Simuno o Paksa Review

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

- Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin

sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng


diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa. –

Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o


impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.

Karaniwan

- Maganda si Khristiane.

- Pumunta si Thom sa palengke.

- Gustong maglaro ng basketball ni Nico.

 Di Karaniwan

- Si Allen ay nakatulog sa classroom.

- Tayo ay nalulungkot sa pagkawala ni Carlo james.

- Sina Nieva at Christine ay sumayaw sa kanto.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

1. Pasalaysay o Paturol Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa


tuldok. Mga Halimbawa - Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto. - Ang mundo ay umiikot sa
sarili nitong axis. - Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.

2. Patanong Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang
bantas sa hulihan nito. Mga Halimbawa - Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng
Pilipinas? - Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester? - Kanino makukuha ang mga
klas kards?

3. Padamdam Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat,


paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring
gamitin ang tandang pananong. Mga Halimbawa - Ay! Tama pala ang sagot ko. - Ano? Hindi mo pa
natatapos ang proyekto natin?

4. Pautos o Pakiusap Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang
pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.

Mga Halimbawa Pautos - Mag-aral kang mabuti. –

Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School.
Pakiusap - Pakibigay mo naman ito sa iyong guro. - Maari bang iabot mo ang aklat na iyan.

SUGNAY

Ang Sugnay ay bahagi ng mga salita pangungusap na buo ang diwa. Maroong itong dalawang uri, ang
sugnay na makapag-iisa at sugnay na di mag-iisa.

Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring tumayo bilang payak na pangungusap.

Hal.
- Ang ating mga tahanan ay linisan. - Nagluluto ako na ako ng ulam. - Ang aking takdang araling ay
tapos na. - Si itay ay nagpunta sa doktor. - Ako ay kakain ng gulay.

Sugnay na di makapag-iisa - mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng
ipinahahayag. Kailangan nito ng sugnay na makapagiisa upang mabuo ang diwa.

- upang di pamugaran ng lamok. - nang sila ay dumating. -kaya pwede na akong maglaro sa labas. -
upang magpagamot. - para maging malusog ang aking katawan.

Hal.

(naka-highlight sa pula = makapag-iisa---- pag berde = di makapag-iisa)

1. Ang ating mga tahanan ay linisan upang di pamugaran ng lamok.

2. Nagluluto na ako ng ulam nang dumating sila.

3. Ang aking takdang araling ay tapos na, kaya pwede na akong maglaro sa labas.

4. Si itay ay nagpunta sa doktor upang magpagamot.

5. Ako ay kakain ng gulay upang maging malusog ang aking katawan.

Bahagi ng Pananalita

Pangngalan - (noun) - mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag
sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp. Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae Bahagi ng Pananalita
 Panghalip - (pronoun) - paghalili sa pangngalan. Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

Pandiwa - (verb) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.

Pangatnig - (conjunction) - ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp

Pang-ukol - (preposition) - ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos. Halimbawa: para, ukol,
ayon

Pang-angkop - (ligature) - bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang
pagkakasabi ng pangungusap. Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.

You might also like