nito. Nang tinanong ka kung saan
mo nakuha ang perang pambili mo sa regalo, ay pinagyayabang mo pang
sinabing pinag-ipunan mo ang perang pinagbili nito.
8. Minabuti mong protektahan ang iyong pangalan, kaya sinabi mong nakakuha
ka ng mataas na puntos dahil nag-aral ka talaga, kahit may nagsumbong sa
iyong guro na nakakita sa iyong nangongopya sa matalino mong katabi. Idiniin
mo na ang nagsumbong ang siyang nangongopya at hindi ikaw.
9. Nagkagulo sa loob ng classroom bago dumating ang guro. Isa ka sa
nagsimula sa kaguluhang nangyari. Tinanong kayo ng guro kung sino ang
nanguna sa kaguluhang iyon. Idiniin mo ang katabi mong hindi kasali sa gulo
at nanahimik lamang na siyang nagpasimuno sa gulo.

9
10. Nabasag mo ang mamahaling flower vase ng iyong nanay habang
nakipaghabulan ka sa iyong nakababatang kapatid. Alam mo na kapag sinabi
mong ikaw ang nakabasag nito, ay tiyak kang pagagalitan at paparusahan.
Kaya binaliktad mo ang kuwento at sinabing ang nakababata mong kapatid
ang nakabasag nito.

Karagdagang
Gawain
Panuto: Bumuo ng sariling salawikain tungkol sa KATAPATAN. Isulat ito sa short
bondpaper at maging malikhain sa pagbuo nito katulad ng paglalagay ng mga
desenyo sa palibot nito.

Halimbawa:

Honesty is the best policy

Krayterya para sa pagbibigay ng puntos:


Kaangkupan - 5 pts.
Pagkamalikhain - 5 pts.
_____
Kabuuan -10 pts.

10

You might also like